logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6 LIMA

September 27, 2016
Nang sumapit ang second anniversary namin ni Clyro sinorpresa ko sya. Gumawa ako ng digital art na picture naming dalawa.
Pinagdikit ko lang iyon na parang magkasama kaming dalawa tsaka ko sinend sa kanya sa email.
Madalang lang kasi sila kung umuwi ng pilipinas kaya ganon nalang ang ginawa ko.
Ayon sa kanya kapag naisipan nilang umuwi ay hindi naman sila nagtatagal. Kung minsan ay hanggang dalawang linggo o isang buwan lang sila, pagkatapos ay nabalik na.
Nang masend ko yon agad siyang tumawag sa akin. Grabe ang saya nya at halata ko yon habang kausap ko siya.
Ako din naman ay masaya. Yung makausap ko palang siya sa telepono ay masaya na ako.
Pero mas masaya ako dahil sa kanya, sa saya na nararamdaman ng taong mahal ko ngayon na alam kong isa ako sa dahilan.
Sa gitna ng pag uusap namin, may narinig ako mula sa kabilang linya. Para bang may taong nagsalita don bukod kay Clyro.
"Clark?"
Narinig kong tinawag siya sa totoo nyang pangalan. Matapos kong marinig yon naputol agad ang linya. Napakunot tuloy ang noo ko dahil doon.
Habang nakahiga tuloy ako ay iyon ang iniisip ko. Kung kaninong boses yung narinig ko.
"Oa mo naman Bella! Baka naman mommy nya lang yon duh!"
Sinubukan kong kumbinsihin yung sarili ko. Alam ko kasing dalawang lalaki yung kapatid ni Clark o Clyro. Yung pangalawa at bunso na si Clarken Jayce at Clarkrein Jeidien.
Natulog at nagpahinga nalang ako pagkatapos non para makabawi ako kahit papaano ng tulog.
Hindi ko na inisip pa yung sa narinig kong boses habang magkausap kami ni Clyro dahil alam kong hindi niya babaliwalain yung pangako nyang ako lang.
Hindi na kasi kami ni Clyro pang "rp to rp" lang, kung hindi "op to op" na ang status ng pagiging magka relasyon namin. Yun bang hanggang sa rw ay kami na at hindi hanggang rpw lang.
Masaya naman kami sa ganoon. Sa katunayan ay hulog na hulog na kami para sa isa't isa. Kaya din naisipan na namin ang ganoon.
Kung minsan nga, hindi na Clyro at Zhelri ang tawagan namin. Lalo na kapag sa oras na magkatawagan kaming dalawa.
Madalas ko na syang natatawag na CJ na palayaw nya at kung minsan ay Clark. Clark Justin kasi ang pangalan nya kaya CJ ang palayaw niya.
Ganon din naman siya sakin imbes na Zhelrien o Zhelri, Bella ang tawag niya sa akin.
Kung minsan ay Abel, na palayaw ko talaga na laging tinatawag sakin noon ng Mama at Papa ko na ayaw kong ipinatatawag kahit na kanino maging ang ate ko na may palayaw namang Abe.
Tita ko ang nagsimulang tumawag sakin ng Bella siya ang nagbigay ng bagong palayaw sa amin ng ate Bea ko magmula noong kupkupin niya kami.
Ipinaliwanag ko kasing ayaw na ayaw ko nang tinatawag sa pangalan na yon maging ang ate ko dahil sa naaalala lang namin ang mga magulang namin na ikinalulungkot namin.
Pero kay Clyro syempre ay ayos lang wala din naman kasi siyang alam doon. Hindi naman ako nalulungkot kapag tinatawag nya ako sa pangalang yon dahil iba ang dating kapag siya ang natawag sa akin.
Para bang yung pangalan o palayaw na lungkot ang epekto sa akin, ay nagiging pinaka espesyal at pinaka magandang pangalan o palayaw kapag siya ang tumatawag.
Nakakatuwa din na ang paraan ng pagtawag nya pa sa pangalan o palayaw ko na yon ay may tonong lambing pa.
Kahit pa nung binanggit ko sa kanya ang palayaw ko na yon ay may lungkot pa maging ang isa pang palayaw ng ate Bea ko na Abe.
Katunayan nga nasisiyahan si ate sa tuwing tinatawag sya ni Clyro sa Abe dahil sa may lambing nga ito na may halong pang aasar.
October 24, 2016
Disinuwebe na ako sa araw na ito. At sinabi ko sa tita kong huwag na akong ipaghanda pa dahil busy din naman ako sa pag aaral ko at marami din akong gawain.
Nasa ikalawang taon na kasi ako sa kolehiyo. Ang kursong kinuha ko ay para sa guro. Dahil maliit palang ako ayon na talaga ang gusto kong maging.
Ang ate ko naman ay isang chef na. Nagtatrabaho na siya sa isang maganda at sikat na restaurant.
Sa busy ko sa pag aaral, nakakapag usap pa din kami ni Clyro at hindi kailangan namin nalilimutan magkamustahan sa isa't isa kahit pa minsan ay busy kaming pareho.
Ayon kay Clyro, ang kursong kinuha nya naman ay ang para sa mga business dahil sa mahilig sa business ang pamilya nya.
Tinanong ko naman sa kanya kung isa ba yon sa gusto nya o sa napilitan lang siya dahil sa ayon din ang gusto ng mga magulang niya.
Pero mabuti at sinabi nyang gusto nya din daw iyon at hindi daw siya napilitan sa pagpili ng kursong iyon.
Nasa paaralan ako ngayon at hinihintay nalang ang uwian dahil ilang minuto nalang naman.
Simula alas otso ng umaga hanggang alas kuwatro ng hapon ang uwi ko. Kaya madalas pag uwi ko ay natutulog ako dahil sa madaling araw kasi ako madalas nakakatulog.
Mahirap din kasi ang sitwasyon namin ni Clyro dahil hindi naman parehas ang oras sa amin at sa kanila.
Kapag umaga sa amin ay gabi sa kanila, kapag naman gabi sa amin ay umaga sa kanila kaya naman kinakailangan talagang magsakripisyo ng isa para makapag usap kami.
Nang mag uwian diretso agad ako pauwi sa bahay. Ang iba kong mga kaklase at kakilala panay ang tanong sa akin kung may handaan daw ba pero panay naman ako sabi ng wala dahil sa totoo naman.
Habang naglalakad sa may hindi kalayuan papunta sa bahay namin, nakikipag chat ako kay Clyro.
Napaka haba ng message nya para sa akin nang tignan ko kanina dahil sa hindi na kasi ako nakapag chat sa kanya dahil sa mahuhuli na ako sa klase.
Mabuti nalang at naiintindihan naman yon ni Clyro. Sanay na din naman kami sa ganon dahil sa may araw din na ganon sya sakin na matagal na hindi nakakapag chat dahil sa busy o kung ano man na kaya nyang unahin.
Isa sa mga hinahangaan ko kay Clyro ang pagiging sweet, masunurin, mabait, maaalahanin nya at higit sa lahat ang pagiging maintindihin nya.
Nang makarating ako sa bahay, pagbukas ko ng pinto ay nakabihis sila. Yung Tita at Tito ko kasama ang mga anak nila at maging ang ate ko na akala ko may pasok.
Agad nila akong pinagbihis dahil sa gagala daw kami ngayon. Madalang lang kasi kami makagala lalo na ako at ang ate ko.
Simula kasi nang iwan kami ng mga magulang namin, ayaw na ayaw na namin gumala ni ate o magpunta sa kung saan.
Naaalala kasi namin ang mga magulang namin dahil sa mahilig kami noon magpunta sa kung saan saan kapag libre sila Mama at Papa.
Kahit walang pera panay kami punta sa kung saan saan. Hilig kasi namin ang mag picnic sa labas. Kahit sa ganoon lang ay masaya na kami.
Ang kaso matagal na din hindi naulit yon. At ngayon, mauulit nga pero hindi na ang mga magulang namin ng ate ko ang kasama namin.
Pero ayos lang naman dahil mas ayos nanaman na sa tita na namin kami nakatira. Higit pa nga sa pamilya at sa ipinaramdam ng mga magulang namin noon ang ginagawa nila.
Agad naman akong nagbihis ng simpleng damit na kung saan ako sanay pero ayaw nila na yon ang isuot ko. Panay ang pagpupumilit nila sa akin na magpalit ako.
Kaya ayun nauwi ako sa pagbibistida dahil sa mas ayos daw yon dahil sa kaarawan ko din naman daw at minsan lang.
Nang makalabas kami gumala kami sa isang magandang mall. Malaki yon. Kung ano ano ang ginawa namin doon. Talaga namang masiyahan ako.
Nang makauwi ay agad akong pumunta sa kwarto para kausapin ulit si Clyro dahil sa hindi ako nakapag paalam sa kanya kanina.
Nagtawagan kami buong magdamag. May ginawa pa siyang tula na ikinakilig ko dahil sa ganda non.
Sa tuwa at kilig ko ilang beses ko yon binasa dahil sa nalaman kong magaling pala siyang gumawa ng tula.
Nang matapos ang mahabang kwentuhan naming dalawa ay natulog na din ako dahil sa madaling araw na din at kailangan ko na din magpahinga.

Book Comment (29)

  • avatar
    Danafe Baranda

    good

    07/06

      0
  • avatar
    Ayesha

    your story was super nice and i love it

    22/05

      0
  • avatar
    MwamwaTrisha

    night

    22/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters