logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Aurora 1991

Aurora 1991

supremejam


บทที่ 1 Sa Lungsod ng Maynila

[Prologue]
Nagtatago sina Aurora, Lucas at David na wala paring malay sa ilalim ng puno na tabi lamang ng ilog upang makapagpahinga, nagmamasid naman si Lucas sa paligid kung mayroong darating na mga armadong lalaki.
Pinagmasdan ng dalaga si Lucas.
"Lucas! may sugat ka sa braso!" wika nito.
"Huwag mo nalamang pansinin marahil natamo ko ito sa pag-suot sa butas kanina!"
"Akin na tatapalan ko!" kinuha ni Aurora ang isang pamilyar na tela ng damit at nakita nito ni Lucas.
"Sandali?! iyan ba ang isa sa aking mga pirasong damit na pinangtapal ko sa sugat mo nung bakasyon?!"
Maayos at malinis ang tela at may burda na ito.
"Oo! ito nga ang iyong pinangtapal sa akin kaya ibabalik ko na sa iyo ito!" habang nilalagay ng dalaga sa kanyang sugat.
"Ito rin ang aking regalo sa iyo na dapat ibibigay ko sa bahay! tignan mo tinahi ko ito at may burda ng iyong pangalan!!" sambit ng dalaga
"Napakaganda ng iyong burda! salamat Auroral!" na nakatitig ito sa dalaga at matamis ang kanyang ngiti.
"Alam mo mas guwapo ka kung nakangiti ka palagi
Lucas!"
Malamig ang paligid ng ilog asid tahimik at agos lamang ng tubig ang maririnig.
"Lucas napaisip lang ako! Malapit na ang iyong pagtatapos sa sekondarya sa Marso! Saan ka papasok sa kolehiyo?!" tanong ng dalaga.
"Balak kong lumuwas sa Maynila upang mapagpatuloy ko ang aking pag-aaral! Gusto kong pumasok sa Universidad ng Pilipinas!" sagot nito.
"Anong balak mong kuning kurso?"
"Medisina!" mahinahong sagot ng binata.
"Ikaw Aurora! Pagnatapos ka sa sekondarya anong kurso ang iyong kukuhain?!" tanong ng binata.
"Maging isang mahusay na guro, kagaya ni Ginoong Cruz!" sambit ng dalaga.
Sa kanilang pag-uusap ay napansin ni Lucas na may mga lalaking papalit sa kanila.
"Aurora! Kailangan na nating magmadali! Tulungan mo akong alalayin si David!"
Umalis sila sa kanilang puwesto upang maghanap ng ibang mapagtataguan at hintayin ang tulong nila Manong Juan, sa kanilang paglalakad patungong hilaga ay hinarang na lamang sila ng dalawang lalaki.
"Takbo!" sigaw ng binata.
-[End of Prologue]-

---------ANG SIMULA---------
Sa Pagtatapos ng taong 1985, Sa Probinsya ng Camiling, Tarlac ay naghahanda ang taong bayan para sa pagsalubong sa bagong taon, Matatagpuan ito sa gitnang bahagi ng luzon at napalilibutan ng mga lalawigan ng Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan at Zambales.
Sa baranggay ng Santa Maria ay may isang bahay na tahimik at bukod tangi sa lahat. Sa loob ng nito ay nakatira ang mag-amang Villiaflores, bagong lipat lamang ang mag-ama halos dalawang buwan na ang nakakalipas. Siyam na taong gulang pa lamang si Aurora anak ni Charles galing sa may kayang pamilya si Charles ang kanyang Ama ay si Francisco Villiaflores isang negosyante at naninirahan na sa ibang bansa, nag-iisang anak lamang si Charles, nang makilala niya ang kanyang kasintahang si Ferlita tindera ng mga isda sa Caloocan simple at mabuting babae si Ferlita ngunit hadlang ang Ama ni Charles kaya't tinakwil niya ang kanyang anak at nanirahan na lamang sa Australya.
Matapos ang ilang taong pagsisikap ay nakapagpatayo siya ng sariling negosyong pagawaan ng mga sapatos sa Marikina tumagal ito ng dalawang taon ngunit hindi nagtagal ay nagsara ito sa kadahilanang nalugi ang pagawaan at sa katunggaling nagngangalang “Guzman” na isa ring negosyante at may-ari ng isang pagawaan ng alak at sapatusan sa Marikina.
Sa pagkalugi ng kanilang negosyo ay sumabay din ang paglubog nila sa utang. Ang asawa ni Charles ay namatay sa sakit na kanser sa bato, animo'y sinakluban ito ng langit at lupa, galit sa sarili, kung saan naging sanhi nito na pagiging matamlay at malungkutin niya araw-araw. Napagdisisyunan nitong ibenta ang kanilang lupa at bahay sa Maynila at dito nalamang sa probinsya ng Tarlac piniling manirahan.
Habang naghihintay ang lahat sa pagsalubong ng bagong taon nakaupo lamang si Charles at kinakausap nito ang anak.
“Anak huwag mo laging pababayaan ang iyong sarili, lagi kang maging matatag at laging humingi ng tulong sa diyos at magdarasal na ika'y gabayan sa tinatahak mong landas sa buhay! At kahit anong mang-yari ay mananatili pa rin ako sa puso't isipan mo! Pagdating ng iyong kaarawan ay dadalhin kita sa iyong lolo!!..”
Hindi maunawaan ni Aurora ang kanyang Ama sapagkat bata palamang ito, tinitigan lamang niya at tinandaan ang lahat ng sinabi ng kanyang Ama.
Nagsimulang tumunog ang kampana ng simbahan hudyat na ito'y bagong taon na, mga palamuting paputok sa kalangitan na nagsilbing ibat-ibang kulay at pinaglalaruan ang mga mata ng bawat mamamayan na nakatanaw sa langit, mga nakakatuwang ingay gawa ng lahat at mga batang nagsisipagtalon sa pagsalubong ng bagong taon ang matatanaw sa labas ng kanilang bahay, habang natutuwa ang lahat, nakaupo lamang si Charles sa upuan pinagmamasdan nito ang buong kalangitan maya-maya'y natulog na ito ng sandali, tinapik ni Aurora ang kanyang Ama upang yayain itong lumabas ngunit hindi ito gumising paulit-ulit niyang ginigising ang Ama ngunit hindi na ito kumikibo.
“Papa gumising kana!!. Sabi mo Lalabas tayo upang manunuod ng magagandang paputok?!! Papa!! Papa!!” Sumisigaw ng paulit-ulit ito hanggang sa maluha si Aurora at tuluyan nang hindi gumising si Charles.
Kinabukasan mistulang nanahimik ang lahat ng mamamayan ng Santa Maria.
Pagsilip ng bukang-liwayway tahimik ang buong bayan walang mga tao sa lansangan at sarado ang kani-kanilang bahay. Mga natirang balat ng kuwitis at paputok ang nakakalat sa paligid. Sa dikalayuan ay may isang butihing kapitbahay ang nakakita at nakapansin sa bahay ng mag-ama agaran nitong nilapitan at pumasok sa bahay humingi ito ng tulong sa iba pang kapit bahay.
“Tulong!! Tulong!! Mga kapit bahay!!!”.
Tinanong ng isang matanda kung anong nangyari sa kanyang Ama.
“Ginigising ko si papa pero ayaw niyang gumising kasi sabi niya manunuod kami ng paputok sa labas! Gising na po ba si papa??” tanong niya sa matanda.
"Paumanhin bata pero wala ng pulso ang iyong Ama pumanaw na siya marahil ay may sakit ang iyong Ama!!” hindi naniniwala si Aurora at nagpumilit ito habang umiiyak.
“hindi pa patay si papa!!! Pinangako niya sa akin dadalhin niya ako sa aking lolo!” tinanong ng matanda kung may ibang kamag anak ito ngunit ang sagot lamang nito ay “wala” nais sanang dalhin ng matanda ang kanyang Ama sa ospital ngunit huli na ang lahat dinala ito sa bayan sa malapit na morge.
Kinabukasan ay nilibing agad ang bankay ni Charles sa isang sementeryo katapat ng simbahan at binasbasan ang kanyang puntod, hindi matanggap ni Aurora ang pagkawala ng kanyang Ama umiiyak at hindi umaalis sa puntod nito, naaawa ang matanda sa kayang kalagayan niya kaya napagdesisyunan na lamang nito at iba pang kapit bahay na dalhin na lamang sa ampunan.
Sa ampunan ay bahay ng mga batang walang matirahan o kaya't mga batang inabandona ng kanilang mga magulang, ito ang paraang naisip ng matanda dahil hindi na niya kayang alagaan ang bata kaya dali-dali nitong hinatid si Aurora sa bahay ampunan.
“Bata huwag kang mag-alala sila ang mag-aalaga sayo dito! Marami kang makikilalang bagong kaibigan dito!”
Maya-maya’y nagpaalam at umalis na ang matanda. Hinatid ng mga madre si Aurora sa kanyang silid at pinakilala ito sa iba pang mga bata pinagmasdan nito ang mga bata, ngiti at tuwa ang makikita sa kanilang mukha walang bahid ng lungkot ang makikita napaisip ito tinanong ng isang madreng nagngangalang Susan.
“O! bakit Parang napatulala ka Aurora?” tanong ni Sister Susan, “Bakit po tuwang tuwa sila kahit walang mga magulang?” tanong ni Aurora, “kahit walang mga magulang ay mananatili silang matatag at may pag-asa sa buhay dahil dito sa bahay ampunan ay iisang pamilya sila at kasama kana dito!”.
Napagtanto ni Aurora na kahit mag isa ay mananatili paring maging matatag at naalala ito ang huling wika ng kanyang Ama.
Kinagabihan sa hapunan bago kumain ay tinuruan muna silang magdasal sa diyos para sa kanilang pagpapasalamat sa mga biyayang binibigay at natatanggap sa araw-araw.
Apat na araw nanatili si Aurora sa ampunan.
Habang naglalakad sa hardin ay nakita niya ang grupo ng kalalakihan na tumatakas sa pamamagitan ng hagdanang na yari sa kawayan na tinatawid ang bakod. Hindi nagtagal ay naisipan na rin niyang tumakas sa pag-akyat sa bakod ng bahay ampunan. Pagsapit ng umaga habang nangungulila sa kangyang Ama ay naglakad-lakad si Aurora na hindi man lang niya alam kung saan patungo hanggang sa makarating ito sa terminal ng bus sa Lungsod ng Tarlac, ang Siesta Bus Stop, Tarlac City Bus Station ingay ng mga pasaherong nagmamadali sa paghahanap sa kani-kanilang bus na masasakyan ang maririnig, sa pagtatapos ng bakasyon dagsaan ang lahat ng tao sa terminal dahilan para bumalik sa kani-kanilang trabaho sa Maynila.
Napag-desisyunan ni Aurora na sumakay ng bus palihim na hindi nakikita ng kondoktor at drayber, ang bus na kanyang sinasakyan ay biyaheng Maynila. Ang lungsod na ito ay kilala sa maraming kasaysayan dahil ito ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na pinamahalaan ang mga isla ng Pilipinas ng tatlong siglo simula 1565 hanggang 1898.
Tatlong oras ang lumipas.
Nang nasa biyahe nababagot ito habang nakaupo kaya naisipan niyang buksan ang binta upang pagmasdan niya ang paligid, masayang tinanggap ang pag-aaway ng malamig at mainit na hangin sa umaga, ang araw ay sinisilawan ang kanyang napakagandang mukha.
Maya-maya'y tanaw na niya ang nagtataasang parihabang gusali, nang makita ang lungsod ng Maynila ay nawala ang nakababagot na isipan sa mga gusali at kalsadang pinagmamasdan silaw ng bukang-liwayway ang natatanaw sa kapaligiran, hanggang sa makarating ang bus sa Victory Liner Terminal pagbaba ng maraming pasahero ay subay din sa daloy ng tao si Aurora.
Nang makababa sa terminal ng Tondo ay agad umupo si Aurora ng saglit sa simento, narating na niya ang Maynila napansin niya ang mga iba't-ibang uring sasakyan, maliit man o dambuhala, mabagal o matulin tila naglalakad ito sa kalsada at nagbubuga ng mapuputi at itim na ulap, ang mga dyip na hari ng kalasada na karaniwang sinasakyan ng mga pasahero pauwi o papasok sa kani-kanilang mga trabaho o sa iskwelahan.
Ang Maynila bilang pangunahing lungsod, ay mayroong iba't ibang uri ng mga transportasyon. Ang pinakilala sa lahat ng uring ito ay ang mga dyipni.
Habang inaaliw ang kanyang sarili sa mga paligid agad naman itong nakaramdam ng gutom “Nagugutom na ako, buti nalang ay may dala akong limang pirasong tinapay galing sa bahay ampunan!” Natutuwa niya itong sinasabi habang kumakain pagkatapos kumain ay tumayo ulit ito.
Nagpatuloy si Aurora sa kanyang paglalakad hanggang sumapit ang tanghali tinawid nito ang isang tulay na kung tawagin ay “Roxas” ang tulay na ito ay nagsisilbing dugtungan ng San Nicolas at Daungan ng Maynila napanasin din niya na may mga taong nasa ilalim nito.
“Ano kaya ang ginagawa ng mga taong iyan sa tulay?” agad naman niya itong sinilip ng bahagya.
Nakita niya ang kalagayan ng mga tao sa ilalim, nakaupo at nakahiga sa simento mga tagpi-tagping sirang bubong at mga kahoy na nagsisilbing pundasyon ng kanilang bahay. Napagtanto ni Aurora na dito pala naninirahan ang karaniwang tao at walang matirahang bahay sa madumi at madilim na lugar, tumingin ito sa dakong kanluran hindi lang pala sa tulay naninirahan ang iba kundi narin sa tabi ng baybaying dagat ang kapaligiran nito'y napapalibutan ng ibat-ibang basurang parang palamuti ang mga ito dahil sa mga kulay na nasisinagan ng araw, ang mga basurang nagmistulang dagat at nahahalo na ito sa tubig sumasabay sa kumpas ng alon patungong baybayin.
“Paano nalang ang ibang batang katulad ko?!.. Paano nalang ang kanilang kalusugan??” iyan ang mga katanungan sa kanyang sarili.
Habang pinagmamasdan ang baybayin hindi niya namalayan na dapit hapon na pala, nagpatuloy ito sa kanyang paglalakad patungong silangan hanggang sa marating niya ang lugar ng Intramuros.
“Ang ganda-ganda ng mga gusali dito sa lugar na ito!” ani niya na natutuwa sa kapaligiran.
Ang lugar ng intramuros ay pinakamatandang distrito at sentro ng kasaysayan ng lungsod ng maynila, ang ibang istraktura sa intramuros gaya ng simbahan at mga paaralan ay nasira dahil na rin sa ikalawang digmaang pandaigdig na naganap taong 1941. Ilang oras ang lumipas patuloy pa rin ito sa paglalakad at pinagmamasdan ang lugar sa intramuros ay sumapit na ang dilim lalong tumingkad ang lugar dahil sa magaganda nitong ilaw sa kalsada at mga gusali, ang mga ilaw ay mistulang nagsisilbing bituin sa gabi at palamuti sa mga mata ng mamamayan. Sa kanyang paglalakad ay huminto siya sa isang simbahan na kung tawagin ay San Agustin Church Isa sa pinaka matandang simbahan sa Maynila, pumasok siya upang magsimba at magdasal. Sa kanyang pagdarasal ay sumagi sa kanyang isip ang Ama.
“Diyos ko!. Tulungan niyo po akong maging matatag sa lahat ng aking pagsubok sa buhay at huwag niyo po akong pabayaan pati na rin ang aking Ama na ngayon ay kasama niyo na!!.. Sana maging masaya si Papa kung saan man siya!!..” Pabulong niya itong sinasabi habang nakayuko at umiiyak.
Habang nagdarasal, ay napansin nito ang isang bata na tila kinukupitan ang matanda sa harap nito.
"Bata!! Anong ginagawa mo!!” tumingin sa kanya ang bata at tumakbo ito ng mabilis, at hinabol ito ni Aurora palabas ng simbahan.
“Bata saglit lang huminto ka!!.”
Dali-dali niya itong hinabol sa mga nagsisiksikang daang-daang mga tao sa labas ng simbahan, hanggang sa mahuli ni Aurora ang bata.
“Bitawan mo ako!! Nasasaktan ako!!” sigaw ng bata.
“Alam mo bang masamang mangupit sa ibang tao!!” Pinagmasdan niya ang bata pati na rin ang kanyang kasuotan.
“Bakit ka nagnakaw ng pitaka?!” sumagot ang bata “Kasi wala akong makain kanina pa akong gutom!” Pinakita ni Aurora ang isang supot ng pagkain niyang dala.
“Bibigyan kita ng pagkain kung ibabalik mo ang kinuha mo!” hindi nagdalawang isip ang bata at agad niya itong ibinalik sa may-ari.
Nang maibalik “Ano ang iyong pangalan??” tanong ni Aurora
“Ako?! Ako si Kiko! Ikaw ano ang pangalan mo??”
Matagal nagkuwentuhan ang dalawa sa gilid ng simbahan, naikuwento rin ni Kiko nawala na siyang mga magulang bukod tanging sa lansangan na lamang ito naninirahan kasama ang iba pang bata
“Ang lungkot ng buhay mo ate Aurora.. Bakit hindi kanalang sumama sa akin!? at ipapakilala kita sa iba pang mga bata katulad ko!” sumangayon siya sa kagustuhan ni Kiko.
Hindi nagtagal ay pinakilala ni Kiko sa iba pang kabataan si Aurora.
Nagulat siya sa kanyang nakita na maraming mga kabataan sa lungsod ng Maynila ang walang matirahan at pagala-gala at palaboy na tila mga basang sisiw kung pagmamasdan, ang mga kababaihan ay nagtitinda ng sampaguita at ang kalalakihan naman ay kargador sa palengke o di kaya'y naglilinis ng mga sapatos. Dahil walang kakilala si Aurora sa Maynila ay nais na lamang nitong sumama sa ibang kabataan at sumaang ayon naman ang iba pang mga bata.
Maraming Pinagsamahan si Aurora at Kiko pati na rin sa ibang pang kabataan. Tinuruan ni Aurora ang ibang bata na huwag magnakaw o mangupit kahit kanino man, pagsapit naman ng linggo ay lagi silang nagsisimba at kahit mahirap may simpleng pangarap.
Makalipas ang Limang taon.
Enero 10, 1991, Sa Quiapo, Manila. Nang matapos ang prusisyon maayos naibalik sa simbahan ang imahen ng Itim na Nazareno, ang imahen pasan-pasan ang krus na nakalagak sa simbahan ipinagdiriwang ang kapistahan ng itim na Nazareno tuwing Ika-9 ng Enero taon taon. Maraming mga deboto ang kinaugaliang pumunta sa Quiapo tuwing sasapit ang pista dahil sa paniniwala at milagrosong imahen ng Nazareno. Ang mga deboto ay nagbibigay-pugay sa lahat ng biyayang natatanggap nila sa Nazareno dahil ito ang nagbibigay ng sigla at kapayapaan sa mga deboto at sa mga mamamayang nanampalataya dito.
“Parang dagat ang mga tao kahapon at sobrang dami!!” sambit ni Aurora.
“Ganito talaga sa Quiapo matindi ang kanilang pananampalataya sa ating diyos” tugon ni Juanita na kakatapos lang magtinda ng sampaguita sa gilid ng simbahan, maya-maya'y dumating na si Kiko pati ang ibang bata matapos magbenta ng mga panyo at damit na may imahe ng Itim na Nazareno. Marami silang kinita at sapat nasa kanila ito upang makabili sila ng makakain sa tanghalian at hapunan naghahanda na sila upang bumalik sa Intramuros.
“Mga kasama mauna muna kayo mayroon lang akong bibilhin” wika ni Aurora
“Alam na namin kung ano iyong bibilhin! Libro! Ate Aurora samahan nalang kita!!”
“Taon-taon pagpumupunta tayo ng Quiapo dumidiretsyo ka sa Recto at ate Aurora baka maligaw kapa!” wika ni Kiko na nag-aalala.
“Parang hindi ko naman kabisado ang Quiapo hanggang Intramuros halos Limang taon na tayong pumupunta dito!” Napatawa na lamang si Aurora.
“O sige ate Aurora basta hihintayin ka namin sa kanto!…”
Nagpaalam ng sandali si Aurora sa mga kasamahan upang bumili ng libro sa Recto nakaugalian nito ang pagbabasa ng iba't-ibang libro sapagkat hindi na ito nag-aaral simula ng namatay ang kanyang Ama at mapadpad ng Maynila. Nang makarating sa Recto ay napansin niya ang isang batang babaeng umiiyak na may hawak na manika sa gitna ng daanan.
Pinuntahan niya ang bata kung bakit ito umiiyak, “Bata bakit ka umiiyak?”nag-aalalang tanong ni Aurora sa bata, “Hinahanap ko kasi ang Inay at Itay Ko” sagot nito habang umiiyak. “Huwag kang mag-alala iuuwi kita sa iyong mga magulang, maging mahinahon ka”. Naisip nalamang nito na dalhin sa himpilan ng pulisya ang bata, habang naglalakad ang dalawa tinanong ni Aurora ang bata kung ano ang pangalan niya.
“Ang pangalan ko po ay Mimi at ito po yung kasama ko si Molly” ngumiti si Aurora at kinausap ang manika ni Mimi. “Ang ganda naman ni Molly!. Kamusta ka Molly” niyakap ni Mimi ang kanyang manika “Sabi ni Molly ayos lang siya at ang ganda ganda niyo raw!” natuwa si Aurora.
“Nako hindi naman!"
Ilang minuto lamang narating ng dalawa ang himpilan agad sinabi ng dalaga na may nawawalang bata, sinabi nito ang pangalan at mayroon ngang batang nawawala. habang naghihitay ay pinaupo sila ng pulis sa gilid at nag kuwentuhan na lamang. Maya-maya’y narinig ni Aurora ang tinig ng babaeng umiiyak.
“Nasaan po ang anak ko?!.” Tinuro ng pulis ang bata at nakumpirma na ito ang nawawalang anak simula pa kahapon. Agad tumakbo si Mimi sa kanyang Ina at niyakap ng mahigpit.
“Mimi patawad kung iniwan kita!” sambit niya ito habang umiiyak.
“Salamat sa diyos nakita kitang muli”
“Ako rin Ina” Nagtanong ang Ina ni Mimi kung sino ang nakakita sa kanya at tinuro niya ang dalagang nakaupo.
“Maraming-maring salamat sa iyo iha ako pala si Dona Santos at ikaw?” tumayo ang dalaga at lumapit sa mag-ina.
“Ako po si Aurora!”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (161)

  • avatar
    SorianoCrissanta

    RECOMMENDED!

    27/03/2022

      0
  • avatar
    Mari Celine

    I want robux

    26d

      0
  • avatar
    Lawrence Acuin

    i love reading this novels

    17/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด