logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7 PITO

October 24, 2017
Dalawampung taon na ako sa araw na ito. Wala naman na akong hinihiling pa dahil sa binigay na yata nang maaga ng panginoon ang regalo nya.
Dahil nakapasa ako sa exam namin na inilabas lang ang resulta nitong nakaraang linggo.
Tsaka sapat na din ang mga taong laging nandyan para sa akin kaya wala na talaga akong hihilingin pa.
Araw ng miyerkules ngayon at saktong wala kaming pasok dahil sa kaarawan ng ama ng may ari ng paaralang pinapasukan ko.
Ang balak kong gawin ngayon ay matulog para bumawi ng pahinga sa mga araw na wala akong ginawa kung hindi ang mag aral ng mag aral para sa exam.
Sinabihan ko na din ang tita kong huwag nang mag abala pa na ipaghanda ako dahil sa gastos lang naman yon.
Ako lang ngayon ang tao dito sa bahay lahat kasi sila ay may pasok at ako lang ang wala.
Agad akong natulog ulit dahil sa gusto ko pa nang pahinga dahil nararamdaman ko pa din ang pagod ngayon.
Nang magising ako ay agad kong kinuha ang cellphone ko para bisitahin kung may mensahe ba doon mula kay Clyro.
Nakita kong may mensahe nga doon at nagsabi siyang busy daw siya ngayon. Isang linggo na din siyang nagsasabi na busy siya.
Hindi na nga naulit yung isang beses na nag video call kaming dalawa matapos kasi non ay naging busy na siya.
Agad naman akong nag reply sa kanya bago ako bumaba para bisitahin ang baba namin at para makapag luto din ako ng pagkain ko.
Alas tres na din kasi ng hapon pero hindi pa ako nakakapag tanghalian. Ang huling kain ko ay noong alas otso pa nang umaga.
Pagkababa ko biglang bumukas ang ilaw at nagulat nang makita ang tita, tito, mga pinsan, kapatid at nobyo nito na andoon na hawak hawak na mga kung anu - ano.
Nagulat ako nang makita doon ang naging matalik na kaibigan ko sa rpw. Siya lang naman kasi ang pinaka malapit kong kaibigan dahil kailanman wala akong naramdamang may kaibigan ako.
Kaya ang laki din talaga ng tulong sa akin nang pagpasok ko sa rpw dahil sa bukod sa nakahanap na ako ng parang pamilya doon at kaibigan, nakahanap pa ako ng taong hindi ko akalaing darating sa akin.
Kaya sa pag pasok ko sa rpw, wala na yata akong balak na lisanin ito dahil sa dito din ako sumasaya.
Siguro kung hindi lang nagtatrabaho ang ate ko at kung wala pa itong nahahanap na para sa kanya, mananatili pa din siya dito.
Ang kaso ay mag dadalawang taon na din nung simulang umalis ang kapatid ko sa rpw.
Hanggang ngayon gulat na gulat ako nang makita ang kaibigan ko na si Dhanni sa harapan ko ngayon natatawa naman ang reaksyon nya.
Agad nya akong binati at nagpasalamat ako. May lumapit naman tsaka ako binati. Nang tignan ko ito para sana magpasalamat, kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman siya kilala.
Agad namang pinakilala ito no Dhanni na nobyo nya daw. Ito daw yung nakilala niya sa rpw. Ilang beses na din daw sila nagkikita dahil sa magkalapit lang din daw sila halos.
Medyo nainggit naman ako dahil doon dahil sa magkalapit lang silang dalawa. Samantalang sa amin ni Clyro, napakalayo namin sa isa't isa.
Agad kaming inaya ng ate kong kumain matapos nila akong batiin lahat. Nagpasalamat naman ako sa kanila dahil sa effort na ginawa nila.
Nag kwentuhan kami ng nag kwentuhan ni Dhanni kasama ang nobyo nito sa labas ng bahay namin dahil sa may tambayan doon.
Ang sabi ni Dhanni ay ang ate at tita ko daw ang nagpapunta sa kanya. Kilala kasi siya ng ate ko bilang matalik kong kaibigan.
Ito ang una naming pagkikita. Pero alam ko na ang itsura nya dahil sa pinakita namin ang itsura namin noon sa pamamagitan ng pagsend ng mga litrato namin.
Ngayon ko lang din nalaman ang totoong pangalan ni Dhanni at ganon din siya. Hindi naman kasi kami masyadong nag uusap dahil sa abala kami sa mga nobyo namin.
Hindi din naman kami masyadong matanong sa isa't isa kaya ngayon lang din namin nalaman.
"Anne Marie" ang pangalan ni Dhanni na may palayaw na AM. habang ang nobyo namin nito na "Darwin" ang pangalan sa rpw ay "Wendelle" naman ang pangalan na may palayaw na Delle.
Parehas silang singkit at nakakatuwa na parehas din silang may lahing intsik ang pamilya nila.
Sa katunayan nga ay kilala na din daw si Wendelle ng pamilya ni Dhanni or AM at ganon din daw si Dhanni sa nobyo nito.
Natutuwa naman tuloy ako nang malaman yon habang hinihiling na sana maging ganon din kami ni Clyro.
Magkasing edad lang din kami ni Dhanni pero matanda ito ng limang buwan sa akin. Si Wendelle naman ay tatlong taon ang tanda sa kanya.
Agad namin ni Dhanni pinag usapan si Clyro at ang kaganapan samin nang matapos namin silang pag usapan.
Matapos namin mag usap ay umalis na din silang dalawa dahil sa alas otso na din ng gabi.
Matapos ko silang ihatid nagpasalamat ako sa tita, tito, mga pinsan at kapatid ko sa sorpresa nila dahil sa kahit na sinabi kong wag nang mag abala ay nag abala pa din sila.
Nang makapag pasalamat umakyat agad ako sa taas para makapagpahinga naayos na din kasi agad nila yung kalat.
Nang mag bukas ako ng account ko wala namang ibang mensahe ang andoon. Yung kanina pa na mensahe ang andoon.
Yung mensahe ni Clyro sa akin na binati niya ako at nagpaalam na busy daw siya ulit.
Natulog nalang tuloy ako matapos kong pasalamatan si Dhanni at ang nobyo nitong close ko na din. Wala na din naman kasi akong gagawin wala naman si Clyro na kausap ko lagi.
Kinabukasan maaga akong pumasok sa school dahil sa kailangan ko pang aralin sa library yung report ko mamaya.
Mabuti naman at maayos kong nai-prisinta sa harap ng guro at ng mga kaklase ko yon.
Nang mag uwian nakatanggap ako nang text sa kung sino. Wala yung pangalan at hindi ko alam kung kanino puro numero lang ang naroon.
Napahinto ako sa paglalakad at napakunot ang noo ko nang makita ang mensahe don.
☒Message From : 09123456789☒
"Hello Miss BELLAtiful! Pwede ba tayong magkita sa garden park malapit sa school mo?"
Agad akong kinalibutan dahil doon. Hindi ko alam kung saan nya nakuha yung numero ko at san nya nalaman yung pangalan ko.
Dahil sa pagtataka nag reply naman ako doon at tinanong kung sino siya, saan nya nakuha yung numero ko at ang kung paano nya nalaman yung pangalan ko.
Sumagot naman siya agad pero tanging "secret" ang isinagot niya. Nag text naman ako ulit sa kanya.
☒Message To : 09123456789☒
"okay... iba nalang po yung pag tripan nyo busy kasi ako ngayon wala din akong pera kaya iba nalang"
Agad syang nagreply sa akin matapos kong magreply sa kanya. Nakaramdam naman ako ng inis nang sumagot ito ulit.
☒Message From : 09123456789☒
"sumunod ka nalang Miss pwede? May ibibigay lang naman ako sayo may nagpabigay kasi sa akin, wala naman akong gagawin o kukunin sayo"
Napilitan nalang tuloy ako dahil doon. Habang naglalakad hindi ko maitago ang kaba dahil sa baka may mangyari sa aking masama.
Kasabay nang bawat lakad ko palapit sa lugar kung saan ako pinapupunta ng kung sino mang taong yon, ay sinasabayan ko ng dasal.
Natatakot kasi ako na baka kung ano ang gawin sa akin dahil sa laganap na ngayon yung mga krimen.
Huminto pa ako nang ilang hakbang nalang ang lapit ko sa lugar na yon para magdasal pa muli bago ako nag patuloy sa paglalakad.
Nang makalapit ako sa nag iisang taong andoon ngayon sa pinaka dulo ng hardin ay mas lumalakas ang kalabog ng tibok ng puso ko.
Mukhang naramdam nya na may tao sa likod niya kaya humarap ito. Ngunit sa pagharap nito ay siyang parang may nag pabagal ng oras.
Nang tuluyan syang makaharap biglang nanlaki ang mata ko sa gulat. Ang kaninang kaba ay mas dumoble pa nang makita ang taong nasa harapan ko ngayon.
Saglit ko siyang pinagmasdan. Naka suot pa ito ng mamahaling pulang jacket na medyo may kakapalan, pantalon na itim na tama lang sa kanya at mamahaling sapatos na kulay pula.
Napaka gwapo nya sa simpleng porma nyang yon. Hindi ko tuloy maiwasan na kiligin sa kanya idagdag mo pa ang mga ngiti niya na napaka tamis.
Napabalik ako nang tingin sa kanya nang tawagin nya ako sa totoong pangalan ko. Pagkatapos ay bigla nya akong niyakap nagulat ako dahil doon pero niyakap ko din agad siya pabalik.
Matapos non hindi ko naiwasan ang maluha nang tawagin ko sya sa pangalan nya at hinawakan ang kamay nya.
Inaya nya ako agad na pumunta sa kainan, sakay ng sasakyan nyang napaka ganda. Sya ang nagmamaneho at sa tabi nya ako tumabi.
Hanggang sa makarating kami at makaupo sa mamahaling kainan ay hindi pa din ako makapaniwala na nasa harap ko na ang taong mahal na mahal ko.
Kumain lang kami ng kumain habang nakikipag kwentuhan kami sa isa't isa. Panay din ako tanong sa kanya at panay din naman siya sagot. Kung minsan ako naman ang tinatanong nya.
Sinabi nyang kakauwi lang daw nila at ako agad ang naisipan nyang puntahan. Hindi pa daw siya nakakapag palit ng damit ay dumiretso nya agad sya sa hardin at naghintay doon ng halos isang oras.
Sa katunayan kasi ay nabanggit ko sa kanya kung saan ako nag aaral at nakatira. Ganon din naman siya kung saan sila nauwi kapag andito sila sa pilipinas.
Kaso may kalayuan naman yung bahay nila dito sa pilipinas sa lugar namin. Maraming kakailanging sakyan bago makapunta doon.
Nang matanong kong anong ginagawa nila dito ang sagot nya ay malapit na daw kasi ang kaarawan ng Lola niya at isang buwan daw sila mamamalagi dito.
Nung mga nakaraan daw kasi ay hindi sila nakauwi. Pero nang magkasakit ang Lola niya, parang mas ginusto na ng mga magulang nya na dalawin ang Lolo at Lola nya sa tuwing may okasyon.
Para daw kahit matanda na ang mga ito, makabuo pa din sila ng masasayang ala-ala habang buhay pa ang mga ito.
Sayang nga lang daw at hindi pa sa mismong kaarawan ko sila nakauwi. Ang sabi ko naman ay ayos lang naman dahil ngayon naman ay magkasama na kami.
Hindi ko maiwasan ang matuwa dahil isang buwan sila dito. Ilang beses din kasi kaming pwedeng makapagkita na dalawa.
At sabi niya pa, habang andito daw sila ay palagi niya akong susunduin at ihahatid pauwi. Pati na din ang yayain niya akong kumain o pumunta sa kung saan.
Bigla ko namang natanong sa kanya kung paano siya nakapag paalam sa magulang niya para mapuntahan lang ako. Ang sabi niya ay tumakas lang daw siya at sinabing may pupuntahang kakilala.
Mahabang oras kami nagkwentuhan. Nabanggit ko din sa kanya ang pagpunta ni Dhanni o AM na matalik kong kaibigan nung kaarawan ko.
Matuwa naman siya dahil sa sumaya daw ako sa kaarawan ko kahit papaano kahit na hindi kami masyadong nakapag usap dahil sa abala daw siya sa pag aayos ng mga gamit niya at tapusin yung mga gawain niya sa paaralan.
Mabuti nga daw ay nakasama siya sa pag uwi dahil sa napakahirap daw magpaalam sa guro at principal nila. Mabuti at pinayagan siya dahil daw patapos na naman na daw ang klase nila.
Napakahirap daw kasi mag paalam sa kanila hindi gaya nung sa mga kapatid niya na nasa Elementary at High School lang.
Nang maihatid nya ako ay saglit ko pang tinawag si ate dahil sakto na andoon siya sa bahay dahil sa may inihatid siyang pagkain para sa amin.
Mahina lang kaming nag uusap na dalawa dahil baka marinig o malaman ng tita namin at ng kung sino pang asa bahay ang tungkol Kay Clyro.
Tuwang tuwa si ate nang makita si Clyro. Todo asar pa si ate sa aming dalawa na mas ikinakilig ko dahil doon.
Saglit lang at nagpaalam na din si Clyro dahil mag aalas otso na ng gabi. Sinabihan nya pa ako na magsasabi nalang daw siya ulit kung kailan niya ako ulit pupuntahan.
Bago pa siya umalis ay binigyan nya pa ako ng halik sa noo at sa kamay ko na ikinakilig naming dalawa ng ate ko.
Natulog tuloy ako nang napakasaya at kilig na kilig. Hindi na kasi nag reply si Clyro kahit doon sa numero na ginamit niya kanina.
Bumili pa daw siya nang bagong sim card para doon sa ginawa niyang pag text sa akin dahil alam nya kasing naka save ang numero nya sa akin.

Book Comment (29)

  • avatar
    Danafe Baranda

    good

    07/06

      0
  • avatar
    Ayesha

    your story was super nice and i love it

    22/05

      0
  • avatar
    MwamwaTrisha

    night

    22/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters