logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

BHH: 4

Nagulat si Justine sa angil ng lalaki at nagulat nang makitang ilang metro na ang pagitan nila ni Dreamilyn na siyang nasa harapan niya.
"Sorry," nausal niya. Bakit naman kasi siya nagde-daydream sa gitna ng airport? Mas malala pa ito kaysa sa paghingi ng pangalan dito.
Hindi inilagay ang tube kaya naghagdan sila paakyat ng eroplano. Nasa unahan niya sina Dreamilyn at Yngrid pero nahiwalay siya sa mga ito dahil pinauna niya ang nanay na may kasamang sanggol at dalawang anak na lalaki na mukhang humabol lang sa kanila at di nakasama sa mga naunang pina-board. Sinenyasan niya sina Dreamilyn at Yngrid na sa taas na lang sila magkita.
Sinapo niya ang dibdib nang makita kung sino ang nakasunod sa likuran niya. Si Pogi. Mukhang pinag-aadya sila ng tadhana. Focus, Justine. Baka mamaya sungitan ka na naman ng lalaking iyan. Huwag mo na siyang pakiramdaman. Huwag mo nang isipin na guwapo ang nasa likuran mo.
Nasa gitna siya ng hagdan nang umihip ang malakas na hangin. Tumili siya nang umangat ang palda niya. Mabilis niyang pinigilan iyon at namumulang lumingon para alamin kung sino pa ang nakakita sa kanya. Nanlaki ang mata niya nang makitang nakatingala si Pogi sa kanya.
Nakita nito ang legs niya. Nakita nito baka pati ang cycling shorts niya. Bastos! Sinamantala nito ang kahinaan niya. Pinagpipiyestahan nito ang legs niya at posibleng pati underwear niya ay nakita rin nito. Maniac ito! Kahit gaano pa ito kaguwapo ay wala itong karapatang bastusin siya.
Mabilis ang pag-angat ng palad niya at lumagapak ang matunog na sampal sa pisngi nito. "Bastos ka!"
Gulat nitong sinapo ang pisngi at maang siyang tiningnan. "Bakit mo ako sinampal? Anong problema mo, Miss?"
Dinuro niya ito. "Binosohan mo na nga ako, nagtatanong ka pa. Are you just plain stupid or what?" Naiirita siya. Mukha itong matalino pero nagtatanga-tangahan pa ito. Kunwari inosente pa samantalang kitang-kita niya nang silipan siya nito.
His face became set. Matiim siya nitong tinitigan habang mariing magkadikit ang mga labi. “I can ask the same to you. Bibiyahe ka tapos ganyan ang suot mo. At kapag hinangin palda mo, aakusahan mo ang mga lalaki na namboboso sa iyo. What kind of mentality is that?"
"Are you telling me that I am asking for it?"
Sinasabi ba nito na lahat ng kababaihang nagsusuot ng sexy na damit ay gustong magpabastos o dapat asahan na mababastos ito? How chauvinistic. Naku! Gusto niya itong bigyan ng isa pang sampal. No. Mas maganda yata kung ihulog na lang niya ito sa hagdan para mawala ang kayabangan nito.
Patuloy pa rin siya nitong tiningnan sa mga mata. "All I am saying is not all men are as stupid as you think. Sa palagay mo maloloko mo ako sa ganitong modus-operandi?"
"Anong modus-operandi ang sinasabi mo?" tanong niya at pinanlakihan ito ng mata.
"Ginagawa mo ito para mang-extort ng pera. Kunyari mababastos, iiyak-iyak, magagalit at kunyari pa magsasampa ng kaso pero sa huli gusto lang naman ay makakuha ng pera sa mga lalaking magpapauto sa kanila. Pwes hindi mo ako mauuto, Miss," anito at umangat ang gilid ng labi. “Alam ko na ang style ng mga miyembro ng sindikato.”
Naningkit ang mata niya. Pinagbibintangan siya nitong miyembro ng sindikato. Nanlaki ang ulo niya. Kahit kailan ay di pa siya inireklamo ng kahit sino. She was always the nice one. Di siya gumagawa ng kahit ano na maaring makadungis sa pangalan niya at pamilya niya. Kahit na maliit lang na paglabag ay di niya ginagawa. She was prim and proper. Always perfectly squeaky clean. Iniiwasan niya na magdala ng kahihiyan sa pamilya at maihalintulad sa nasira niyang ina. She didn’t want to be like her. The wild child who fell from grace. Tapos ay sasabihan siya ng lalaking ito na miyembro ng sindikato?
"What kind of monster are you?" tanong niya sa naggigiyagis na ngipin. “Huwag mong i-divert ang usapan. Simple lang naman ang usapan dito. Binastos mo ako kaya dapat sa iyo maparusahan. For your information, walang katumbas na kahit anong halaga ng pera ang puri nito.”
Bumuntong-hininga ito. "No need to be so dramatic, Miss. For the record, wala akong nakita sa iyo. Not worth looking anyway. Hindi ko rin kailangang mamboso ng babae. Many women would willingly take off their clothes just to get my attention."
"I am not one of your women. Huwag mo akong ikumpara sa mga babaeng iyon.”
"Of course. You are not my type. And for the record, your gimmick sucks. Wala kang mapapala sa akin na kahit ano. Baka mamaya ikaw pa ang ipakulong ko."
Umakyat na ang ground security officer at tumayo sa ibabang baitang ng guwapong lalaki. "Good morning, Sir, Ma'am. Baka po may maitulong kami sa problema ninyo. Nakakaabala na po kasi tayo. Kailangan pong makaalis na ang eroplano sa loob ng sampung minuto para di po tayo ma-delay."
"Bastos kasi ang lalaking ito,” aniya at dinuro ang lalaki.
"It was an accident. She was wearing that dress, humangin at inakusahan niya akong sinisilipan ko siya. Tapos sinampal niya ako. How stupid was that? Baka nga siya ang dapat kong ireklamo. For all I know, baka miyembro siya ng sindikato. Gusto lang akong hingan ng pera."
"Mister, hindi miyembro ng sindikato ang kaibigan namin. Hindi niya kailangan ang pera mo,” masungit na wika ni Yngrid. “Hindi mo siya kilala.”
Bigla niya itong pinigilan sa braso dahil baka bigla nitong banggitin ang tungkol sa Lola Concha niya. Hindi iyon maaring dahil malaking gulo ang mangyayari.

Book Comment (26)

  • avatar
    BalquinMilyn

    Very good story. Love it 😍

    19d

      0
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda🥰🥰

    14/05

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    😍😍❤️❤️

    24/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters