logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER TWO

SIMULA pagkabata ay bakla na ang tingin ni Faye sa kaibigan niyang si Kahlil. Hindi iyon maintindihan ng binata lalo na at ang tingin niya sa kanyang sarili ay isa siyang anghel na inilaglag sa daigdig para umibig sa isang normal na babae. Ni hindi makikitaan ng feminine side ang physical attributes niya dahil marami kaagad ang ngsasabi sa kanya noon na isa siyang gwapong lalaki. Iyon nga lang, bakla kaagad ang itinawag ni Faye sa kanya nang sila ay unang nagkakilala.
Napapikit na lamang si Kahlil nang sinariwa niya ang pagtatanong niya sa dalaga ng dahilan kung bakit naging bakla siya sa paningin nito.
“Kahit na hindi ka pa umamin ay naaamoy ko na ang kabaklaan diyan sa dugo mo,” panunukso ni Faye sa binata. “Malakas kaya ang radar ko dahil marami akong kaibigang bakla.”
“Paano kung sabihin ng iba na mali ka dahil lalaki talaga ang tingin nila sa akin?” tanong ni Kahlil sa isang painosenteng tinig.
“Imposibleng mangyari iyon lalo na at masyado kang malambot kung kumilos,” sagot ni Faye. “Ang lambot kaya ng kamay mo.”
Nangunot na lamang ang noo ni Kahlil dahil sa sinabi ni Faye. Hindi naman na bago sa kanya ang masabihang malambot ang kanyang mga kamay lalo na at lumaki siya sa isang malaking mansyon kung saan ibinibigay ng mga kasambahay nila ang lahat ng mga pangangailangan niya, tanda na anak nga siya ng isang bilyornaryong negosyante.
Kahit naaasar si Kahlil kapag tinatawag siyang bakla ni Faye ay nagagamit niya ang kanyang gay card kapag kailangan. Hindi rin kasi siya mahilig makihalubilo sa mga babaeng alam ang economic status niya sa buhay. Minsan nga lang ay nakakarating sa ama niyang si Don Alejandro ang pagpapanggap niya bilang bakla.
“Mukhang wala ka pa ring natitipuhang babae kahit na binatang-binata ka na,” panunukso ni Don Alejandro sa anak. “Ginagamit mo na naman ba ang dahilang bakla ka para maturn-off sila sa iyo?”
“Why not? They are just flirting with me,” sagot naman ni Kahlil. “In hopes na magiging mayaman din sila kapag nakasama na nila ako.”
Kadalasan, puro tawa lamang ang isasagot ni Don Alejandro sa sinasabi ni Kahlil sapagkat may bahid din naman ng katotohanan ang sinasabi nito sa kanya. Iyon nga lang, dahil sa hindi pa rin naghahanap ang anak niya ay iniisip na niyang may katotohanan ang sinabi ni Faye tungkol sa nag-iisa niyang anak.
“Sigurado ka bang hindi ka bakla?” tanong ni Don Alejandro sa anak.
Isang marahas na iling ang pinakawalan ni Kahlil, “There is no way in hell na magiging bakla ako. Hindi lang malinaw ang paningin ni Faye.”
“Siguraduhin mo lang sa sarili mo na totoo ang sinasabi mo dahil naiinip na rin ako para sa isang apo,” nakangiting sabi ni Don Alejandro sa anak.
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Kahlil nang naalala niya ang matinding pagnanais ni Don Alejandro na magkaroon ng isang apo. Well, hindi rin naman niya masisisi ang kanyang ama kung sabik man ito sa apo lalo na at siya lang ang nag-iisang anak nito. Ang pagkakaroon ng isang apo ang magseselyo sa future niya bilang isang CEO. Iyon nga lang, dahil sa batid din naman ng iba na siya ay isang ‘bakla’ ay hindi pa rin niya nakikita ang tamang babae para sa kanya.
“You know what, mas maganda kung liligawan mo na si Faye,” suhestiyon ni Don Alejandro sa anak. “Sa tingin ko kasi ay wala ka na rin namang ibang choice dahil kumakalat na rin ang tsismis na bakla ka.”
Napailing na lamang si Kahlil dahil hindi rin naman niya alam kung papaano niya papaniwalain si Faye na isa siyang straight na lalaki. Nakaukit na rin naman kasi sa utak ng dalaga ang una nitong impresyon sa kanya na siya ay isang bakla. Iyon nga lang, kung mga kamay at kilos ang pagbabatayan ni Faye ay masasabi talaga nitong isa siyang bading.
NAPATINGIN na lamang si Kahlil sa suot niyang relo nang huminto siya sa pagpirma ng mga papeles. Hindi niya namalayang past five pm na at naghahanda na rin sa pag-uwi ang kanyang mga empleyado. Well, hindi naman siya pwedeng makipag-unahan sa mga empleyado niya lalo na at wala pa naman sa kalahati ang napipirmahan niya. He is contemplating kung mag-uuwi na lamang ba siya ng mga papel o pipilitin na niyang tapusin ang kalahati sa mga pinipirmahan niya. Hindi nga lang niya nagawang makapagdesisyon kaagad dahil bigla na lamang siyang tinawagan ni Faye nang sandaling iyon.
“Napatawag ka? Tapos na ba ang webinar mo ngayong araw?” tanong ni Kahlil sa dalaga. “How is it?”
“Okay lang, may kadugtong pa bukas,” sagot naman ni Faye. “Nakauwi ka na ba?” tanong niya sa binata.
“Hindi pa, marami pa itong pinipirmahan ko eh,” sagot ni Kahlil. “Siguro mga seven pm ay uuwi na rin ako. Wala naman na kasi akong ibang schedule ngayong araw.”
“Samantalahin mo na kaya ang pagkakataon para makapag-relax ka? Wala ka naman palang ibang meeting eh,” suhestiyon ni Faye. “Mas mabuting may sapat kang pahinga para bukas ay hindi ka pagod kaagad kapag hinarap mo iyan.”
Bago pa man makapagsalita si Kahlil ay pinagpatayan na siya ni Faye ng cellphone. Napangiti na lamang siya dahil kahit na alam niyang nakauwi na rin ang dalaga sa bahay nito ay hindi ito nakalimot na tawagan siya para lang kumustahin. Kunsabagay, iyon na rin naman ang naging gawi ng kaibigan niya noon pa kahit na noong sila ay nag-aaral pa.
“Siguro naman ay hindi ako pagagalitan kung uuwi ako nang maaga ngayong gabi,” sabi ni Kahlil sa kanyang sarili. “Mag-uuwi na lamang ako ng mga pipirmahan para sigurado.”
Nagulat pa si Don Alejandro nang nakita niyang maagang umuwi ang anak niyang si Kahlil. Ang akala niya ay mag-oovertime na naman ito sa opisina lalo na at madalas naman iyong gawin ng anak niyang si Kahlil buhat nang tanggapin nito ang posisyon bilang CEO. Mas madalas pa na hindi niya ito nakikita sa gabi sa kadahilanang buong araw at oras nito ay nakain na ng trabaho. Ni hindi niya ito nakakausap kaya laking gulat talaga niya nang nakita niya itong umuwi nang maaga.
“Nagdinner ka na?” tanong ni Don Alejandro in a casual tone. “Kung hindi ka pa nagdidinner ay sabayan mo na ako.”
Isang tango na lamang ang isinagot ni Kahlil bago pa man siya naupo upang sabayan ang kanyang ama sa pagkain. Naninibago siya sa sitwasyon nila lalo na at ngayon lang niya ulit ito masasabayang kumain. Hindi naman sa ayaw niyang makasabay si Don Alejandro, nagkataon lang na nasobrahan siya sa pagiging busy kaya natagalan nab ago pa man niya ito nasabayang muli sa pagkain.
“Hulaan ko, pinauwi ka ni Faye ngayon kaya napaaga ka ng dating,” nangingiting sabi ni Don Alejandro sa kanyang anak. “Hindi pa ba talaga kayo magkarelasyon sa lagay na iyan?”
Naubo na lamang si Kahlil sa tanong na iyon sa kanya ni Don Alejandro, “Paano naman po kami magkakaroon ng relasyon eh ang alam po niya ay bakla ako?”
“Well then, do whatever it takes para masiguro mong maitatama mo ang pagtingin ni Faye sa iyo,” sambit ni Don Alejandro sa anak. “Siya lang din kasi ang nakikita kong makakatuluyan mo pagdating ng tamang panahon.”
Hindi na natanggal pa sa utak ni Kahlil ang sinabi ni Don Alejandro sa kanya during dinner time. Hindi niya alam kung bakit nasabi nitong si Faye lamang ang nakikita nitong makakatuluyan niya pagdating ng tamang panahon.
“Hindi kaya nanghihinayang si Faye dahil ang alam niya ay bakla ako?” tanong ni Kahlil sa kanyang sarili.
Bago pa man tuluyang masagot ni Kahlil ang tanong na iyon ay bumigat na rin ang mata niya at tuluyan na siyang nakatulog. Hindi na niya nagawa pang pirmahan ang mga papeles na inuwi niya. Kunsabagay, hindi naman makakasagabal sa schedule niya kung hindi pa iyon pirmado dahil inaaral pa naman niya kung approved ba sa kanya ang laman noon o hindi.
NANG sumunod na araw…
Ginulat ni Kahlil si Faye nang lumabas ito ng bahay. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak nito at bigla na lamang nagpakita ang kaibigan niya. Sa pagkakaalam niya ay may pasok pa ito dahil halata naman iyon sa suot nitong business attire. Ganoon pa man ay nilapitan pa rin niya ang kaibigan niyang bakla. Isang ngiti ang nakabakas sa kanyang labi nang sandaling iyon.
“Mukhang napaaga ka ah, may dadaanan ka ngayon na same way papunta sa school?” tanong ni Faye sa kaibigan.
“Wala naman, masama na bang daanan ang isang kaibigan?” tanong pabalik ni Kahlil sa dalaga. “Traffic ngayon, mahihirapan kang mag-commute kaya isasabay na kita.”
Napakamot na lamang ng ulo si Faye sapagkat sa pagkakatanda niya ay magkaiba ang daan papunta sa pinapasukan niyang school at sa pinapasukang company ni Kahlil. Bigla siyang tinubuan ng hiya lalo na at alam niyang mapapalayo ang binata sa pinapasukan nito kung ihahatid pa siya nito. Bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig para sabihin kay Kahlil na huwag na siyang ihatid ay naunahan na siya ng binata.
“Ano? Mahihiya ka na naman ba dahil mapapalayo ako ng daan?” tanong ni Kahlil sa dalaga. “Sumakay ka na dahil masisira lang ang beauty ko kung hindi ka pa sasakay.”
“Hindi ka naman kasi obligadong sunduin ako eh,” sagot ni Faye. “Kaya ko namang mag-commute sa –“
“Faye, kahit na sabihin mo pang kaya mong mag-commute ay wala ka ring masasakyan papunta sa school dahil wala ngang dadaan dito. Ipit sa traffic ang mga jeep papunta sa school.”
Wala nang nagawa si Faye nang sandaling iyon kundi ang sumakay na lamang.sa kotse ng binata. Hindi na rin siya nakipagtalo pa dahil alam niyang hindi rin naman siya mananalo sa argumento. As usual, pinigilan na naman siya nitong umupo sa backseat dahil ayaw nitong magmukhang driver ng dalaga.
“This is your place here in this car, sa passenger seat,” sambit ni Kahlil bago pa man niya pinaandar ang kanyang kotse.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (44)

  • avatar
    POLIQUITCATH

    love it.

    11/07

      0
  • avatar

    sangat kesunduan

    30/05

      0
  • avatar
    TibayElvira

    the story it's so nice recommended this.

    24/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด