logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Saysay ng Pasko

Saysay ng Pasko

bluechummie


(1) ENVELOPE

Kabanata 1 || November 15, 2014
Xandro's POV
"'Nak! Nakuha mo na ba yung baon ni Thea?" tanong ni tatay habang inaayos yung damit niyang pampasok. Si Ate Thea yung kapatid kong may down syndrome. Sabado ngayon at may schedule si ate sa speech and language therapy session niya. Pinapabaunan namin siya parati ni tatay para 'di na gumastos doon sa mismong facility.
"Oo 'tay, alis na ho kami," ani ko sabay aya kay ate na umalis na. Ako parati ang naghahatid sundo sa kanya 'pag nagtratrabaho si tatay at 'pag naman natataon na ako ang may pasok, si tatay naman ang nakatoka.
Paglabas namin ay nakangiti naman si ate at halata sa mukha niyang excited siyang pumunta doon. Siguro nga ay malaking tulong ang pagpapatherapy niya. Sulit din naman pala yung binabayad namin para do'n.
Nakailang sakay lang bago kami nakarating kaya nagpaalam na ako sa kanya nung matapat kami sa entrance. "Bye Ate! Goodluck!" Ngumiti naman siya at kumaway bago rin nagpaalam, "I-ingwat!"
Napangiti naman ako sa kanya saka tumalikod. Naglakad na ako papuntang sakayan nang nagring ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at nakita ko sa screen yung pangalan ng classmate ko. Ano naman kayang kailangan nito?
"Oh, KC? Anong meron?" diretsong tanong ko dito. Hindi kasi ako sanay na may katext at katawagan, kaya nga minsan inaasar na nila akong bakla. E sa wala akong matipuhan, anong magagawa ko?
"Xandro! Need na namin yung plates ngayon, nasa'n ka?" tarantang tanong niya. Sa halip na sagutin siya ay nagtanong rin ako. May isang bus naman na tamang paparating pa lang kaya pinara ko na.
"Hatid ko na lang, sa'n ba kayo?" tipid na tanong ko sa kanya tapos sumakay na sa bus na huminto sa harap ko.
"Dito kila James, punta ka na bago magthirty minutes ha? Kailangan na namin matapos 'to after one hour, babalik pa kami kay sir pagtapos namin gawin 'to para mapasa namin," mahabang paliwanag pa niya. Um-oo na lang ako at binaba na ang tawag, buti na lang at saglit lang ang byahe.
Pagkarating sa bahay ay kumatok muna ako pero mukhang wala na si tatay kaya kinuha ko na yung susi sa bulsa ko at binuksan ang pinto. Nilapag ko muna yung susi ko sa mesa namin sa sala at dumiretso na sa kwarto ko. Kinuha ko yung bag ko at hinanap yung mga dadalhin ko pero wala dun. Hinanap ko rin sa mesa ko sa loob ng kwarto pero wala rin do'n.
Inikot ko na yung buong kwarto at tiningnan ko na maging yung ilalim ng kama ko at mga cabinet ko pero wala talaga. Letse, bakit kasi ngayon pa talaga nawala yun? Baka magalit pa sa'kin yung mga 'yon takte. Umupo muna 'ko sa kama para mahalungkat ko sa memorya ko kung kelan at sa'n ko huling nilapag yung mga 'yon.
Sa'n ko nga ba kasi nilagay 'yon? Ang huling naaalala ko lang ay gumagawa ako nung isang gabi ng plates nang makatulog ako. Tapos naalimpungatan ako nung madaling araw na namamanhid ang braso kaya lumipat na lang ako ng kwarto at 'di na dinala yung mga ginawa ko. Ah! Baka dun sa center table!
Mabilis kong binalikan yung mesa sa salas at tiningnan yung mga nakalapag dito. May brown envelope na nakalagay sa ibabaw na pinagpatungan ko ng susi kaya tinanggal ko muna 'to at tama nga ako dahil nandun yung mga hinahanap ko.
Nagsayang lang pala 'ko ng oras kakahanap ta's yun pala natabunan lang, tsk. Tiningnan ko naman yung envelope at nagtaka dahil 'di naman sa'kin yun at mukhang 'di rin naman 'to galing sa therapist ni ate. Bubuksan ko na sana nang nagring ulit yung cellphone ko.
"Xandro! Ano ba? Nasa'n ka na bang lupalop at wala ka pa rito at yung mga hinihingi namin ha?" naiinis na bungad sa'kin ni KC. Dinala ko na lang yung envelope kasama ng mga ihahatid ko sa kanila at ng susi saka 'ko lumabas ng bahay at nilock yung pinto bago ako nagsalita.
"Nandito na! Hinanap ko lang kaya natagalan. On the way na 'ko," sabi ko sabay takbo papuntang sakayan. Pumara na agad ako saka sumakay sa jeep na papunta sa bahay nila James. Inend ko na yung tawag pagkasakay rito at maya maya lang ay nakarating na 'ko sa kanila.
Lumipas ang mahigit tatlumpong minuto na nakila James lang ako dahil inaya pa nila akong kumain at may tinanong pa sila tungkol sa mga binigay ko. Nasa jeep na ako pauwi nang napagdesisyunan kong buksan ang envelope na kanina ko pa dala dala. Siguro kay tatay 'to. Pero ano naman kayang laman nito?
************
Nakauwi na 'ko sa bahay pero 'di pa rin ako makapaniwala sa nabasa't nalaman ko. Kaya pala parati na lang may pinupuntahan si tatay at kaya pala ganun na lang yung mga kinikilos niya nung mga nakaraang araw.
Nahiga muna ako sa sofa dito sa sala at napaisip kung bakit nagawang ilihim sa'min ni tatay yung ganung bagay hanggang sa dalawin na 'ko ng antok.
Maya maya'y nakaramdam ako ng pagtapik sa balikat ko. Pagkamulat ko ng mata ay medyo makulimlim na ang paligid at nandito na rin si Ate. Anong oras na ba? Ilang oras ba akong nakatulog?
"Halina't kumain ka na. Ako na sumundo kay Ate mo dahil mukhang napasarap ang tulog mo d'yan," ani ni tatay sabay punta sa hapag kainan at umupo sa kanyang upuan doon. Sopas ata ang binili ni tatay ngayon para sa'min. Tumayo na ako't nagpunta sa mesa para kumain. Kumakain na pala si ate. Sumunod na kami ni tatay sa kanya.
Tahimik lang kaming kumakain tulad ng nakasanayan pero 'di ata ako matutunawan ngayon hangga't 'di ko natatanong si tatay kaya ako na ang bumasag sa katahimikan.
"Tay, kamusta naman yung trabaho mo sa site?" kaswal na tanong ko sa kanya. Napalingon naman sa'kin si ate at ngumiti bago bumalik ulit sa pagkain. Napatingin ako kay tatay at wala naman siyang reaksyon na sumagot.
"Sakto lang, ganun pa rin," aniya sabay subo ng pagkain. Nilapag ko muna yung kutsara ko bago tumingin sa kanya at nagsalita ulit. 'Di ko na kayang manahimik na lang at hintayin na siya ang mag-open ng tungkol sa nakita ko.
"Wala ka bang balak sabihin sa'min, tay?" diretsong tanong ko sa kanya na nagpahinto sa pagsubo niya. Uminom muna siya ng tubig bago humarap sa'kin.
"Ano bang ibig mong sabihin?" tanong niya sabay diretso ring tumingin sa'kin. Tiningnan ko si ate at busy pa rin siya sa pagkain niya. Napabalik ulit ako ng tingin kay tatay at nagsalita na ulit.
"Ano yung ibig sabihin nung nasa envelope? Kelan pa kayo nagkasakit? Wala ba kayong balak sabihin sa'min?" dire-diretsong tanong ko sa kanya pero umiwas lang naman siya ng tingin sa'kin.
"'Di naman malala at kaya ko pa naman magtrabaho. Ipapaalam ko na lang sana sa inyo 'pag gumaling na 'ko pero mukhang nakita mo na nga yung papel," pag-amin niya sa'kin.
"Edi kung 'di ko pa nalaman, 'di mo pa agad sasabihin? Sakit yun 'tay, sakit! 'Di biro yun pero parang pinagsasawalang bahala mo lang," 'naaasar na saad ko sa kanya. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. 'Di naman siya umimik sa sinabi ko. Napatingin naman ako kay ate nung nagsalita siya at pati si tatay ay napatingin rin sa kanya.
"M-may s-shaki-it shi tatay?" tanong ni ate na nakakunot ang noo. Sa lahat ng salita ay ang 'tatay' lang ang nabubuo at nasasabi niya ng malinaw pero naiintindihan na rin niya yung ibang mga salita.
Ngumiti si tatay at ginulo ang buhok niya bago nagsalita, "Wala yun 'nak, gagaling din si tatay agad."
Nagsalita naman agad ako dahil sa sinabi niya, "Tay, pa'no ka gagaling kung nagpapakapagod ka pa rin kahit alam mong may sakit ka na?" medyo naiinis na tanong ko. Kung gusto niya talagang gumaling, dapat tumigil muna siya sa pagtratrabaho niya para makapagpahinga siya.
May Tuberculosis pala siya at noong nakaraang tatlong linggo pa niya nalaman 'yon pero wala siyang sinasabi sa'min at parang wala lang siyang nalaman dahil parang mas lalo pa siyang naging busy ngayon kung kelan siya may sakit.
"Eh anong gusto mo? Tumigil ako sa pagtratrabaho at kumain tayo dito ng bubog? Sige nga, pa'no ang ate mo? Pa'no ang pag-aaral mo? Kaya ko pa ang sarili ko kaya 'wag mo na 'kong intindihin, ang intindihin mo na lang d'yan ay ang pag-aaral mo," saad niya sabay sumubo na lang ulit. Napatiim bagang naman ako bago ulit nagsalita. Pabaling baling na ang tingin sa'min ni ate at nakakunot na ang noo.
"'Tay, ang lahat ng sakit 'pag pinapabayaan at 'pag 'di inaagapan, lumalala. Mas gusto ko nang magpart time job kesa makita kong magkandalupaypay ka d'yan sa pagod at sakit. Ayokong mawalan din kami ng tatay kaya sana 'wag ka nang magpasaway," sabi ko at mabilis na inubos ang meryenda namin. Tumingin naman sa'kin si ate na parang naiiyak na at saka nagsalita.
"Aa-away ka-yo ni tatay?" nakasimangot na tanong niya. Ngumiti lang ako ng kaunti bago ko ginulo yung buhok niya at tumayo na. 'Di ko na siya sinagot at dumiretso sa pinto bago lumingon kay tatay at nagpaalam, "Labas lang ako saglit," at umalis na.
Kinapa ko ang bulsa ko, buti nalang at nadala ko yung susi at wallet ko. Okay lang kahit nakalimutan ko yung cellphone ko basta may wallet. Naglakad lakad lang ako at nagpahangin bago ko naisip kung sa'n ako pwedeng pumunta. Sumakay lang ako ng fx papunta sa isang lugar na namiss ko.
Lumipas ang halos kuwarenta minuto at nakarating na ako sa destinasyon ko. Pumasok na 'ko sa entrance at tumango dun sa guard na nagbabantay. Kilala na nila ako dahil parati akong pumupunta dito 'pag masama ang loob ko o kaya naman ay sobrang saya ko lang. O kaya minsan, pag namimiss ko lang siya.
Tumuloy na ako sa pakay ko at naglakad papunta rito. Wala na naman masyadong tao at mukhang ako lang ang tatambay ngayon dito. Pagkarating ko roon ay tinanggal ko muna ang mga kalat at dumi na nasa harapan. Sinipa ko rin ang mga maliit na bato at tinapon ang mga dahong nagkandalaglagan na bago umupo sa tapat nito.
Pinakatitigan ko lang ang pangalan na nandoon nang maramdaman kong namumuo na ang luha sa mga mata ko. 'Di ko na pinansin ang mainit at tirik na tirik na araw ngayon basta nandito ako para kausapin siya. Hinaplos ko ang pangalan na nandirito at saka nagsalita.
"'Nay, alam mo ba kung anong nalaman ko ngayong araw? Alam mo na rin po ba?" tanong ko habang hinahaplos haplos ang pangalan ng kaniyang lapida. Bigla namang umihip ang malakas na hangin kahit maaraw at mainit.
"'Nay, sabihan mo naman si tatay na 'wag nang pasaway oh, ang kulit kasi alam naman nang may sakit siya, trabaho pa ng trabaho," ani ko sabay kusot ng mga mata ko para pigilan ang namumuong luha sa mga mata ko.
"Para namang sinasabi niyang 'di ko kayang magtrabaho para sa'min kaya niya sinasakripisyo yung kalusugan niya. 'Nay, gabayan mo rin pala ako sa paghahanap ng trabaho, kailangan ko 'tong gawin para kay tatay at ate,"ani ko sabay tingin sa kalangitan. Maaraw pero kitang kita ngayon ang langit dahil wala masyadong ulap na nakatabon dito. Ang aliwalas ng panahon ngayon kahit mainit init sa pakiramdam.
"'Nay, alam mo namang grabe yung pangungulila ko sa'yo diba?" tanong ko sa harap ng lapida niya na parang kinakausap talaga siya kahit alam kong wala naman talagang sasagot sa'kin ngayon. Nagsalita ulit ako, "Parang malaking parte ng buhay ko yung nawawala dahil wala man lang akong nakagisnang nanay, dahil sa picture ko lang kayo nakita at ni 'di ko man lang kayo nakilala, kaya sana 'nay kung nakikinig man kayo ngayon, 'wag niyo munang kuhanin si tatay ha? Siya na lang ang meron kami ngayon ni ate kaya 'wag muna ho," nagdaramdam na saad ko bago hinaplos ulit yung lapida niya.
Mahirap lumaki ng walang isang magulang dahil parang kalahati ng buhay mo ay parang wala na rin. At gano'n ang nararamdaman ko ngayon, at sana 'di ko na ulit maramdaman yun. Sana makinig na si tatay sa'kin at tumigil na muna siya sa pagtratrabaho. Sana mabago ni nanay ang isip niya, sana lang.
Tumayo na ako't pinagpag ang suot kong pantalon, "Sige na muna 'nay, balik na lang ako ulit. I love you po," ani ko't tumalikod na at nagsimula na uling maglakad para makaalis na sa lugar na 'to. Sana sa susunod na balik ko ay good news naman ang ibalita ko kay nanay.
Pagkauwi ko ay tahimik ang bahay. Magdidilim na rin dahil natraffic ako sa fx at inabot ng halos isa't kalahating oras. Sinilip ko si ate kung nasa kwarto at nakita ko nga itong nandun at tulog. Tiningnan ko naman ang kwarto ni tatay at nakitang wala siya doon, kung nasa'n man siya ngayon ay 'di ko alam.
Buti na lang ay tulog na si ate nung iniwan ni tatay. Pumunta na lang ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Wala naman akong ginawang nakakapagod pero parang nawala lahat ng enerhiya ko sa katawan nung nalaman ko yung tungkol kay tatay.
Kinuha ko ang cellphone ko at naghanap na lang ng mga pwede kong pagpart time-an na malapit lang dito sa bahay o kaya nama'y malapit lang sa university namin. Nakailang oras rin ako ng paghahanap at nakascreenshot lahat ng pwede kong applyan at puntahan. Naramdaman ko rin kani-kanina na dumating na si tatay dahil nagbukas ang pinto sa labas.
Siguro sisimulan ko na maghanap hanap at magtatanong tanong ng trabaho bukas.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (11)

  • avatar
    Rhafael Ducusin

    Sarap sa pakiramdam na pasko

    14d

      0
  • avatar
    ViloriaEllen

    nice to read

    22d

      0
  • avatar
    Maria Jessil Casas

    more money come

    22/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด