logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

“Pakinggan n'yo,” sabi ko. Patapos na rin kaming kumain eh. 
“Sige,” sang-ayon nila. 
* * *
First day of school ngayon. Hindi naman exciting. I feel bored. Mag-isa ako. Nasaan na kaya si Cherolette? Ay oo nga pala. Nag-enroll siya sa ibang paaralan. Bakit ayaw niya rito sa Prince High University? Hmp! 
Tawagan ko nga. No reply sa text ko. No answer sa call ko. 
Sa ibang school silang lahat nag-aaral. 'Di ko inaasahan na siya lang ang hindi tutugon sa mga mensahe ko. Ang effort ko pa naman mag-message. Nag-iba na siya. Oo, nag-iba na talaga siya. 
For the first grading. No communication. Second grading. Wala pa rin. Third quarter. Gano'n pa rin. Fourth grading wala pa rin. Pero iyong iba nag-transfer dito bago mag-second grading. Gusto rin naman akong makasama. Ayaw daw nilang nag-iisa ako. Second grading ko naman nakilala si Clyde. Iba kasi section niya. Nakilala ko siya yata sa library or I don't know, I couldn't remember. Agad naman na naging close siya nina Fret at Kelvin kaya naman magkakaibigan na kami. 
Dumating ang pagkakataon na nagkita kami ni Che sa isang park malapit yata sa munisipyo.
Lalapitan ko na sana pero umiwas ako. Maglalakad na sana ako paalis ngunit hindi ko inaasahan na lalapitan niya ako at kakausapin. Nakita pala niya ako. 
“Zianvhen, na-miss kita!” sabi niya sabay yakap sa akin. 'Di ko siya niyakap, nanatili lang akong nakatayo. Masama ang loob ko sa kan'ya at hangga't maaari ay nais ko siyang iwasan. Ayaw ko siyang kausapin kahit gusto ko. Ayaw ko siyang makita kahit gusto ko rin. Nangingibabaw pa rin ang sama ng loob ko sa kaniya pero I'm too soft hearted. 
“Bakit ka pa nagpakita?” Bakit pa kasi? Sana hindi na lang. Hindi ko na siya kaibigan. 
“Bakit ayaw mo akong makita?” Dahil masama ang loob ko sa iyo. Iniwan mo ako! Pero salamat, naging matatag ako. 
“You did not reply to my texts. You didn't answer my calls. You ignore my chats in messenger. You make me feel alone!” Hindi niya ba ramdam iyon? 
“Nandito na ako. I promise I will never leave you again,” sabi niya na parang nagsisisi. Friends leave, marunong din pala silang bumalik? 
“So, you really planned to left me?” Bakit ba kasi iniwan niya ako. She's my friend since then. 
“No I didn't.” Talaga ba? 
“Okay. Come with me. Let's meet my other bestfriends!” I said like I really felt okay. Oo, okay lang ako. Okay na okay pero ayos lang namang magpanggap. Nakasanayan ko na rin naman. 
* * *
“Remember the time na ipinakilala ko siya sa inyo?” tanong ko sa kanila. Same kami ng school ni Cherolette noong elementary. Never niya pa nakilala sina Fret noon kasi 'di naman siya nalalagi rito sa bahay. 
“Oo.”
“Iyon lang ba ang rason kung bakit gan'yan ka ngayon sa kan'ya?” tanong ni Fret.  Ayon lang ba? 
“Sinabi ko na sa inyo iyong pagiging OP ko sa barkadahan nila. 'Di ba?”
“Sabagay. Pero you are hurting her,” sabi ni Kelvin. Sinaktan niya rin ako. 
“Kel and others. I never planned to hurt her. I just can't accept the fact that she make me feel alone.” Naiinis na talaga ako! Inis na may kasamang lungkot. Ayaw kong makaramdam ng lungkot pero ito ako, nakakadama pa rin. 
“Nandoon naman kami the time na wala siya,” sabi ni Kel. Tama nga si Kel. Dapat thankful pa rin ako dahil nariyan sila. Iba pa rin naman kasi kung nandoon din si Cherolette. Siya ang first na kaibigan ko eh.
“Being alone is a sad thing but making others feel alone because of you is a bad thing.” Tama ka Fret. Siguro nga. Pero masama na ba ako dahil do'n?
“May point ka,” CJ said. 
“Did I make her feel alone? How come? She's the one who left me. Broke her promise that she will stay.” Nang dahil sa promise na 'yan, natatakot na akong maniwala sa kahit na sino. 
“But she's here now,” paliwanag ni CJ. “Nandito rin kami.”
“If she really promised to stay. If she's here now, then why did she move out a while ago? Tell me!” naiiyak at galit kong sabi. 
“Pinalayas mo eh,” sabi ni Fret.
“She did not reply again in the comment box of our photo, right?”
“Yeah,” they answered. 
“Everytime na magkasama kami. Tutok na tutok siya sa cellphone niya. 'Di niya ako pinapansin tuwing nagsasalita ako. What kind of bestfriend is that?”
“You should understand her,” sabi ni Clyde. 
“I did understand her. I'm doing my best to understand her. However, it's hard now. She has boyfriend, she never text, call or even chat me. She only gives me attention when she needs something.” It hurts. Sobra. 
“That's hard. Just don't mind her if ever. Focus on your studies. April 2 is waving,” sabi ni Kelvin. 
“Okay. Anyway there's a sportsfest on April 6 at the municipal gym. Come with me. Registration time is 7:00 AM to 8:00 AM. 15 pesos. If you are late, 20 pesos.”
“Okay. We will come. I guess uwi na muna kami,” sabi ni Kelvin.
“And Zian, huwag ka sanang matakot na magmahal dahil sa nangyari sa inyo ni Che. Hindi siya lalaki. Okay? Sayang naman si I like him since I've seen him. Hindi pa namin kilala siya ah!” sabi ni Fretlyn na may pangiti-ngiti pa. Makapagsalita 'to. Hmm. 
“Oo nga. Like lang ba talaga? Kailan magiging love?” pangiti-ngiting sambit ni Clyde. 
“Hai. Sayonara!” sabi ko at ngumiti. 
“Sayonara?” asked Kel. 
“Goodbye.”
“Ah okay,” sabi nila at umuwi na ang tatlo.
Mayamaya'y nakatanggap ako ng tawag mula kay kuya Mark. Ano na naman kaya sasabihin ng isang 'to? Pakiramdam ko may kailangan siya.
“Napatawag ka, Kuya?”
“Pa-load nga ako, Bunso,” ani niya saka tumawa. “Wala pa lang malapit na store dito sa pinuntahan namin at nakalimutan ko na malapit na pala mag-expire load ko,” tuloy na sabi niya matapos tumawa.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Sabi na nga ba may kailangan eh. 
“Ilan ba, Kuya? Basta may kapalit ah.”
“Ano ba kapalit?”
“Cook my favorite food kapag nandito ka na,” nakangiting sabi ko.
“Sige ba. So loadan mo na ako, 500. Okay? Ngayon na ha. Hihintayin ko.”
Aba naman ah? Grabe 'no? As if makakapag-cellphone talaga siya lagi. Hayaan mo na nga. 
“Okay, Kuya. Bye na at pupunta na ako sa store ng may store,” sabi ko na sinundan ko naman ng tawa.
“Bye!” ani niya at pinatay na ang tawag. 
Napatingin ako sa lamesahan. 
“Tangna! Ang daya!”
Bwesit. So ako pala ang maghuhugas ng lahat ng mga ginamit namin?  
Mamaya ko na lang gawin. Tatawagan ko sina Clyde at Fret. Pababalikin ko sila rito. May plano kami 'no.
Nag-ayos muna ako ng aking sarili at kumuha ng pera. Buti na lang at marami pa akong pera.
Paglabas ko ng bahay ay hindi ko inaasahan na nandito si Cherolette. 
“Bakit nandiyan ka?” tanong ko. 
“Sorry na kasi Zian.”
Napabuntong-hininga ako. “Umuwi ka na Cherolette. Tama na muna, please? Pagod ako.”
Hinayaan ko na lang siya roon. Aalis din iyan mamaya. 
Habang naglalakad sa gilid ng kalsada ay tinawagan ko si Fret. 
“Oh Bakit?” bungad niya. 
“Nakauwi ka na?”
“Kararating ko lang. Hinatid ako ni Ke—ah I know. Pababalikin mo ako 'no?”
“You got it.”
“Fine. Mag-aayos lang ako and get some of the things we need.”
“Okay. Ikaw na rin pala tumawag kay Boy Liit.”
“Sige.”
Pinatay ko na ang tawag. Malapit na ako sa store nina Mang Simon, tito ni Cherolette sa father side.
“Ano bibilhin mo iha?”
“May load kayo, Tito?”
“Meron. Sandali lang at kukunin ko iyong phone na pan-load.”
Tumango naman ako.
Naupo muna ako sa upuan na nasa harapan ng tindahan. 
Napataas kilay ako nang makita ko si Cherolette. Nakikitira ba muna siya rito? Sabagay. There house is so far from here. 
Umakto ako na busy sa cellphone ko para maiwasan siya. 
Pumasok na yata siya sa loob. 
Ang tagal naman ni Mang Simon. Hinahanap pa yata ang phone. 
“Zianvhen!” tawag sa akin ni Cherolette. Alam kong boses niya iyon.
Nilingon ko siya. 
“Type mo na iyong number na lo-loadan mo. Regular load ba?”
Tumango lang ako. 
Tumayo ako at inabot ang phone na inilalahad niya. Tinype ko na iyong number ni kuya Mark. 
“500,” sabi ko saka inabot ang bayad.
Agad akong umalis doon.
Malapit na ako sa bahay nang tumawag si kuya Mark. Natanggap na yata ang load. Mabuti naman kung gano'n.
“Salamat sa load, Bunso!” masaya niyang tugon. 
“Sige na, Kuya. Bye na. Baka mapagalitan ka pa.” Tumawa ako. “May gagawin din kasi ako eh.”
“Sige.” He ended our call. 
Nasa labas na pala ang dalawa, naghihintay. 
“Ba't ang tagal mo?”
Natawa na lang ako sa itinanong ni CJ at binuksan na ang pinto. “Mabilis lang kasi kayo.”
Pagkapasok namin ay sinimulan na naming ihanda ang lahat para sa prank namin kay Kelvin.  
Hours passed at pasado alasais na. Kapagod pala. Pinapunta namin si Kelvin dito at sabi niya na plano niya talagang pumunta rito dahil may nakalimutan daw siya. Ano naman kaya? Hayaan mo na nga.
Mayamaya'y may kumakatok na. Si Kelvin na siguro iyon. Sana nga. Sabi niya malapit na siya eh. 

Book Comment (21)

  • avatar
    Makoy Silva

    So good story

    19/06

      0
  • avatar
    ErLie M Ae OcHea

    nice nmn

    16/06

      0
  • avatar
    FranciscoMaritoni

    ang ganda

    31/07/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters