logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5 APAT

October 24, 2015
Sumapit nanaman ang kaarawan ko. Disi-otso na ako ngayong araw. Umaasa ako na magiging masaya ang araw ko.
Ang hiling ko lang naman ay makita ko yung mga magulang ko kahit yun nalang. Alam ko kasing parang malabo na din na mabuo pa kami at ang makita nalang sila ang alam kong makakapag sakin kahit papaano.
Ipinaghanda ako ng tita kong kumupkop sa amin ng ate ko. Ayos lang naman sa akin kahit simpleng handaan lang. Kung sa wala talaga kaming pera eh hindi ko na mapipilit pa yon.
Wala naman akong karapatang mag inarte dahil sa hindi naman kami mayaman na kayang gumastos ng pagka laki laki.
Ayos na ayos lang naman sa akin ang simpleng handaan dahil sa hindi naman ako naghahangad ng ganon dahil sa alam at naiintindihan ko ang sitwasyong meron ang tita ko na siyang nag aalaga samin.
Tinawagan ng tita ko yung mama ko. Mabuti nalang at may number sya nito. Nakikinig lang ako sa pinag uusapan nila dahil sa naka loudspeaker yon.
Nakangiti pa ako habang nakikinig at umaasang pupunta si mama dahil sa ito ang mahalagang araw ko.
Ayos lang sa akin kahit siya nalang ang pumunta dahil hindi naman namin na ma-contact si papa.
Nawala bigla ang ngiti ko nang marinig yung sinabi ni mama ko. Napalitan agad yon ng lungkot.
"Ay nako Ate hindi ako makakapunta may out of town kasi kami eh... pasabi nalang dyan kay Abel, happy birthday ah?"
Halos natulala nalang ako nang marinig yung sinabi niya at pinipigilan ko yung mga luha kong nagbabadyang tumulo sa mga pisngi ko.
Nakita ko na napatingin sa akin si ate Bea pati yung iba pang nga naroon, mukhang mga nag aalala sila sa akin.
Pero ngumiti ako sa kanila ng pagkalaki laki at pilit pinapakitang ayos lang ako at pinagpatuloy nalang ang pagkain ko.
Nang makauwi na yung mga bisita ko ay dali dali akong umakyat sa taas at doon ko na lahat ibinuhos yung lungkot at sakit na nararamdaman ko na napakatagal kong pinigilan mag mula pa kanina.
Habang umiiyak ako ng tahimik sa kwarto kung saan kami natutulog ni ate Bea, kung ano ano na ang pumapasok na tanong sa isip ko dahil doon.
Wala na lang ba ako sa kanila?
Ganon ganon na lang ba nila ako kadaling kalimutan? Kami ng ate ko?
Gano ba kahirap na dalawin man lang kami at kamustahin?
Ilang beses na ba akong umaasa sa kanilang mga magulang ko?
Baliwala nalang ba talaga kami sa kanila na unang pamilya nila?
Hanggang kailan pa ba ako masasaktan ng ganito at aasa?
Kailan ko ba ulit sila makikita? Makikita ko pa nga ba?
Paano kaya kung mamatay ako? pupunta ba sila sa burol ko?
Naririnig kong kumakatok si ate pero hindi ko siya pinagbubuksan. Patuloy lang ako sa pag luha ko.
Napakasakit kasi talaga sa akin dahil bago dumating ang araw ng kaarawan ko ay sinabihan pa ni tita si mama at pumayag sya kaya masaya ako don tapos ngayon ay sinabi nyang hindi daw siya makakapunta.
Lagi nalang ganoon ang eksena namin mula noon pa. Kaya kahit sanay na ako doon, hindi ko pa din maiwasan ang masaktan at magtanim ng sama ng loob sa kanila.
Panay kasi sila pangako pero kapag dating sa dulo napapako. Bawat pangako kasi nila, kahit pa sanay na ako ay umaasa pa din ako.
Alam ko kasing kahit ilang beses na akong pinaasa at nasaktan magagawa din nila kaming maalala, kamustahin, at dalawin.
Ako nalang naman ang umaasa sa kanila. Dahil ang alam ko, yung ate ko ay sumuko na at tinanggap nya nalang na wala na talagang pag asa pang mabuo kami.
Mukha daw kasing tuluyan nang kinalimutan na ng mga magulang namin yung pamilya na mayroon kami noon at maging kaming mga anak nila.
Pero sa sinabi ng ate ko na yon noom ay hindi ko nagawang maniwala sa kanya. Dahil kahit gaano pa nila kamahal ang bago nilang pamilya alam kong may lugar padin kami sa puso nila.
Kahit minsan ay gusto ko na sumuko, pero lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi dapat.
Dahil alam ko balang araw mangyayari din ang bagay na gusto ko. Kaya kahit masakit ngayon, iindahin ko muna ang mga ito.
Naniniwala pa din kasi ako na sa dulo, alam kong magbubunga din ito ng kasiyahan at hindi na puro sakit at kalungkutan.
Hindi ko na nagawa pang kausapin ngayong araw si Clyronne kahit pa gustong gusto kong sabihin sa kaniya ang sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko pa din kasi napaghahandaan na sabihin sa kanya yung mga sakit na nararamdaman ko maging yung sakit nung nakaraan na mayroon ang pamilya namin.
Imbes na kausapin ko siya natulog nalang ako dahil sa nakaramdam ako ng pagod sa kakaiyak ko ng mahigit limang oras.
Naisipan ko nalang na bukas ko nalang siya kakausapin dahil papahupain ko muna yung lungkot ko.
Hindi ko na nga rin namalayan na mag aalas kwatro na pala ng madaling araw kaya agad agad akong umayos ng pwesto para matulog.
Pero nang makahiga ako tsaka ko lang naalala si ate Bea na wala pa pala siya sa taas ng double deck na tinutulugan namin.
Agad akong tumayo para buksan yung pinto na simula kanina pa naka lock at pag bukas ko non ay agad kong hinanap ang kapatid ko.
Bababa na sana ako sa hagdan nang bumukas ang pinto ng katabing kwarto namin at iluwa nito si tita Alice ko.
Siya ang tita naming walang alinlangang kumupkop at nag alaga samin ng ate ko simula pa noon.
Nang magtama ang tingin namin agad akong nginitian ng tipid ng tita ko. Ganon din naman ang ginawa ko.
Tinanong ko kung nasaan ang ate ko sinabi nitong sa kwarto nila ate Aleinna at Aleinne.
Sila ang mga pinsan namin na anak ni tita Alice na nakakatandang kapatid ng mama ko.
Kasing edad lang ni ate Bea si ate Aleinna. Si Aleinne naman na anak na lalaki ni tita ay mas matanda ako sa kanya ng tatlong taon.
Kinausap ako saglit ni tita. Sa kwarto kami nag usap. Sinabi nya na sabihin ko lahat ng nararamdaman ko ngayon para kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko.
Ganon naman ang lagi niyang sinasabi sa akin simula pa noon na hindi ko ginagawa dahil ayaw kong pag alalahanin siya.
Pero ngayon, ganon nga ang ginawa ko. Hindi ko nanaman tuloy naiwasan ang maiyak at humagulgol habang inilalabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko magmula noon at hanggang ngayon.
Hindi ko inaasahan na pati si tita ay maiiyak. Sa tagal nya kaming kinupkop, lagi siyang andyan para sa amin.
Siya na nga halos ang nagastos sa pangangailangan namin dahil minsan lang kung magpadala ang mga magulang namin.
Minsan sa isang taon ay apat na buwan hanggang pitong taon lang sila nakakapag padala ng pera sa amin kung minsan ay wala pa.
Sa tagal din namin na nakatira sa tita ko, sila na ni tito Lar ang tumayong mga magulang namin at parang tunay na anak nadin ang turing nya sa amin ng kapatid ko.
Sa tuwing may problema kami o kaya alam nya na may panibagong sama ng loob nanaman kami sa isa sa mga magulang namin ay agad niya kaming kakausapin at papayuhan na hindi ko naranasan sa mama ko.
Sa lahat ng tulong na ginagawa sa amin ng tita ko, minsan na din akong nahihiya sa kanila.
Kaya minsan hindi ko na nagagawa pang sabihin yung mga dinadala kong problema.
Lalo na nung mga panahong nabubully ako noong Grade 3 pa lang ako dahil sa iniwan nga kami ng mga magulang ko.
Hanggang sa mag second year high school ako ay nabubully ako pero hindi ko nagawang mag sabu sa tita ko maging sa ate ko.
Ayaw ko na kasi silang bigyan pa ng isipin kaya sinasarili ko nalang at tinitiis yung mga masasakit na salitang sinasabi nila.
Minsan nga ay nagawa ko na ding mamasukan sa isang fast food chain habang nag aaral ako para naman mabawasan yung ginagastos para sa amin ng tita ko.
Pero halos sampung buwan lang ako don dahil nang malaman ng tita ko na nagtatrabaho pala ako habang napasok sa paaralan ay pinatigil nya ako sa pagpa-partime job.
Ayon sa kanya kaya naman na daw nila yung mga gastusin sa amin dahil nga sa may mataas na posisyon siya sa trabaho pati ang asawa niya kaya malaki laki din ang sinasahod nila.
Napaka buting tao ng tita Alice ko pati na din ang asawa nyang si tito Lar at lahat na ata ng gusto ko sa isang magulang ay nasa kanila na kaya kinaiinggitan ko minsan ang mga pinsan ko.
Napakalaki din ng pasasalamat ko sa kanila dahil lagi silang andyan para sa amin ng ate ko.
Ang swerte namin dahil sa may tita akong handa kaming tulungan sa lahat ng bagay.
Kaya ipinangako ko talaga sa sarili ko na sa oras na makapagtapos ako at maging isang Engineer ay ibabalik ko sa kanila yung mga tulong at kabutihan na ibinigay nila sa amin ng ate ko simula pa noong maliit pa lang ako.
Saglit lang kaming nag usap ng tita ko. May mga sinabi pa sya sa akin na madalas nyang ginagawa para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
Natulog na ako matapos namin makapag usap. Todo pa ang pasasalamat ko sa kanya dahil lagi syang nandyan para sa amin.

Book Comment (29)

  • avatar
    Danafe Baranda

    good

    07/06

      0
  • avatar
    Ayesha

    your story was super nice and i love it

    22/05

      0
  • avatar
    MwamwaTrisha

    night

    22/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters