logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Suffer

Suffer

Hanse_Pen


Chapter 1

Khianna Haiden Abelino
"Khianna!!! Ano ba!!?? Nasaan na ang pagkain namin!!? Ang tamad mo talagang bata ka!!! Hoyyy nasaan ka na bang bata ka? Ano nanamang ginagawa mo? Bwisit ka ahh! Nasaan ang pagkain namin? Bakit hindi ka pa rin nakahain? Ano ba? Nasaan kana? Ginagalit mo ba talaga akong bata ka?
Okay ayan nanaman si Tita. Relax lang Khianna kaya mo yan huwag kang susuko.
"Sorry po Tita galing po kasi akong trabaho kaya po hindi ako nakapag-luto ng ulam"
"So kasalanan pa ni Mommy? Tsk. Wala ka talagang kwenta!! Mom I'm hungry na!" sigaw ng aking pinsan na si Danica
"Tskk sorry anak, maghintay ka muna ah? Khianna magluto kana d'yan" malambing na saad ni Tita sa pinsan ko
"Hindi naman sa ganon Danica pe--------"
"Aba at sumasagot ka pang malandi ka!!!" sigaw nya at sinampal ako
"Naku anak pabayaan mo na yan at huwag mong dudungisan ang mga kamay mo para lang dyan sa babae na yan. Hoyyy Khianna dapat pagbalik namin ng anak ko nakaluto kana ng makakain na kami at kung hindi sa labas ka uli matutulog!!!" sigaw ni Tita at dinuro-duro pa ako
Pagkaalis nila agad akong pumunta sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa trato sa akin ni Tita. Nakakapagod na rin. Napapagod na ako.
Teka ano bang lulutuin ko kung wala namang maluluto dito? Panigurado babawasan ko nanaman ang pera ko para may makain silang tatlo.
Hayysss ang hirap nga naman ng buhay. Sana sinundan ko na lang sila Mama at Papa kung nasan man sila ngayon para at least don magkakasama kami at magiging masaya.
Mama....... Papa...... Miss ko na po kayo..... Gusto ko na po ulit kayong makasama, gusto ko na po kayong mayakap, gusto ko kayong mahalikan, gusto ko pong narinig ang boses at tawanan nyo. Gusto kong maranasan ulit ang saya ng isang buong pamilya.
Pagkatapos kung magluto dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Nagpapasalamat pa din ako kay Tita kasi kahit papaano may kwarto ako ng akin. Ayy oo nga pala bahay nga pala namin ito kaya malamang may kwarto din ako dito. Tsk.
Oo bahay namin ito pero nung nawala si Mama at Papa sila Tita na ang nagmay-ari lahat ng ari-arian namin. Ang akala ko mababait talaga sila pero pakitang-tao lang pala lahat. Matapos mailibing ni Mama at Papa ay doon na nila ako trinato ng hindi tama. Noong burol nila Mama at Papa ay tudo alalay sila sa akin ngunit nag-iba na kaagad matapos ang libing. Ang akala ko makakahanap ako ng panibagong pamilya nang makasama ko sila Tita pero mali ako, maling-mali kasi nila ako trinatrato ng tama.
Alam kung pagsubok lang sa akin ito ng nasa itaas pero bakit naman ang hirap? Ang hirap-hirap. Gusto ko na lang sumuko pero hindi ko alam sa sarili ko, gustong-gusto ko nang sumuko pero sinasabi ng isip ko na huwag, huwag muna.
Napabuntong-hininga muli ako. Kakatapos ko lang ng senior high last month at college na ako next month pero hindi ko alam kung makakapag-aral pa ako. Kulang kasi ang naipon kong pera para makapag-enroll at isa pa baka hindi rin ako patagan ni Tita na mag-aral. Hayysss okay na rin siguro yun kasi at least may natapos ako at may napag-aralan. Siguro kapag guminhawa ang buhay ko ay saka na lang ako mag-aaral sa college. Gusto kong makapagtapos kasi iyon ang pangarap sa akin ni Mama at Papa. Gusto pa nga nila na silang dalawa ang aakyat ng intablado. Ngunit hindi yun natupad kasi nawala kaagad sila ng maaga, kinuha kaagad sila sa akin ng maaga.
"Khianna!!!!!!!!! Bumaba ka nga ditong bata ka!!!!!! Bakit hindi kapa naglilinis!!!!!! Sinong gusto mong maglinis?? Ako? Aba naman pinapakain kana nga tapos hindi kapa maglilinis!!!! Ano ba? Sabing bumaba ka na riyan kung ayaw mong kaladkarin kita dito. Punyemas na batang 'to!"
Okay andyan na uli sila Tita. Haharap nanaman ako sa mga taong mapang-api. Taong akala ko pamilya ang turing sa akin, akala ko lang pala.
Bumaba na ako at isang malutong na sampal ang inabot ko kay Tita kaya napaupo ako at napaiyak.
"Wag mo akong dadaanin dyan sa paiyak-iyak mo!!!!! Ngayong talo ako sa sugal at hindi pa ako nakakabayad ng kuryente kaya wag mo akong magalit-galit dyan!!!"
Katulad ng dati kapag natatalo sya sa sugal sa akin nya ibinubuntong ang galit nya. Hindi ko naman kasalanang matalo sya sa sugal diba? Bakit ako?
"Ano!? Uupo ka na lang dyan!? Wala ka nang ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko! Wala ka talagang kwenta! Tamad! Malandi! Lahat na nasayo! Wala kang halaga! Isa kang p*ta! Makati ka!
" sermon nya
Masakit isipin na mula pa sa sarili mong kadugo ang mga salitang iyon. Ano bang nagawa kong mali at ganito ang trato nila sa akin? May nagawa ba akong masama? Palagi na lang ako. Napapagod na ako, ayoko na kasi kaunti na lang susuko na ako.
"Dapat sayo ay mamatay na din!! Wala ka talagang kwenta!! Ang tamad-tamad mo!! Nakakasura iyang pagmumukha mo! Isa kang walang kwentang tao! Hindi ka nababagay dito sa amin. Nagpakabait lang naman ako sayo dahil gusto kong makuha itong bahay at lupa ni Kuya"
Okay lang yan Khianna, tiis-tiis lang at tiyak na makakaraos ka din. Makakayanan mo 'to. Kahit ano'ng mangyari ay huwag kang susuko, kahit gustong-gusto mo na. Magtiis ka Khianna kung gusto mong makasurvive.
"Bakit kaya hindi mo na lang din sundan ang mga magulang mo!? Tama mamatay ka na din para mas sumasaya ang buhay namin!! Ikaw ang malas sa buhay naming pamilya!! Ikaw! Nakakainis kang bata ka! Mamatay kana!"
Antagal ko nang nagtitiis sa kanila pero feeling ko ito na ata ang pinaka-worst na sermon nya dahil nadamay na ang magulang ko. Tahimik na ang mga magulang ko sa langit pero bakit kailangan nya pa itong idamay? Ganoon ba talaga kalaki ang galit nya sa akin? Ano bang nagawa kong mali? Sinusunod ko naman lahat ng gusto nila pero hindi sila makontento.
"Ewan ko nga ba at bakit hanggang ngayon nandito ka pa rin? Bakit kaya hindi kapa lumayas sa pamamahay ko? Simula nang mamatay ang mga magulang mo ay akin na ang bahay na 'to. Akin na 'to kaya wala kang karapatan sa pamamahay na 'to. Nakikitira ka lang dito! Lumayas ka!"
Pamamahay ko? Wow ang kapal din pala ni Tita kasi sa pagkakaalam ko bahay namin ito. Ipinundar 'to ng Mama at Papa ko, pinagtrabahuhan nila ang bahay na 'to para magawa kaya sila ang walang karapatan sa bahay na 'to. Ang kapal talaga. Matagal akong nagtiis ngunit sumusubra na sila.
"Hindi naman po yata tama ang sinabi nyo Tita. Pinaghirapan po nila Papa ang bahay na 'to at ako po ang anak nila kaya po ako ang may karapatan dito. Huwag po sana kayong magmataas kasi kayo po ang walang karapatan dito"
"Aba't sumasagot ka pang bata ka! Wala kang respeto sa akin. Bastos ka talagang bata ka"
"Hindi po Tita, may respeto po ako lalo na sa mga nakakatanda sa akin ngunit kung ikaw ang taong irerespeto ko ay huwag na lang kasi hindi ka rin po marunong rumespeto ng kapwa mo"
Mukhang nainis ko sya kaya sinugod nya ako at pinagsasabunutan, sinampla nya rin ang mukha mo at ramdam ko ang pamamanhid niyon. Hindi na ako nakatiis. Ayoko na!
"Tita aray ko po. Aalis na lang po ako dito kung gusto nyo"
May naipon naman ako at iyon na lang ang gagamitin ko para makapag-simula ng bagong buhay. Bagong buhay na wala sila. Wala ang mga taong sinasaktan ako. Panibagong buhay na sana masaya na, sana hindi ko na maranasan ang hirap, sana.
"L-lalayas na lang po ako para wala na kayong problema sa akin"
"Aba dapat lang, pabigat kana nga palamunin kapa!!" sabi nya sabay alis
Pumunta ako sa kwarto ko at nag-impake ng mga damit ko. Kinuha ko rin ang alkansya kong nakatago sa ilalim ng kama ko. Ang perang hinuhulog ko sa akong alkansya ay ang perang kinikita ko sa pagiging working student noon at trabaho ko ngayon.
300 pesos ang sweldo ko sa pagiging waitress sa school namin. Kumukuha lang ako ng pang-araw-araw na gastos. 250 naman ang sweldo ko ngayon sa pagiging tindera sa palengke.
Nang buksan ko ito ay nakalimang libo din ako. Ito ang gagamitin ko at sana kayanin kong maka-survive.
Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa akong kwarto at naabutan ko sila na nanonood ng TV. Hindi nila ako tinitignan at nakatutok lamang ang mata sa TV, halatang wala silang pakialam sa akin kahit pa umalis ako. Kamag-anak ko ba talaga sila?
"Tsk. Wala man lang balak magpasalamat" bulong ni Tito
"Kaya nga Daddy. Ang kapal lang ng mukha" sang-ayon ni Danica
"Hayaan nyo na lang yan, wala na tayong magiging problema pa kapag umalis yang babae na yan. Wala na tayong dagdag palamunin" sabi ni Tita
"Uhmm salamat na lang po sa lahat ng nagawa nyo sa akin. Huwag po kayong mag-alala dahil hindi na po ako babalik dito at hindi nyo na rin po ako makikita"
"Sige na umalis kana nga dito, ang drama-drama mo pa dyan" sabi ni Tito
Umalis na lang ako sa bahay at sumalubong sa akin ang mga kapit-bahay namin na nagbubulungan. Ang kapit-bahay namin na kahit papaaano ay pinapalakas ang loob ko. Kapag dito ako sa labas ng bahay pinapatulog ni Tita ay binibigyan nila ako ng kumot at unan para hindi ako lamigin. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila lalong-lalo na kay Nanay Gracia, tinulungan n'ya ako at tinuring nyang anak, hindi katulad ni Tita.
"Uyy si Khianna aalis na"
"Ay mabuti pa nga at umalis na sya dyan sa puder ng Tita at Tito nya dahil kawawa sya dyan"
"Oo nga magiging malaya na din sya"
"Alam nyo naman yang sila Ingcay at Danong walang awa sa pamangkin nila"
"Hayaan nyo na lang"
Nakita ko si Nanay Gracia na nasa labas ng bahay nya habang nagkakape, malungkot itong nakatingin sa akin kaya nilapitan ko sya.
"Nanay Gracia......"
"Aalis kana Khianna?"
"Opo 'Nay. Nahihirapan na rin po kasi ako. Gusto ko na pong mamuhay ng masaya at tingin ko naman po ay magiging tama ang desisyon ko na 'to"
"Kung ano ang makapagpapasaya sayo anak ay susupurtahan kita. Basta, kapag kailangan mo ng tulong ay maaari mo akong lapitan. Handa kitang tulungan anak"
"Maraming salamat po 'Nay. Sa lahat po ng tulong nyo, tinuring nyo po akong anak nyo kahit hindi"
"Ano kaba Khianna, hindi kana iba sa akin. Mula noong bata ka pa ay napamahal kana sa akin, katulad ng mga magulang mo"
"Maraming salamat po talaga 'Nay. Aalis na po ako, mag-iingat po kayo dito"
"Ikaw rin anak. Maraming pagsubok ang darating sayo kaya sana ay makayanan mo, basta't manalig ka sa kanya"
"Opo 'Nay"
Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam uli. Mamimiss ko si Nanay Gracia. Sana magkita pa ulit kami. Alam kong hindi magiging madali ang buhay ko oras na umalis ako sa lugar namin.
Pero kakayanin ko ito.... Alam kung pagsubok lang sa akin ito.... Sana nga makayanan ko ang mag-isa.... Tulungan nya nawa ako.....
Isang beses pa ulit akong lumingon kung nasaan ang bahay namin at ngumiti ng malungkot. Bahay namin......
Mama..... Papa..... Magsisimula na po uli ako..... Malayo sa kanilang mga umaapi sa akin..... Ma at Pa sana gabayan nyo ako at palaging bantayan..... Kakayanin ko po ito para sa inyo..... Ma at Pa miss ko na po kayo at mahal na mahal ko kayong dalawa..... Hinding-hindi kayo mawawala dito sa puso ko.....
Tumulo na ang mga luha ko dahil naalala ko nanaman sila. Hindi ko man lang sila nakasama ng matagal.
Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon na maibalik yung mga oras na kasama ko sila, susulitin ko iyon at ipararamdam ko sa kanila kung gaano ko sila kamahal. Gusto kong sabihin na sana hindi nila ako iwan.
Tuwing naaalala ko ang mga araw na magkakasama kami napapaluha na lang ako kasi miss na miss ko na sila. Sana kahit sa panaginip makita ko sila.
*******************
Hanse_Pen

Book Comment (32)

  • avatar
    NurhidayahSiti

    juc VKšŸ˜ŽšŸ˜’šŸ˜›

    3d

    Ā Ā 0
  • avatar
    BcEdi

    gkbbcgh gufc. vhjccg hutfdvnjigv jjfjHlgg

    11/08

    Ā Ā 0
  • avatar
    PonselWahana

    diamaond

    01/08

    Ā Ā 0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters