logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 07- Manang

Fritz' POV
Tahimik lang ako habang kumakain, iniisip 'yong mga sinabi ni Aezle.
*
"Ikaw ang napili kong makasama sa buong buhay ko!" masiglang sabi niya kaya napaamang ako.
Ano raw?
"A-Ano'ng–" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil agad niya akong inunahan.
"You can't say no! 'Yon lang, bye!"
*
Napabuntong hininga ako, that thing is still bothering me until now.
Ano ba kasi ang ibig-sabihin ng mga sinasabi niya? Taragis naman oh.
Naramdaman ko ang mga titig ng mga kasama ko rito sa hapag-kainan kaya inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakatingin sa pagkain, at tinapunan sila ng nagtatakang tingin.
"Tinitingin-tingin niyo?" tanong ko. Suminghap si Pula at tumaas ang isang kilay. Kinunutan naman ako ng noo ni Puti.
"Oh my gosh! Kailangan 'tong malaman ni Azure!" biglaang sabi ni Pula at kinuha ang phone.
Tumayo naman si Puti at lumapit sa akin para ilagay ang likod ng palad niya sa noo ko.
"You don't have a fever," bulong niya at lumapit kay Pula.
Pareho nila akong binigyan ng tingin na para bang isa akong nilalang galing sa ibang planeta.
"Ginagawa niyo?" tanong ko ulit 'tsaka ininom 'yong gatas na tinimpla ni Manang kanina.
"Should I have to be worried?" tanong ni Pula kay Puti, nagkibit-balikat lang 'yong isa."Or... be glad?"
"Glad," sagot ni Puti tsaka sila nagkatinginan at ngumisi.
"Fritz, ikaw na lang muna magligpit ha, ma-una na ako," sabi ni Pula at binesohan muna ako bago umalis.
Ngumiwi ako, ew
"Fritz tulungan mo si Manang mamaya mag-laba ha?" sabi niya habang inaayos ang gamit, wala sa sariling tumango ako.
Nang maka-alis sila ay bumuntong hininga ako at tahimik na niligpit ang pinag-kainan.
Nang matapos ay nakita ko si Manang na buhat-buhat ang labahin kaya agad akong lumapit sa kaniya at walang sabing kinuha 'yon.
Saglit naman siyang nagulat pero agad din akong nginitian.
"Wala ka bang gagawin ngayon?" tanong niya, ngumiti naman ako at tumango. Ang totoo niyan may pasok ako ngayon, pero a-absent muna ako. Pwede naman 'yon, isang araw lang naman.
Tahimik lang akong tumulong kay Manang, grabe, nakaka-kulubot pala sa kamay 'yong sobrang pag-kusot ng mga damit na bawal isama sa washing machine, lalo na 'yong mga damit ni Pula.
Tapos 'yong iba kong may pinturang damit na hindi talaga pwede gamitin ay kinukuha ni Manang, nagtatahi kasi siya gamit 'yong lumang makena dito kapag wala siyang ginagawa.
"Ang tahimik mo ata, nakaka-panibago," natatawang sabi niya habang pinapagpag ang mga damit bago isampay, ako naman ang nagbabanlaw bago ilagay sa dryer.
Napa-iling na lang ako at natawa. Pansin ko lang, dati kapag tahimik ako dahil ayoko silang pansinin, magtataka sila, tapos kapag nag-ingay naman ako, magagalit.
'Yong totoo? Gwapo ba ako o gwapo?
Huminga muna ako ng malalim tsaka pinunasan ang pawis sa noo. Hindi ko alam kung gusto nila akong mag-bago ng ugali eh.
Kung 'yung Arthfael vibes ba na gurang masyado kumilos pero may kababalaghang tumatakbo sa isip, Azure vibes na akala mo walang pake-alam pero meron naman, uh plus, seryoso at matalino. O Red vibes na 'love yourself' ang galawan? Hmm, wala.
Kung ayaw nila akong magbago, hindi 'yon mangyayari, dahil kahit ako sa sarili ko, takot akong magbago.
"Ijo, mukhang malalim ang iniisip mo ah, pwede mo namang sabihin," pagkumbinsi sa akin ni Manang at pilit na ikinindat ang isa niyang mata kaya humalakhak na ako.
"Manang, ganito po ang pag-kindat," sabi ko sabay kindat sa kaniya at pa-pogi sign, natawa naman siya.
"Oo na," natatawang sabi niya pa at umiling-iling. Inayos ko naman ang laman ng dryer bago ito pa-ikutin.
"Manang, 'di ba po binabantayan niyo na kami simula baby pa? Sino po ang mas gwapo sa amin ni Puti, di ba ako?" tanong ko sa kanya pero napa-amang ako ng humalakhak siya.
Nakakatakot 'yong way ng pag-tawa niya pero nakakatuwa rin at the same time.
"Ikaw talagang bata ka! Baka nakakalimutan mong kambal kayong apat, ibig sabihin ay magkaka-mukha kayo," natatawang sabi niya, napa-kamot naman ako ng ulo at nag-banlaw ulit ng mga damit.
Laging 'yan ang sinasabi nila, hindi ako papayag. Kasi para sa akin, kahit kambal kaming apat, magkaka-iba pa rin kami ng itsura, mas gwapo nga ako kay Puti eh.
"Hindi po, mas gwapo talaga ako kay Puti," pagtanggi ko sa sinabi niya. Umupo naman muna siya para magpahinga.
"Kung tatanungin kita, sino'ng mas maganda, si Azure o si Red?" tanong niya kaya napaisip ako, ini-imagine ko silang dalawa, wala namang pinag-bago, pananamit lang at ayos sa mukha.
"Pareho lang po maganda, magkamukha naman sila eh," sagot ko tsaka patuloy sa ginagawa.
"Tama, ibig sabihin, pareho kayong pogi ni Arth," naka-ngiting sagot niya kaya sumimangot ako.
"Eh, basta po ako 'yong mas–"
"Naku, huwag mo nang baguhin ang usapan, pakiramdam ko kasi ay kailangan mong mag-kwento tungkol sa iniisip mo kanina pa," sabi niya at muling nag-sampay. Napatigil naman ako saglit at lihim na napa-ngiti.
Nadale ako ni Manang.
"Ano po'ng gagawin mo kapag may isang tao na bigla ka na lang kakausapin na para bang close kayo at biglang sasabihin na ikaw ang gusto niyang makasama sa buong buhay niya?" tanong ko, tumingin naman siya sa akin ng kunot ang noo.
"Babae ba 'yan?" tanong niya pa sa akin at tinapunan ako ng mapanuksong tingin.
"Ah– eh, opo," sagot ko at nahihiyang tumawa.
"Bago 'yan ah, maganda 'yan nagbi-binata ka na", tumatango-tangong sabi niya. Eh, kasi, kahit madami akong naiku-kwento sa kanila ni Tatay Bert ay hindi ako nag-kwento tungkol sa babae, kaya expected na ang ganiyang reaksyon.
"Maikli lang ang buhay, Fritz..." sabi niya at tumingin sa akin. "Kaya minsan, hindi mo na kailangan pag-isipan ang mga bagay na gusto mong gawin sa buhay," dugtong niya at ngumiti sa akin.
"Maikli lang ang buhay kaya mas mabuting sulitin..." huminto siya upang kunin ang natitirang damit na isasampay niya. "Dahil hindi natin alam kung kailan iyon babawiin sa atin," kumunot ang noo ko.
"A-Ano po'ng ibig niyong sabihin?" tanong ko, malay natin, kumakanta lang 'yan pero hindi nilagyan ng tono.
"Sa madaling salita, nasa sa iyo na kung papayag ka sa sinabi niya o hindi," natatawang sabi niya, tsaka tumigil saglit na parang may inalala bago ngumiti.
Napaisip ako, wala naman sigurong mawawala, at isa pa, sabi ni Manang, maikli lang ang buhay, tapos gwapo pa ako.
Hay, buhay.

Book Comment (105)

  • avatar
    Calix Bril

    wow ang ganda basahin

    14d

      0
  • avatar
    Rolando O. Ballos

    jdjjsisjjf

    18/08

      0
  • avatar
    GallazaGemuel

    Is wow the God

    05/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters