logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pintuan ko at dahil na rin sa malakas na boses ng taong kumakatok.
“Bakit ba?!”
“Late ka na!” malakas na sigaw ni kuya Mark. 
“Akong oras na ba?”
“Lagpas 8 AM na, Bunso.”
Napamulat ako sa sinabi ni kuya. Bumangon na ako at pinagbuksan siya ng pinto.
“'Di na ako papasok, Kuya. Friday naman ngayon at isa pa sumasakit na naman kasi ulo ko. Ikaw, wala kang pasok?”
“Bakit sumasakit 'yang ulo mo?” Pumasok siya sa kwarto ko at naupo sa sofa na nandito. “Uminom ka na ba ng gamot?”
“Never mind basta I won't attend class today. So ikaw, Kuya?” sabi ko at bumalik sa hinigaan ko. “I hate medicines!”
“May camping kami. Sige. Maiwan ka muna, Bunso. Paano ba 'yan. Mag-isa ka na naman muna rito sa bahay n'yo hanggang Wednesday.”
“Then move out of my room, Kuya! Punta ka na baka ikaw lang hinihintay nila. I can live alone!”
“Sige, Bunso.”
“Ingat, Kuya!”
Nginitian niya ako saka tumayo na at lumabas.
Grabe! Ang sakit talaga ng ulo ko! Pinilit ko na lang na matulog ulit. 
Nagising ako at malapit na palang magtanghalian. 
Naligo muna ako at nagpalit ng damit. I just wear a plain white t-shirt and a short pant. 
Hours passed pero wala akong ibang ginawa kundi ang matulog. Wala rin akong ganang kumain. 
Aha! Punta na lang ako sa bahay nina CJ. Lagi ko namang ginagawa iyon mula nang naging mas close kami. Mas madalas ko ngang puntahan ang bahay nila kaysa sa bahay ng iba. Bakit? Kasi mas malapit. Pinagkamalan pa ako ng pamilya niya na girlfriend daw ako ni Clyde. Sinasabi lang namin na hindi. Muntik ko nang mabunyag kung sinong crush niya pero napipigilan niya ako. Mabubuko rin naman siya ng mga kapatid niya. Hindi ko alam kung paano niya nakilala si Cherolette. Well, whatever. 
Mayamaya ay may tumatawag. Si CJ pala.
“Hello.”
“Papunta na kami riyan,” sagot niya sa kabilang linya. Ano raw?
“Huh?” Balak kong pumunta sa kanila tapos papunta na sila? Sino kasama niya? 
“Nandito na kami sa labas ng bahay n'yo.” Wow huh. 
“Weh? 'Di nga?”
“Oo nga. Grabe ka. Nandito nga kami. Buksan mo na! Lalamokin kami rito!” Aba, nagrereklamo 'yan? 
"Oo na!"
Lumabas na nga ako sa kwarto ko at patakbong bumaba para buksan na ang pinto ng bahay namin. 
“Nandito nga kayo. Pasok.” Pinapasok ko sila at pinatay ang call namin.
“Bakit kayo nandito?” Ngayon lang ulit sila nagpunta rito. Patirahin ko na kaya sila rito sa bahay? Mukhang gusto naman nila. Para naman hindi lang kami ni kuya Mark ang nakatira dito. 'Di rin naman kami kasi masyadong nag-uusap at saka mas busy iyon kakwentuhan ang mga friends niya. 
“Dito kami matutulog. Bleh!” sabi ni Fret. Mukhang nakapantulog pa nga sila. 
“Okay. Alam niyo naman kwarto n'yo, right?” sabi ko at tumalikod sa kanila. 
“Oo naman.”
Humarap muli ako. “Fret, samahan mo ako sa kwarto ko.”
“Okay. Nood nga tayo!” excited na sabi niya at nagpunta sa sala. Sumunod na rin kami sa kan'ya. Binuksan niya naman agad ang TV pero phone niya rin naman ang inatupag. 
“Sige, manood lang kayo. Matutulog na ako,” sabi ko at akmang aapak na sa hagdanan pataas sa ikalawang palapag ng bahay namin nang may magsalita.
“Walang pagkain dito sa ref n'yo, Zian! Inubos mo lahat?!” sigaw ni Kelvin mula sa kusina. Teka? Ang bilis namang nakarating ng tanong 'to sa kusina.
“Excuse me. Buksan mo ang cabinet at may junk foods diyan and others. 'Di ko lang nalagay sa ref.” Ayaw ko rin naman kasing nilalagay sa ref ang mga junk food, 'di rin naman nabuksan. 
“Gano'n?”
“Oo naman, CJ. Sige, dito na kayo at matutulog na ako. FATH lang kayo.”
“Fat?” nagtatakang tanong nila.
“FATH po not fat. Feel at home.”
“Okay. Go na. Go to sleep,” natatawang sabi ni Fret. 
Nagpunta na nga ako ng kwarto ko kaso bumalik din ako sa baba para kunin lang iyong unan ko na naiwan ko pala roon. Nakatulog kasi ako kanina sa sofa habang nanonood.  
“Akala ko matutulog ka na?” tanong ni Clyde at tinawanan ako. 
“Oo nga,” sang-ayon ni Fretlyn. 
“Kukunin ko lang 'tong unan ko!” ani ko matapos kong mahawakan ang unan ko saka ko itinapat sa kanila. Napatango na lang sila saka ibinalik ang atensiyon sa kanilang cellphone. 
“Nga pala bakit 'di ka pumasok? 'Di ka man lang nag-text o tumawag.”
“Tinamad ako Fret. Sumasakit kasi ulo ko.”
“Kumusta na pakiramdam mo?” tanong ni Fret. 
“Did you take medicine?” tanong naman ni CJ. 
Umiling lang ako. “Ayos naman ako.”
“Sure 'yan?” paninigurado ni Fret. 
Tumango lang ako. 
“Parang may tao sa labas," biglaang sabi ko na lang dahilan para lumingon na naman ang dalawa sa akin.
“Pakitignan nga. Kung kilala, papasukin n'yo. Good night,” sabi ko at pumunta na sa aking kwarto. Ewan ko ba bigla talaga akong inantok. Ang bilis ko pa namang makatulog kapag ganito. Inantok ako agad e natulog ako halos buong araw. Ano ba naman! 
Nakapasok na ako sa aking kwarto. Dahan-dahan kong isinara ang aking pinto. 
___
Si Clyde na ang tumingin sa kumakatok. Pagbukas niya ay si Cherolette ang nakaharap niya. 
“Si Zianvhen? At anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong niya. Nginitian lang siya ni Clyde. 
“Pasok.” Pumasok na siya at isinara naman ni Clyde ang pinto. 
“Zianvhen, nandito si Cherolette. Hinahanap ka!” sigaw niya matapos isara ang pinto. 
Sumenyas si Clyde kay Fretlyn na silipin si Zian kung tulog na nga. Mayamaya'y bumalik na siya at agad na naupo sa sofa. 
“Tulog na,” sabi ni Fret.
“Subukan mo ngang gisingin, Fret,” utos ni Clyde. 
“Okay.”
Tumayo si Fret mula sa pagkaka-upo na akala mo naman nanonood pero wala namang pinapanood kahit kakaupo niya pa lang. Naglakad na ito pataas sa hagdanan. 
“Hali kayo rito sa kusina at kumain. Nagluto ako!” sigaw ni Kelvin mula sa kusina. 
“Maalat naman,” biro ni Clyde habang papunta sila roon ni Cherolette. Nauna siya sa paglalakad. Nililibot pa kasi ni Cherolette ang kan'yang paningin sa salas nina Zianvhen. 
“Matagal na noong huli akong makapasok rito. Walang masyadong pinagka-iba. Laging maayos at malinis,” sabi ni Cherolette sa isipan niya. 
“Natikman mo na?” bungad na sabi ni Kelvin kay Clyde nang makarating na sila ni Cherolette sa kusina. 
“Advance akong mag-isip.”
“Gano'n?” sabi ni Cherolette at nakapamewang pa. 
“Itlog lang pala niluto mo,” sabi ni Clyde saka tumawa.
“Ano naman? For sure you'll like the taste. Hindi lang basta itlog 'yan.”
'Di na nga lang nagsalita si Clyde. “Ano bang hinalo niya? Who cares?” sabi niya sa isipan niya. 
Kumuha siya ng tinidor saka kumuha ng kapiraso sa pinagmamayabang ni Kelvin na luto niya. 
“Guys, 'di siya magising eh. Ayaw. Matutulog na nga raw siya.”
“Ang alat talaga eh, Kel,” biro ni Clyde at kunwari nasuka pero ang totoo nasarapan siya. 
“Tangna mo! Masarap iyan!”
Tinignan ni Kelvin si Clyde nang masama. 
“Kain na nga tayo,” sabi na lang ni Clyde. 
“Teka. Kumain na ba siya?” tanong ni Kel. 
“'Di natin alam,” sabi ni Fret. 
“Kumain iyon. Iyon pa. Ang takaw niya eh,” sabi ni Clyde. 
“Grabe ka naman. Parehas kayo! Siblings be like,” biro ni Fret. 
“'Di naman sila magkadugo,” sabi naman ni Cherolette at naupo na.
“Magpinsan kaya kami,” bawi ni Clyde. 
“Magpipinsan tayong lahat!”
“Oo na nga pero 'di naman ah. Feeling lang kami. Pero teka pinsan ko ba itong si Cherolette? 'Di naman yata. Malayo. Feeling lang naman talaga namin. Si Cherolette at Zianvhen talaga ang magpinsan,” sabi sa isipan ni Clyde. 
Kinuha nila ang mga pagkain at nagtungo sa sala. 
“I have a flash drive here. Salpak natin,” sabi ni Fret. 
Sumang-ayon ang iba kaya nanonood na sila.
“Kung Fu Dunk?” tanong ni Cherolette. Napanood na naman nila ito pero nais lang nilang ulitin. 
“Ay hindi, Kung Fu Panda,” sabi ni Fret na natatawa pa. 
Sa kalagitnaan ng palabas ay may tumutunog na cellphone. 
“Kaninong phone iyon?” sabay na tanong ni Cherolette at Kelvin. 
“Si Cherollete.”
“Huh?”
“Just check your phone,” sabi ni Fret. 
“Okay.” She checked her phone at siya nga. 
“Akala ko phone ko iyon. Nagpalit na pala ako ng ringtone.”
Tumawa na lang ang iba sa sinabi ni Kelvin. Makalimutin. 
Sa totoo lang, kanina pa tumutunog iyong phone. Nakatutok lang kasi sila sa pinapanood nila.
“Hello?”
“Ayaw mo yatang mag-reply sa mga text ko ah.”
“Wala akong load.”
Tapos pinatay niya na ang tawag.
“Bakit mo pinatay? Wala ka naman sa bahay n'yo.”
Napalingon sila sa nagsalita. 
“Zianvhen? Kanina ka pa riyan?” gulat na tanong ni Kel. 
“When someone's phone is ringing.”
“Oh Sorry,” sabi ni Cherolette. 
“K. It's already 11:00 PM. Aren't you going to sleep? Iyang pinagkainan n'yo, ayusin n'yo!”
“Opo,” parang batang sagot nila. 
“Sige at babalik na ako sa tulog ko. Kung gusto n'yo magpuyat. Go. 'Wag niyong lakasan ang volume ng TV.” Umakyat na agad si Zianvhen.
“Zianvhen may sasabi—” 'Di na natuloy ni Cherolette sasabihin niya.
“Naman! May conflict ang dalawang mahal ko. Nagustuhan ko si Zianvhen noon kaso mukhang bilang kaibigan lang ang turing niya sa akin kaya naman back out na ako agad. Mas masaya rin naman na kaibigan ko lang siya. Ayaw niya rin kasing magmahal pero sino kaya iyong tinutukoy niya na crush niya? Marv who?” sabi sa isip ni Clyde. 
Pumunta na sila sa sari-sarili nilang tulugan kasi naisipan na nilang matulog.
'Di na nila tinapos ang pinapanood nila.

Book Comment (21)

  • avatar
    Makoy Silva

    So good story

    19/06

      0
  • avatar
    ErLie M Ae OcHea

    nice nmn

    16/06

      0
  • avatar
    FranciscoMaritoni

    ang ganda

    31/07/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters