logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 5: THE FAIREST OF THEM ALL

5PM na ng natapos ang finals para sa soccer team. Agad akong umuwi para mag-ayos dahil ako rin ang emcee para sa Ms. and Mr. CTU. Napabuntong-hininga na lang ako, minsan talaga nagsisi ako na sobrang active ako sa school. Nagpahinga lang ako sandali at naligo bago nagpaayos sa ina ko na isang magaling na make-up artist sa mga laman ng pageants.
"Oh tapos na, pwede ka na tumingin sa salamin. Pupuntahan ko muna ang Papa mo at sisilipin kung tapos na 'yung paglilinis ng kotse para maihatid ka na,” aniya at nagsimulang ayusin ang mga ginamit niya.
Agad akong pumihit patalikod at tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Agad nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko.
"Ma!"
"Ano?"
"Emcee ako, hindi kandidata," reklamo ko.
"E ano ngayon kung emcee ka lang? Hindi mo ba pwedeng taubin ang mga kandidata sa kagandahan?" nakapameywang niyang tugon at tinaasan ako ng kilay.
"Kasi ma, baka hindi na magsimula ang pageant, ako na agad mag-uwi ng korona," biro ko at nagtawanan naman kang dalawa.
"Handa na ang kots— sino 'yang magandang dalagang 'yan?" pahayag ni Papa nang makapasok sa kwarto at niyakap ako. "Hindi ka pa nakabihis niyan. Kamukha mo talaga ang ama mo. Naiiyak tuloy ako," komento niya habang naluluha pa.
"Ano 'yan Pa? Napaka-senti mo naman. Mag-eemcee lang naman ako hahaha!"
"Ang ganda mo, anak. Naiisip ko kasi na mas gaganda ka pa sa araw ng kasal mo."
"Pa! Matagal pa 'yun!" sigaw ko at humalakhak naman sila ni Mama.
"O siya sige na, magbihis ka na at ihahatid na kita sa school. Maliligo lang ako nang madali para naman hindi nakakahiya," paalam ni Papa.
“Papa talaga, oh,” aniko at isinakbit ang braso ko sa braso niya. “Ano namang nakakahiya sa’yo e ang gwapo-gwapo mo.”
“Hmm… bolera. Sige na, ibibili na kita ng Stick-O bukas,” sagot niya kaya naman nagtawanan ulit kaming tatlo.
Si Mama mismo ang pumili ng isusuot ko. A starry-sky blue long gown. Literal na mukha akong langit na may mga bituin. Sabi kasi ni Mama sa'kin nung bata pa ako, ako daw ang kanyang star. Ang gusto daw sana ni Mama, maging lalaki ako para Paul ang ipapangalan niya sa'kin, from Polaris. 'Yun daw kasi ang North Star o 'yung tinatawag na guiding star of travelers. Ewan ko ba diyan kay Mama. May pa-traveler traveler pang nalalaman, akala mo naman gala, tingin yata sa sarili ay si Dora. Kaya heto, ginawan niya ng paraan para maging Polaris ako kaya ayun, naging Jayda Paula ang pangalan ko.
"Ma, ang ganda ng damit ko,” puri ko sa damit habang tuwang-tuwa na tinitingnan ang bawat detalye ng damit.
"Alam ko anak. May mata rin ako at ako ang pumili niyan."
"Mama naman,” reklamo ko. Napatawa naman si Mama at giniya ako sa kotse.
8:32 PM. Mabilis akong nagpaalam sa Papa ko at agad na pumunta sa venue para maihanda ang sarili ko. Hirap na hirap pa ‘kong maglakad dahil kailangan ko pa itaas ang damit ko. Dapat siguro dito na lang ako nagbihis. Habang naglalakad ay iginala ko ang paningin ko, marami-rami nang tao kaya naman napagdesisyunan kong sa likod na lang dumaan.
"Anj. Nandyan na ba 'yung kopya ng program?" tanong ko kay Anj nang makapasok ako sa tent na malapit sa stage. Kasalukuyan siyang abala sa pagche-check kung okay na ba lahat.
"Yup Jayda. Ito pal— Jayda?” tila ba ay hindi makapaniwalang bulalas ni Anj. “Ikaw ba talaga 'yan? Ang ganda mo girl! Akala ko kandidata ka rin hahaha!"
"Akala ko rin girl hahaha!” sagot ko naman. “Inayusan ako ni Mama at saka siya ang pumili nito," ngiti ko.
"Bongga girl. O siya sige, mamaya na ulit kasi may aayusin pa 'ko. Good luck!"
"Thanks. Ah oo nga pala, dumating na ba 'yung isang emcee?"
"Uhm hindi pa e. Pero if ever na hindi siya makarating, kaya mo naman 'di ba."
"Yes, I think so. Don't worry. I'll be your Rexona, I won't let you down," biro ko na nagpatawa naman sa kanya. Buti naman. Bilang isa sa mga myembro ng committee, alam kong stressed na si Anj kaya masaya ako na at least napagaan ko ang loob niya.
Kasalukuyan akong nagre-review ng program na binigay sa'kin ni Anj nang may pumasok sa kwarto.
"Do you have another copy of the program?"
"Yeah. Let me get it for— anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko sa bagong dating na halatang nagmamadali dahil hindi pa ayos ang ribbon. Kulay navy blue ang coat at slacks niya at puti naman ang inner polo niya na may ribbon na kulay gold. Mukha siyang prinsipe sa suot niya lalo na sa pocket square ng suit niyang kulay ginto rin. Paano niya kaya nagagawang maganda ang mga kombinasyon ng kulay.
"What? Emcee rin ako," walang gana niyang sagot at kinuha sa'kin ang kopya ko.
"Demonyitong 'to. Bakit ikaw?!"
"Is it the first time na mag-emcee tayong dalawa? Hindi naman 'di ba."
Agad akong tumalikod sa kanya para maghanap ng iba pang kopya. Oo nga pala. Palagi nga pala kaming magkasama sa pagho-host ng mga school programs. Ngayon lang siguro ako naging aware sa presensya niya dahil mukhang napakalakas na ng kapangyarihan ng prinsipe ng kadiliman. Agad nag-init ang ulo ko nang maalalang ganito rin siya noon, late at palaging nang-aagaw ng kopya. Nahampas ko ang mesa sa inis. Bakit hindi ko agad siya naalala? I should’ve known sooner and better!
Nilingon ko ang lalaking abala magsuklay habang nagbabasa ng program. Nilapitan ko siya at inabot ang ribbon niya. Bahagya pa siyang nagulat at nangunot ang noo nang mapansing inaayos ko ang ribbon niya.
"Wala ka bang practice ngayon? Balita ko kayo ang unang sasabak sa unang live ng HTS ah," tanong ko na hindi rin niya sinagot. "Wala Jayda. Wala silang practice ngayon at wala ka ring kausap dito," sagot ko sa sarili kong tanong.
Kung nandito si Ieyasu, ibig sabihin wala ring practice si Khael. Nandito na kaya siya? Teka nga, bakit magkapareho kami halos ng kulay ng damit?
Nagulat ako nang mahigpit na hawakan ni Dimunyu ang mga kamay ko, bakas sa mukha niya ang pagkairita habang kinukuha mula sa kamay ko ang ribbon niya. Saka ko lang naintindihan kung anong nangyayari nang inuubo niyang niluwagan ribbon niya.
"Jayda-babe."
Agad kong nilingon ang tumawag sa'kin. Simpleng suit and tie lang din ang suot niya. Kulay burgundy din ang vest niya at puti ang panloob niya na may itim na necktie.
"Khael! OMG! Ang bango mo tingnan! Hindi ka na amoy kumunoy!" bungad ko at nameywang. Agad naman akong nilapitan at niyakap ni Khael.
"Wow. Alam kong maganda ka pero hindi ko alam na ganito ka kaganda kapag naayusan. Para kang Ms. Universe," puri niya.
"Than—"
"Ms. Universe na pandak."
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at pilit na kinakalma ang sarili ko. Naging mabigat ang paghinga ko.
"Inaano ba kita Ieyasu? At gaano kahaba 'yang sungay mo? In feet na lang para hindi naman masyadong nakakatakot."
"Basta mas matangkad pa siya sa'yo," sagot niya. Sinamaan ko naman ng tingin si Khael nang pigilan niya ang biglang pag-alpas ng tawa niya. Sisipain ko pa sana si Khael nang pumasok na si Anj na mukhang naiilang sa naabutan niyang eksena.
"Uhm guys? Naririnig kayo ng audience. Start na tayo."
"Sige. Susunod na kami," sabay pa naming sagot ni Dibel. Agad kaming nagkatinginan nang masama.
Bago magsimula ang program ay nag-picture taking muna kami ni Ieyasu kasama ang reigning Ms. and Mr. CTU. Hindi rin iyon nagtagal at sinimulan namin ang programa.
"Good evening, ladies and gentlemen. I'm very much honored to stand in front of you as we witness the most awaited program of the week— the coronation of the next faces of Claro Torralba University. For those who don't know me yet, my name is Ieyasu Khönig and beside me is my ‘oh so lovely partner’ tonight, Ms. Jayda Samaniego. Hi Jayda, you look so wonderful tonight. How are you?" pagdidiin niya sa ‘Oh so lovely partner’. Nginisian naman niya ‘ko habang naghihintay ng sagot. Sarkastiko ko siyang nginitian.
"Oh, thank you so much for such a complement but you need not to be plastic and too showbiz kasi alam naman ng lahat na nag-aartista ka at magkaaway tayo. But for the sake of professionalism, I'll be nice," ngiti ko at nagtawanan naman ang audience. Napairap naman ako.
"Oh, Jayda,” aniya at inilapit ang mukha sa’kin. Agad naman ako napaatras, ngunit bago pa man ako mawala sa balanse ay hinawakan na agad ni Dimunyu ang bewang ko, dahilan para maghiyawan ang mga manonood. Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa bewang ko. “Lying is not my thing. I didn't say that you don't look good tonight. In fact, I'm pretty much sure that everyone would agree that you are one hell of a head-turner tonight that you can beat half of these candidates. Kung lagi ka ba naman ganyan ‘di ba, who knows? Baka hindi lang tayo sa hosting mag-partner,” pang-aasar niya. Iiling-iling na lang ako at hindi makapaniwala sa lumalabas sa bunganga niya.
“Anong who knows? Tigil-tigilan mo ‘ko, baka sakalin kita.”
“Well, but of course, that will never happen kasi pandak ka," paliwanag niya at lalong nagtawanan ang audience. Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko at agad siyang hinambalos ng program na mabilis niyang sinalag habang tatawa-tawa.
"Enough for the silly introduction, dinidimunyu mo na naman ako Ieyasu. Why don't we start now bago pa ako masuwag ng sungay mo?" ngiti ko kahit nanggigigil na akong manakal.
"That's a good suggestion, Jayda. Let's start—"
"— the search for Ms. and Mr. CTU!"
• • •
"Congratulations, Ava!" bati ko sa kinoronahang Ms. CTU.
"Thank you, Jayda. Salamat pala sa tips sa pagsagot ng questions sa Q&A. Siguro kung sumali ka baka ikaw ang Ms. CTU," nakangiti niyang sambit.
"Ano ka ba, hindi ako para diyan. Uuwi na ba kayo?"
"Hindi pa. Susulitin na namin hanggang madaling araw para mag-party! Go go go!"
Napatawa naman ako sa inasal ni Ava. Akala mo kung sino talagang mahinhin pero basta marinig ang salitang party e akala mo ay one of the titas sa may kanto.
"Sulitin mo na rin 'to. Minsan lang nandito si Khael yieeee! Rawr," panunukso niya kasabay ay ang pagtawag niya sa mokong na agad naman lumapit.
"Jayda-babe, hanggang anong oras ka dito?" tanong ni Khael nang makaalis na si Ava at hinawakan ang kamay ko.
"Susunduin ako ni Papa by 3AM e. Kayo? Hindi pa kayo uuwi?"
"Hindi pa. Tatapusin ko na 'to, pero si Ieyasu mukhang uuwi na,” aniya at tumango naman ako.
"Pwede kitang isayaw, Jayda?" tanong niya.
"Masakit na ang paa ko. Kapag tinanggal ko naman ang sapatos, masyado na akong maliit para sa'yo."
Agad siyang lumuhod at walang sabi-sabing tinanggal ang sapatos ko. Ano bang ginagawa niya? Matapos niyang itabi sa gilid ang sapatos ko ay tumayo na siya sa harap ko at ipinatong ako sa paa niya. Nagsimula na rin siyang gumalaw habang ang mga kamay niya ay nasa bewang ko. At mula sa simpleng paghawak sa bewang ay nauwi ito sa isang yakap.
"Hindi na tayo madalas magkikita. Manonood ka ba ng competition ko sa isang linggo?"
"Oo naman. Pero sa TV lang. Sa finals na lang kita panoorin. Baka may trabaho na ako nun pambiling ticket," pahayag ko at naramdaman kong ngumiti siya. Naramdaman kong ibinaon niya ang mukha niya sa balikat ko.
"Alam mo ba Jayda, pupunta na lang kami dito once a week para mag-weekly quiz. Lahat ng lessons namin online na. Tapos magkaiba pa yata tayo ng building. Mamimiss ko kayo," malungkot niyang pahayag. Hindi ko alam kung bakit parang nalungkot din ako sa narinig ko. Mukhang mamimiss ko rin 'tong mokong na 'to. Humiwalay ako sa yakap niya, napansin ko naman ang nagtutubig niyang mata. Hinawakan ko ang pisngi niya bago siya muling niyakap.
"Galingan mo ha. Galingan mo para sa'kin."
***

Book Comment (46)

  • avatar
    BarazonJezcil Mae

    Nice

    27d

      0
  • avatar
    CunciaReynald

    nice

    24/08

      0
  • avatar
    Ginalyn Villalon

    hi thanks for you

    29/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters