logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 3: CONFIDENTIAL

Mikhael Lauchengco is at Claro Torralba University
8h ·
Just chillin' in the detention room with my homies! – with Jayda Paula Samaniego.
Agad kong naibuga ang iniinom kong softdrinks nang makita ang mga litrato namin ni Khael sa detention room na naka-post sa Facebook.
"Piste ka!" natatawa kong hampas sa braso ni Khael at ipinakita ang cellphone ko na puro mukha naming dalawa sa detention room. May ilang litrato din dito na nahahagip si Demonyito pero hindi naman siya nakikisali sa pinaggagagawa naming dalawa ni Khael. Ang hirap siguro kapag nakulong kami ni Khael, kung anu-anong ginagawa namin. Humakot ng haha reactions ang post na ito ni Khael sa Facebook. Tuwang-tuwa rin ako sa mga comments na inuulit ang mga sinabi ni Ieyasu kanina sa classroom.
"Tingin mo, may idea si Ieyasu na nagiging meme lord na siya?" tanong ko kay Khael at sinuklian naman niya 'ko ng malakas na tawa.
"Ewan ko dun hahahaha teka nga, hindi ka ba pagagalitan ng mama mo? 10PM na. Sabi ko naman sa'yo, bukas na lang tayo mangopya ng notes e. Leche kasi 'tong si Prof, i-detention ba naman tayo hanggang 7PM. Nagugutom na tuloy ako."
"Alam mo, Khael, ang tamad mo. Bakit mo pa ipagpapabukas 'yong kaya mo naman gawin ngayon 'di ba?"
"Ay ewan ko sa'yo, Jayda. Basta balitaan mo 'ko kapag napalo ka ng Mama mo, ah."
"Siraulo ka," hampas ko sa kanya ng notebook. "Pero hintayin mo ako sa labas ng gate. Kukuha ako ng makakain mo. Pasasalamat ko 'yan sa paghatid mo sa'kin," ngiti ko.
"Sure, baby," biro niya at tinusuk-tusok ang tagiliran ko.
"Tama na nga Khael. Baka may makakita sa'tin," saway ko nang makarating sa harap ng bahay namin. "Pasok na 'ko."
Binitbit ko na ang sapatos ko at dahan-dahang pumasok sa bahay. Patay na ang ilaw sa sala. Mukhang tulog na sila lahat.
"Bakit ngayon ka lang? Alas diyes na ah."
Para namang lalabas na ang puso ko nang marinig ko ang boses ni Mama. Agad kong binuksan ang switch ng ilaw at nakitang nakaupo si Mama sa may sofa.
"Ma? Bakit gising ka pa?" tanong ko at ipinatong ang bag ko sa sofa. Kalimitan kasi tulog na ang mga tao sa bahay pagsapit ng 9PM.
"Hinihintay kita. Bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba?"
Tumayo siya at dumiretso sa kusina at para ipaghanda ako ng makakain.
"Ha? Bakit kailangan patay ang ilaw? Hindi ka ba nilalamok?" tanong ko at sumunod sa kusina.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko," aniya.
"Uh, sorry po. Kinailangan ko kasi kumopya ng notes sa mga kaklase ko kasi... na-detention po ako dahil sa absence ako kahapon... Pero hinatid naman po ako ng kaklase k— OMG si Khael. Uhm, Ma pwede ko bang papasukin 'yong kaklase ko? Hindi pa kasi siya kumakain kasi sinamahan niya 'ko," paalam ko.
"Sige papasukin mo siya."
Agad naman akong tumakbo palabas at naabutan si Khael na nakaupo sa labas ng gate.
"Jayda, babe! Akala ko hindi mo na 'ko lalabasin dito!" parang tuta namang umamba sa'kin si Khael.
"Nababaliw ka na. Alam mo kapag nakita tayo ni mama na ganito pareho tayong masasapak. Umayos ka nga," saway ko.
"Sorry naman. Gutom na kasi talaga ako, kahit mag-usap pa kayo ng mga ascaris ko," reklamo ng tiyan niyang ngayon ay kumukulo na.
"Mukha nga. Halika, pinapapasok ka ni mama. Kain tay—"
Hindi na ako pinatapos pa ni Khael at dali-dali siyang pumasok sa bahay. Hindi naman halatang gutom na siya.
"Sige, feel at home," sigaw ko na tinawanan niya lang.
"Tita ang sarap ninyo magluto ah. Ngayon lang ako nakakain ng ganito," komento ni Khael sa luto ni mama.
"Naku, ganun ba? Dumalaw ka dito madalas para makakain ka. Salamat nga pala sa paghatid sa anak ko,” sagot naman ni Mama at itinulak pa kay Khael ang mangkok na may lamang gulay.
"Maliit na bagay po. E pinangakuan rin naman ako ng anak ninyo ng masarap na pagkain at hindi naman siya nabigo. Hayaan ninyo po, sasanayin ko kayong nandito ako," tatawa-tawang komento ni Khael.
Napangiwi na lang ako sa nakikita ko. Bakit pakiramdam ko magkumare silang matagal na hindi nagkita. Saan kaya nakakakuha ng ganyang kakapalan ng mukha si Khael? We all need that high confidence. Kahit si Mama natutuwa sa kanya e. Hindi kaya siya talaga ang anak ni Mama? Oh naku naman, sana hindi niya maisip na ireto sa'kin si Khael. It's a no-no. Wala naman akong dahilan, it's just that it's a no. It's weird becoming in a relationship with your bestfriend na lahat ng kaululan sa buhay mo e alam niya.
"Dito ka na magpalipas ng gabi Khael. May extra kaming kwarto dito. Malalim na ang gabi, delikado sa daan."
Nabilaukan naman ako sa narinig ko.
“Jayda, tubig,” abot sa’kin ni Khael ng baso ng tubig at hinagod ang likod ko. Kailan pa naging ganyan si Mama? Bakit ang wiwirdo ng mga tao ngayon? Kanina biglang nagkadila si demonyitong Ieyasu, ngayon naman si Mama.
“Okay ka na?” tanong ni Khael at tinanguhan ko naman siya. Muli niyang ibinalik kay Mama ang paningin niya para sagutin ang alok ni Mama. "Huwag na po. Kaya ko naman po umuwi. At isa pa po, namamahay ako e. Nagii-sleep walk po ako sa ibang bahay. Baka mamaya niyan, katukin ko kayo," nahihiyang pagtanggi ni Khael.
"Ah ganun ba? Ihatid na lang kita. May kotse naman kami," alok ni Mama.
"Wow. Sanaol hinahatid," bulong ko.
"Jayda, may sinasabi ka ba? Anong binubulong mo diyan? Hindi ka kasama. Matulog ka na. May pasok ka pa."
"Wala naman akong sinasabi ah. Matutulog na po ako," paalam ko at binuhat ang plato ko at dumiretso sa lababo.
Nag-usap pa sina Mama at Khael at ako nama'y nagsimulang maghugas ng kinainan ko. Maya-maya pa'y nilapitan ako ni Khael.
"Jayda, pwede mo ba kami samahan ng Mama mo?"
"Huh? Bakit naman?"
"'Di ba gusto mong makilala ang Papa ko? Alam ko kasi uuwi 'yon ngayon."
Sandali akong napaisip. Sasama ba ako? O sasama? Kaya lang gusto ko makilala noon ang Papa niya dahil mayroon siyang koneksyon sa show business. Ngayon, wala na 'kong dahilan pa para pumunta.
"Uhm. Oo nga pala 'no. Pwede naman. Pero huwag muna ngayon ah. Stressed at pagod na talaga ako," paliwanag ko habang hinuhugasan ang baso ko.
"Uh yeah. You're right. Kailangan na natin magpahinga."
• • •
"Morning, Jayda."
"Morning rin Lowell. Kumusta na 'yong part mo sa research? Can I check it na?"
"Yeah. Hold on a minute. I'll get it for you."
"Thanks!"
Nakakaloka na naman. Tuwing uumaga ito lagi ang sumasalubong sa'kin. Research dito, research doon. Lider here, lider there.
"Uhm Jayda, good morning," bati sa'kin ni Anjanette habang may hawak na notebook. "Pinapatanong ni Mrs. Ferrer kung pwede ka raw mag-emcee sa Mr. at Ms. CTU."
"Sure. No problem. Malakas siya sa'kin e hahaha!" ngiti ko.
"Naku buti naman. Maaasahan ka talaga. No worries, magaling din naman daw ang partner mo," aniya at tinapik ang balikat ko. "Hey guys! Wala pa tayong representative para sa Ms. at Mr. CTU! Sino willing?" sigaw ni Anj sa klase pero wala yatang nakakarinig sa kanya. Inilibot ko ang paningin ko at napansing abala silang lahat sila sa daldalan. Mukhang wala talagang nakikinig.
"Hoy guys! Isang linggo na lang ang meron tayo! Sino willing?!" muli niyang sigaw.
"Anj. Gusto mo ako mag-announce?" alok ko sa information officer na paulit-ulit na nag-aannounce
"Mabuti pa nga. Ewan ko ba sa mga 'yan, elect elect pang nalalaman ayaw naman makinig."
"Ok guys! Tingin sa'kin, nandito ang maganda!" sigaw ko kaya naman agad nagsipag-tinginan ang mga kaklase ko.
"Kapag wala kayong pinili na Mr. and Ms. CTU, ako ang sasali. Sige kayo!" pananakot ko habang nakapameywang.
"Ano 'to? Little Ms. CTU?"
Agad hinanap ng mata ko ang boses na ilang beses ko pa lang naririnig. Sinamaan ko siya ng tingin. Pastilan.
"Demonyito ka talaga 'no. Diablito, dibelito, maldito. Lahat na inangkin mo," bulyaw ko.
"Bakit hindi na lang si Khael ang ilaban natin?" suhestyon ng isa sa mga kaklase ko.
"Bobo ka ba? Title holder nga siya 'di ba!" sagot naman ng isa.
"Hoy Demonyito. Bakit kaya hindi na lang ikaw ang mag Mr. CTU para naman mapakinabangan natin 'yang mukha mo," suhestyon ko naman.
"No."
"At bakit?"
"Kasi ayoko."
"So kapag natalo ang klase, wala kang pake?"
"Why? What's in it for me? Masasagot ba niyan ang pag-aaral ko? Hindi 'di ba. What good would it be to y'all?"
Ang totoo niyan, ayoko mang aminin pero may point siya. Hindi ko rin naman alam kung anong makukuha ko. Hindi rin naman namin ilalagay sa resumé namin ang mga events na 'to. Pero naisip ko, may mga kaklase kaming hindi kagalingan sa klase kaya magandang pagkakataon din ito para makakuha ng extra points. Alam kong malaking bagay na 'yon sa kanila. Isa pa, character development din 'to. Mahahasa ang teamwork at dedikasyon namin sa trabaho. Hindi man namin mailagay 'to sa resumé, may masasabi naman kami sa 'tell me something about yourself'. Tiningnan ko siya at nagsalita.
"Alam mo Ieyasu, hindi ka makakasurvive sa real world kung hindi ka marunong makibagay at makipag-teamwork. Kaya siguro wala kang kaibigan."
Napansin ko ang pagrehistro ng gulat sa mukha niya. Ngunit ilang sandali pa'y napalitan iyon ng isang nakapangingilabot na ngiti.
"Look who's talking? Sigurado ka ba na totoo ang mga kaibigan mo? E 'di ba kaya nga ayaw mo sa kahit anong relasyon ay dahil sa trust issues mo? Saan mo nga ulit nakuha ang trust issues mo? From people that come and go without prior notice. Tama?"
Ito na yata ang pinakamahabang sinabi niya. Pinakamahaba at masakit. Nakuyom ko ang kamao ko at pinipigilan ang sarili ko na magalit. Teka nga, saan niya nalaman ‘yon? Low-key tsismoso rin pala ‘to e.
Inhale, exhale. Inhale, exhale. Jayda, kaya mo 'yan. Huwag ka magpapadala sa sinabi niya.
“There’s nothing wrong with trusting people. Kung naaabuso ka na, eh ‘di stop na, doon ka magkaroon ng trust issues.”
“You only say that because you haven’t been into close death,” kalmado niyang sagot. Bahagya akong napaatras nang tingnan niya ‘ko. Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa kanya noong 2nd year kami, hindi kaya ito ‘yong sinasabi niya? Pero hindi ko rin naman kasi alam kung bakit niya ginawa ‘yon.
"Ieyasu won't do any competing."
Napatingin kaming lahat sa bagong dating na si Khael. Pinandilatan ko siya ng mata pero hindi niya 'ko pinansin.
"Busy kasi si Ieyasu. May schedule kami sa araw na 'yon," pahayag niya.
Napataas ang kilay ko nang wala sa oras. At kailan pa sila naging close?
"May date kayo?" wala sa sarili kong tanong.
"Ha? Anong date?" tanong ni Khael sa'kin pabalik. "Jayda. There's something you should know," bulong niya at hinila ako sa upuan naming.
"Ano 'yon, Mars?"
"Pwede bang ibulong ko na lang?"
"Bakit ba?"
"Confidential kasi," tila ay naiilang niyang pahayag at inilibot ang paningin sa paligid, baka may makarinig.
"Ha? Bakit ba kasi?" naiirita kong tanong. Lumapit naman siya sa tenga ko at bumulong.
"Magsisimula na ang training namin sa HTS," bulong niya.
"O tapos? Ano ngayon? Anong kinalaman ni Demonyito doon?" tanong ko.
"Ieyasu and I are on the same team."
"Ah... Okay," sagot ko. Tila ba tumigil ang mundo ko nang magsink-in ang sinabi ni Khael. "Ha?! Anong sabi mo?!" sigaw ko at napatayo. Ramdam na ramdam ko ang biglang pagtingin ng mga kaklase namin sa akin. Maging ang demonyitong si Ieyasu ay napatingin sa'kin. Nagdilim naman ang paningin ko at tanging ang pagsigaw na lang ni Khael sa pangalan ko ang narinig ko.
***

Book Comment (46)

  • avatar
    BarazonJezcil Mae

    Nice

    28d

      0
  • avatar
    CunciaReynald

    nice

    24/08

      0
  • avatar
    Ginalyn Villalon

    hi thanks for you

    29/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters