Kinuha ko ang aking bagpack na nakalagay sa aking kama bago lumabas ng kwarto at kumain ng agahan. Matapos niyon ay nag-commute nalang ako papunta ng Green Western University. Nag-volunteer pa nga si Zero na ihahatid ako papasok, ngunit hindi ako pumayag. Did I forget to tell na second semester na ngayon ang papasukan ko? Kagaya ng Clarkson University ay sobrang ganda din ng GWU, gate palang ay may ibubuga na. Napabuntong hininga nalang ako, ano pa bang aasahan ko sa ganito kayamang eskwelahan? Just like the usual kapag bagong semester ay may mga transfer students at isa na ako roon. Naglalakad ako sa may soccer field nang bigla akong napahinto dahil sa bolang gumulong sa aking direksyon. Kinuha ko iyon at napatingin sa lalaking tumatakbo papunta sa aking direksyon. Iniabot ko iyon sa kaniya nang tuluyan na siyang nakakapit sa akin. "Thanks," wika niya. Napansin ko ang napaka-seryoso niyang mukha at ang kaniyang walang kabuhay-buhay na mga mata. He has this messy black hair and a perfect face shape. Nadidipina rin ang kaniyang panga. Imbis na ngumiti ako ay mas pinili ko nalang na tumango sa kaniya, umalis na rin siya pagkatapos. Napatulala ako. Weird. May ganoon palang klase ng tao? Tsk. Tsk. Sayang ang gwapo pa naman. Nang maagap na natapos ang klase naisip ko nalang na pumunta ng library. Hindi ito ang unang pasok ko sa ganitong klase ng luga, pero bihira akong bumisita sa ganito kaya nakakapanibago. Gusto ko lang ng tahimik na lugar kaya ito ang naisip kong puntahan. Kumuha ako ng isang libro at napiling umupo sa may bandang sulok malapit sa may aircon. Bubuksan ko na sana ang pahina nang napansin ko ang babae na aking katapat na abala sa pagsusulat sa notebook nito. Mayroon siyang eyeglasses na suot, ngunit hindi naman ganoon kakapal ang lens. Kulay brown ang kaniyang straight at medyo mahabang buhok, ngunig ang labis na nakakuha ng atensyon ko ay ang kaniyang hitsura. Maganda siya kahit na naka-eyeglasses, ngunit bakit tila may kamukha siya? Nakita ko na ba siya rati? "May dumi po ba ako sa mukha?" "Ha?" Napakurap-kurap ako nang mag-angat siya ng tingin sa akin. "Ah wala. Medyo pamilyar ka lang sa akin," wika ko sa kaniya. Naningkit ang kaniyang mata na tila sinisipat ako. "I don't think so. Ngayon palang kita nakita," wika niya saka nagpatuloy sa kaniyang pagsusulat. "Transfered student ako." This time ay binuklat ko na ang pahina ng libro na aking kinuha kanina. "Ah, kaya pala." Kumunot ang noo ko. "Kaya pala ano?" Umangat siya ng tingin sa akin at ngumiti nang bahagya. Sinarado niya ang kaniyang notebook. "Kaya pala kinakausap mo ako." Hindi nakatakas sa akin bakas ng lungkot sa sinabi niya. "Hindi ba dapat?" Nagkibit-balikat siya. "It's fine actually. First time lang kasi na may kumausap sa akin nang ganito." Napamaang sa kaniyang sinabi. "Bakit naman? Wala ka bang mga kaibigan?" tanong ko habang patuloy ako sa pagbubuklat ng libro, kahit hindi ko naman binabasa. "No one's trying to be friends with me." "Posible ba iyon?" I mean, to a person like her, sa tingin ko naman ay mabait siya, kaya paanong wala siyang mga kaibigan? "Given the fact that I'm not a sociable person, they hated my existence in this school. They always bullied me for a being a nerd." Kahit na bahagya siyang napangiti habang nagku-kuwento ay ramdam ko pa rin ang pait sa kaniyang boses. Bullies! Hindi talaga mawawala ang mga taong ganoon sa isang eskwelahan, ngunit hindi naman yata makatarungan na i-bully ang isang tao nang dahil lamang sa hindi nila ito gusto. Bigla ko tuloy naalala noong nasa Clarkson pa ako nag-aaral, noong mga panahong ayaw na ayaw sa akin na Vanessa hanggang sa pinag-planuhan niya akong ikulong sa isang madilim na silid. That time I felt scared, ngunit noong inilabas ako ni Eon sa silid na iyon, doon ko napagtanto na napaka-suwerte ko pa rin kasi nandyan sila para sa akin, para protektahan ako. But this girl in front me, I couldn't help but to feel pity on her, kasi walang nandyan para ipagtanggol siya. "P'wede mo ako maging kaibigan," saad ko at ginawaran siya ng isang ngiti. Alam kong masyadong mabilis, pero sa tingin ay wala namang masama. "Ayos lang naman kahit wala. Nasanay na akong mag-isa, but if you insist, then why not?" At doon na nga sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. "Ano nga palang pangalan mo?" "Lara." "Nice to meet you. I'm Zai." Matapos ang buong maghapon ay naisipan ko na ring umuwi dahil may importante rin akong kailangang puntahan. Napabuntong hininga ako at napatingin sa salamin. I'm wearing a white shirt and a black ripped jeans, kagaya lang ng dati. Ilang araw ko na rin itong napag-isipan, matapos kasi ang nangyari sa party nina Zero ay sobrang dami na rin na mga tanong ang pumapasok sa isip ko, kaya napag-desisyunan ko nang magpakita na sa kanila. Tutal doon din naman mapupunta ang lahat kaya bakit kailangan ko pang patagalin, hindi ba? Oo, hindi pa ako masyadong handa, at mas lalo lang akong umurong dahil sa encounter namin ni Eon sa party. Kung bakit at paanong hindi niya ako nakilala? Kaya para mabawasan ang tanong sa isip ko ay gagawin ko na ang kung anuman ang dapat. Isa pa nami-miss ko na rin sila, lalong-lalo na si mama. Ano kayang magiging reaksyon niya sakaling makita ako? I'm sure naman na gumaling na si mama dahil tatlong taon na rin naman. Walang nababanggit na kung ano si Zero rati sa akin tungkol kay mama kaya hindi ko pa alam. Pero sana, maayos na siya ngayon. "Ito po ang address." Inabot ko sa driver ang isang address na nakasulat sa isang maliit na papel. Nang nakarating kami ay halos napamaang na lamang ako nang bumungad sa amin ang isang mansyon. Bumaba ako ng taxi at napatingin sa address, pabalik-balik ko iyong tiningnan dahil hindi ako makapaniwala na ganito pala kalaki ang mansyon nila. Syete! Hindi ko naiwasang mapasilip sa napakataas na gate ng mansyon kaya naman ang guard na nasa loob ay mukhang nawe-wirduhan na rin sa ikinikilos ko. Nandito kaya sila? "Ah Ma'am, may kailangan po ba kayo? Kanina pa po kasi kayo silip nang silip dito," tanong ng security guard sa akin. Napakamot naman ako sa batok ko dahil sa hiya. "Ah, pasensya na po. Itatanong ko lang sana kung dito ba nakatira—" Napatalon ako bigla nang nakarinig ako ng busina ng sasakyan sa aking likuran. Syete ka! Sino ba 'yon?! "Miss, puwede bang h'wag ka riyan sa—" lumingon ako sa aking likuran hanggang sa nasilayan ko ang isang napaka-pamilyar na mukha na nakasakay sa loob ng sasakyan. Bigla akong natuod sa aking kinatatayuan. Alam kong pinaghandaan ko ang araw na 'to, ngunit ngayong nandirito ka ako, tila binuhusan ako ng malamig na tubig "Kuya Jino..." Natuod siya sa kaniyang kinatatayuan at bahagyang napamaang nang nakita ako. "Fuck! Zai?! Is that you?!" Nanlalaki ang mata niyang binuksan ang pintuan ng kaniyang sasakyan at nagmadaling lumapit sa akin, hanggang sa naramdaman ko nalang ang mahigpit na pagsalubong niya sa 'kin ng yakap. "Shit! A-akala namin i-iniwan mo na kami! Shit, Zai! You're alive!" Unti-unting sumakit ang lalamunan ko, kasabay ng pag-iinit ng dalawang sulok ng aking mata. Wala akong nagawa kun'di ang yakapan siya pabalik. Muntik ko ng makalimutan na kapatid ko nga pala ang mokong na ito. "Y-yeah, pero p-parang ngayon ako mamamatay." Bwiset lang! Balak niya yata akong piratin sa sobrang higpit ng yakap niya sa akin! Nagmadali siyang kumalas at hinawakan ang aking balikat. Bakas ang luha sa kaniyang mga mata "S-sorry. H-hindi lang ako makapaniwala na nandito ka." Yumuko siya at bahagyang pinunasan ang kaniyang mata. "Umiiyak ka? " tanong ko na may halong pang-aasar. "Zai, you don't understand. Hinanap ka namin nang matagal tapos—" "Oo na, Oo na. Buhay nga ako 'di ba? H'wag ka nang umiyak diyan. Para kang bata," wika ko, ngunit alam ko namang hindi ko siya masisisi sa pagiging emosyonal dahil ang alam nila ay wala na ako tapos ngayon—gusto ko lang pagaanin ang ambiance, dahil ayaw kong tuluyang maiyak! Iyon lang! Imbis na matawa sa sinabi ko ay napanguso siya kaya ako ang natawa. I can't believe na ang isang Jino Fuarte na inakala kong sobrang mature na ang pag-iisip ay may pagka-childish din palang tinatago. "You don't know how happy I am, Zai." Lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. "I'm happy too." "Let's go inside? Siguradong matutuwa si Dad kapag nalaman niya ito," wika niya kaya napamaang ako, hindi dahil kay Dad kun'di dahil sa inakit niya akong pumasok sa mansion nila. Confirmed! Sa kanila nga! "Mansyon niyo talaga 'to ano?" tanong ko habang nakaturo sa kanilang mansyon. Lumawak naman ang ngiti niya saka ako inakbayan. "Yes, and since you're here now, it's yours too." Hinila niya ako papasok ng gate matapos niyon Grabe! Gate palang ang gara na! First time kong makita ang mansyon nila Kuya Jino, hindi naman kasi ako nakapunta rito noon dahil sa nasa hospital ako at nagpapagamot. Pagkapasok pa lamang namin sa loob ay samut-saring paintings at mamahaling vase na kaagad ang aking napansin. Grabe! Ganito pala kayaman ang pamilya namin? Hindi ko ma-imagine na rito sila nakatira noon habang ako ay nasa Tiyang Melya ko at naging extra katulong lang. "Wait, wait." Napahinto ako nang hawakan ni Kuya Jino ang tigkabila kong balikat. Bahagya pa niyang hinawakan ang noo ko na tila sinisipat kung may lagnat ba ako o ano. "Wala ka nang sakit?" Bakas ang pagtataka sa kaniyang ekspresyon. Napamaang ako at bahagyang nag-isip ng sasabihin sa kaniya. Hindi pa ako handang sabihin sa kaniya ang totoong nangyari... Huwag muna ngayon. "Oo... hindi ba nagising ako bago ang insidente?" Sinipat ko ang reaksyon niya, ngunit kumunot lamang ang kaniyang noo. "Nagising ka?" "O—" Napahinto ako nang may bigla akong naalala. Sa kotse na nga pala ako nagising noong mga panahon na iyon. "Puwede bang h'wag muna natin 'yong pag-usapan?" Napahinto siya, ngunit kalaunan ay tumango rin. "Good. Tara!" wika ko at ako na ang humigit sa kaniya para i-tour ako sa kaniyang malaking mansyon.
wow nice
31/08
0thank you
16/02/2025
0a good novel.. love to resd this
26/01/2025
0View All