logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

(5) TULAD MO

Kabanata 5 || February 14, 2015
Xandro's POV
Halos dalawang buwan na ang lumipas simula noong may kakaibang pangyayari sa buhay ko. Ewan ko ba kung bakit ko nasabing kakaiba e wala naman talagang naiba sa'kin. Wala rin naman masyadong nagaganap nitong nakaraan. Parati lang akong abala sa trabaho. Umiikot pa rin ang mundo ko sa bahay, sa mall o kaya naman sa shop. Ganun pa rin, paulit ulit lang.
Unti unti na ring umaayos ang kalusugan ng tatay ko pero 'di ibig sabihin no'n ay makakabalik na siya sa pagtratrabaho. Pinayo sa'min ng doktor na tapusin niya muna ang gamutan bago magtrabaho ulit para na rin makasiguro kaming magaling na talaga siya.
"Sige sir, paki-antay na lang po," ani ng babaeng pharmacist na nasa loob ng counter ng tindahan na ito. Maputi ito, matangkad at palangiti pa pero wala na atang mas gaganda pa sa babaeng nakita ko noon sa shop.
Magdadalawang buwan na ang lumipas pero madalas ko pa rin siyang maalala. Parang nakikita ko pa rin yung pagngiti niya at yung mga mata niyang medyo singkit pero makikita mo pa rin kung gaano kalalim at kasarap tingnan kahit nasa malayuan ka.
Isang beses nga pagtapos nung bagong taon ata 'yon, napanaginipan ko pa siya. Pucha, 'di ko alam kung kikilabutan ba 'ko o matatawa sa kakornihan kong 'yon pero unang beses 'yon. Unang beses sa tanang buhay ko na nanaginip ako ng isang babae, babae na isang beses ko pa lang naman nakikita.
"Sir, eto na ho," wika ng babae sa tapat ko kaya nagising ako sa reyalidad at kinuha ang inaabot niyang sukli at supot ng gamot. Sabado ngayon at pagabi na.. lagpas alasais na nga kung isasakto. Binilhan ko ng gamot si tatay dahil malapit na niya itong maubos at sinabay ko na rin ang ulam nila pang mamayang hapunan.
Simula rin nung nakita ko yung babaeng 'yon sa shop ay parang nagkadagdag enerhiya ako para pumasok araw araw at magtrabaho. Ewan ko ba pero inaabangan ko na parati ang pinto, nagbabakasakali na baka pumasok siya doon. Minsan nama'y napapatingin na lang ako sa inupuan niya dahil baka mamaya'y nandoon na pala siya't nakaupo pero napapailing na lang ako sa kalokohan ko. Halos magdadalawang buwan na pero hindi ko pa rin siya ulit nakikita. Parang gusto ko na ulit marinig yung boses niya. Pero 'di na ako umaasa dahil baka napandaan lang naman noon siya... sila.
Kakornihan mang tawagin pero ewan ko kung bakit parating sumasagi sa isip ko yung babaeng 'yon. Eto na ba yung sinasabi nilang pagkakagusto?
Ipiniling ko ang ulo ko para mawala ang iniisip ko. Puro na naman yung babaeng 'yon ang laman nitong kokoteng 'to nako.
Pagkarating ko sa bahay ay binati agad ako ni ate at hinalikan sa pisngi. Pagkatapos ako batiin ay bumalik na siya sa lamesita at may tiningnang papel. Kaninang umaga ay may session pa rin siya ng therapy at siguro isa itong activity niya. Natutuwa ako dahil kahit papaano'y makikita ang pagbabago sa kanya paunti unti.
Sinilip ko naman si tatay sa may kaliitang kwarto niya. Sa aming tatlo ay siya ang may pinakamaliit na kwarto at kahit sabihin kong magpalit muna kami habang nagpapagaling siya para medyo maaliwalas at maluwag luwag naman ang kwarto niya ay ayaw pa rin niya.
Nakatalikod siya sa pinto at nakakumot na nakahiga. Natulog ulit siguro.
Huling gamot na niya yung ininom niya kahapon at ngayon pa lang ulit ako nakabili ng bago. Hindi na ako kumatok at pumasok na lang sa loob ng kwarto. Iniwan ko ang gamot niya sa cabinet na nasa gilid ng kama niya kung saan niya nilalagay yung mga gamot niya.
Umalis na rin ako pagtapos siyang tingnan at pumunta sa maliit naming mesa para ilagay ang dala kong ulam sa isang pinggan. Pagkatapos ay pumasok na sa kwarto ko at nagbihis. Magbebente minutos na lang pala bago mag alas syete y medya kaya dinalian ko na sa pagkilos. Sumubo na rin naman ako kanina ng panghapunan bago bumili ng gamot ni tatay para diretso na lang sa trabaho pagkatapos.
-----------------------
"Good evening, ma'am! What's your order po?" narinig kong tanong ni Raquel sa costumer niya. Alas dyes na pasado ngayon at medyo marami rami pa rin ang mga tao kaya no choice kundi bilisan dahil hindi nga pala ngayong ordinaryong araw lang.
Oo nga pala, valentine's day ngayon kaya marami na namang matatamis na inumin at pagkain ang hinanda ng shop. Abala ako sa paghanda ng isang cinnamon roll nang mabangga ng katrabaho ko ang isang tasa ng kape sa kaliwa ko na gawa ko kanina.
"Uy X!"
"Mr. Montero!"
"Shit!"
"Huy hala!"
Hindi ko alam kung nakita ba nilang yung katabi ko yung nakabangga o akala nila na ako yung nakabangga dahil sa mismong gilid ko lang 'yon nahulog. Pinanatili ko ang blanko kong mukha at nilingon ang katrabaho ko.
Pag angat ko ng mukha ay nakita ko sa gilid ng mata ko ang paligid. Eto na naman sila, kanya kanyang reaksyon sa nakikitang palabas. Mga tsismosa't tsismoso, tsk.
"Sorry X! Sorry!" pagkakabasa ko sa buka ng bibig niya. Halata sa mukha ng babae ang pagkabalisa at panlalaki ng mata. Hindi ba naman siya matatakot e dalawang baso lang naman yung nabasag at dalawang serving yung natapon. Oo, dalawa lang naman na ilang daan o kung aabot na ba sa libo ang ikakaltas. Kung kanino ikakaltas ay 'di ko alam.
May nadamay na iba pang inumin kaya ilan din ang nahulog. Gusto ko sanang akuin nalang at magpakagentleman pero hindi na uso 'yon sa ngayon. At bakit ko kailangan akuin kung ako din naman ang mapapahamak, diba?
Nagtitigan lang kami ng katrabaho ko, nag-aantayan kung sino ang unang magsasalita. Ngunit nung narinig nito ang mariin na pagtawag sa amin ng manager namin ay kusa na itong umamin kahit natatakot pa.
Alam naming lahat na mamahalin at sosyal ang shop na pinagtratrabahuhan namin kaya ingat kaming lahat. Pero sa mga ganitong panahon ay mapapamura ka na lang sa mahal ng mga masisira mo.
"Sorry sir! Sorry talaga! Aayusin ko na po ang pagtratrabaho ko. 'Wag niyo lang po ako sesantihin. Kailangan ko ng trabaho ngayon sir. Kailangan na po ng pangtuition ng kapatid ko ngayong buwan sir. Baka pwede pong sa susunod na buwan mo na lang po ikaltas," sunod sunod na sabi pa rin ng babae.
Halos mangiyak ngiyak na ito. Hindi ko alam kung dahil ba sa mangyayari o dahil sa kahihiyan dahil mukhang ang dami nang nakatingin sa amin at nag-uusap usap.
"Halika dito. Sumunod ka sa'kin," mababa ngunit may diin na sabi sa kanya sabay turo sa loob ng kusina namin. Pinaningkitan din siya nito ng mga mata bago tumalikod para pumasok na sana sa silid ngunit may babaeng nagpahinto sa paglalakad nya.
Boses na kay tagal ko nang hinihintay na marinig ulit. Boses na nakakapagpagising ng sistema ko. Isang malaanghel na boses sa katauhan ng isang diyosang babae.
"Wait, sir! Wait lang po!"
Muntik na akong lumingon agad para matingnan kung siya nga iyon ngunit tinatalo ng hiya ang loob loob ko. Pucha naman dre. Ano naman kung lilingon ako sa kanya diba? Wala namang masama diba?
Kelan pa ba ako naging ganito? Lagpas na ako sa pagiging high school, alam ko. Pero bakit ganito inaasta ko? Tsk.
Pagkatapos ng pagtatalo ng kalooban ay tumingin pa rin ako kung saan ko naririnig ang boses. Hindi ko alam kung paano ko namemerya ang boses niya dahil tama nga ako. Siya nga itong nakikita ko.
Lumipas na ang isang buwan pero ala-ala ko pa rin ng klaro ang boses niya. At wala namang pinagkaiba noon sa ngayon. Ganun pa rin. Napakaganda pa rin kahit siya mismo.
"Sir, can you just charge me those things po? I don't want to be an intruder ha pero kasi sayang naman sir---" naputol ang pagsasalita nito nang may magreklamo pang isang customer sa likuran nito at sinabing marami na silang nakapila dito.
Niyaya naman ni manager namin na sa office na lang niya ituloy ang kung ano mang sasabihin ng anghel na ito at ng isang katrabaho ko.
Kasunod ng biglang pagpapatugtog ng kanta sa shop namin ay ang pasimpleng pagkurot ni Raquel sa tenga ko.
"Hoy! Akin na 'yang kay Ma'am Ellie, dali!" anito sabay lahad ng palad niya para kuhanin siguro yung inumin na inorder nito.
"Ellie?" ulit na sambit ko pa pero nagmukha itong tanong sa kanya.
"Oo! Ellie pangalan ng trip mo!" pasigaw ngunit pabulong na sambit nito. Tiningnan ko ulit kung ano ang order niya at tinandaan. Eto pala ang paborito niya.
Iniabot ko na sa kanya ang pagkain at inuming nakahanda nang ngitian niya ako nang sarkastiko sabay irap. Minsan talaga 'di ko rin maintindihan kung anong trip nitong babaeng 'to.
Binigay na ni Raquel ang inumin kay Ellie na nasa counter pa rin. Ngumiti ang dalaga at halos matunaw na ako dahil sa ngiting 'yon. Hindi ko alam kung bakit pero parang nadagdagan ako ng enerhiya para magtrabaho ng gabing 'yon.
Tumalikod na siya at sumunod sa katrabaho kong babae na nakasira ng gamit kanina. Hindi ko rin alam kung anong balak niya at makikipag-usap pa siya kay manager. Pero parang gusto ko pa itong ipagpasalamat dahil mukhang magtatagal siya ngayong gabi dito.
Buti nagpunta si Ellie ngayong gabi. Ellie, pala ang pangalan niya. Ang ganda.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (11)

  • avatar
    Rhafael Ducusin

    Sarap sa pakiramdam na pasko

    14d

      0
  • avatar
    ViloriaEllen

    nice to read

    23d

      0
  • avatar
    Maria Jessil Casas

    more money come

    22/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด