logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

LNIB: 2

Hindi maalis ang ngiti ni Sayaka habang di maubos ang dating schoolmates niya na nagpapa-picture sa kanilang magkakaibigan. Alumni homecoming nila sa Pandan National High Schools. Punong-puno ang malawak na school ground ng paaralan na ngayon ay coveredb gymnasium na at excited na magkita-kita ang lahat. Di magkamayaw sa balitaan ang lahat -mula sa tsismis kung sino ang naghiwalay, nagkatuluyan, nagkaanak nang walang asawa, at naging kabit. Samu’t sari na at halu-halo na ang kwento ng mga ito pero di nawawala ang pag-uusisa sa buhay nilang magkakaibigan mula nang mawala sila sa Pandan.
Nakaladlad sa blog at social media accounts ang nangyayari sa kanilang magkakaibigan. They were professional bloggers now. Kanya-kanya silang topic tungkol sa pagkain, events, fashion at leisure. Pare-pareho silang nagbibiyahe sa iba’t ibang lugar at naiimbitahan ng iba’t ibang establishments at negosyo para I-review sa blog nila. Mistulang celebrity sila dahil may libo-libo silang followers at binabayaran ang mga post nila.
“Wow! Sikat na kayo,” ani Hiyasmin, ang salutatorian ng klase nila at asawa na ngayon ng isang konsehal. Di ito nakapag-college dahil nagpakasal agad. Pero mukhang maayos naman ang buhay nito ngayon bilang asawa ng pultiko at may dalawang anak na. “Kayo yata ang pinakasikat sa batch natin at sa buong Pandan. Aba! Ipinagmamalaki ko kayo sa asawa ng gobernador. Sabi ko kaklase ko kayo. Follower n’yo sila at ang mga amiga niya.”
“Nakakainggit talaga ‘yung trip n’yo sa Maldives,” sabi naman ni Tessa Marie na isa sa muse ng batch nila pero ngayon ay mukhang haggard dahil sa asawa nitong babaero kahit walang matinong trabaho. “Sino ang boyfriend mo? Mayaman ba?”
“Hindi kailangan ng babae ng boyfriend para lang makapag-travel at abutin ang mga pangarap niya. Kaya nga nagtatrabahong mabuti,” paliwanag niya sa mga ito. Di na bago sa kanya ang paniniwala na may mayaman siyang boyfriend na foreigner kaya sila nakakapagbiyahe na magkakaibigan. Di alam ng mga ito na diskarte at sipag lang kaya nakakapagbiyahe sila.
Suki sila ng mga travel at may sponsor ang trip nila. Siyempre, di iyon maiintindihan ng mga kaharap niya. Pakiramdam niya napaka-backward pa rin ng Pandan. Makaluma pa rin kung mag-isip. Marami nang nabago sa mundo, marami na siyang naranasang iba’t ibang kultura at iba’t ibang tao at pananaw pero ganoon pa rin ang Pandayan at ang mga tao doon. Kahit pa sabihing sikat sila sa paningin ng mga ito, mababa pa rin ang tingin sa kanila.
Gusto nilang makilalang magkakaibigan dahil sa sarili nilang pagsisikap. At sa palagay niya, hindi iyon magiging madali sa paningin ng mga tao na nakakulong sa makalumang pag-iisip.
“Saan ang next destination n’yo?” tanong ni Cali na isa nang guro ngayon sa Pandan National High School.
“Social media manager ako ng isang resort sa Boracay,” sagot ni Sayaka.
Hindi madali ang magbiyahe sa iba’t ibang probinsiya at bansa nang kulang ang pera kaya naman pumasok sila sa iba’t ibang klaseng trabaho - host sa cruise, tourist guide, host ng parties, masahista, waitress, yoga at zumba instructor pati English tutor. Di niya ikinahihiya iyon.
Pero sa pagkakataong ito pinili niyang manatili sa isang lugar para magkaroon ng mas stable na trabaho. Di lang basta pangtsismisan ang social media kundi nagagamit na rin iyon sa pagpopromote ng negosyo at produkto.
“Di ba kayo nagkikita ni Riego? Sa Boracay din siya nagtatrabaho,” ani Tessa Marie.
“Really? Si Riego Salvacion?” tanong niya.
“Ayun siya!” sabi ni Tessa Marie at kumaway pa. “Riego! Punta ka naman dito.”
Nilingon ni Sayaka ang direksyon ng kinawayan ni Tessa Marie. Naintriga siya kung ano nang ang itsura ng dating manliligaw na binasted niya. Isang morenong lalaki na naka-man bun at may five o’clock shadow ang naglalakad palapit sa kanila. Habang nagsisikap na maging pormal ang iba, chino polo at pantalong maong lang ang suot nito. Akala mo naglalakad ito sa beach sa gaan ng lakad nito. Parang natuyuan siya ng laway dahil sa suot nitong white polo na nakahakab sa matipunong katawan nito at nagpapakita ng malapad nitong balikat. Nakalimutan niyang huminga nang magtama ang mga mata nila. Parang sinasagaan siya ng rumaragasang tren dahil may hipnotismo ata ito. His eyes were as dark as night. Nakitaan niya ng kislap ng galit doon pero ngumiti din. He had the most beautiful smile.
Di na bago sa kanya ang makakita ng guwapo at lalaking magaganda ang katawan. Nagsawa na nga siya sa dami ng nakabalandrang katawan sa beach na napuntahan niya sa Pilipinas at sa ibang bansa. Kaya di niya maintindihan kung bakit apektado siya ng lalaking ito na ngiti pa lang ulam na.
Itatanong sana niya kung sino ito nang tuluyan itong lumapit kay Tessa Marie at humawak sa baywang ng babae. “Hi! Kumusta na? Sumexy ka lalo ah!”
Humagikgik ang babae at hinampas sa dibdib ang lalaki. “Ano ka ba, Riego? Baka marinig iyan ng asawa ko at magselos.”
“Sayang nahuli na ako. Dapat kasi ikaw ang niligawan ko dati.”
Nakailang kurap pa si Sayaka bago tuluyang naproreso ng utak niya na ang lalaking minsan na niyang binasted ang kaharap niya. Mukhang alagang-alaga ni Riego sa sarili. Wala naman siyang duda sa kaguwapuhan nito. Mga bata pa lang ay guwapo na ito at crush pa ng ibang schoolmates nila. Pero malakas na ang kompiyansa nito sa sarili at di mahiyain. Nagagawa na nga nitong makipag-flirt sa ibang babae kahit na pabiro. Samantalang dati ay halos malusaw ito sa hiya kapag nilalapitan siya.
So ito lang naman ang lalaking sinayang ko.
“Si Sayaka single pa rin. At sa Boracay din siya nagtatrabaho,” kwento ni Hiyasmin.
“Really?” he asked in a lazy drawl then gave her an equally chill smile. “Hello, Sayaka. Small world. Akala ko hindi ka na babalik sa PIlipinas. Sawa ka na ba sa abroad?”
“May magandang job offer lang sa Bora. Mabuti na lang pwede akong magtrabaho at magsulat kahit na saan ko gusto,” puno ng kompiyansa niyang sabi. “How about you?. Akala ko di ka aalis ng Pandan pero kita mo nga naman, sa Boracay ka pa napadpad.”
“Taga-Hambil Island ang lola ko na malapit lang sa Boracay. Doon na kami lumipat pagka-graduate ko dito dahil mahina na ang katawan ni Lola at walang mag-aalaga sa kanya. Sa Boracay na rin ako nagtrabaho”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (29)

  • avatar
    PalisNenet

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    11/10

      0
  • avatar
    Neneurot

    grabi ang gandaaaaaaaa...... sana my dugtong pa ito gusto kng mababasa ang matupad na ang pangarap nilang dalawa na magkaroon ng mga anak hihihi

    14/09/2023

      0
  • avatar
    Prin Cess

    hiii

    01/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด