logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

BHH: 5

"Pag-usapan na lang natin sa opisina namin,” sabi ng ground security officer.
"At maiiwan ako ng flight ko? I will lose a very important business if I miss my meeting this lunch.” Madilim ang mukha siyang tiningnan ng lalaki. “Do you know how much it costs me if I won't get into this flight? Sisingilin kita,” angil nito at lalong nagdilim ang mukha.
Nanlamig ang buong katawan niya. She felt cornered. Gusto niyang ipaglaban ang puri niya at ipagtanggol ang sarili mula sa pambabastos nito pero mas malaking gulo ang posibleng mangyari. Baka makarating pa sa lola niya ang pangyayari kapag nagawan ng report. May mga koneksiyon pa mandin ito sa airport. Di lang basta mabubulilyaso ang bakasyon niya. Malalaman pa nito na nagpalit siya ng anyo at baka ilayo din siya nito sa mga kaibigan niya. Lalo siyang mapapahamak.
Lumunok siya. "Wala ka ba talagang nakita?" mahinahon niyang tanong.
"Wala sabi. Sa susunod huwag ka nang magsuot ng ganyang damit para hindi mo pinagbibintangan ang kahit sino na binabastos ka.”
Huminga siya ng malalim at nilunok ang pride niya. "Palalagpasin ko ito sa ngayon. Sa susunod hindi na kita pagbibigyan."
"Wala nang next time, Miss."
Sa unahan umupo ang lalaki habang silang magkakaibigan ay sa gitna ng eroplano. Magpasalamat ito na di ito sa bandang likuran nila nakaupo kung hindi ay titisurin talaga niya ito. Napakayabang talaga ng ungas. Mababaligtad pa siya sa huli at palalabasing miyembro siya ng sindikato na mang-e-extort ng pera dito. She had never been accussed of unscrupulous deeds before.
“Sa susunod kasi magsuot ka ng mahabang damit o kaya shorts na lang,” sermon ni Dreamilyn sa kanya. “Maraming nababastos na babae dahil sa ganyan.”
“Fine,” nausal na lang niya dahil di niya matanggap na may mali siya. Bigla siyang uminom ng mineral water para palamigin ang init ng ulo at tensiyon na nararamdaman. Galit na galit pa rin siya lalo na’t sa palagay niya ay dehado siya kanina. "Impakto lang kasi talaga ang lalaking iyon. Sobrang yabang. Marami daw babae ang willing maghubad sa harap niya at hindi daw niya ako type. Di ko rin naman siya type."
"Akala ko talaga di na tayo makakasakay sa flight na ito. Nataranta kasi ako nang makita kang nakikipag-away kaya bumalik ako,” sabi ni Yngrid. “Matapang ka kanina. Talaga bang sinampal mo ang lalaking iyon. Wow! Di ko alam na ganyan ka kataray. Lagi ka na lang kasing mabait.”
"Hindi ko mapapalampas ang pagiging bastos niya. Pasalamat siya dahil ayokong palalain pa ang sitwasyon at umabot kay Lola ang nangyari. Malaking gulo iyon kapag nagkataon. Baka pati kayo ilayo ni Lola sa akin samantalang kayo na nga lang ang totoong kaibigan ko," sabi niya.
Marami na siyang naging kaibigan pero kadalasan ay gusto lang siyang gamitin para sa koneksiyon ng pamilya niya o kaya ay matutulungan niya sa assignments at projects ng mga ito. Gusto lang siyang lamangan at pakinabangan. Sina Yngrid at Dreamilyn lang ang walang hininging kahit ano sa kanya. At ngayon niya napatunayang nagmamalasakit talaga ang mga ito sa kanya.
“Huwag mo nang intindihin iyon,” sabi ni Yngrid. “At least nalaman natin na kaya mo palang ipagtanggol ang sarili mo. Dapat yata sa iyo ko na rin ipagulpi ang ex-boyfriend ko.”
Natawa siya sa biro nito. Matapos ang pananampal niya kanina, parang di na siya natatakot na harapin ang kahit sinong mananakit sa kanya at sa mga mahal niya sa buhay.
Sana di masira ang mood mo sa bakasyon,” wika ni Dreamilyn. Nakikita naman niya na gusto rin nitong mag-enjoy at kalimutan ang di maganda at malungkot na pinagdadaanan nito.
“Hindi iyan. Saka di lang naman ang lalaking iyon ang guwapong lalaki sa mundo. At di naman lahat ng guwapong lalaki ay kasing impakto niya.”
Sana lang ay hindi na sila magkita pa ng lalaking iyon para di masira ang bakasyon niya.
"APO, nasaan ka na ngayon? Kanina pa kita tinatawagan pero di ka ma-contact. Buti nga natawagan na kita dahil muntik ko nang tawagan ang PNP Chief para hanapin ka."
Tumigil si Justine sa pamimili ng ipapasalubong na souvenir nang marinig ang sinabi ng Lola Concha niya. Nasa labas lang siya ng Ardent Hibok-Hibok Hot Spring Resort sa Camiguin at tumitingin sa souvenir shop habang hinihintay ang tour guide nila na nagbabayad ng entrance fee nila.
"Lola, relax lang po kayo. Nasa Katibasawan Falls kami kanina. Nasa bundok po iyon kaya walang signal,” paliwanag niya.
Pawala-wala talaga ang signal ibang bahagi ng Camiguin lalo na sa mga liblib na lugar at malayo sa bayan. Pero worth it naman sa dami ng magagandang tanawing nakita nila. Sa isang buong araw ng pag-ikot nilang magkakaibigan sa Camiguin ay nahiling nila na sana ay makabalik sila doon. Masarap sa pakiramdam na nasa ibang mundo sila. Nakatakas sila sa ingay ng Maynila at nasa isang islang mistulang paraiso sa sobrang ganda. Masarap ding ma-isolate sa mundo kung wala lang siyang lola na overprotective at gusto ay namo-monitor ang lahat ng kilos niya.
"Bakit pumupunta ka sa lugar na walang signal? Paano kung may nangyaring masama sa inyo? Paano pa kita mahahanap?” sunud-sunod na tanong nito.
"Lola, calm down. Safe po ako dito. Mababait po ang mga tao dito. Wala pong masamang mangyayari sa akin. Ibinigay din sa inyo ng tourism agency ang number ng tourist guide. You even did a background check.”
At home na at home siya sa Camiguin. Mababait at papalaging nakangiti ang mga tao. Mukhang simple lang ang pamumuhay doon pero parang di iniinda. Nakakahinga siya ng maluwag sa lugar na iyon. Malaya siyang nakakagalaw. Hindi limitado ang kilos niya. Hindi siya apo ni Doña Concha Santander. Basta siya lang si Justine. Sa lugar na iyon ay siya ang nagsasabi kung ano ang mabuti at hindi para sa kanya.

Book Comment (26)

  • avatar
    BalquinMilyn

    Very good story. Love it 😍

    19d

      0
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda🥰🥰

    14/05

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    😍😍❤️❤️

    24/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters