logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 4 Si Don Guzman

Sa asyenda ng De Guzman ay nagsisipaghanda na ang lahat sa pagdating ni Donya Silvera galing bayan, tila mabilis pa sa hangin ang mga kasambahay sa kakamadali at maayos na nailatag ang pulang karpet sa sahig at labas ng asyenda, ang kanilang pintuan ay tila isang malaking kuweba na kulay kahel na nakakaakit sa paningin ng kanilang mga bisita o dadalaw dito, ang asyenda ng De Guzman ay mayroong apat na palapag, na matatagpuan sa taas ng bundok Quintana sa ibaba nito ay ang malawak na bukirin at mga kabahayan, matatanaw din ang lupain ng mga Santos mula sa itaas at makikita din sa ibaba ang ilog asid na nanggagaling sa baybayin ng asid golf, matatanaw sa itaas ang buong bayan ng Milagros at sa hilagang parte naman ay ang lungsod ng Masbate.
Galing sa trabaho sa sentrong bayan ng Masbate si Donya Silvera, isa siyang negosyanteng katulad ng kanyang asawa na si Don Guzman, isa sa mga negosyo nila ay ang pagawaan ng kopra sa bayan, ito ang pinatuyong laman ng niyog ang kopra na pinagmumulan ng iba’t-ibang produkto sa buong lalawigan at sa Maynila.
Pangunahin dito ay ang langis ng niyog na ginagamit sa paggawa ng gamot, sabon, gomang sintetiko, at margarina. Mula rin sa kopra ang coconut cake na ginagamit na pataba sa lupa at pagkain ng hayop.
Habang nakasakay sa isang malaki at itim na kotse si Donya Silvera patungong asyenda De Guzman.
“Maghanda na kayo paparating na ang Donya Silvera” wika ng isang katulong.
Nagmamadali na ang lahat sa pagdating ng Donya.
Maya-maya’y bumusina na ang sasakyan sa tapat ng asyenda, binukasan ng isang katulong ang pintuan ng sasakyan, “Magandang Gabi Donya Silvera!” pagbati ng mga kasambahay. Ang damit ng Donya ay dilaw na kumikinang na tila araw at sombrero na kulay rosas at napapalibutan ng palamuting bato, habang naglalakad sa pulang karpet ay hawak niya ang kanyang mamahaling supot na galing sa bansang Pransya, Pumasok na sa asyenda ang Donya, ang loob ng kanilang mansyon ay napapalibutan ng napakadami at nagagandahang bumbilya at palamuti sa kisame, nagmistulang mga kristal ang mga ilaw sa itaas ng kulay gintong kisame ng asyenda.
“Maligayang pagbabalik Donya Silvera” wika ng kanyang alalay.
“Dumating na ba ang aking asawa? Denise!"
“Hindi pa po Donya Silvera, pero ang inyong mga anak ay nakarating na galing sa kanilang paaralan” sagot ni Denise na isang alalay ni Donya Silvera.
“Sige! Kapag dumating ang Don Guzman ay sabihin mo kakausapin ko siya dahil mayroon akong nalaman, at dalhin mo ang aking mga gamit sa itaas! hindi ko ito mabuhat ng mag-isa!” dinala ng alalay ang mga gamit ng Donya sa taas ng kanyang silid.
“Mama! mabuti at nakauwi kana” wika ng isa sa mga anak ng Donya, “Rosita! Nandito na ba ang iyong kapatid?” tanong ng Donya, “Opo Mama! Nasa itaas si David” sagot ng dalaga.
Habang nag-uusap ang mag-ina ay bumaba si David. “Mama! kanila kapa dumating?” tanong ng binata, “Hindi! Kakarating kulang galing sa bayan!” sagot nito sa anak, “Mabuti Mama ay nakauwi kana, paano ba naman ay nakita kong nakikipaglaro si David sa mga maruruming bata!” wika ni Rosita na nandidiri, “Totoo ba iyon! David?” sigaw ng Donya, “Oo Mama! Hindi masama ang makipaglaro sa kapwa bata! Dahil simpleng bata rin ako kagaya nila!":sagot ng binata, “Mali! Parin ang iyong ginawa dahil naiiba ang pamilya natin sa kanila! Nasa mataas na posisyon ng ating pamilya! Ginagalang tayo at pinagsisilbihan tandaan mo sana ang mga sinasabi ko sayo!”
“Pareho lang kayo ni Papa!” tumakbo ng mabilis si David sa itaas patungong silid.
Umakya ang Donya upang sundan “Mama! Hayaan na muna natin si David! Para mapagisip-isip niya na mali ang kanyang ginagawa” sabi ni Rosita.
Sumunod umakyat sa silid si Rosita.
Sa tapat ng silid ni David ay nandoon ang isang natatangi at misteryosong silid, pumunta ang Donya upang buksan, binuksan niya ito ng dahan-dahan, madilim at walang maaninag sa silid tila isang bulag ang Donya na kumakapa sa dilim, hinanap niya ang buksanan ng ilaw, maya-maya ay nabuksan na niya ito, tumambad ang mga gamit na nakatuklab at natatakpan ng mga punting tela, mahigit isang taon na ang nakaraang hindi ginamit ang misteryosong silid, dahan-dahang lumapit ang Donya, hinawi niya ang mga alikabo sa gamit, inalis niya ang isa sa mga tela.
"Jerico anak!” wika ng Donya, isang larawang malaki ang nakita niya iyon ang larawan na pumanaw na anak niya nasi Jerico, mahal na mahal niya ang kanyang anak kaya malaki ang paghihinayang nito at makikita sa mga mata ni Donya Silvera ang bahid ng kanyang lungkot.
“Hahanapin ko ang taong nasa likod ng pagkamatay mo at bibigyan kita ng hustisya” wika ng Donyang naluluha na.
Habang pinagmamasdan ang larawan ni Jerico.. Ay narinig ni Donya Silvera ang busina ng sasakyan ni Don Guzman sa ibaba ng asyenda. “Magandang gabi po!. Don Guzman!” pagbati ng mga katulong.
Nang makapasok na ang Don ay agad itong dumiretsyo sa kanyang opisina upang magpahinga at binuksan ang mamahaling alak para uminom, bumaba ang Donya Silvera at pumunta sa opisina ng kanyang asawa.
Nang makapasok sa pintuan ang Donya, “Nais mo daw akong kausapin Silvera?” tanong ni Don Guzman, “Guzman! Nabalitaan ko sa bayan na may bago kang negosyo sa Maynila at balita ko'y mahigit pitong taon na? Bakit hindi ko ito alam?!” tanong ng Donya.
"Saan mo naman nabalitaan iyan Silvera sa mga dukha? Ang mga balita ay parang ibon! Dumadapo kahit saan at nag-iiwan ng kanilang bakas! Bakas na walang katuturan!” wika ni Don Guzman habang umiinom ng alak.
“Bakit hindi mo nalang sagutin ang aking mga tanong sa iyo Guzman!! Simple lang ang aking mga katanungan?!” sigaw ng Donya.
“Oo!! Mayroon akong bagong negosyo sa Maynila!” sagot nito.
“Anong klaseng negosyo ang iyong pinagkakaabalahan Guzman?” tanong ng Donya.
“Nakikipag negosasyon ako sa mga banyaga ang prudoksyon ng mga alak at sapatusan sa Marikina ay binibenta ko sa kanila at pinapalitan ng malalaking halaga!” sagot ni Don Guzman
“Mahigit pitong taon mo itong tinago sa akin Guzman!”
“Dahil pipigilan mo ako Silvera, at magpasalamat ka! sa akin dahil kung wala ako hindi sana malulugi ang iyong pagawaan ng Kopra sa bayan!”
Napatahimik ang Donya maya-maya'y nagsalita ito “Alam ko Guzman! Pero sana huwag ka maglihim sa akin dahil asawa mo ako! Kung mahal mo kami ng mga anak mo! huwag na huwag kang magsisinungaling sa akin lalo na sa mga bata!!” wika ng Donya na may pagbabanta.
Hindi na lamang kumibo ang Don at binaling niya ang atensyon sa bintana at pinagmasdan ang liwanag ng buwan.
Bago umalis ang Donya. “Huwag mo sanang kalimutang dumalaw sa puntod ni Jerico dahil bukas na ang kanyang kaarawan, hihintayin ka namin sa sementeryo bukas ng hapon!"
Nang makaalis ang Donya sa opisina ng kanyang asawa.
“Donya Silvera oras na po ng hapunan” ani ni Denise, nagsimula na maghapunan ang mag-iina maliban kay Don Guzman.
Habang na sa kanyang opisina, ay nakaupo lamang ito at umiinom ito ng kanyang alak, habang napapaisip ay tumayo siya at pumunta sa isang sulok, sa sulok ng opisina ay may isang maliit na kabinet, binuksan niya ito at makikita lamang ang larawan ng kanyang kabataan, sa gilid niya ay ang kanyang pinakamamahal niyang ama.
Dalawang pu't taong naninirahan si Don Guzman sa Milagros, Masbate bago pa siya dumating sa Isla ng masbate ay inalala niya ang kanyang nakaraaan, pinanganak siya sa pribadong ospital sa lungsod ng Quezon Disyembre Taong 1941 ngunit sa taong iyon ay sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig, Nang nilusob ng mga sundalong hapon ang Pilipinas at binomba ang buong Maynila.
Ang mga taong iyon ay tila bangungot sa mga magulang ni Don Guzman na napagpasiyahan na lumipat sa ibang bansa, pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig ay doon na sa Estados Unidos na nirahan ang kanyang pamilya limang taong gulang pa lamang si Don Guzman ng manirahan sa Estados Unidos.
Hindi naging maganda ang pagsasama ng kanyang mga magulang dahil sa madalas itong mag-away tungkol sa negosyo at sa pagkakaruon ng kabit ng kanyang Ina.
Nang tumuntong sa walong taong gulang si Guzman ay napagdesisyonan ng kanyang Ina na makipaghiwalay ito kanyang Ama ngunit nagmatigas ang Ama niya.Nagbanta ang Ama niya namagpapakamatay ngunit hindi ito natuloy.
Ilang taong lumipas ay hindi na nagparamdam ang kanyang ina, nabalitaan na lamang niya na mayroon ng bagong pamilya ito sa Washington D C. Pinuntahan niya ang kanyang Ina ngunit tinaboy lamang ito na parang hindi tinuring na Anak, masakit sa kalooban ni Don Guzman ang ginawa ng kanyang Ina at nagkimkim ito ng matinding galit. Habang ang kanyang Ama ay nagsusumikap upang makapagtapos siya ng pag-aaral sa Estados Unidos. Maraming naipundar ang kanyang Ama sa loob ng Labing limang taon, negosyo at pagawaan ng iba't ibang gamit sa Estados Unidos.
Habang na sa kanyang Ama ay tinuruan siyang maging matapang at matatag tinuruan siya ng paggamit ng malalaki at maliliit na iba't ibang armas at baril na siyang lagi kinahihiligan, tinuruan siya ng kanyang Ama na maging malupit sa mga taong gustong umaapi sa kanya.
Dahil sa galit ni Don Guzman ay muli niya pinuntahan ang pamilya ng kanyang Ina, araw iyon ng pasko masaya ang lahat sa bahay ng kanyang Ina nakatanaw lamang siya sa isang bintana ng bahay at hawak niya ang baril at pinaputok ito sa asawa ng kanyang Ina, tumawa lamang ito at paalis.
Lumipas ang mga taon ay mahina na ang kanyang Ama at hindi na niya kayang makita si Guzman na magtagumpay sa buhay bago pumanaw ay ipinamana ng kanyang Ama ang buong negosyo at kayamanang naipon para sa kanya, naging matigas ang damdamin at puno ng galit ang Don Guzman. Maraming napagdaanan sa buhay ang Don hanggang sa makilala niya si Silvera anak ng isang negosyante sa bikol at duon nagpasya ang Don na manirahan sa Masbate.
“Ayoko ng maalala ang lahat ng pangyayari sa aking buhay Papa!” sabi ng Don habang binabalikan ang kanyang mapait na nakaraan.
“Papa! Ikaw lang ang nagparamdam sa akin ng pagmamahal at ikaw ang bukod tanging nagsabi na naiiba ako sa lahat!! Ipapangako ko!! itatatak ko sa aking isipan!”
“Papa!" tinig ng kanyang anak nasi Rosita, Napalingon ang Don sa pintuan at tinago ang kanyang larawan. “Bakit Rosita? May problema ba?”
“Wala naman Papa! Naparito ako para saluhan mo kami sa hapunan” wika ng dalaga.
Maya-maya'y sumunod si Don Guzman upang kumain ng kanilang hapunan. Sari-saring ulam ang matatagpuan sa kanilang lamesa, ang lamesa nila ay gawa sa makapal na salamin at sa ilalim nito ay ang mga bakal na kulay pilak, sa ibabaw ng kanilang lamesa ay mga pagkain na kanilang paborito adobong manok, sinigang na bangus at kaldereta.
“Halika Papa! Umupo ka at kumain” wika ni Rosita sa kanyang Ama.
Habang tahimik na kumakain si Donya Silvera at David, sa kanilang gilid naman ay pinagmamasdan naman ng mga katulong ang buong pamilya sa kanilang hapunan. Nang matapos ang hapunan oras na naman ng kanilang pagtulog nakahiga na si Rosita sa kanyang malambot na kamang yari sa mga balahibo ng tupa, habang si David naman ay nag-aaral sa kanyang pagsusulit bukas, ang mag-asawa naman ay tabing natulog ngunit magkatalikuran.
Naging malamig ang gabi sa buong bayan ng Milagros.
Hanggang sumapit ang umaga, maaga gumising ang lahat ng taga bayan upang bumalik sa kani-kanilang mga trabaho ang mga bata naman ay maagang pumasok sa kanilang mga paaralan.
Ang kalangitan ay napakaganda para sa lahat, asul ang makikita at matatanaw sa langit, mga huni ng ibong umaawit sa himpapawid at tilaok ng tandang ang gumigising sa mga tulog na damdamin, isang mapagpalang umaga ito sa lahat. Habang sa asyenda De Guzman naman ay madaling araw palang ay gising na ang lahat ng mga kasambahay doon.
“Denise nasaan ang aking asawa?! Tila hindi ko siya nakita ngayong umaga!”
“Donya Silvera kanina pa po umalis si Don Guzman para pumunta sa bayan ng Cataingan” sagot ni Denise. Pagkatapos kumain ng almusal ay pumasok na sa kanilang paaralan sina Rosita at David, nang papaalis ang sasakyan.
“Rosita at David huwag niyo sanang kalimutan na umuwi mamayang hapon para dalawin ang inyong kapatid sa puntod!” sigaw ng Donya sa mga anak.
"Oo Mama!” sigaw ng dalawa, “Denise tulungan mo ako sa mga gamit ko papuntang trabaho” wika ng Donya habang nagmamadali, “Opo Donya Silvera” sagot ng katulong.
Habang ang Donya ay naghahanda sa pagpasok sa kanyang trabaho sa sentrong bayan. Sa kabilang banda, Hindi pumunta ang Don sa bayan ng Cataingan ngunit ang totoo ay patungo si Don Guzman sa minahan ng Galera, isa sa mga malalaking minahan dito sa Masbate, ilang taon na ito ginagawa ngunit nahinto ng tatlong taon dahil sa pagguho ng lupa bunsod ng malakas na buhos ng ulan, humingi ng tulong ang may-ari ng minahan kay Don Guzman upang muling buksan ito, sa muling pagbubukas nito ay kasama na si Don Guzman sa pagpapatakbo ng minahan.
Maraming manggagawa ang nagtrabaho sa minahan dahil sa mataas na sahod na nanggagaling kay Don Guzman. Ang kanilang nahuhukay na ginto ay nililinis at iniipon, pagkatapos naman ay hinahatid ito sa Maynila upang palitan ng malaking halaga.
“Don Guzman, ano ang ginagawa mo dito sa minahan?” sabi ng may-ari.
“Dinadalaw ko lamang ang ating minahan, kamusta ang pagpapalakad”
“Maayos naman Don Guzman, maganda ang pagpapatakbo ng minahan!"
“Mabuti naman!"
"Pero mayroon tayong problema Don Guzman!” sabi ng may-ari.
“Ano iyon??”
“Ang mga tao sa ibaba ng minahan nagrereklamo dahil sa pagkasira ng kanilang kapaligiran at pananim na mga halaman, balak na ipasara ito sa susunod na taon!!” wika ng may-ari na nag-alala.
“Huwag kang mag alala ako na ang bahala diyan, kunting silaw lang ng pera ay mapapatahimik na ang mga bibig ng dukha!”
Habang nag-uusap ay natanong ng may-ari kung nasabi na sa kanyang asawa ang tungkol sa minahan ngunit ang sagot ng Don ay “Hindi”, nang sumapit na ang dapit hapon.
Naghahanda ang Buong pamilya para sa pagdalaw sa kaarawan ng kanilang yumaong kapamilya na si Jerico sa puntod nito sa isang pribadong sementeryo sa bayan, Nakaitim ang suot ng karamihan habang nakasakay sa isang mamahaling sasakyan.
“Mama! dadalaw ba ang Papa sa kaarawan ng kuya Jerico?” tanong ni Rosita, “Oo anak! Ngunit baka mahuli lang siya dahil sa trabaho!” sagot ng Donya, habang walang imik si David at nakaupo lamang sa sulok ng sasakyan.
Isang oras ang lumipas ay narating na nila ang sementeryo sa gilid ng bayan, naruruon din ang mga naging kaibigan ni Jerico sa dating pinapasukan na paaralan. Pagbaba ng Donya ay inalalayan siya ng mga katulong at dala-dala niya ang larawan ng kanyang anak patungong puntod nito.
Nang marating sa puntod nito.
“Jerico! Anak maligayang kaarawan sa iyo nandito kami ng mga kapatid at kaibigan mo” sambit ni Donya Silvera habang umiiyak. Habang sa likod ng pamilya ay may mga taong nagkukumpulan nag-uusap tungkol sa misteryong pagpatay kay Jerico, halos hindi makapaniwala ang buong bayan sa kanyang pagkamatay dahil sa wala naman itong nakakaaway o kagalit sa bayan. Maya-maya’y dumating na ang Don Guzman upang dalawin ang anak nito.
"Pasensya kung ngayon lang ako nakarating!” paliwanag ng Don.
“Ayos lang Papa basta nakarating ka sa kaarawan ng kuya Jerico” sagot ni Rosita sa Ama.
Ilang oras lamang ay dumilim ang langit, tumingin sa itaas ang Don upang pagmasdan ang langit, nang bilang pumatak ang tubig sa kanyang mukha at bumuhos ang ulan.
Ang ulan ay tila iyak ng langit na nagdadalumhati sa pagkamatay ng anak ni Don Guzman. Si Donya Silvera, David at Rosita ay malungkot sa nangyari dahil unang beses nilang hindi nakasama si Jerico sa kanyang kaarawan, samantala si Don Guzman ay makikita ang bahid ng lungkot sa kanyang mukha para sa anak.
Samantala, Isang matandang pulubing lalaki ang nagngangalang Sixto ang nagmamasid sa pamilyang Guzman sa pribadong simenteryo.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (161)

  • avatar
    SorianoCrissanta

    RECOMMENDED!

    27/03/2022

      0
  • avatar
    Mari Celine

    I want robux

    26d

      0
  • avatar
    Lawrence Acuin

    i love reading this novels

    17/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด