logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Trained For Zombies

Trained For Zombies

Ninsies


Chapter One

(Phone rings)
Kinapa ko ang side table at inabot ang phone na walang tigil sa kaka-ring.
Siguraduhin lang ng caller na 'to na importante ang sasabihin niya dahil lilipad ang earwax niya.
"What?" I huskily said on the phone.
"Kayeen, my gosh! Nakailang calls ako sa'yo!"
Sabi sa phone kaya alam ko na kung sino ang tumawag.
Ang bruha kong best friend!
"Sino bang nagsabi sa'yo na tawagan ako ng madaling araw?! It's 2:00 am for bloody sake and you just disturbed my sleep! Huwag kang magpapakita sa'kin mamaya Slendrina dahil uubusin ko 'yang buhok mo!" sermon ko sa kaniya.
"Yah! That's creepy! It's Sandrena! S.A.N.D.R.E.N.A Sandrena, not Slendrina!"
Napatawa ako sa naging reaksyon niya. She hated that name. Ayaw niyang tinatawag siyang Slendrina. That's her former name. Nang maimbento ang horror game na Slendrina pinalitan niya ang name niya ng Sandrena.
"Bakit ka nga pala tumawag? Istorbo ka you know," I said.
Bumuntong hininga muna siya bago sinagot ang tanong ko.
"I have this weird feeling,"
I rolled my eyes and answered, "Anong mayro'n?"
"Hindi ko alam," she answered.
"'Yon lang ang itinawag mo? Ewan ko sa'yo!" inis kong sabi at pinatay ang tawag.
Binagsak ko ang phone sa side table at humiga sa kama. Inaantok pa kaya ako.
(Phone rings)
Not again!
Inis kong inabot ang phone at sinagot.
"Alam mo Sandrena kung wala kang—"
Naputol ang sasabihin ko nang pabulong siyang sumigaw.
"Kayeen! Help me! They're everywhere!"
Napakunot noo ako sa sinabi niya. Mabigat ang hininga niya at parang takot na takot.
"Sandrena, hindi kita maintindihan. Calm down," I said.
"Z...zombies! May zombies!" takot niyang sigaw.
"Sandrena, anong pinagsasabi mo? Adik ka ba?" ani ko na nagtataka na.
"Kayeen! Help! Ahh!" she shouted and the call ended.
Sh*t! What's happening?!
I dialed her number but it's out of coverage na. Totoo ba ang sinabi niya o baka trip na naman 'to?
"Darn!" inis kong sabi at binato sa kama ang phone.
Hindi ako mapalagay. Parang may tumutulak sa'kin na puntahan si Sandrena sa bahay nila.
Kahit inaantok pa rin ay tumayo ako at nagtungo ng banyo. Honestly, hindi ko talaga siya matiis. Kahit na palagi niya akong iniistorbo mahal ko pa rin siya 'no. Of course, she's my best friend!
Naghilamos ako at saka nagpalit ng damit. I wore a black T-shirt, jeans, and jacket. Nilugay ko lang ang buhok ko dahil malamig sa labas. Remember madaling araw pa lang?
Nang makuntento na ako sa sarili ko, inabot ko ang dalawang mini knife at nilagay sa bulsa ng jacket at ang isa ay sa sapatos, for an emergency. Baka makasalubong ako ng kriminal, rapist, magnanakaw o zombies na sinasabi ni Sandrena.
I know it's funny. Zombies at present times? Sinong psycho naman ang gagawa ng virus at ipapahamak ang mundo? Unless may palpak na nangyari.
I slowly opened the window and went out. If I go through the door, mom will catch me. Dumaan ako sa malaking sanga ng puno at bumaba. Mabuti na lang at nilagyan ko ng hagdan iyon dati kaya napadali ang pagbaba ko. Dumiretso ako ng garahe at nilapitan ang scooter ko. Tinulak ko ito palabas hanggang sa labas ng gate. Sinuot ko na ang helmet ko at pinaandar na ang scooter.
(Highway)
"Harrrrr!"
Napakunot noo ako nang marinig ang ungol na iyon. Kakaibang ungol. Parang pamilyar sa'kin ang narinig ko.
"Harrrrr!"
Dahil sa pangalawang ungol na narinig ko ay binilisan ko ang pagpapatakbo ng scooter. Nanlalamig ang katawan ko at ramdam kong nagsitayuan talaga ang mga balahibo ko. I think there's something wrong. My instinct can feel it.
Nang marating ko ang gate ng subdivision nila Sandrena ay huminto ako.
Bakit walang guard?
Hindi puwedeng walang guard ang nagbabantay dito dahil magkakaroon ng pagkakataon ang mga kawatan na looban ang mga bahay dito.
Dahil wala namang guwardiya na nagbabantay binuksan ko na lang ang gate at pumasok sakay ng scooter syempre.
I looked around. Their subdivision seemed to suddenly become weird. Yes, there's silence. It's only natural because it's till dawn. But the atmosphere here is different than ours.
Nawe-weirduhan man ay tumuloy pa rin ako dahil kailangan kong puntahan si Sandrena. Ang creepy dito. Parang naging haunted bigla ang subdivision nila. Dumagdag pa sa senaryo ang malamig na ihip ng hangin. It gives me shiver.
When I reached Sandrena's house I immediately went down, took off my helmet, and went straight to the gate.
Weird. Nakabukas ang gate nila?
I slowly walked in and looked around. Because it's possible that someone will see me and I'll be mistaken for a thief. I went straight to the door and was shocked because even it was not locked. And then, it hit me. What Sandrena said on the phone earlier!
Bigla akong kinabahan kaya kinuha ko ang mini knife ko at naging alerto. Baka atakihin na lang ako bigla ng zombie. Ano ba 'to nagiging paranoid na ako dahil kay Sandrena.
I walked slowly inside their house and searched her.
Sandrena where are you witch!
Pinakiramdaman ko ang kabuuan ng bahay. Ang tahimik at parang walang tao. Pero, magulo ang mga gamit dito.
Sandrena show up because I'm going to consume your hair!
Dahan-dahan akong umakyat ng hagdan at tinungo ang kuwarto niya. Hinawakan ko ang siradura ng pintuan ng kwarto niya at binuksan ito. Nagulat na lang ako nang may dumamba sa'kin at parang bayolente kumilos. Pilit ko siyang tinulak at nang makakuha ng pagkakataon ay tinarak ko rito ang mini knife ko. Pero, patuloy pa rin ito sa pagwawala kaya sinipa ko siya dahilan ng pagtilapon niya sa dingding. Agad akong tumayo at inayos ang sarili.
When I looked at the object that attacked me my eyes widened.
"Sandrena?! Oh my gosh! I'm sorry! Nasaktan kita. Sandali kukuha ako ng first aid kit," I said in a daze and turned away.
Pero, nakakaisang hakbang pa lang ako nang dambahin niya ako dahilan ng paggulong namin sa hagdan.
"Ah!" I moaned.
"Harr!" she said so I was even more confused.
"Sandrena anong nangyayari sa'yo?" alala kong tanong.
"Harr!" aniya at dinamba ulit ako.
Pilit ko siyang tinutulak dahil parang gusto niyang kumagat. Kinapa ko ang mini knife sa sapatos ko at tinarak ito sa ulo niya. Doon na tumigil ang pag-atake niya sa'kin.
"Sandrena?" tawag ko pero wala na itong imik.
Oh my gosh! I killed her with my own hands!
Dumaloy ang mainit na likido sa pisngi ko at napahikbi na lang ako.
"I kil—led yo—ou. I'm so so—orry," hirap kong sabi.
Ilang minuto akong umiyak nang makarinig ako ng kaluskos. Binitawan ko ang bangkay niya at kinuha ang mini knife na nakatarak sa ulo niya. Hinalikan ko muna sa noo ang best friend ko sa huling sandali bago tumayo.
Dahan-dahan akong naglakad papunta ng sala. Nakukyuryos ako sa kaluskos na narinig ko kanina. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig.
This is not happening! Am I watching a zombie movie or am I existing in a real-life zombie apocalypse?
Agad kong sinara ang pintuan at ni-lock. Umatras ako nang umatras hanggang sa napahinto ako dahil may matigas akong natamaan. Dahan-dahan akong lumingon at nanlaki na naman ang mga mata.
"Harrr!"
Bloody sh*t!
"Ahh! Zombie!" I shouted and step backwards.
Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa'kin at nakalaylay ang dila. Ang pangit ng dila kulay pasa!
"Huwag kang lalapit! Pupugutan kita ng ulo!" I threatened as I continued to retreat.
Napatigil ako sa pag-atras nang maramdaman ko ang matigas na bagay sa likuran ko. May vibration akong nararamdaman dito. And then, it hit me. Napalakas ang pagsigaw ko kanina. Malamang narinig iyon ng mga zombie sa labas at kinakalampag na nila ngayon ang pintuan.
"Patay kang bata ka," I whispered to myself.
"Harrr!"
Umiwas ako sa pag-atake nito at sinipa ito sa tagiliran. Tumakbo ako papunta ng kitchen at doon dumaan sa back door. Ni-lock ko na rin ang pintuan para hindi ako masundan ng humahabol sa'kin. Nagtago ako sa garden dahil nagkalat na sa labas ng bahay ang mga zombies.
She's right. Sandrena's right.
Ngayon, paano ako makakaalis dito?
Tumingin ako sa paligid at nahagip ng mga mata ko ang malaking lata. Pinulot ko ito at tinapon. Sinundan naman ito ng mga zombie kaya dali-dali akong tumakbo papunta ng scooter. Nataranta pa ako sa paglagay ng susi nang umungol ang mga zombie at nahulog ang helmet ko.
Bloody sh*t!
When I started my scooter I immediately leave the place. I haven't picked up my helmet because it's just wasting my time. Habang nagmamaneho, nanginginig ang mga kamay ko at walang tigil na pumapatak ang luha sa'king mga mata. I'm a killer. I killed my best friend. Tapos, hinahabol pa ako ng mga zombie.
As I was crossing the highway I couldn’t help but feel guilty for what I had done. If I had gotten there earlier I might have saved her. Maybe I'm still with her today. Repentance is always really late.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (94)

  • avatar
    Yram Yparraguirre

    Thats good story

    19d

      0
  • avatar
    morillojay

    nice

    23d

      0
  • avatar
    Rhym Valentin Agustin

    it's was amazing

    06/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด