logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 2

Niel's POV;
.
"Niel!!...Niel..!!!gising na...magluto kana aalis ako ngayon.!!dahil hahanapin ko ang ama mong hinayupak at bibili din ako ng paninda ko sa bayan...."gising ni nanay sakin.
Bumangon na ako at pumunta sa kalan para magpabaga ng apoy.Pagkatapos kong magpabaga ay bumili na ako ng bigas sa tindahan ng mga tita ko at iniluto ko na ito.
Habang ako ay nagluluto naalala ko na naman ang halik ni Ian sa akin at naiinis ako.Bakit ba niya ginawa iyon??ano kayang binabalak niya??.
Pero kahit niya ginawa iyon ay mapapatawad ko siya.Madali akong magpatawad kahit pa hindi pa nahihingi ng tawad ang may kasalanan sakin.
Pumasok na ako sa banyo at naligo.Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nagpalamig ng kanin na ibabaon ko sa school.
.
.
.
Pumunta na ako kina kylie at nakita ko siyang nag-aayos ng sarili sa salamin.
"Kahit anong gawin mo...walang mababago diyan sa mukha mo..."biro ko.
"Wow....hiyang-hiya..."sabi niya naikinatawa ko.
"Tara nanga...."sabay hila ko kay kylie.
"Yung blush on ko....."maarteng sabi niya.
"Arte....guluhin ko payan....."
Tinakpan niya ng panyo ang mukha niya habang naglalakad para nga naman hindi ko guluhin ito.Pero ang hindi ko inaasahan ay nadapa siya buti na lang may nakasalo sa kaniya,walang iba kung di ang kaibigan ni Ian na si Shan.
Nagkatitigan pa silang dalawa ni Shan.Kaya mabilis kong hinila si Kylie paakyat sa hagdan papuntang sakayan.
"Ano ba...."maarteng sabi niya.
"Masakit ang hila mo sakin ha......sumbong kita kay mac..."-Kylie.
"Edih...sumbong mo...sasabihin ko din na ang sweet niyong magtitigan nung kaibigan ni Ian habang salo kaniya". Pananakot ko.
"Ikaw naman kasi ang may gawa nun ehh..."-Kylie.
"Bakit naman naging ako??".
"Kung hindi mo sinabing guguluhin mo ang mukha ko edi sana nakita ko daan...."-Kylie.
Pagkaayat namin sa hagdan ay pumara na ako ng sasakyan namin na motor. Kaya hindi na namin naituloy ang bangayan.
.
.
Pagkadating namin sa school ay nagmadali na kaming pumunta sa aming classroom sa may third floor. Pagpasok namin sa classroom ay mabilis akong umupo sa aking upuan.
Saktong pag-upo ko sa aking upuan ay pumasok ang kinaiinisan kong kaklase na si Ian.Kaya mabilis kong inilihis ang mata ko sa kaniya.
Umupo na siya sa tabi ko at lumingon sa akin.Kaya umiwas ako ng tigin sa kaniya.Buti na lang dumating na ang first subject teacher namin kaya hindi na ako inasar ni Ian.
"Good morning class...!!"-ma'am.
"Good morning ma'am.."magalang naming bati.
"Our lesson for today is all about earthquake..."
"Okay...what is the reason why earthquake happened?....".
Ako lang ang nag-iisang tumaas ng kamay.Kaya napatingin ang mga kaklase ko sa akin.
"Oh...yes..what is your name.?"-ma'am.
"Niel...po"maikling sagot ko at tumayo.
"So what is the reason?".tanong ulit ni ma'am.
"The reason is because the tectonic plates under the earth are moving... that's why earthquake happened in the thinnest part of the earth and it is called crust..."pagkatapos ng mahabang paliwanag ko ay umupo nadin ako.
"Ohh...very well answer Niel...."manghang sabi ni ma'am.
Matapos ang pagtuturo ni ma'am ay nag-iwan siya ng takdang aralin.At lumabas na siya.Tutungo muna ako saglit dahil wala pa naman ang next subject teacher namin at para narin hindi ko makita si Ian.
.
.
Dumating na ang second subject teacher namin na Social studies.Inilagay niya muna ang gamit niya sa table at nagturo.
"Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa kalamidad at kung paano at sino ang makakatulong at maiiwasan ang mga ito".-sir
"Magbigay ng halimbawa ng mga kalamidad".-sir
Nagsitaasan ng kamay ang iba kong mga kaklase,pati narin si Kylie at ako.
Tinawag ng sir si Kylie.
“Bagyo....”-sagot ni Kylie.
Pagkatapos sabihin ni Kylie ang bagyo ay nagsibabaan na ng kamay.At ako lang ang natira.
“Another..”sabi ni sir.
“Ano pangalan mo??..tanong sa akin ni sir.
“Ahh...Niel po...”sagot ko
“Ahh lindol po...”
“Tama.....”.maikling sabi ni sir.
“Okay....Sino ang pinakamataas na mga tao ang tumutulong sa atin pag may ganitong sakuna....??.”tanong ulit ni sir.
Nakita ni sir si Ian na nakatungo at hindi nakikinig kaya tinawag ito.
“Okay....ikaw...yung nakatungo...!!”pasigaw na sabi ni sir.Nagulat naman si Ian at tumayo.
“Ahh sir ano po yon??..”-Ian.
“Sabi ko!!sino ang pinakamataas na tumutulong sa atin pagdating ng mga kalamidad na nabanggit ng mga kaklase mo??.”paggalit na tanong ni sir.
Nakaisang minuto na hindi pa sumasagot si Ian kaya isinulat ko sa scratch paper ang sagot at ipinakita kay Ian ng patago.Nakita naman ni Ian at sumagot.
“Ahh-ehh....NDRRMC po sir”nauutal na sagot ni Ian.
Pagkatapos niyang sumagot ay umupo na siya.At tumingin sa akin na hindi ko maintindihan kung nagpapasalamat ba siya sa pagtulong ko o ewan.
“Very...good..So ano ang ibig sabihin ng NDRRMC..??”tanong ulit ni sir.
Tumaas ako ng kamay at tinawag ulit ako ni sir.
“Ohh...ikaw Niel..”-sir.
“Ahh...ano po National Disaster Risk Reduction and Management Council.”
“Very good...”manghang sabi ni sir.
Natapos ang second subject namin ay recess na.Lumabas na kami ni Kylie para pumunta sa canteen.
“Ohh ano bibilhin mo??”tanong ko kay Kylie.
“Ahh-ewan sabi nila katuwa daw ang tinda dito...ay ikaw ano bibilhin mo?”-Kylie.
“Wala....nagiipon ako ehh..”
“May assignment ka na ba??”tanong sa akin ni Kylie.
“Oo...bakit??”tanong ko rito.
“Ahh...pwede bang pakopya??”nahihiya nitong sabi.
“Naku...kung hindi lang kita kaibigan hindi kita papakopyahin...”
“wag kalang masasanay na umaasa sa iba ha??..”
“Opo”-Kylie.
“tara punta tayong bench at dun mo na lang sulatin ang sagot ko...”
Pagdating namin sa bench ay mabilis na inilabas ni Kylie ang kaniyang mga notebook at nagsulat.
-
-
-
Ian's POV;
.
Iniisip ko pa rin kung bakit ako tinulungan ni Niel kanina sa aming klase.Narito kami sa likod ng eskwelahan kasama mga kabarkada ko.
‘Magpapasalamat ba ako sa kaniya?'tanong ko sa isip.Nawala naman ang iniisip ko ng magsalita si Shan kabarkada ko.
“Malalim ata ang iniisip mo ahh??ano ba yan??Chicks ba?.”nangingiting tanong ni Shan.
“Wala lang ito...”sagot ko.
Umalis na lang ako baka asarin pa ako ng mga ito.Pumunta na lang ako sa bench at nakita ko sila Niel at ang kaibigan niyang si Kylie na naka upo.
Bala na magpapasalamat na lang ako sa kaniya.
-
-
-
Niel's POV;
Paglingon ko sa di kalayuan nakita ko si Ian na palapit sa amin.Kaya umayos ako ng upo.Lumapit siya sa amin at huminto.
“Salamat...”sabi niya at umalis na.
‘Nananaginip ba ako??’tanong ko sa isip.
“Ohh ba't natulala ka na diyan??”-Kylie.
“Saan bayun nagpasalamat?”tanong ulit ni Kylie.
“Ahh...tinulungan ko kasi siya kanina nung hindi siya makasagot kay sir sa Social Studies...”paliwanag ko.
“ahh...”yun na lang ang nasabi ni Kylie.
Natapos na si Kylie sa pagkopya ng aking mga assignment at sabay bell.Kaya umakyat na kami sa hagdan at pumasok na kami sa aming classroom.
Pag-upo ko ay sabay dating ni Ian kasabay ng sir namin na si Sir Romero.Kaya nag si ayos na kami ng upo.
Nagturo na si sir ng unang lesson sa math na arithmetic sequence. Nakinig ako ng mabuti kay sir dahil alam ko pang college na ang math na ituturo ngayong grade 10 na kami.
.
.
.
Pagkatapos magturo ng sir ay nagbigay siya ng activity sa blackboard.Buti na lang naintindihan ko turo niya.Natapos ako at ipinasa ko na kay sir.
“okay...kailangan niyong magpartner sa dalawa para sa tandem.Magbibigay ako ng given sa math at pasasagutan ko sa inyo by partners.Iyang mga katabi niyo na ang magiging partner niyo. ”.-sir
“Pag kayo ay nagkamali sa lahat ng given 0 ang makukuha niyo at pagmali ang isinagot ng partner niyo sa blackboard pero tama ang nasa papel niyo...magiging mali iyon at pagwalang ginagawa ang kapartner niyo sabihin niyo lang sa akin....maliwanag ba..!!”-sir
“Yes sir!!..”sabay -sabay naming sabi.
Huuu...pagminamalas nga naman bakit ba siya pa ang nakapartner ko.Sana si Kylie na lang.Pero kailangan kong gawin ito para sa aking grade.
Nag-iwan si Sir ng given na papasagutan sa bahay.‘Saan kaya kami mag grugroupings mamaya??’- tanong ko sa aking sarili.
-
*******FastForward********
-
Lunch na hindi ko pa natatanong si Ian kung saan kami magsasagot sa math.Kakain muna ako bago hanapin si Ian.
Pagkatapos ko kumain ay hinanap ko si Ian pero hindi ko makita.Pumunta muna ako CR dahil najijingle na ako.
Pagpasok ko sa pinto ay umihi kaagad ako paglabas ko ng pinto ay nakita ko si Ian sa salamin na naghuhugas ng kamay.
“Hoy saan tayo maggagawa ng math?”
Tanong ko rito.
“Bahala ka...”walang ka emoemosyon na sabi nito.
Lalabas na sana siya pero pinigilan ko.
“Please....sana makicooperate kanaman...para din naman ito sa grade mo ahh...”pagmamakaawa ko.
Mukha naman siyang naawa.
“Ohh....sige sa aamin mamayang alas 4:00pm pagkauwe natin....okay na???”-wala paring kaemoemosyong sabi.
Tumango na lang ako at nauna na siyang lumabas sa CR.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (26)

  • avatar
    Re Gi Ne

    appreciated

    22/06

      0
  • avatar
    Rosemie Ann Hablo

    actually ang ganda ng story nato naka iyak subra

    28/04

      0
  • avatar
    DalagKris

    thanks

    15/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด