logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 5 Unang Bakasyon

Tatlong buwan ang nakalipas, nang simulang makupkop si Aurora ng mag-asawang Santos, ang mga batang si John, Florañia, at Mimi ay naging matalik na kaibigan ng dalaga maliban sa tatlo dahil malayo ang loob nila sa dalaga. Buwan ng Abril kakatapos lamang ng linggo ng mahal na araw ito ang pag-alala sa kamatayan at sakripisyo ni Hesus sa buong sanlibutan. Simula na naman ang bakasyon ng mga bata mula sa kani-kanilang paaralan, ito rin ang buwang mag-sisimula na ang tag-araw, at unang araw ng bakasyon ni Aurora sa Masbate.
Araw ng Sabado ng hapon.
“Napaka init dito sa loob ng aking silid!” tumatagaktak ang kanyang pawis sa buong katawan tila isa siyang yelong natutunaw dahil sa tindi ng init.
Maya-maya’y may kumatok sa kanyang pinto.
“Sino yan?” pumasok sa silid si Ginang Dona upang mangamusta, “Aurora bakit hindi ka lumabas ng bahay masyadong maiinit dito sa iyong silid?” tanong ni Ginang Dona sa dalaga, “Nais ko lang pong magbasa ng mga aklat Ginang Dona!" sagot ng dalaga, “Mahilig ka talagang mag-basa ng mga libro Aurora! Kaya huwag kang mag-alala kapag naipasa mo ang Alternative Learning System ay muli kang makakabalik sa pag-aaral sa Hunyo!”

“Maraming salamat po Ginang Dona sa tulong niyo” wika ng dalaga.
“Masaya rin ako sayo pero bakasyon ngayon! hindi kaba lalabas? maganda na lumabas ka ng bahay para maginhawa ang iyong katawan! Sige na!”
Agad sumunod sa utos si Aurora na lumabas ng bahay. Nang makalabas ng bahay ay pumunta ito sa ilalim ng punong mangga, sa kanyang pagkakapahinga ay umihip ng malakas ang hangin, nadama ng dalaga ang sariwang hangin ng probinsya, pinikit niya ang kanyang mga mata upang lalo niyang madama ang ihip ng hangin at umupo sa isang duyan na yari sa gulong, sa ilalim ng tirik at mainit na araw ay matatanaw ang malawak na bukirin ng mga Santos at iba pang bukid sa karatig bayan, makikita rin ang mga naglalaro at nagkukumpulang alagang baka at kabayo sa malawak na bukirin.
“Napakaganda talaga dito sa Masbate!” habang manghang-mangha ang dalaga ay biglang sumagi sa kanyang isipan tila may kulang pa sa kanya, ang kanyang Ama at mga kabataan sa Maynila.
“Ama, Kiko, Anne, Juanita at iba kong kaibigan sana may kakayahan akong dalhin kayong lahat dito sa Masbate! Para makasama ko na kayo!” agad tumingin siya sa itaas ng langit.
“Panginoong diyos huwag niyo akong pababayaan lalo na ang aking Ama na iyong kapiling na at mga kaibigan kong naiwan sa Maynila at sa bago kong pamilya!” dasal ng dalaga na nakatingin sa langit.
“Puwede ba itigil mo ang iyong drama!” tinig ng isang binata.
“Sino yan at na saan ka?”
Bumaba ang isang binata mula sa punong mangga, “Lucas ikaw pala, kanina ka pa ba nandiyan sa puno?” tanong ng dalaga, “Oo! Naudlot lang ang aking pagtulog ng dumating ka!” sagot ng binata.
“Paumanhin kung naistorbo kita sa iyong pagpapahinga!”
“Buti alam mo!" sagot ng binata na kulot ang noo nito.
“Bakit lagi ang sungit mo Lucas? Hindi kita nakikitang tumawa o ngumiti man lang minsan?”
“Wala kanang pakialam! At sa susunod lumayo ka! Kung nasaan ako!” sigaw ni Lucas at umalis ng kusa.
“Saglit lang Lucas! Gusto lang kitang maging kaibigan! Kausapin mo ako pakiusap!” huminto ang binata sa papaglakad.
Lumapit si Aurora “Naikuwento na sa akin ni John ang iyong buhay tatlong buwan na ang nakakaraan!"
“Si John?? Kahit kailan madaldal ang batang iyon!” ani ni Lucas,
“Sabihin mo sa akin Lucas? Ang mga magulang mo ba ang dahilan kung bakit ka ganyan? ngunit hindi ito kumukibo sa kanya.
“Lucas?”
“Oo! Tama ka! Tama ka Aurora, galit ako sa aking mga magulang, nung bata pa lamang ako una kong nakagisnang Ina ay si Ginang Dona mahal na mahal ako ni Ginang Dona, ngunit ilang taon ang lumipas sinabi niya sa akin ang buong katotohanan na isa akong ampon lamang! Ang tunay kong Ina ay isang OFW na kaibigan ni Ginang Dona, dahil sa nais kong makita ang tunay kong Ina pinuntahan namin ito sa Antipolo!. Hindi ko pa siya nakikita ang aking akala kagaya siya ni Ginang Dona, Ngunit hindi! Tinakwil niya ako at sinabi niyang isa lang akong masamang bunga ng pag-iibigan! Sana pinalaglag nalang niya ako! At sana hindi nalang ako nabubuhay kaya simula nuon ay galit na ang aking naiisip sa tuwing naaalala ko ang aking mga magulang!!..”
“Lucas huwag mong sabihin ang mga salitang iyan, pinamigay ka kay Ginang Dona dahil gusto niyang bigyan ka ng maranyang buhay, hindi kaman niyang binigyan ng pagmamahal at pag-aaruga, binigay ka sa mag-asawang Santos dahil alam niyang sila ang magpupuna ng pagmamahal sa iyo na wala sa kanya!” sagot ng dalaga.
“Hindi totoo yan! At isa pa wala kang nalalaman sa akin! Bakit hindi nalang niya ako tinapon sa basurahan!?” sigaw ng binata, “Dahil iyon ang tama, isa pa dahil narin sa panginoong diyos siya ang may gusto nito sa iyo!” sagot ng dalaga na papaiyak habang kausap nito.
“Bakit ka umiiyak??”
“Dahil pareho tayo ng sitwasyon sa buhay, pero ang pagkakaiba natin ay patay na ang aking mga magulang! At lahat ng iyon ay tinanggap ko ng bukal sa aking kalooban at nanalig ako sa diyos na bigyan niya ako ng lakas ng loob, at binigay niya sa akin si Ginoong William at Ginang Dona bilang bagong pamilya!”
Hindi umiimik si Lucas at tinitigan lamang ang dalaga na umiiyak.
“Kaya nagpapasalamat ako sa diyos na bukod sa bagong pamilya ay ang bagong buhay at mga kaibigang kagaya niyo!”.
Maya-maya'y umalis si Aurora at pumasok sa loob ng mansyon at nagpahinga, Naging malungkot para dalawa na inilabas nila ang kanilang lungkot at lihim sa buhay.
Sumapit ang gabi, nakahanda na ang lahat sari-saring ulam ang nasa ibabaw ng magandang lamesa, gulay at pritong isda ang kanilang hapunan, bago kumain ay nagdasal muna ang lahat para sa mga biyayang kanilang natanggap sa araw na iyon.
“Ate Aurora bukas maglalaro tayo kasama ang iba pang kapitbahay! Pagkatapos natin magsimba” mungkahi ni Mimi na nasasabik, “Oo naman Mimi” sagot ng dalaga.
"Mimi ano ang sabi ko sayo kapag kumakain?” tanong ng Ginang.
“Huwag makipagusap habang kumakain” sagot ni Mimi, “Tama at John dahan-dahan lang sa pagkain!"
“Opo Inay” sagot ni John.
Habang kumakain ay magkaharap sina Aurora at Lucas, hindi magkatitig ang dalawa at nakatuon lamang ang atensyon sa kanilang pagkain, tumayo si Lucas.
“Tapos na po akong kumain” tinignan ito ni Ginoong William “Pero hindi mo pa ubos ang kanin! Lucas! Lucas saan kapupunta!” sigaw ng Ginoo, “Hayaan mo na siya William at baka may problema lang ang bata!"
“E, lagi naman si kuya Lucas may problema” biro ni John, tumawa ng mahina ang mga bata maliban kay Aurora, “Sige na! Tama na ang tawanan, tapusin niyo na ang pagkain at walang matitira kahit isa! Maaga pa tayo bukas para magsimba sa St. Anthony of Padua Cathedral sa sentrong bayan!”
“Opo Inay” sagot ng mga bata.
“Bakit hindi po tayo magsisimba sa Parish of St. Joseph?, E linggo-linggo sumisimba tayo dun?" tanong ni Florañia.
“Dahil bibisitahin natin ang aking pinsang pare, kaya sige na tapusin niyo na ang pagkain!”
Pagkatapos kumain at mag-palit ng pantulog ay agad natulog nasa kani-kanilang silid ang mga bata, habang si Aurora ay iniisip si Lucas dahil sa kalagayan niya, tumayo ang dalaga sa kanyang higaan at binuksan na lamang ang bintana upang masilayan ang ganda ng buong bayan ng Milagros at sentrong bayan ng Masbate, kumikinang ang mga gusali dahil sa iba't-ibang ilaw.
Kinabukasan araw ng linggo, araw ng simba para sa pamilyang santos.
“Nasaan naba ang ibang bata at mahuhuli na tayo sa unang misa!”
“Pababa na po sila Ginoong William” sagot ni Inang Gina.
Maya-maya'y bumaba ng ang mga bata at si Ginang Dona na agad sumakay sa kotse. “Inang Gina! Kayo na po muna ang bahala at ang iba pa sa bahay, Babalik kami ng tanghali!" wika ng Ginang na nagpapaubaya, “Opo! Ginang Dona, huwag po kayong mag-alala, hindi kayo mag-sisisi! mag-ingay po kayong lahat!” wika ni Inang Gina na nagpapaalam.
Nang nasa biyahe ang buong pamilya ay maingay ang mga bata maliban kay Lucas na nasa gilid lamang at pinagmamasdan ang mga bukirin sa labas. nakalalipas ang isang oras ay narating na nila ang sentrong bayan ng Masbate, kahit saang paligid kung pagmamasdan ay maraming tao sa bayan dahil araw ng linggo, nang makarating sa simbahan ng St. Anthony of Padua Cathedral ay bumaba ang Ginang at Ginoo sa sasakyan kasama ang mga bata, at pumasok sa loob napansin ni Aurora na maraming tao sa simbahan na kahit nasa labas ay na gagawang tiisin ang nagliliyab na init ng araw para lamang magpasalamat at humingi ng patnubay sa panginoong Hesus.
Nang nasa loob ang pamilyang Santos napansin ni Aurora ang paligid, tahimik ang lahat sa pakikinig sa Pari sa salita ng diyos at magandang balita para sa lahat, taimtim na nalangin ang lahat ng mamamayan sa simbahan. Pagkatapos ng misa agad pinuntahan ni Ginang Dona ang Paring nagngangalang Padre Tomas, kababata at pinsan ni Ginang Dona, matagal na siyang Pari sa simbahan mahigit Sampung taon ang kanyang paglilingkod dito.
“Padre Tomas!” sambit ni Ginang Dona na nangangamusta, “Dona ang aking mabait na pinsan! Mabuti ay muli kang nakapasyal sa bayan!” ani ng Pari.
“Pasensya na kung minsan lang ako dumalaw sa sentrong bayan”
“Kamusta ang mga bata?”
“Ayos lang po kami Padre Tomas!” ani ni Mimi at iba pang mga bata,
“Mabuti naman at pagpalain kayo ng panginoong diyos! saglit lang ito ba ang sinasabi mong dalaga na bago mong kinupkop?”
“Oo Padre Tomas, ito si Aurora galing sa Maynila” sagot ng Ginang,
“Masaya akong makita ka Aurora” tuwa ng Pari.
“Ako rin po Padre Tomas” wika ng dalaga na nakangiti.
“Mga bata maaari ba kayong maglibot-libot sa paligid at kakausapin lang namin ng Itay William niyo si Padre Tomas” wika ni Ginang Dona sa mga bata. “Maganda kung sasamahan kayo ni Sister Irene!" tinawag ng Pari ang baguhang Madre sa simbahan agad lumapit ang madre “Ano po ang kailangan niyo Padre Tomas?” tanong ng Madre, “Maaari mo bang samahan ang mga batang ito upang maglibot-libot sa paligid” mungkahi ng pari.
“Masusunod po Padre Tomas”.
“Kamusta po kayo Sister Irene, ako po si Mimi at sa aking likuran ko po ay ang mga kapatid ko, Si Ate Aurora, Kuya Lucas, John, Florañia, Matthew, at Chelsy” sagot ni Mimi at bumati ang lahat sa Madre.
“Maligaya akong makilala kayong lahat” ani ng Madre.
Nang umalis ang mag-asawa at si Padre Tomas ay pinalibot ni Sister Irene ang mga bata sa loob at labas ng simbahan, ikinuwento rin ni Sister Irene ang buong kasaysayan ng simbahan ng simula itong tinayo noong 1578 na kinuwento ni Ginang Dona kay Aurora.
“Talagang makasaysayan ang simbahang ito” wika ni Aurora.
"Oo tama ka Aurora kaya kahit isa akong baguhan ay pinapahalagahan ko ang kasaysayan ng ating simbahan!”
"Saan po kayo galing Sister Irene?” tanong ni Florañia.
“Galing ako sa Simbahan ng Sorsogon, at lumipat lamang ako dito sa Masbate para malapit sa aking pamilya” paliwanag ng Madre.
Samantala ay napag-usapan ng mag-asawa at ni Padre Tomas si Don Guzman tungkol sa balak nitong pagkuha sa kanilang lupain, “Hindi parin tumitigil si Don Guzman at pinipilit parin niyang paalisin kami sa aming lupain upang makapagpatayo ng malaking pabrika” hinaing ng Ginang, “Nag-aalala kami ni Dona na kung hindi kami pumayag sa gusto niya ay baka may gawin siya sa pamilya namin!” pangamba ng Ginoo, “Huwag kayong mag-alala lilipas din iyan! Pwede naman nating kausapin si Don Guzman!” sambit ng pari “Pero kahit anong paliwanag namin ay wala namang nangyayari!” wika ng Ginang, “Tila tagos lang sa kanyang tenga ang mga sinasabi namin! At wala kaming maipakita titulo o dokumento ng lupa! Dahil hindi namin alam kung kanino binigay ni Lolo Jacobo ang mga dokumento!”
“Kung kukuhain ni Don Guzman ang inyong lupain! Anong klaseng pabrika ang kanyang tatayuin?!” tanong ng pari, “Hindi namin alam Padre Tomas” sagot ng Ginang, “Sana'y gabayan kayo ng Diyos sa magiging resulta!"
Blanko ang isapan ng mag-asawa sa nangyayari sa kanilang lupain at palaisipan parin sa kanila kung bakit na lamang gustong kuhain ni Don Guzman ang kanilang lupa.
Sa kabilang banda, lumipas ang ilang minuto ay naging masaya ang usapan nilang lahat sinabi din ng mga bata na hindi sila tunay na magkakapatid at kinupkop lamang sila ng mag-asawang Santos, namangha ang Madre sa kani-kanilang dinanas sa buhay.
“Nakakalungkot ang inyong naging buhay” wika ng Madre na malungkot, “Pero masaya padin po kami Sister Irene dahil iisang Pamilya na kami!” masayang wika ni Mimi, “Sana'y hindi kayo pabayaan ng Diyos sa mga pagsubok niyo sa buhay” wika ng Madre.
Habang nag-uusap ay lumabas nasi Ginang Dona, Ginoong William, at Padre Tomas sa simbahan tinawag ng Ginang ang mga bata upang umuwi na.
“Sana'y dalasan niyo ang pagsisimba dito sa sentrong bayan!” wika ng Padre.
“Oo naman Padre Tomas” wika ni Ginoong William.
“Mag-ingat kayo sa inyong biyahe pauwi” wika ni Sister Irene “Maraming salamat sa inyo Padre Tomas at Sister Irene sa paglilibot sa mga bata dito sa simbahan!” wika ng Ginang,
“Walang anuman at pag may kailangan kayong mag-asawa huwag kayong mahiyang lumapit”
“Oo Padre Tomas” sagot ng Ginang.
Maya-maya'y umalis na sila sa simbahan at nagpaalam na kay Padre Tomas at Sister Irene.
“Paalam Padre Tomas! at Sister Irene!” sigaw ng mga bata. Nang papalayo na ang sasakyan, “Masaya akong makilala ang mga batang iyon” wika ng Madre “Oo ako din Sister Irene, pero sana'y hindi na sila paalisin sa kanilang lupain” “Pero sino po ang balak na mag-paalis sa kanila?”
“Isang makapangyarihang nagngangalang Guzman” sagot ng padre, “Diyos ko tulungan niyo po ang pamilyang Santos” dasal ni Sister Irene. Pinagmasdan ni Aurora ang simbahan habang papalayo na ito.
Nang makaalis na ang pamilyang Santos sa sentrong bayan ng Masbate sakay ng itim na kotse ay muli itong bumalik sa mansyon sa bayan ng Milagros. kapansin-pansin parin ang mga bukid doon sa lugar at mga nakatanim na mala gintong palay na kumikinang sa ilalim ng araw, kasabay ng init ay ang daloy ng tuyong hangin sa paligid. Pagkarating sa kanilang lupain ay napansin ni Mimi ang mga batang nag-lalaro sa tabi ng bukid, nais ni Mimi na makipaglaro sa labas kasama ng mga bata.
“Inay at Itay payagan niyo po ako makipaglaro sa mga bata” sambit ng bata, “Pero kailangan mong matulog sa hapon! Sige baka hindi ka lumaki!” ngunit nagmamaka-awa pa rin ang bata hanggang sa pumayag naman ang Ginang, niyaya ni Mimi na makipaglaro rin sina Aurora, John, Florañia, Matthew, Lucas, at Chelsy.
“Ayoko sumama” tamad na sagot ni Lucas.
“Pero kuya ngayon lang ulit tayo mag-lalaro kasama ng mga bata sige na!” pilit ni Mimi, hindi nakatanggi ang binata at sumama na lamang ito sa laro, habang si Chelsy naman ay hindi sumama at matutulog na lamang ito sa kanyang silid. Nang makababa ng sasakyan ay agad pumunta sila sa tabi ng bukid upang makipaglaro sa mga bata, lahat ng mga bata na nakatira sa tabi ng bukid ay naglalaro kapag sumasapit ang hapon hanggang gabi, nakisali sila sa mga batang naglalaro ng Patintero, basehan ng pagkapanalo ng larong ito ay ang mga manlalarong nakakalampas sa bawat guhit nang hindi natataya ng mga kalaban, kinabibilangan ng hindi bababa sa sampung miyembro.
Ang grupo nila Lucas, John, at Matthew ay nasa kanan habang sa kaliwa naman ay grupo nila Aurora, Florañia at Mimi, sabik na ang lahat marahil ilang minuto na lamang ay mag-sisimula na ang laro. Hindi nagtagal ay nag-simula na nga ang laro hindi makalampas si Mimi sa una ngunit nakalusot ito, si Florañia ay mabilis ang takbo kaya hindi siya naabutan ni Matthew sa linya, habang si Aurora naman ay sumabay sa takbo ng iba pa nilang grupo, hanggang sa nasagi si Aurora ng kalaro at napadapa ito sa lupa ng malakas.
“Aurora ayos kalang?” tanong ni Florañia
"Ate Aurora nasaktan kaba” tanong ni Mimi na nag-alala, “Ayos lang ako huwag niyo akong alalahanin” sagot nito sa dalawa habang tumayo ay napansin nila na may sugat ito sa tuhod.
“Ate Aurora may sugat ka sa iyong tuhod!!” hindi makapakaling salita ni John.
Nagulat na lamang ang dalaga nang lumapit si Lucas upang tignan ang kanyang sugat at pinaupo siya nito, pinunit ni Lucas ng isang piraso ang kanyang damit upang matapalan ang sugat ng dalaga. “Hindi na ba masakit?” tanong ng binata, “Hindi na gaano!” sagot ni Aurora.
"Matthew at John! Tulungan niyo ako sa pag-alalay kay Aurora! Uuwi na tayo” wika ni Lucas.
Inalalayan nila Lucas, Matthew at John ang dalaga habang nasa likod naman sina Mimi at Florañia pauwi ng Mansyon, Sa paglubog ng araw ay pinagmasdan ni Aurora ang kalangitan na tila ginto ang mga ulap dahil sa sinag ng araw, nang oras na iyon ay unti-unting nakikilala ni Aurora ang pagkatao ni Lucas.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (161)

  • avatar
    SorianoCrissanta

    RECOMMENDED!

    27/03/2022

      0
  • avatar
    Mari Celine

    I want robux

    26d

      0
  • avatar
    Lawrence Acuin

    i love reading this novels

    17/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด