logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 6: TRENDING

"Anak. Anong oras nga ulit 'yung Hit That Stage?" tanong ni Papa habang kumakain kami.
"7 PM po start nun hanggang 9 PM. Bakit? Manonood ka?"
"Oo sana hehe. Ma, pwede bang manood ng HTS?" tanong ni Papa habang tinataas baba ang kanyang kilay.
"E di manood kayo. Hawak ko ba ang TV?" sagot naman ni Mama.
Agad naman kaming nagsipagtakbuhan nina Papa at Kuya sa sala dala-dala ang mga pagkain namin dahil 7:10 na.
"Aba't— siguraduhin ninyong wala akong makikitang pagkain o ano mang likido diyan ha. Kapag may nakita akong kahit katiting na pagkain diyan, lilinisan ninyo 'yan gamit ang dila ninyo."
"Yes Ma!" sagot naming tatlo at binuhay na ang TV. Eksakto naman na audition ni Ieyasu ang pinapalabas. Kapag minamalas ka nga naman. Magpapaalam na sana ‘ko para sa kusina na lang kumain pero pinigilan ako ng tanong ni Papa.
"Anak. Ang gwapo naman niyang si 666. Ano nga pala pangalan niyan?" tanong niya nang hindi tinatanggal ang mukha sa TV. Napangiwi na lang ako bago sinagot ang tanong niya.
"Dimunyu 'yan Pa," irap ko sa kawalan.
"Ah dimunyu pala 'yan. Aba oo nga 'no!"
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Papa. May nakikita kaya siya kay Ieyasu na nagpapatunay nang totoo niyang kaanyuan? Kung hindi ninyo kasi naitatanong e may pagka-psychic din siya. Napalunok ako nang laway. Paano kung totoong dimunyu si Ieyasu? Kukunin niya na ba ang kaluluwa ko at parurusahan sa impyerno.
"Ah P-pa. A-anong ibig sabihin mo?"
"666. Numero ng ilalim 'yan 'di ba."
Nakahinga naman ako nang maluwag. Akala ko talaga may nakita siya. Buti na lang wala.
"Ma! Tingnan mo 'to. Tingin mo papasa 'to?" sigaw ni Papa.
Pumanhik naman si Mama sa sala dala ang isang basong tubig.
"Jayda, oh tubig mo. Ayan ba Pa? Anong pangalan niyan?"
"Dimunyu daw sabi ni Jayda," inosenteng sagot ni Papa kaya naman nabilaukan ako ng tubig.
"Ieyasu pangalan niyan! Hindi ko ba nasabi?" depensa ko at nagkamot ng ulo.
"Bakit galit ka? Crush mo 'no. Yieeee," pang-aasar ni Kuya.
"Crush? Yuck. Gawin kong crushed ice mukha niyan e. Bakit mo naisip 'yan? Kinikilabutan ako," sagot ko at hinaplos ang mga nagtataasan kong balahibo sa braso.
"Alam na alam mo pa pangalan. Naks. Tinandaan mo talaga ang pangalan."
"Pwede ba kuya. Paanong hindi ko mame-memorized e aside from every commercial e mukha na lang nila ang nakalagay e trending din sila sa socmeds. At saka kaklase ko 'yan!" depensa ko at binato siya ng unan.
"Hi. What's your name?" tanong ng isa sa judges na si Ms. Noela.
"My name is Gael Ieyasu Khönig. 25 years old."
"Oh, your last name..."
"My dad is an Irish – German and my mom is a Filipina.”
"Oh, I see. It makes sense. So Khönig is what? German or Irish?"
"German."
"Hey Ieyasu," tawag ng isa pang judge. "Do you know that the meaning of your last name is 'king'? Are we going to expect a king-like performance?"
"Why don't you see it for yourself?" sagot niya.
"Ay! So road," komento ni kuya.
"Sabi sa'yo e. Dimunyu 'yan," komento ko at ininom ang natitira kong tubig.
Nagsimula na ang pagtugtog niya sa intro ng kanta. Gitarista pala 'to. Medyo pamilyar sa'kin ang intro ng kanta.
Agad kong naibuga ang iniinom kong tubig nang magsimula siyang kumanta. What the f? Saan sa demonyitong ugali niya nanggaling ang ganyang mala-anghel na boses?
"O Jayda, dilaan mo 'yang ibinuga mo ha,” ani kuya.
"Oo na kuya. Huwag ka mag-ingay!" saway ko at binato siya ng unan.
Leche, ang gwapo naman nito kapag kumakanta. Parang nagiging maaliwalas ang mukha. OMG, magte-trending na naman siya. Sinong mag-aakalang sa mala-anghel na ngiting 'yan ay may sungay siyang tinatago?
"Magaling na siya nang lagay na 'yan na gitara at boses lang ang puhunan. 'Yung iba puro pagwapo lang. May igagaling pa siya. Alam ninyo napansin ko, kahit hindi ka ganun kagaling, basta maganda o gwapo ka, makakapasok ka," komento ni Mama.
"Kaya pala hindi ka nakapasok Jayda e," natatawang komento ni kuya.
"Pangit ka rin naman. Bungal pa. Alam kaya nang jowa mo na nakapustiso na lang 'yang dalawang ngipin mo sa taas?" bwelta ko kaya naman binato ako ni Kuya ng unan. Isa-isa nang nagbigay ng kanya-kanyang komento ang apat na judges.
"Hi, Ieyasu. I want to congratulate you first for hitting this stage today. You passed 3 filtering processes and now you're on the last process. After this, you're officially part of the HTS. And now for your performance, that is definitely one of the best I've seen so far. You're not just a king e. You are also an angel—"
"Angel ng kadiliman," komento ko.
"You have an angelic face and an angelic voice. You looked very intimidating at the beginning but you immediately switched into that soulful singer. I love it and I can't wait to see you in the finals. Congratulations!"
"Gusto ninyo ng ice cream?" alok ko sa mga nanonood kagaya ko.
"Kuha kami?" sabay-sabay nilang tanong.
"Ikaw kuya kung gusto mo kumuha ka ng sa'yo. Ikukuha ko sina mama," sagot ko at dumiretso sa kusina. Agad kong binuksan ang refrigerator nang makarating ako sa kusina. Halos mapasigaw naman ako nang makakita ako ng buko pandan. Nagdesisyon akong kumain muna dito sa kusina habang hindi pa tapos ang screen-time ni Ieyasu.
"Ate!” tawag ng kapatid ko mula sa sala. Dali-dali siyang tumakbo palapit sa’kin at nagpasubo ng buko pandan. “Ate, nasa TV ka,” aniya.
"Ha?" kunot-noo kong tanong.
"Nasa TV ka,” ulit ni Sonson sa sinabi niya. Ano daw? Nasa TV ako? Fu--flower! Agad akong tumakbo sa sala at nakita ko ang sarili ko sa TV.
"Shuta ka! Bakit ganyan hitsura mo? Ang haggard mo girl!" sigaw ko sa TV at dinuru-duro ang sarili ko.
"Anak umupo ka nga. Paharang-harang ka!" sigaw ni Papa.
"Patayin ninyo ang TV. Now na!"
"Umupo ka Jayda. Igagapos kita," sigaw ni Kuya at hinila ako palayo sa TV.
Leche. Magte-trending din ako. Bakit kasi magkasunod pa kami ni Ieyasu? Anong laban ko dun? Nagpumiglas ako sa pagkakayakap ni Kuya para abutin ang remote at patayin ang TV pero malakas siya.
"Hello hija. What's the name?" tanong ng kalbong judge.
"Uhm, Jayda Samaniego po."
"What a nice name. And what are you going to do?"
"Kakanta po."
"Ok, you can start now."
Nagsimula na akong kumanta. Agad nangtinginan sa’kin sina Papa nang sabayan ko ang paghingang-malalim ng sarili ko sa TV. Parang tanga lang.
Parang may kung anong pwersa ang nagpalingon sa'kin kay Mama. Hindi ko alam kung bakit pero umaasa pa rin ako na makikita niya kung ano ang mga pinaghirapan ko. Lahat ng practice at experience na inipon ko sa auditions na sinalihan ko.
Tahimik lang sila na nanonood sa TV habang ako naman ay nanonood lang sa reaksyon ni Mama. Hindi ko namalayang natapos na pala ang performance ko nang pumalakpak si Sonson.
“Ang galing ni Ate!” sigaw niya.
Bigla na lang tumayo si Mama at umakyat sa kwarto pagkatapos na pagkatapos ng performance ko.
“Ma—" habol ko pero hindi niya ‘ko pinansin. Napayuko na lang ako at malungkot na napangiti. Kulang pa rin pala. Hindi ko namalayang tumulo ang luha ko. Bakit ba ako nagpupumilit? Simula pa lang ayaw na ni Mama kaya bakit ako nag-eexpect na matutuwa siya sa performance ko? Naramdaman ko na lang ang yakap sa'kin ni Papa at Kuya.
"Ang galing mo Jayda. Ang galing galing mo," puri ni Kuya.
"Proud ako sa'yo anak. Mas mataas pa sa'yo boses mo."
"Papa naman e," hindi ko alam kung tatawa ba ako o iiyak sa sinabi ni Papa pero mas pinili ng katawan ko umiyak nang yakapin niya ulit ako.
Ito na ang huli. Ito na ang huling sugal na gagawin ko. Huli na kahit ilang tao pa ang magsabing magaling ako. Wala silang silbi kung hindi ko makuha ang magandang marka mula sa guro ko simula pagkabata.
Ma, bakit mo nga ba ako sinanay kung hindi mo naman pala gusto ang mundong ito para sa'kin?
• • •
Lunes, walang Khael. So ibig sabihin, mag-isa na naman ako. Pagkatapos na pagkatapos maipalabas ang performance ko kagabi ay agad akong nag-deactivate ng social media accounts ko. Ayokong makakita ng mga katawa-tawang komento o meme sa haggard na pagmumukha ko. Pero ganunpaman, hindi pa rin naman pala ako makakatakas sa mga mata ng schoolmates ko, sa mga bulungan nila sa tuwing madadaanan ko sila. Nasira naman ang araw ko nang napansin ko si Leroy na hawak ang kanyang camera. Lecheng vlogger 'to.
"Wassup guys. Welcome back to my channel. It's your boy, Leroy Leroy Sinta. Guess who I'm with? Yes, you are right! The one and only Ms. Jayda Paula Samaniego! Charaaaann!"
"Pwede ba Leroy. Tigilan mo nga ako. Hindi maganda ang mood ko," saway ko.
"Relax Jayda, magte-trending ka nito lalo," ngiti niya at lumapit sa tabi ko.
"Gusto mo bang basagin ko 'yang camera mo?" banta ko.
"Okay, I'm sorry," aniya at pinatay ang camera.
"I-delete mo 'yan."
"Jayda naman e."
"I-delete mo na,” malamig kong utos.
"Oo na,” pagsuko niya at binura na ang video na tungkol sa’kin. “O ayan deleted na. Pero baka naman pwede kitang ma-interview."
"Hindi. Male-late na 'ko. Bye."
Mabilis akong naglakad palayo kay Leroy. Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko na pinansin. Pabagsak akong umupo sa pwesto ko at umub-ob sa mesa. Bwisit na programa kasi 'yan, bakit sinama pa ako kahit pwede namang hindi. Sana humihingi sila ng permiso 'di ba.
"Jayda! Bakla!"
Naku naman. Nandyan na si Ava na sobrang ingay akala mo hindi beauty queen. Napabuntung-hininga na lang ako. Mukhang alam ko na kung bakit siya ganyan. Inangat ko ang paningin ko sa paparating at kasama pala nito si Anj.
"Hoy Jayda! Bakit nag-deact ka?" bungad niya nang makaupo siya sa tabi ko at nagpangalumbaba. Para bang isang batang sabik sa kwento ni Lola Basyang.
"Huwag ka nga umasta na parang wala kang alam."
"Hihihi uy Jayda, ang galing-galing mo kagabi. Baka malimutan mo na kami niyan," tusok niya sa pisngi ko.
"Nanood ka ba talaga, Ava? Hindi ako pumasok, remember?"
"Hindi nga. Pero tingin mo ba walang talent agency ang magkakagusto sa'yo? Sigurado na meron."
"Wala. Tigilan mo 'ko. At isa pa, hindi na 'ko interesado. Hulin a ‘yon. Pitong taon na ‘ko sumasali sa ganoon, wala namang nangyayari."
"Jayda...” tawag ni Anj kaya naman nilingon ko siya. “Kagabi ka pa trending sa Twitter. #1 sa Philippines at #5 naman sa worldwide. Ang daming interesado sa'yo. At saka ang daming nagsasabing luto daw ang laban. Dapat daw nakapasok ka. Para bang nagwewelga ang mga tao. Kahit celebrities gusto ka makapasok,” pahayag niya kaya naman bahagya akong nagulat.
"Luh, ang OA naman niyan Anj. Patingin nga,” kuha ko sa cellphone ni Anjanette at isa-isang binasa ang mga post sa Twitter. Halu-halo ang nararamdaman ko, natutuwa ako, nalulungkot. Napaka-overwhelming ng mga komento ng mga tao.
“Langya, anong #Justice for JSamaniego Judgment? Na-murder ba ‘ko?” komento ko sa nababasa kong hashtags. Ipinagpatuloy ko pa ang pagbabasa ng iba pang mga tweets ng marami.
Natutuwa ako na kahit paano ay may mga nakaka-appreciate na ng talentong meron ako. Siguro nga ito na ang pinakamagandang audition na mayroon ako kumpara noong bata pa ako, pero ito ang isang bagay na binitawan ko na. Tipid akong ngumiti bago inabot kay Anj ang phone niya.
“Salamat. Salamat kasi sinusuportahan ninyo ‘ko. Pero kasi, ayoko na talaga,” pahayag ko. Bakas naman sa mukha nila ang gulat at lungkot. Maging si Ava ay natahimik rin. Maya-maya ay niyakap niya ‘ko.
“Okay lang Bakla, naiintindihan naming may reasons ka. At saka mukhang napagod ka na nga. Naiintindihan namin ni Anj.”
“Oo nga. Huwag ka malungkot, Jayda. Malay mo, sa pagiging news anchor ka talaga nakalaan,” pahayag naman ni Anj at yumakap sa’kin.
***

Book Comment (46)

  • avatar
    BarazonJezcil Mae

    Nice

    27d

      0
  • avatar
    CunciaReynald

    nice

    24/08

      0
  • avatar
    Ginalyn Villalon

    hi thanks for you

    29/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters