logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 4

"I need to go," pigil ang inis na sabi ko pero hindi pa rin ako lumingon.
Awkward at its finest!
Humakbang ako papalayo sa kaniya. Hindi ako lumingon. Ngunit bigla nalang may dumapong kamay sa balikat ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. Marahan niya akong iniharap sa kaniya hanggang sa magtama ang aming paningin. Naningkit ang mga mata ko dahil sa pagkaasar samantalang nakangiti lang siya sa akin.
Siraul* ito ah.
"At sinong nagbigay sa'yo ng karapatang hawakan ako, huh?" galit na tanong ko bago ko siya itinulak papalayo sa akin.
"Woah, you really changed." Napailing pa siya matapos niyang magsalita. Hindi ko maipaliwanag pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
Bakit ka malulungkot? Matagal ka nang walang pakialam sa pagkakaalam ko.
Hindi ako nagpadala sa nararamdaman kong simpatiya. "It's because you changed me," maanghang kong saad.
Halos magsalubong na ang mga kilay ko dahil nakita ko ang pagmumukha niya.
Akala ko hindi na ako galit sa kaniya, akala ko lang pala iyon.
"Naging gag* ako noon. I'm really
sorry. I already regretted what I did to you. I hope you can still forgive me. I hope it's not too late." Alam kong sincere siya pero hindi ko magawang palambutin ang puso ko. Narinig ko naman pero parang nagbibingi-bingihan ako. Kinakain pa rin ako ng galit.
Hindi na ako umimik at tinalikuran nalang siya. I wore my full confidence to walk away from him. I should be tough this time. Sa daan lang ako nakatingin habang mabilis ang bawat paghakbang ko.
He wasted me but on the other hand, he freed me.
"Wait. I bet you need a job. I can hire you," rinig kong sabi niya pero hindi ako natinag sa ginagawa ko. I just continued walking without even looking back.
"No, I don't need." Saktong nakalampas na ako sa main gate kaya nakahinga na ako nang medyo maluwag. Wala na rin akong narinig mula sa kaniya matapos kong magsalita kaya malaya na akong nakaalis.
Buti nalang hindi na siya nangulit pa.
Nang makauwi na ako, magiliw akong sinalubong ni Magdalen kaya agad ding napawi ang inis na nararamdaman ko.
"Mama, I watched inside Aling Speranza's house. She has a big television po talaga..."
Marahan kong pinisil ang ilong niya na ikinahagikgik niya naman. "Ang daldal mo talaga, anak. Nag-behave ka naman ba, ha? Bakit nakulitan si Aling Speranza sa iyo ah. Sige ka, baka hindi ka niya papasukin ulit sa bahay niya."
"Ma, ikaw po ang madaldal." At ayon nga nagawa niya pa akong biruin. It seemed that she was just making me smile and she succeeded.
"Oh? Madaldal ako, darling?"
Wala anu-ano'y agad na tumango si Magdalen. Ang daldal ko na nga siguro.
"Come here," tawag ko sa kaniya.
Iniwan niya ang mga laruan niya sa papag at mabilis na lumapit sa akin. Niyakap ko siya. Nayakap ko na siya matapos kong manggaling kung saan ko nakita ang lalaking akala ko ay hindi ko na makikitang muli. Niyakap ko ulit ang anak ko dahil pakiramdam ko makikita at makikita siya ng lalaking iyon. At hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang may anak ako.
Sana wala siyang gawin na hindi maganda. Sana huwag siyang makigulo.
"My Magdalen, mama loves you." Hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal habang binibigkas ang mga salitang iyon dahil pakiramdam ko puwedeng mawala sa akin ang anak ko anumang oras. Parang kailangan ko siyang itakas lagi.
"Magdalen loves you too," nakangiting sabi niya habang nakatingala sa akin. Gamit ang maliit niyang palad ay pinahid niya ang mga nagbabagsakang luha ko. "Ma, don't cry na po, please. I love you too na nga pero you're crying pa rin. Sige ka, iiyak din ako. 'Di ba sabi mo nga dapat brave lang tayo. Bawal mag-cry sabi mo pa nga. Huwag ka na mag-cry kasi mag-cry din si Magdalen."
Napangiti nalang ako sa sinabi niya dahil hindi ko akalaing sa murang edad ng anak ko ay tumatatak na sa isip niya ang mga sinasabi ko. May takot akong naramdaman dahil tiyak tatatak sa kaniya ang mga puwedeng mangyari sa amin habang lumalaki siya pero mas nangibabaw sa akin ang pagtitiwala na hindi ako tatalikuran ng anak ko kapag nakilala na niya ang papa niya.
Hindi ako iiwan ng anak ko. Hindi.
"Mama will stop crying na. Mahal ka lang ni mama kaya umiiyak siya. Don't worry, okay? Everything will be fine, darling."
"I love you one million times po!" Hinalikan niya ako sa noo matapos niyang magsalita. She knew how to comfort me. She knew how to comfort her mom. Proud na proud ako na anak ko siya. Siya talaga ang tanging yaman ko sa mundong ito. Even I considered myself a muffin in the world full of cupcakes, Magdalen made me feel that I was a cupcake too. I matter.
Imbes na sagutin pa siya ay mas pinili ko nalang na sulitin ang moment na yakap-yakap ko siya. Alam kong hindi ko siya maitatago magpakailanman pero sigurado akong habambuhay niya akong ina.
Magtatanghalian na nang tawagin kami ni Aling Speranza para kumain sa bahay niya. Giliw na giliw siya kay Magdalen kaya madalas niya kaming imbitahan para kumain sa bahay niya kahit may nailuto na ako sa kubo. Sobrang nahihiya na nga ako sa kaniya pero nahihiya rin akong tumanggi dahil napakabuti niya sa aming mag-ina. Ayaw ko namang magtampo siya. Hindi na iba ang turing niya sa amin ni Magdalen kaya sobrang suwerte namin sa kaniya.
"Kain na," nakangiting sabi niya sa amin. "Nagluto ako ng nilagang baka para sa pananghalian natin."
"Aling Speranza, salamat po ah. Napakabuti niyo po sa amin," sincere kong sabi bago ako ngumiti. Hulog siya ng langit sa amin. "Thankful po ang anak ko dahil nandiyan ka ho para sa kaniya."
"Walang anuman, Yvo. Parang anak na kita at parang apo ko na rin iyang cute na cute na si Magdalen. Napakagandang bata niya talaga. Manang-mana sa ina." Nginitian naman siya ni Magdalen at nag-finger heart pa, napanood niya kasi minsan kaya ginaya niya.
"Ang laki na po ng utang ko sa inyo," nahihiya kong sabi hanggang sa bahagyang napayuko ako.
"Naku, huwag mong isipin iyon. Ang mahalaga maging maayos ang paninirahan niyo sa lugar namin. Mababait ang mga tao rito."
"Salamat po talaga, Aling Speranza."
"Wala iyon. Hala, kumain na tayo. Bigyan mo na ng kanin si Magdalen. May ginataang langka rin tayo. May hinog din na papaya. Kuha lang kayo. Huwag mahihiya dahil para sa ating lahat iyan."
"Ma, I miss hotdogs."
Napatingin agad ako kay Magdalen matapos niyang magsalita. "Darling, sa sunod ibibili kita. Pero sa ngayon hindi ka muna magha-hotdog ah."
"Hija, Magdalen, hindi maganda sa kalusugan ang hotdog. Gulay at prutas ang dapat mong kinakain."
"Opo," malungkot na sagot ni Magdalen.
"Kumain ka na, anak." Iniabot ko sa kaniya ang plato niyang may lamang kanin na may sabaw ng nilagang baka.
"Thank you, mama. Thank you po, Aling Speranza." Matapos magpasalamat ay nagsimula na siyang kumain.
Nang masigurado kong kumakain na si Magdalen ay ibinalik ko ang atensiyon ko kay Aling Speranza na nagsisimula na ring kumain. "Bihira ko lang po pakainin ng hotdog si Magdalen kaya po siguro natatakam siya ngayon. Dalawang beses sa isang buwan ko lang po siya pinapakain ng hotdog. Madalas po gulay ang ulam namin sa city. Sanay po siya sa gulay. Sinanay ko po siyang kumain ng gulay. Sa katunayan po paborito niya ang adobong sitaw. Siguro ganun po talaga kapag bihira mo lang kainin, madalas matatakam ka talagang tikman ulit."
"Alam mo tama ka na sinanay mong kumain ng gulay si Magdalen." Habang nagsasalita si Aling Speranza ay sumubo na rin ako ng pagkain. Sinulyapan ko rin ang anak ko na magana namang kumakain. "Madalas kasi mahirap pakainin ng gulay ang ibang bata. Mabuti nalang mukhang maintindihin ang anak mo..."
Sumang-ayon nalang ako sa mga sinabi ni Aling Speranza at nagpatuloy na kami sa pagkain. Matapos naming kumain ay saglit pa kaming nanatili sa bahay niya dahil nag-request ang anak ko na makikinood daw siya ng paborito niyang cartoon series.
Ilang minuto matapos naming umuwi sa kubo ay nakatulog si Magdalen. Para siyang isang anghel na natutulog.
Sa nakalatag na banig sa papag ko siya ipinahiga dahil mas presko. Pinapaypayan ko siya para hindi masiyadong pawisan. Gusto ko ring matulog pero mas pinili kong paypayan nalang siya.
"Yvo," rinig kong tawag niya pero hindi ako umimik para isipin niya na tulog ako.
"Yvo. Talk to me," muling sambit niya.
Dahan-dahan akong naglakad papalayo sa anak ko para lumabas sa kubo dahil baka mas mag-ingay pa ang bwisita na nasa labas. Ang kulit niya.
Buti nalang talaga tulog si Magdalen.
"Nakaka-istorbo ka, alam mo ba iyon?" inis kong bungad sa kaniya.
"I want to talk to you," sagot niya naman.
"Usap? Ganitong oras talaga?" sarkastiko kong tanong.
Sana lang hindi siya magising.
"Mama?" Halos masapo ko ang noo ko nang narinig kong tinawag ako ni Magdalen. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. Kung sasagot ba ako o pupuntahan ko siya sa loob o magpapalusot ako sa kausap kong bwisita.
"Do you have a child?" nakakunot ang noong tanong niya. Puno rin ng pagtataka ang mukha niya.
Naku, naloko na!

Book Comment (1274)

  • avatar
    Honie Sanico Mantawil

    nice stories

    05/03/2022

      5
  • avatar
    KingMortal

    this app is good and excellent!!

    27/02/2022

      5
  • avatar
    PingkianLucille

    ML M-MOBILE L-LEGENDS

    2d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters