logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

RHWFY: 5

"May tiwala sa iyo si Mama. Makapasa ka man o hindi, alam ko na malaki ang maitutulong mo sa hacienda. Isa pa, malaki ang pasasalamat ko dahil sinasamahan ninyo at inaalagaan si Mama habang wala ako."
Hindi naging madali ang pagtanggap ni Senyora Gemalyn sa pag-alis ni Carson. Kaya sila ng kuya niya ang umaliw dito. Kapag bakasyon at walang pasok ay lagi siya sa hacienda. Madalas ay para lang samahan ang nanay ni Carson sa mga pinupuntahan nito. Minsan ay siya pa ang tagabasa ng diyaryo o libro dito na dating ginagawa ni Carson. Malaki daw ang tulong nilang magkapatid para maibsan ang pangungulila nito sa anak.
“Senyorito Carson, sobrang dedicated ni Kuya Lance sa pag-aaral. Kaya nga di iyan nakakapanligaw o nagkaka-girlfriend pa,” pambubuko ni Nailah sa kapatid.
Nanlaki ang mata ni Carson. “Wala ka pang girlfriend, pare? Siguro…” Bumulong ito kay Lance saka humagalpak ng tawa.
Namula si Lance at pabirong sinuntok si Carson sa balikat. “Gago!”
“Ibig sabihin wala ka pa ngang…” Lumingon sa kanya si Carson. Parang noon lang naalala na may babae itong kasama. “ano…” Nag-peace sign ito sa kanya at saka inakbayan si Lance. “May nagugustuhan ka na ba? Nililigawan man lang?”
Namumulang yumuko ang kapatid niya. “Ano… hindi ko alam ang gagawin ko kapag nandiyan na siya.”
Pagdating sa academics ay masipag ang kapatid niya ay puno ng kompiyansa. Pero pagdating sa pakikisalamuha sa mga tao ay mahiyain ito. Crush nito ang bagong lipat sa San Luis na si ^Christine. Galing ang pamilya ng babae sa Cebu. Nagkataon na may inasikaso sa kabilang baranggay ang kapatid niya. Naglilipat naman ang pamilya ng dalaga at tumulong ang kapatid niya. Naging simula iyon ng masayang pagkakaibigan ng mga ito.
Ngumisi si Carson. “Turuan kitang manligaw.”
“Di ko nga siya makausap nang matagal, manligaw pa kaya?” naiiling na sabi ng kapatid. Pamilya ni Christine ang kalapit ng kapatid niya pero tameme pagdating sa babae. Madalas ay si Christine ang makwento kapag magkasama ang mga ito.
Bumuntong-hininga si Carson. “Paano ka magkaka-girlfriend niyan? Kabagalan mo baka maagaw pa ng iba.”
“Huwag na. Pag pasado na lang ako sa board exam at CPA na. Wala pa naman akong maipagmamalaki sa liligawan ko. Saka dagdag na isipin ko pa iyan.”
Pumalatak si Carson. “Ibig sabihin ayaw mong kumuha ng tips kung paano makapagpasagot ng babaeng gusto mo o kaya makuha ang atensyon ng ibang babae?”
Umiling si Lance. “Hindi na. Okay na ako. Hindi iyan ang priority ko.”
Itinaas ni Nailah ang kamay na may hawak na lapis. “Ako Gusto kong malaman kung paano.”
Tumaas ang kilay ni Carson. “Bakit ka interesado?”
“Para alam kung paano makakaiwas sa pambobola at the moves ng mga katulad mong babaero,” nakangisi niyang sabi.
Sinapo ni Carson ang dibdib at isinandal ang ulo sa pader na akala mo ay sinaksak ang dibdib nito o tinamaan ng bala. “I’m dead.”
Natatawang tinapik ni Lance ang dibdib ng matalik na kaibigan. “Daig mo pa ang pinasabugan ng shot gun sa dibdib. Sapul na sapul.”
Dinuro nito si Lance. “Parang hindi kita kaibigan. Sinisiraan mo ako sa kapatid mo kaya masama tuloy ang reputasyon ko sa kanya.”
“Pinoprotektahan ko lang siya. Di ko siya sinisiraan. Sinasabi ko lang ang alam kong totoo,” katwiran naman ng Kuya Lance ni Nailah na nakapuntos sa binata.
Mabait ang kapatid niya. Hindi ito istrikto na lahat ng kilos niya ay kailangan nitong bantayan. Siya pa ang nagsasabi dito na mas maging palabas at dalas-dalasan ang pakikipag-usap sa mga tao lalo na sa mga babae na kaedad nito. Pakiramdam niya ay dinidibdib nito ang responsibilidad bilang lalaki sa pamilya mula nang makulong ang tatay nila. Nakakapag-enjoy lang ito noon kapag kasa-kasama si Carson pero pakiramdam niya ay anino lang ito ng kaibigan. Hindi rin nito nagagawa ang mga bagay na talagang gusto nito.
Sabay-sabay silang lumingon sa kapatid nang mag-ring ang cellphone nito. Sinauna kasi ang ringtone at ang phone nito. Natatawang kinuha iyon ni Carson sa kapatid niya. “Nokia 3310 pa rin ang gamit mo? Anong nangyari doon sa phone na iniregalo ko sa iyo noong birthday mo? Touchscreen na iyon.”
“Nandito. Lowbatt. Mas okay pa itong lumang Nokia dahil isang araw na tumatagal ang baterya. Mahalaga nakakatawag at nakaka-text.” At binawi ng kapatid niya ang cellphone. “Hello, Andrea.”
Pumasok sa loob ng kuwarto si Lance at isinara ang pinto ng verandah. Naiwan lang silang dalawa ni Carson. “Ano? Gusto mong iorder kita ng cake?” tanong nito at ginulo ang buhok niya. “May sarili silang cafe sa baba at mukhang masarap ang mga cake nila.”
“Hindi ako interesado sa cake. Mas interesado ako sa lesson mo kung makaakit o kaya manligaw ng babae. Hindi ka ba concern na baka may katulad mo na mang-uto sa akin?”
Naningkit ang mga mata nito. “Walang mang-uuto sa iyo dahil di ka magpapaligaw. Itatago ka namin ng kuya mo sa kumbento.”
“Seryosong usapan. Sige naman o!”
Umiling ito. “Hindi pwede. Sekreto na naming mga lalaki iyon.”
Pinagsalikop niya ang mga palad at tumuwid ng upo. “Sige. Ganito na lang. Kunyari may isang babae na walang kahit anong reaksyon kapag magkaharap kayo. As in ginawa na ng ibang lalaki ang lahat ng pagpapapansin at pagpapa-cute pero wala pa rin.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (21)

  • avatar
    Mark Joshua Briones

    bery nice

    8d

      0
  • avatar
    BasaEjayboy

    ggggg

    06/07

      0
  • avatar
    Lyka Jane Germo

    good story

    04/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด