logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 2: DETENTION

Maaga akong nakarating sa school. Napakaaliwalas pa ng lugar dahil wala pang masyadong mga tao. Nadaanan ko ang music building kung saan may nakapintang batang pinuputulan ng pakpak ng magulang sa pader. Agad bumagsak ang balikat ko sa nakikita ko. Para sa ibang mga magulang, hindi nila sinusuportahan ang gusto ng mga anak nila dahil hindi praktikal, wala raw kinabukasang maganda, hindi ka yayaman. Sa kaso ko, gusto daw akong protektahan. Hindi ko nga lang alam kung para saan. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa naabutan ko ang music room namin. Malungkot akong napangiti, hindi na 'ko papasok sa mga ganitong lugar. Baka malimutan ko kung anong pinangako kay Mama.
"Jayda-babe!"
Natigil ako sa pagbabasa nang marinig ang boses ni Khael. Patakbo siyang lumapit sa'kin at binagsak ang gamit sa upuang nasa tabi ko. Agad din namang napawi ang ngiti niya nang madako sa mata ko ang paningin niya.
"Umiyak ka? Sinong may gawa niyan? Sabihin mo, sinong nang-basted sa'yo?" sunud-sunod niyang tanong kaya naman natawa ako. "Seryoso, bakit mugto ang mata mo? Ganun mo ba dinamdam 'yong audition?" tanong niya.
"Ang OA mo Khael. May hindi lang kami napagkasunduan ni Mama pero okay na."
"Sure ka?" paniniguro niya kaya naman tinanguhan ko lang siya at nginitian. "You look gloomy. Parang uulan. Nag-aalala ako sa'yo. Pwede bang tabi tayo?" paalam niya at umupo na sa upuang nasa tabi ko. "Wala kang choice kundi umoo," aniya kaya naman tuluyan na nga akong natawa. Napansin ko naman ang malaki niyang ngiti.
"'Yan, much better."
Mabilis umusad ang klase. Mabuti na lang at naaral ko na ang mga tinuro kaya kahit tulala ako at malalim na nag-iisip, nasagot ko ang maiiksing pagsusulit na binibigay ng mga propesor. Maya-maya nama'y lunchbreak na rin kaya sumabay na si Khael sa akin.
Ala una at pumasok na ang propesor namin sa Math. Agad nag-init ang ulo ko nang maalalang siya ang nagsumbong sa Mama ko.
“Okay, class. Good afternoon. As we have discussed yesterday, we'll have an examination of yesterday's lesson. Good afternoon rin Mr. Lauchengco, Ms. Samaniego, and Mr. Khönig. Care to explain your absence from yesterday?"
"Huh?" agad na lumabas sa bibig ni Khael ang pagkagulat kaya naman nagkatinginan kaming dalawa.
"Ano daw?" bukambibig ko.
"Wait," taas ni Khael ng kamay. "Khönig po Sir?" pagkukumpirma ni Khael at kinamot ang butas ng tenga niya para masigurong tama ang naririnig niya. Nagtataka rin ako kung Khönig nga ang narinig namin. Kahit kailan ay hindi pa lumiliban sa klase si Khönig. Nahuhuli siya pero absent, hindi.
"Yes, Mr. Lauchengo, you heard me right. Why were you absent from yesterday?"
"Kasi sir..." kamot ni Khael sa ulo niya. "Nag-audition po ako sa HTS."
"Bakit hindi mo 'yan ginawa noong walang pasok?"
Gulung-gulo namang tumingin sa'kin si Khael.
"Six days ang pasok ko, walang audition kapag Sunday," bulong niya sa'kin. Agad ko naman siyang pinangunutan ng noo at sinenyasan na sa propesor magpaliwanag.
"Uhm, may pasok po ako for six days. Wala pong audition every Sunday and last day na po kahapon ng audition. I was with Jayda," paliwanag ni Khael. Hindi naman na siya tinanong pa ng propesor namin kung bakit wala siya.
"Ms. Samaniego, I bet you already spoke with your mother."
"Yes, Sir."
'Oo. Piste ka. Sinira mo pangarap ko.'
"-I was just kind of wondering kung ginagawa mo rin sa ibang subject 'to? Ang alam ng magulang mo, pumapasok ka dahil suot mo ang uniporme natin. 'Yon pala kung saan-saan ka nagsususuot. Siguro nakipag-date ka 'no. Sino sa kanilang dalawa ang kasama mo? Si Khael ba na alam nating lahat na matinik sa chicks? O si Ieyasu na mukhang... hmmm... Nasa loob ang kulo. O baka naman three-some. Hahaha! Alam ninyo, masama rin pala talaga kapag sobrang strikto ng mga magulang. Gumagawa sila ng mga kanser sa lipunan hahahaha!"
Agad kong naikuyom ang mga kamao ko sa bastos niyang turan.
"Sir, I don't think it's right that you ask Jayda about that," ani Khael.
"Oh? Mali rin naman ang ginawa ninyo 'di ba,” ngisi ng propesor.
"But we already explained our sides. I don't think it's right that you give her a side comment that is sexually harassing," pagtataas ni Khael ng boses. Agad kong hinawakan ang braso niya at sinenyasang tumigil na. "What?" inis na sagot ni Khael sa'kin. "I'm not going to sit here and laugh like how these damn boys do with a sexual joke," dugtong niya kaya naman natahimik ang buong klase. Nasulyapan ko ang propesor naming madilim na ang mukha.
"Sir sor—"
"Siguro strikto rin mga magulang mo 'no. Lumaki ka ring kanser e," walang ganang pahayag ni Khönig bago pa ako makahingi ng paumanhin. Nanlaki ang mata ko at kapansin-pansin rin ang biglang bulungan ng mga kaklase namin. Walang pakundangan pang naghikab ang walang-hiya. Hindi na nga nagtakip ng bibig, nakuha pang mag-inat. Milagro ba ito? Si Khönig, nagsalita? May dila pa pala 'yan. Huling beses ko kasi siyang narinig ay noong second year college pa kami.
"How dare you speak with me that way? Do you even realize that I can make your life a living hell here in this university? Kayong tatlo!"
"Oh bakit damay kami?" sigaw ni Khael at hindi napigilang mapatawa nang magkatinginan sila ni Khönig.
Nagulat kaming lahat ng humalakhak si Khönig. Hindi naman kasi nagpapakita ng kahit anong emosyon 'yan. Naalala ko pa nga nung nag Star City kami. Katabi ko siya noon sa Vikings, ang leche itsurang bored na bored pa.
"Share mo lang?" tanong niya at nangalumbaba.
Hala... Gago.
"Mr. Khönig. My subject is 4 units. Gusto mo ba ibagsak ko kayo?"
Sumandal naman sa upuan si Khönig at naghihikab na humalukipkip.
“Gusto mo mauna nang umalis sa school na ‘to?” tanong ni Khönig at itinaas ang cellphone niyang kasalukuyang nagre-record. “I can help you lose your license too. You want that?” ngisi ni Khönig. Tila ay nawalan naman ng buhay ang pagmumukha ng propesor naming sa ginawa ni Ieyasu.
Hindi ko alam kung tatawa ba ako maiinis sa ginagawa ni Ieyasu. May parte sa’kin na natutuwa dahil binibigyan niya ng leksyon ang propesor naming pero may parte rin sa’kin na natatakot sa kung anong pwedeng mangyari.
"Khönig, Lauchengco, Samaniego. Follow me in the detention room!" gigil na sigaw ng propesor at lumabas ng classroom.
"Teka, anong kasalanan ko? This is injustice! Walang matinong paglilitis sa'tin," pahayag ni Khael.
"Sabi ko kasi sa'yo manahimik ka na lang e."
"Hindi naman ako matatahimik sa ganoon na joke niya 'no. Ugali ba ng educator 'yan? Patay sa'kin 'yan sa evaluation. Gagantihan ko 'yan," inis na pahayag ni Khael habang dinuduru-duro ang propesor na wala na sa paningin namin. Napansin ko na tumayo na si Ieyasu bitbit ang bag niya para lumabas.
"Halika na. Wala rin naman tayong isasagot sa exam e," biro ko at tinulak-tulak na siya.
"Khael, we'll visit na lang you later with foods," pa-cute ng mga kaklase naming babae bago kami makalabas ng classroom.
"Thanks, ladies," sagot naman ni Khael at kumindat. Agad ko naman siyang nakurot sa tagiliran.
"Aray ko Jayda. Nagseselos ka ba?" biro niya.
"Oo. Sabi mo sa'kin kahapon sa SoGo, ako lang," biro ko rin at nagtawanan naman kami.
"Jayda. Mamaya na lang ah, turuan ka namin," sigaw ng mga kaklase kong lalaki.
"Yeah sure. Thank you! Magbabakasyon muna kami. Bye!" paalam ko at kumaway.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa sahig ng isang maliit na kwartong may iisang bintana at walang kalaman-laman. Sinong mag-aakalang may ganito pa pala sa ibang eskwelahan.
"Ieyasu, bakit nga pala absent ka kahapon?" tanong ni Khael sa kasama naming na nasa isang sulok na hindi naman nasagot.
"Ay, attitude si sis," biro ni Khael at lumapit sa'kin. Pasalampak siyang naupo sa tabi ko at bumuntong-hininga.
"Alam mo, Jayda. Palaisipan pa rin sa'kin kung bakit hindi ka nakapasok."
Mapait akong napangiti. Hangga't maaari, ayoko na pag-usapan.
"I mean, alam ng lahat na gifted ka. Talagang makakapasok ka sa finals. Idagdag mo pa na may matinding perseverance ka at mahal mo ang stage. Parang may mali e. Luto. Parang bias ang naging judgment sa'yo," rinig ko sa boses ni Khael ang pagkainis.
"Physical appearance niya. Pandak na nga, pangit pa."
Nagkatinginan naman kami ni Khael nang nagsalita si Khönig sa isang tabi. May kasama pa nga pala kami at napakasama talaga ng ugali nito.
"Alam mo Khönig, kung wala kang matinong sasabihin, mas mabuti pang maging pipe ka na lang," kunot-noong reklamo ko.
"Pandak ka naman talaga ah. Ano ba height mo? 4'10? 4'11? 4'9?"
"Demonyito ka talaga, 'no. Kaya tayo napunta dito eh!" bulyaw ko at binato siya ng sapatos ko. Nakakainis. Totoo siguro 'yong kasabihang kapag may mala-anghel na pagmumukha e may nakatagong ka-demonyitohan.
"Guys, guys. Huwag na tayo mag-away. Ang tensyon na ginagawa ninyo ay nagdudulot pa ng sobrang pag-init ng ating maliit na mundo," awat naman ni Khael kaya tumahimik na rin kami.
"Magtataka ka pa ba kung bakit mainit e parang may free trial tayo ng impyerno dito, bakit kasi may demonyito tayong kasama," singhal ko.
"Oo na, oo na. Kalma ka na Jayda-babe, ite-text ko na si Quiboloy para matigil na 'to," ani Khael at kinuha ang cellphone niya.
"Ang alin? Free trial ng impyerno?" tanong ko.
"Hindi, papa-stop ko 'yong buhay ng p*kinginang professor na 'yan," nanggigigil na pahayag ni Khael habang iiling-iling na nagtitipa sa kanyang cellphone.
Hindi ko na nga naiwasan at tuluyang napahalakhak sa inasal ni Khael. Napansin ko rin naman ang bahagyang pagngiti ng demonyito naming kasama.
***

Book Comment (46)

  • avatar
    BarazonJezcil Mae

    Nice

    28d

      0
  • avatar
    CunciaReynald

    nice

    24/08

      0
  • avatar
    Ginalyn Villalon

    hi thanks for you

    29/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters