logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 1

Yvo's Point of View
Madilim na sa labas ng barko at mahimbig na ang tulog ni Magdalen samantalang hirap naman akong matulog sa byahe dahil marami akong iniisip.
Saan kaya kami titira ng anak ko? Paano ko ipapaliwanag sa kaniya na walang grandmama at grandpapa na naghihintay sa amin? Ano kaya ang puwede kong maging trabaho para makakain kami ng tatlong beses sa isang araw?
Hindi ko maiwasang hindi mag-alala para sa kinabukasan niya. Alam kong hindi niya mararanasan ang hirap ng buhay kung kasama niya lang ang papa niya. Ngunit alam ko rin na ilalayo niya sa akin ang anak ko. He would never let me touch Magdalen again. Plus, his fiancée would surely erase me from the picture.
Anak ko lang ang gusto nila, hindi ako. Kapag nakuha nila siya, buo na ang pamilya nila.
Hindi ko isusuko ang anak ko. Gagawin ko ang lahat huwag lang siya mawala sa akin. Tanging ang paglayo lang ang naiisip kong paraan sa ngayon para makatakas pansamantala. Selfish na kung selfish pero ilalayo ko sa kaniya ang anak niya. Hindi ko ibibigay ang kaisa-isang taong nagbibigay ng liwanag sa buhay ko.
Iniwan na ako ng lahat, siya nalang ang mayroon ako. Igi-give up ko pa ba?
"Sorry, darling. I need to do this because I don't want to lose you. You're my most precious treasure," I whispered before kissing her forehead. Mukhang anghel talaga ang anak ko.
Limang taon na si Magdalen kaya limang taon na rin ang nakakalipas magmula nang talikuran ko ang lalaking iyon... The man who broke me.
"... You told me na mas gaganda ang buhay ko kapag nag-modeling ako sa America. Pinauna mo lang pala ako para may susundo sa'yo kapag sumunod ka na. I never became a model there! Dahil naging waitress ako sa bar at muntik pang maging prostitute! Sa bar kung saan mo pa pinakita nang harap-harapan ang pambabae mo."
Isang lumalagitik na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya matapos ko siyang pagsalitaan pero hindi ko ito ininda. Walang-wala ang sakit na naramdaman ko mula sa sampal na iyon kumpara sa paghihirap ko sa piling niya. "Tapos ka na ha?! Iwanan mo ako kung gusto mo! Wala akong pakialam!" inis na bulyaw niya sa akin.
"Iiwan na talaga kita!" matapang at may paninindigan kong sabi bago ko kinuha kaagad ang mga bag ko. Lalayo na ako sa toxicity.
Nagalit ako sa kaniya dahil sumusobra na siya. Walang direksyon ang buhay niya. Madalas lasing, nagda-drugs, galit, at nakahilata. Walang pagbabago sa tinatahak naming landas. He just wanted happiness for his own. He was an irresponsible partner.
Lagi ko pa ring naaalalala ang araw na iniwan ko siya dahil hindi naging madali para sa akin na lumayo sa lalaking minahal ko pero ibinasura lang ako dahil sarili niya lang ang iniisip niya. But I was really thankful the moment I found my new inspiration to continue the battle and that was when Magdalen came into my life. Mas lalo akong nagsumikap na mabigyan siya ng magandang buhay na deserve niya. Kay Magdalen na-divert lahat ng atensiyon at pagmamahal ko kaya baka hindi ko kayanin kapag nawala siya sa akin. I love her so much.
Sinanay ko ang sarili ko na hindi siya tawaging "Vyvyan" para hindi na madulas ang dila ko at matawag siya sa tunay niyang pangalan. Baka kasi mag-usisa siya kapag nagbanggit ako ng ibang pangalan. Matalinong bata ang anak ko kaya hindi malabong ma-curious siya hanggang sa hindi na siya titigil sa katatanong. Sasabihin ko naman sa kaniya ang totoo pero hindi pa sa ngayon. Komplikado pa ang lahat.
May maliit na kama ang barko na nasakyan namin kaya minabuti ko na ring mahiga sa tabi ni Magdalen matapos ko siyang halikan sa noo. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko para makatulog na dahil tuloy ang laban kinabukasan. Alas-onse na rin kasi ng gabi.
Naging mahimbing ang tulog ko hanggang sa nagising nalang ako nang maramdaman kong may pumipisil-pisil sa ilong ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para makita ang tanging taong lagi kong hinahanap kapag gigising ako. "Good morning, darling."
"Good morning, mama. I love you!" Humiga siyang muli sa tabi ko bago ako magiliw na niyakap.
"I love you too, anak."
Matiwasay kaming naakalis sa pantalan matapos dumunggo ng barko sa fort. Wala akong ideya kung saan talaga kami pupunta. Palawan ang naisip kong puntahan dahil medyo malayo ito sa Manila. Pakiramdam ko hindi niya kami kaagad mahahanap.
Sumakay kami ni Magdalen sa isang tricycle at nagpahatid muna sa isang simbahan. Basta ang sabi ko lang kay manong dalhin niya kami sa malapit na simbahan. Nasa sentro ng bayan ang simbahang pinagdalhan niya sa amin na tinawag niyang "Saint Augustine Parish Coron Church." Iniwan lang namin sa bandang pintuan ng simbahan ang mga maleta at bag na dala namin.
I told Magdalen to whisper her prayer to Him as I would do the same. Hiniling ko na gabayan Niya kaming mag-ina. Hiniling ko na bigyan Niya ako ng lakas para kayanin ang mga parating pang hamon. Hiniling ko na sana hindi mawala sa akin si Magdalen.
Lumipas ang ilang minuto hanggang sa nagdesisyun na akong umalis. Akmang lalabas na kami sa simbahan nang...
"Miss!" dinig kong tawag ng isang babae.
Laking gulat ko nang makita ko kung ano ang hawak niya. Muntik na naming makalimutan. "Darling, bakit mo naman iniwan ang doll mo?" malumanay kong tanong sa anak ko.
Lumapit sa amin ang isang maputi at magandang babae na may kasamang batang lalaki na halos ka-edad lang siguro ni Magdalen. Anak niya ang bata dahil magkamukha talaga sila.
"I assume this is your doll, sweetie." Malumanay siyang magsalita at nginitian niya pa nga ang anak ko. Pero parang biglang nahiya sa kaniya si Magdalen kaya wala siyang nakuhang sagot mula sa kaniya.
"Pasensiya ka na. Mukhang nahihiya si Magdalen."
"Here is your doll, sweetie." Tinanggap naman kaagad ni Magdalen ang favorite Barbie Doll niya.
"Thank you very much po." Napangiti ako nang marinig kong nagsalita ang anak ko. Buong akala ko kasi hindi pa rin siya magsasalita.
"Welcome, sweetie. By the way, this is my son." Inakbayan niya ang batang lalaki na ngumiti naman sa amin ni Magdalen. "He is Cor."
"Hi," nakangiting bati ko sa bata. "This is Magdalen, my daughter."
Hindi umimik si Cor pero ayos lang dahil madalas nahihiya talagang makipag-usap ang mga bata sa taong hindi nila kilala. "My baby boy is just a shy-type. But he has a friend who is a girl. He often plays with Bluelia, the daughter of my friends. Magdalen and Cor could be friends also. What do you think, Cor?"
Gaya noong una, hindi umimik si Cor. Tumango lang siya bilang sagot sa sinabi ng mama niya. "Oh, I forgot to say my name. I'm Sajie. What's yours?"
"I'm Yvo," maikli kong sagot. Wala akong balak na itago ang tunay kong pangalan pero may balak ako na huwag sabihin ang buo kong pangalan. Kailangan ko pa ring mag-ingat kahit na mukha siyang mabait. Magaan ang loob ko sa kaniya at talagang palangiti siya. Pakiramdam ko nga gusto niyang maging magkaibigan ang mga bata.
"Nice to meet you, Yvo and Magdalen. You both are good-looking. Magdalen is so adorable. She is like a billionaire's daughter. Look at her eyelashes, they are really curvy. For me, her face is so perfect. So, where's the lucky father?"
Hindi ko naman inasahan ang mga tanong na iyon. Parang nanikip bigla ang dibdib ko.
"He's far away," agad kong sagot bago tipid na ngumiti. "I believe my Magdalen is more than a pretty face. She has a pretty heart, pretty mind, and a pretty soul," proud kong sabi.
"Oh, I agree." Mabuti naman hindi na siya nagsalita pa patungkol sa ama ng anak ko. Naintindihan niya naman siguro na may something wrong na hindi na dapat pang mapag-usapan.
"We need to go, Sajie. Nice to meet you too."
"Okay, take care. See you around."
"See you around," nakangiti kong sabi bago kami tumalikod at nagsimulang maglakad palayo sa kanila.
"Mommy, are we going to grandmama and grandpapa's house?" biglang tanong ni Magdalen nang huminto na kami sa tabi ng kalsada para maghintay ng masasakyan.
"We'll find a place, anak."
Laking pasasalamat ko nang hindi na nagtanong pa ulit ang anak ko. Sakto ring may tumigil na tricycle sa harapan namin. "Saan po kayo, ma'am?"
"Naghahanap kami ng bahay na matutuluyan. Malapit sana sa bukid."
"May alam po ako. Sakay na kayo," sagot niya na halos kasing-edad ko lang siguro. Ang napansin ko lang sa kaniya ay ang mga tattoo niya sa braso.
Hindi naman ako nag-alangan na sa tricycle niya nalang sumakay dahil mukha naman siyang hindi gagawa ng masama. Binuhat niya ang mga dala-dala namin. Magbubuhat din sana ako pero nagsabi siya na siya nalang daw. Kaya niya na raw.
Hindi ko alam kung saan niya kami dadalhin pero nagtitiwala nalang ako na hindi kami pababayaan ng nasa taas.

Book Comment (1274)

  • avatar
    Honie Sanico Mantawil

    nice stories

    05/03/2022

      5
  • avatar
    KingMortal

    this app is good and excellent!!

    27/02/2022

      5
  • avatar
    PingkianLucille

    ML M-MOBILE L-LEGENDS

    2d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters