logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Praising the Beauty

Praising the Beauty

senyora_athena


Chapter 1

“Don’t worry, hindi nila malalaman na may boyfriend ka na. Ano bang kinatatakot mo kay Tita at Tito?” Tinaasan pa si Georgie ng kilay ni Foina habang ang mga kamay nito ay busy sa pagkuha ng polbo sa bag. Mukhang magsisimula na naman ang walang katapusang pangangaral ng kaibigan niya. Magkukuwento na naman ito tungkol kung ano na ang kalagayan ng mundo na tinitirhan niya.
“In fact, new generation na ‘to, wala ng lugar ang pagiging conservative. My God!” pagtatalak pa nito na sinamahan pa ng pagpahid nito ng polbo sa mukha. Sabi na nga bang ito ang sasabihin ng kaibigan niya, kailanman ay hindi namali ang hula niya. “You know what, masarap kapag nagagawa mo ang ipinagbabawal nila. Believe me, I’ve been there, Georgie.”
“True,” pagsang-ayon naman ng isa pa niyang katabi. Isa pa ‘to, ewan ba parang napapalibutan siya ng mga bad influence. “Look at them.” Pinaharap pa nito sa kaniya ang hawak na cellphone. “They’re celebrating their anniversary, nakakainggit ‘no? But hey, do you wanna ask their age? They’re just sixteen!”
“See what I mean?” tanong sa kaniya ng kaibigan na patuloy pa rin sa ginagawang pagpopolbo. “So, stop worrying. Hindi ito ang panahon para mag-alala. I know Tita will understand you.”
“At ito pa oh.” Mas lumapit pa ang katabi niya at may muling pinakita sa kaniya. “Pinsan ko `yan, maagang lumandi,” sabi nito at humalakhak kaya napailing na lang siya.
Mga bata nga naman. Akala siguro madaling humanap ng bigas.
Kusang kumawala ang malakas na hininga sa ilong ni Georgie at lumapit sa upuan niya. Simula na naman ng klase ng araw na iyon. Napatingin siya sa suot niyang relo at nalukot ang mukha niya, ilang minuto na lang ay malapit nang magsimula ang klase pero hindi pa dumating ang lalaking hinihintay niya.
Hindi na naman siguro papasok, mahinang bulong niya sa sarili. Pero nangako ito sa kaniya na hindi na muling liliban pa. Kahit mahirap namang paniwalaan pero umasa pa rin si Georgie. Wala naman siyang ibang magagawa sa ngayon kun’di ang paniwalaan muna ang mga pangako nitong imposible namang mangyari.
“Darating ‘yon,” sabi ng kaibigan niya na parang alam na may hinihintay siya. “I bet, hindi ‘yon a-absent. Ngayon pa ba na shota ka na niya.” Humalakhak pa ang kaibigan niya na sinabayan ng pagkibitbalikat at ibinalik na ang maliit nitong salamin sa bag nito kasama ang polbo na ginamit.
“Anong shota, Foina?” nagtataka niyang tanong sa kaibigan. Ito talagang kaibigan niya kung ano-anong salita na lang ang pinagsasabi na wala siyang kaalam-alam. Kung sino-sino na lang din kasi ang sinasamahan kaya may nakukuhang kabaliwan.
Hindi nito sinagot ang tanong niya, sa halip ay may kinawayan ito sa pinto at malaki ang ngiti sa labi. “See? Told yah, hindi a-absent ‘yang shota mo.” Hinarap siya nito at hinawakan ang baba niya. “Shota means, short term jowa.” Muling humalakhak si Foina kaya binigyan niya ito nang matalim na tingin.
Pero hindi na niya pinansin ang sinabi ng kaibigan. Ang lalaking hinihintay niya mula pa kanina ang binigyan niya ng pansin. Akala niya ay hindi ito papasok gaya nang palagi nitong ginagawa. Halos palagi itong liban sa klase, himala na lang kung papasok ito.
Ewan ba, kahit siya ay nagtataka kung bakit niya ito sinagot, kung bakit niya tinanggap ang alok nito. Kung bakit niya sinagot ang panliligaw ng lalaki. Kahit isa nga lang sa mga pinangarap niyang katangian sa magiging boyfriend niya ay wala ito. Kahit kabaitan na lang sana.
Pero kahit gano’n ay nagpadala siya. Naniniwala pa rin siyang kayang magbago nito para sa kaniya. Ganoon naman diba? Kapag mahal mo ang isang tao ay kaya mong magbago.
Sabi naman nito sa kaniya na mahal siya nito.
“Uy, Jude! Mabuti at dumating ka na.” Halakhak na naman ni Foina ang umalingawngaw sa buong silid. “Kanina pa naghihintay ang girlfriend mo.”
Kumaway si Jude at binigyan siya ng matamis na ngiti.
Iyon marahil ang nakakuha sa kaniya — matamis na ngiti. Nakakaakit ang ngiti nito na pababaunan pa ng malamig nito na boses lalo na kapag kakanta.
Yeah, maybe, bulong niya sa sarili. Pero bahala na. Napag-aaralan naman daw ang pagmamahal.
“Really? You’re waiting for me?” tanong ni Jude nang makalapit na sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.
Agad niyang inilayo ang sarili. “Ano ba! Public ito, Jude,” saway niya sa nobyo at sa harap na siya tumingin. Hindi rin naman nagtagal ay pumasok na ang instructor nila sa oras na iyon.
“Yeah, yeah. Bawal. I understand, really.”
Hindi na siya sumagot at kinuha na ang notebook niya upang mag-take note. Magsisimula na ang klase at wala siyang panahon upang lumandi sa oras na iyon.
“PUWEDE ka ba mamaya?” bungad na tanong sa kaniya ni Jude matapos ang klase. Hindi pa sila nakalalabas ng classroom at patuloy pa siya sa pagliligpit ng mga gamit. Halos dalawang oras din ang klase nila, mukha pa ngang ayaw pang magpatigil ng instructor nila kanina.
“Anong oras ba?” tanong niya at hinarap ang nobyo. Palinga-linga pa siya dahil baka may makakita sa kanila. Mahirap na baka may magsumbong sa mga magulang niya. Magugulat na lang siya dahil hindi na siya muling makakabalik pa sa university.
Wala pa silang isang linggo na mag-on. Tatlong araw pa lamang mula nang sinagot niya ang lalaki. Kahit anong gawin niyang tanong sa sarili kung nagsisisi ba siya, wala siyang mahagilap. Marahil, ito na. Ito na ang tamang panahon.
“Six.”
“Hindi ako sure, babe. Ano kasi—”
“Yeah, maaga kang uuwi.”
Muli na naman siyang lumingon sa labas ng classroom upang tingnan kung may tao ba o baka may makakita sa kanila na kilala niya. Nang masigurong walang tao ay saka pa siya lumapit sa upuan ni Jude at umupo sa kandungan nito.
“Babe, alam mo namang—”
“Iniintindi kita, Georgie. But please, kahit ngayon lang manood ka sa show ko. Please,” malungkot nitong saad sa kaniya.
“Pero kasi ang bilin ni Mommy, maaga raw akong uuwi mamaya dahil may bisita kami.”
“Mas importante pa ba ang bisita compare sa akin?”
“No, hindi sa gano’n—”
“Gano’n ang dating sa’kin. Mas importante pa siya sa birthday ko—”
“Birthday mo?” gulat niyang tanong sa nobyo at hinawakan pa niya ang mukha ng lalaki upang ipaharap sa kaniya.
“See? Ni hindi mo alam na birthday ko. Ang saki—” Hindi na niya pinatapos ang sasabihin pa nito. Agad niya sinakop ang labi ni Jude at dahan-dahan na iginalaw ang mga labi.
Halos hindi nito inasahan ang ginawa niya, hindi agad ito nakagalaw upang tugunin ang halik niya. Ilang segundo pa ang lumipas bago ito nakabawi at sinagot ang halik niya.
Iginapos niya ang braso sa leeg ng binata kasabay ng paghila sa kaniya ni Jude upang dumikit pa ang katawan niya sa katawan nito.
Naging marahas na ang halik nito at kung saan-saan na umabot ang kamay ng lalaki. Agad nitong naabot ang ilalim ng palda niya at pinasok ang kamay sa kaniyang panloob. Doon pa siya nakabawi.
“Jude, stop—”
“Hey, babe. You’ll like this, promise.”
Pilit siyang lumayo. “But—”
“Okay, okay. Sorry. Alam kung naging mabilis ako. Sorry babe.”
Umalis siya sa kandungan ni Jude at inayos ang sarili. Hindi dapat siya lumampas sa gano’n, hindi dapat siya umakto ng gano’n sa harap ng nobyo. Hindi dapat.
“Sorry, okay? Hindi na mauulit.”
“No, it’s my fault.”
Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Nakayuko lamang siya at namayani ang katahimikan.
Bago niya sinagot si Jude ay ipinaintindi niya muna ang lahat. Lahat-lahat. Lahat ng mga ayaw niya at ang mga bawal. Pinagpauna niya na hanggang halik lamang sila at hindi nila papasukin ang mga gawain ng mag-asawa.
Lumaki siyang halos kapatid na ang simbahan. Ang lugar na iyon ang naging pasiyalan niya. Sa loob ng dalawang dekada ay wala ni isa siyang sinuway sa mga aral na nakasulat sa banal na aklat at palagi niyang sinusunod ang mga utos ng kaniyang magulang.
Pero hindi sa lahat ng panahon ay kaya niyang sumunod.
Hindi sa lahat ng panahon ay kaya niyang maging anghel na walang kaakibat na dumi.
Dala rin ng mga palagi niyang nakikita na ginagawa ng mga kaedad niya ay gusto niya ring gayahin. Gusto niya ring maging normal. Gusto niya ring sumuway kahit isang beses lang.
At ito ang naging dahilan kung bakit sinagot niya si Jude. Gusto niyang mag-explore.
“That was the best gift ever, Georgie. You made my day. I love you.” Hinakbang ni Jude ang pagitan nila at yinakap siya. “Thank you for everything.”
Gusto kong mag-explore. Maiintindihan din naman siguro nila ako, bulong niya sa sarili.
“Don’t worry, pipilitin kong makapunta sa show mo mamaya. Happy birthday, Jude.” Hinalikan niyang muli ang labi ni Jude at lumabas sa classroom na iyon.
“SAAN ang punta mo? May lakad ka?” sunod-sunod na tanong ni Georgie kay Foina pagkatapos nilang mananghalian. Nagmamadali kasi itong tapusin ang pagkain nito na hindi naman talaga gawain ng dalaga. Tapos idagdag pa na halos hindi ito mapakali. Panay sulyap ito sa cellphone nito.
“Wala naman,” sagot nito at matamis na ngumiti. Itinali pa nito ang maliit na ribbon na nasa balikat ng suot nitong damit. “Saglit lang naman ako eh, wala kang dapat ikabahala.”
“I know that smile. Saan nga? Spell.”
Minsan ay kinakabahan siya kapag ngumingiti ang kaibigan niya na parang may binabalak na masama. Literal na masama kasi talaga ang ginagawa nito at kahit siya ay nahihirapan itong pigilan.
“Magkikita kami ni Roderick, girl. I’m so excited!” Tumili pa ito kaya wala sa oras siyang napatakip sa tainga. Para kasing babasagin pa nito ang eardrums niya.
“Kailan?”
“Ngayon!” Tumayo agad ito at lumapit sa salamin ng boarding house nila.
Muli na naman itong ngumiti sa salamin at inayos pa ang hanggang balikat nitong straight na buhok.
Matagal na niyang kilala ang babae na ‘to na daig pa ang boses ng manok sa sobrang tulis ng tinig nito. Iyong tipong kapag sisigaw ito ay magrereklamo ang buong barangay na baka humantong pa sa pagtanggap nito ng summon. Kahit sa university nga nila ay marami silang natatanggap na reklamo pero tinatawanan lang ni Foina.
Kaya noong nagpasiya siyang pumasok ng kolehiyo na malayo sa lugar nila ay si Foina ang sinama niya. Si Foina lang naman talaga ang malalapitan niya, ito lang ang naging kaibigan niya. Wala talagang balak si Foina na sa kabilang distrito sila mag-aral pero pinilit niya. Hindi kasi siya papayagan ng mga magulang niya kung wala siyang kasamang matino.
Pero lingid sa mga magulang niya na kabaliktaran pala ang ugali ni Foina. Mahilig ito sa lakwatsa, patago nga lang. Pero hindi naman iyong tipong palagi na lang, may katinuan pa ring natitira sa utak ng kaibigan niya.
“Ngayon?” ulit niya na tinanguan din naman ni Foina at sinamahan ng ngiti at kindat. “Pero—”
Hinarangan nito ang labi niya. “No buts. Friday ngayon, let’s enjoy!”
“Pero, Foina, may klase tayo mama—”
“You can’t stop me, sweetie.” Pimaywangan pa siya nito. “Akala mo siguro hindi ko alam na sasamahan mo si Jude mamaya. Akala ko ba maaga kang uuwi? Baka isumbong pa kita kay Tita, lagot—”
“Okay, fine! Go on!”
“Madali ka naman pa lang kausap.” Nagmadali itong nagbihis at iniwan siya sa kusina.
Wala siyang ibang nagawa kun’di ang umupo muli at hinarap ang plato niya. Bumuntonghininga pa siya pagkatapos muling sulyapan ang kaibigan na hindi na naman papasok sa minor subject nila. Mabuti na lang at dalawang subject lang ang mayroon sila ngayon. Hindi masiyadong marami ang hindi nito papasukang subject.
Pinilit niyang isubo ang laman ng kutsara niya. Wala siyang tiwala sa sinasabi nitong Roderick. Kilala kasi ito bilang playboy sa campus nila. May nakapagsabi pa sa kaniya na parang nagbibihis lang ang lalaki kung magpalit ng babae. Laro lang talaga ang lahat dito.
At ang hindi niya papayagan ay isasali pa nito ang kaibigan niya sa larong palagi nitong nilalaro. Pero kung hindi naman siya papayag, siya pa rin ang talo.
“Georgie, pahiram ng dress mo.”
Doon na siya tumayo. At talagang pati dress niya ay hindi nito palalampasin. Napailing na lang siya at binuksan ang pinto ng kuwarto nila.
“Saan ba kasi ang lakad niyo at dress pa ang susuotin mo?” tanong niya sa kaibigan na kasalukuyang nagsusuot ng bra.
Nilingon siya nito. “I don’t know. Nag-aya lang si Roderick. First time ‘to, alam mo namang noon pa ay crush ko na ‘yon.” Humalakhak pa ito. “Crush ng campus ‘yon, girl! So, dapat prepared.”
“Playboy ng campus, hindi crush.”
“Ano ba!” paasik nitong sabi. “Pahiramin mo na lang kasi ako ng damit. Iyong hindi mo pa nasusuot sa campus. Baka nakita na iyon ni Roderick at masabihan pa akong nanghiram ako ng damit sa’yo.”
“Which is true—”
“Pretty, please.”
Napailing na lang siya at binuksan ang cabinet niya. Mukhang hindi niya talaga mapipigilan si Foina. Sana ay hindi ito lokohin ni Roderick gaya sa mga chismis na ginagawa raw kuno ng lalaki.
“AKALA ko ba may show kayo? Bakit parang tayo lang ang nandito?” takang tanong niya sa nobyo matapos silang nakapasok sa maliit na studio kung saan nag-pe-perform ang mga ka-gropo ng nobyo.
“Yeah, mayroon nga.” Kanina pa ito na tipid lang kung sumagot kahit kinakausap niya. Tinutubuan tuloy siya ng kaba dahil sa paraan ng pagsagot nito.
Pagkatapos ng klase niya ay agad siyang sinundo ni Jude sa huling classroom na pinasukan niya. Agad silang dumeritso sa studio at hindi siya nagreklamo kasi pumayag naman siya. Ni hindi na nga niya nagawang magpaalam sa parents niya.
As if naman na papayagan siya kung sakaling magpaalam siya diba? Baka mas lalong maging delikado ang lahat. At ang mas malala pa, baka sunduin na lang siya ng mga ito. Iyon ang mas nakakabahala.
“So, nauna lang ba talaga tayo o late sila? Nasaan ang mga kasama mo kung gano’n?” tanong na naman niya kahit nakatalikod si Jude sa kaniya.
Hinarap siya ni Jude at hinawakan siya sa balikat kaya natigil sila sa paglakad. “Tayo lang ngayon. Ikaw lang ang gusto kong kasama sa birthday ko kaya ‘wag mo silang hanapin.”
Kahit gusto niyang tumutol at sabihing hindi iyon ang sinabi nito kanina pero hindi na lang umimik si Georgie. Nanatili siyang kalmado o tamang sabihin na pinilit niyang maging kalmado.
Naunang naglakad ang nobyo niya papasok sa studio. Palinga-linga pa siya at pinasadahan ng tingin ang buong paligid. Maraming upuan na nakapalibot sa mga bilog na mesa. Katulad na katulad sa mga mesa na nakikita niya sa mga movies, kaso sa bar iyon.
“Bar ba ‘to? Sa bar ka nagtatrabaho?” gulat niyang tanong sa nobyo.
Tumango ito. “Yes, bilang isang vocalist. Pero hindi lang ito ang bar na kinakantahan ng group ko. Marami.”
Hindi na siya umimik pa. Hindi niya rin maintindihan kung bakit bumalot sa kaniya ang kaba. Tumigil siya sa paglakad at tiningnan na lang si Jude na nagpatuloy pa rin. Tatlong mesa na ang pagitan nila kaya nagpasya siyang umupo. Inilapag niya rin ang dala niyang bag.
Hindi ito ang inaasahan ko, bulong niya.
“Babe,” tawag sa kaniya ni Jude. Napansin pala nitong hindi siya sumunod.
Ito na ba? Kailangan ko na bang tumakbo?
Mahigpit ang hawak niya sa bag. Isang maling kilos lang nito ay hindi siya magdadalawang-isip na tumawag sa mga pulis. Kahit papa’no ay may utak pa rin naman siya.
Pero hindi rin naman siya sigurado na may masamang balak si Jude sa kaniya. Gaya nga ng sabi nito, gusto lang nitong kasama siya nito sa karaawan nito. Gusto nitong siya lang ang kasama. Hindi dapat siya mag-isip ng masama.
“Natatakot ka ba sa’kin?”
Natatakot ba siya? May dapat ba siyang katakutan?
Dali-dali siyang umiling. Hindi naman siguro siya dapat matakot. Mula nang pumayag siyang maging nobya nito ay dapat kasama na may tiwala siya sa lalaki.
Pero normal lang ba na kabahan siya? Normal lang ba na maging iba ang ritmo ng puso niya? Ang daming tanong na sumasayaw sa kaniyang utak na ang hirap patigilin dahil naghihintay ng matinong kasagutan.
Lumapit sa kaniya si Jude. Binalikan siya nito at hinawakan ang kamay niya.
“You’re shaking. Natatakot ka ba talaga sa’kin?”
“No.” Umiling siya. “Siguro, kinakabahan lang ako.”
Tama, kinakabahan lang ako.
Mahinang tumawa si Jude at niyakap siya. “Bakit ka kakabahan? Dadahan-dahanin ko lang naman.”
“What?” Agad siyang bumitaw sa yakap nito. Sinasabi na nga ba!
“Hey, I’m just joking, babe. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo, okay? Just trust me.”
Hinuli niya ang tingin nito at nakita niya ang sinseredad. Wala siyang nahanap na pagkukunwari. Wala siyang nahanap na peke.
Sana nga. Sana nga tama siya. Sana tama ang pinili niya.
Agad niyang yinakap ang nobyo at hinawakan nito ang buhok niya. Hindi naman pala mahirap mahalin ang lalaki.
Pumasok siya sa bagay na ‘to hindi dahil mahal niya si Jude kun’di gusto lang talaga niyang subukan ang pakikipagrelasyon.
I think puwede ko siyang mahalin.
Hinawakan ni Jude ang baba niya at pinaharap siya nito sa mukha nito. Dahan-dahan na bumaba ang mukha nito palapit sa mukha niya at tinawid ang pagitan nila.
Kusa siyang pumikit at tinanggap ang halik ng nobyo. Sa una ay marahan ang bawat galaw nito hanggang sa naging marupok. Wala siyang ibang ginawa kun’di ang tumugon at iparating sa lalaki na nagustuhan niya ang halik nito.
Hindi siya tumutol, walang nahanap na pagtutol si Jude sa kaniya.
Bumaba ang halik nito patungo sa kaniyang leeg. Nakikiramdam at hinahanap ang kaniyang pagtugon. Tanging pag-ungol lamang ang ibinigay niya sa lalaki.
Yumakap ang isa niyang binti sa baywang ni Jude, humahanap ng kakapitan dahil pakiramdam niya ay nanghihina ang kaniyang tuhod. Wari niya’y kung hindi siya yayakap sa lalaki ay hindi magtatagal ay matutumba siya.
Ngunit biglang naputol ang kaniyang nararamdaman nang biglang tumunog ang cellphone niya na nasa loob ng kaniyang bulsa. Agad siyang bumitaw kay Jude at inalis ang kamay nito na malaya na pa lang nilalakbay ang kaniyang dibdib at wala ng suot na bra. Ni hindi man lang niya namalayan!
Mas lalong naging doble ang kaba niya nang makitang ang tumawag pala ay kaniyang Daddy.
“Si Dad. Sagutin ko lang.”
“Let’s seat. Umupo ka sa kandungan ko. Gusto ko tuwing ginagawa mo ‘yon.” Hinila siya ni Jude paupo sa kandungan nito. “Stay put. Kahit ito na lang ang birthday gift mo sa’kin.”
“Jude—”
“Answer the call.”
Bumuntonghininga si Georgie, alam niyang talo siya. Sinagot niya ang tawag ng kaniyang Daddy habang muling naglakbay ang kamay ng nobyo sa kaniyang dibdib.
“Dad—”
“Where are you? It’s almost seven in the evening, Lady!”

Book Comment (56)

  • avatar
    AbuhanAzil

    Congrats li'l sis for your new masterpiece! Keep it up! For me you are an inspiration, keep inspiring others by your wonderful stories.

    27/04/2022

      0
  • avatar
    DimasangkayHalim

    yes

    11d

      0
  • avatar
    Jess Zer Jagorin

    nice

    17d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters