logo
logo-text

Download this book within the app

The Sound of the Broken Hearts

The Sound of the Broken Hearts

Distort_Ofc


PROLOGUE

“I’m sorry, Jayda. But I think, you need more training. Do you know what I mean? This is a competition. I’m afraid you’ll not make it to the finals.”
Bagsak-balikat akong bumaba sa entablado kung saan kasalukuyang ginaganap ang audition sa isang talent camp. Nagbabakasakali ako na baka makapasok ako sa industriyang noon ko pa pinapangarap.
Pansamantala akong bumalik sa waiting room at doon umupo. Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang hindi talaga ito ang field para sa'kin. Ano pa nga ba? Eh sarili ko ngang pamilya, hindi kayang maniwala sa'kin, ibang tao pa kaya. Napaismid na lang ako sa naisip ko. Tiningnan ko ang relos ko. Mukhang aabot pa naman ako sa afternoon class ko kung aalis na 'ko ngayon. Agad kong kinuha ang bag ko para lumabas.
"Number 1065!" agad gumala ang mata ko at hinanap kung sino ang number 1065.
"Number 1065!" ulit ng staff. Sino ba 'tong 1065 na 'to? Paulit-ulit e.
"Number 1—"
"I'm- I'm here. I'm sorry."
Agad gumala ang mata ko at hinanap ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. Gulat akong napatingin sa lalaking ngayon ay nasa harap ko na at tila ba'y hindi ako napapansin.
"Sorry, galing ako sa comfort room eh," hinihingal niya pang pahayag habang nagkakamot ng ulo.
"It's okay. Bilisan mo na. The judges are waiting."
"Sure, thank you."
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinawakan ang laylayan ng damit niya bago siya nakalayo. Inis naman siyang napalingon sa'kin pero agad din napawi ang inis niya at napalitan ng pagkagulat.
"Jayda-babe?! Bakit nandito ka?"
"Nag-audition ako," nahihiya kong bulong. Tila ba ay nagliwanag ang mukha niya sa narinig ko at agad pumalakpak.
"So, hindi ka rin pumasok? Nice, may kasama 'ko!"
"1065!" sigaw ng staff.
"Opo, nandiyan na!" sigaw niya pabalik. "Jayda-babe, huwag na tayo pumasok mamaya, hintayin mo 'ko, ah. Bye!" paalam niya at patakbong pumunta sa stage. Sandali pa 'kong naistatwa sa kinatatayuan ko bago ko pa maintindihan ang sinabi niya.
"Eh? Hindi na kami papasok?! Walangyang 'to, napakasamang impluwensya."
Nagdesisyon akong manood na lang muna ng audition ni Khael para sabay na kaming lumbas. Iginala ko ang mata ko sa studio. Mangilan-ngilang tao lang ang nandito at nanonood; mga kapwa ko auditionee at mga kaibigan nila. Sumikip naman ang dibdib ko at para bang may bukol sa lalamunan ko nang maisip kong hindi ko na mararanasang magtanghal sa harap ng mga taong susuporta sa programang ito. Agad kong kinagat ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang nagbabadya kong pag-iyak, ang pangit ko pa naman umiyak.
"Anong pangalan mo, pogi?" tanong ng isa sa judge na mukhang taong rainbow dahil sa rainbow-colored niyang buhok at damit na hindi ko mawari kung anong inspirasyon. Mukha rin kasi siyang unicorn na may tatlong sungay.
"Mikhaeli Lauchengco po. Khael for short. 20 years old, taking up Bachelor of Arts in Mass Communication," ngiti niya at napalingon sa akin. Lumingon din naman ang judges sa'kin, kasabay noon ay ang pagkailang ko. Hello po mga ma'am, mga ser. Ako nga pala 'yung binagsak ninyong si 1064, Jayda Samaniego.
"Kilala mo siya, pogi?" tanong ni madam rainbow.
"Ah yes po, si Jayda. Kaklase ko po," ngiti niya.
"Oh, I see. Pwede ka na magsimula," may pag-ismid na utos ni madam rainbow. At ano naman problema mo?
Nagsimula na si Khael kumanta. Ang ganda talaga ng boses ng mokong, kaya nga maraming nahuhumaling sa kanya sa school. Parang anghel lang. Hindi lang 'yun, napakabait pa niyan. Isa siya sa matatawag na campus crush. Laman ng pageants, singing contests, dance contests at kung anu-ano pang patimpalak sa school— Mr. Perfect. Siyempre, ako naman ang proud bestfriend niya.
Matapos niyang awitin ang audition piece niya ay nagsayaw pa siya. Napangiwi na lang ako sa pinaggagagawa niya sa stage. Hindi ko po siya kilala. Malalim akong bumuntong-hininga. Hindi naman halatang gusto niyang makapasok. Matapos niyang sumayaw ay nagsimula na rin silang magbigay ng hatol.
"You passed! Congratulations Khael! You are officially part of Hit that Stage" pahayag ng judge na kalbo na singkintab ng sahig namin ang ulo.
Nagsipagtayo sila at kinamayan si Khael. Wow, hope all. Ikinabit naman sa kanya ng isang magandang babae ang isang kulay gintong badge na may simbolo ng alpha. Nabilaukan naman ako sa tubig na iniinom ko. Alpha? For real? Ibig sabihin, ganoon siya kagaling sa paningin nila para ilagay sa top team? Hindi ko maintindihan dahil parang karaniwan na lang sa'kin ang performance niya. O baka naman dahil sanay na ako makita siyang ganun?
"Jayda, huy. Ayos ka lang?" hindi ko namalayang nandito na pala siya sa harap ko.
"Khael... Uh, congrats?" bati ko.
"Huh? Bakit patanong? Hindi ka ba masaya para sa'kin?" tanong niya at kinuha ang bote ng tubig ko para uminom.
"Ha?! Hindi. Hindi 'yon. Nagulat lang siguro ako sa'yo," iling ko.
"Ah... Akala ko naman galit ka dahil magkakalaban tayo," nahihiyang ngiti niya at kinamot ang kanyang batok.
"Huh? Masaya ko para sa'yo 'no. Kaya halika na, i-celebrate natin 'yan. Libre mo 'ko ng burger," hila ko sa kanya.
"Huh? Oh no! Wala 'kong pera!" sigaw naman niya at humalakhak.
• • •
"So, anong team ka napunta? Sa galing mong 'yan, sigurado 'ko nasa Alpha, Bravo or Charlie ka."
Natigilan ako sa sinabi niya. Tila ba'y nakaramdam ako ng hiya. Langya naman. So, all this time, nagmumukha akong katawa-tawa dahil iniisip ko na ako ang pinakamagaling sa lahat. Mukhang magaling lang talaga ako sumipsip sa mga teacher kaya pakiramdam ko ang galing-galing ko.
"Tama ako 'no. Pa-burger ka rin hahaha!" halakhak ni Khael. Mukhang napansin naman niya ang pagkatahimik ko kaya natigil ang pagtawa niya.
"Jayda? Okay ka lang ba talaga?"
Bumuntong-hininga muna ako. Bakit ako mahihiya kay Khael, eh bestfriends naman kami. Mabait siya at alam ko maiintindihan niya ako. Hindi naman siya katulad ng iba na judgmental.
"Ano kasi Khael... ang totoo niyan, hindi ako pumasa."
Naibuga naman ni Khael ang softdrinks na iniinom niya at pabagsak na ibinaba ang bote. Napansin ko pa ang inis na saway ng tindera pero hindi 'yon pinansin ni Khael. Agad niyang hinawakan ang mga kamay ko at nag-aalalang tumingin sa mata ko.
"What did you say? How?" mahinang tanong niya at nagkibit-balikat na lang ako.
"Hindi ko alam. Baka hindi talaga ako para dito. Maraming beses na ako sumubok, wala pa rin. Baka ito na 'yung huli. Magfo-focus na lang ako sa studies ko. Huwag kang mag-alala, sanay naman na 'ko," ngiti ko at kumagat ng burger.
Naramdaman ko na lang ang kamay niyang hinahaplos-haplos ang ulo ko. Kinuha niya ang burger sa’kin at inilapag ito sa mesa. Hindi ko na nga naiwasan at naiyak na. Maingat niyang hinila ang ulo ko at isinandal sa dibdib niya.
"You know what Jayda, never stop. Maybe it's not yet your time but I'm sure it'll come. Pray for it. He'll answer you with a yes, a no, or a wait."
"Paano ko naman malalaman kung 'no' ang sagot? Paano kung umaasa ako sa 'wait' pero 'no' pala talaga ang sagot niya?" hikbi ko.
"Oh, Jayda," malumanay niyang tawag sa pangalan ko at inilayo ako sa dibdib niya. Hinawakan niya ang mga pisngi ko at muling nagsalita. "Sa tingin mo bakit ka Niya hinayang makita sa puso mo na 'yan ang gusto mo? Not only that, He gave you the resources— your talents. It is just a proof that you are meant for that. It's just that it's not yet the right time. Rather than giving up, why don't you use these failures as your training battle? Come on, I'm telling you, it's worth waiting. At habang wala pa 'yung chance na 'yun, make yourself strong."
Agad akong yumakap kay Khael at nagpasalamat. Buti na lang talaga may kaibigan akong katulad niya. Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa paghaplos niya sa buhok ko.
"Okay ka na ba?" tanong ni Khael at hiniwalay ako. Maingat niya rin pinunasan ang mga mata ko gamit ang daliri niya. Ngayong nakapasok na siya sa HTS, bihira ko na siyang makikita. Kapag nalungkot ako, sino na ang tutulong sa'kin?
"Okay na 'ko. Salamat ng marami, Khael," pasasalamat ko at ngumiti sa kanya. Sinuklian naman niya 'ko ng isang malaking ngiti.
"Buti naman. So, pwede mo na 'kong hatian sa bill, ano?" biro niya kaya naman natawa na nga ako.
"Oo na, ako na ang bahala sa softdrinks natin."
"Ayon! Praise the Lord, hallelujah! Salamat naman sa Diyos Jayda-babe, nakaramdam ka rin na hindi ko afford 'to lahat hahahaha!"
***

Book Comment (46)

  • avatar
    BarazonJezcil Mae

    Nice

    28d

      0
  • avatar
    CunciaReynald

    nice

    24/08

      0
  • avatar
    Ginalyn Villalon

    hi thanks for you

    29/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters