logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 6

Alexis' POV
Isinindi ko agad ang ilaw sa kwarto ko pagkapasok na pagkapasok namin ni Brent.
"Umuulan, bat ka pa bumalik?" tanong ko sakaniya at sumampa sa kama.
"Yong homework mo baka pagalitan ka ni ma'am Aragon" sagot niya at ibinato sa tabi ko ang bag ko, siya naman ay dumiretso sa study table ko at inilabas ang gamit.
"Wala akong paki sayo, pero pwede ka munang magpalipas ng gabi rito. Sabay na tayong pumasok bukas"
"Kahit di mo naman sabihin magpapalipas parin ako dito, ang lakas kaya ng ulan sa labas" walang emosyong giit niya habang nakatingin sa notes niya.
Tumayo ako at binuksan ng kunti ang sliding door sa veranda.
"Wala ka bang balak gawin yang sayo?" tanong niya pagkasampa ko sa kama.
"Maaga pa, mauna ka nang matulog mamaya" giit ko at ipinikit ang mata.
Minsan na kaming nagkatabi sa kama, parang magkapatid na nga kami. Pero syempre hindi ko siya patutulugin dito sa kwarto ko ngayon, baka kung ano na namang pinaggagawa niya sa mukha ko.
May time na sabay kaming natulog, at pag gising ko, nakita ko ang mukha ko na punong-puno ng drawing. Nainis talaga ako sa kanya non, hindi rin ako pumasok sa araw na yon dahil ang hirap burahin ng ginamit niya sa pagguhit sa mukha ko.
"Alex, di ka ba nilalamig? Isasara ko na muna tong pinto" giit niya na ang boses niya ay nasa sliding door kaya siguradong nandon siya.
"Okay" tipid na sagot ko at nag-iba ng posisyon.
"Pagkatapos mo dyan, pwede bang pakisindi nalang ng CD" giit ko pero wala akong natanggap na sagot.
Nahihirapan ako sa math at yon ang pinaka ayaw ko sa lahat. Ang daming problema tapos dadagdag pa. Bakit pa kasi sila gagawa-gawa ng problema kung sa iba rin naman nila ipapaayos.
At saka yang X at Y na yan, nagagamit ba yon? Bakit hindi nalang kaya nila gawing alphabet number nang walang nahihirapan sa pinaggagawa nila.
Anong kinalaman naming estudyante sa mga problema nila? Stress na nga kami sa iba pang subjects, pagdating sa math nakakabobo na talaga.
Daniel's POV
"Hindi naman pwedeng pabayaan niyo nalang siya na bastusin kayo sa ibang tao at sa harap namin. Dad, ama namin kayo at kahit san kayo magtanong may karapatan parin kayong pagsabihan siya" paliwanag ko sakanya,nandito kami ngayon sa office niya.
"Hindi ko kayang pagalitan siya o maski sumbatan, dahil alam mo, niyo kung bakit ganito siya ngayon. Dahil ako mismo ang dahilan kung bakit siya nagkaganito"
"Dad, ilang beses ko bang sasabihin sainyo na hindi kayo ang dahilan. Hindi lang siguro maintindihan o matanggap ni Louisa. Pero sana balang araw, dad, maiisip niya rin ang mga pagkakamali niya, lalo na sa pagtrato niya sainyo"
"Pero kuya, kailangan rin nating intindihin ang kalagayan niya. Hindi lahat ng nakikita mong kabastusan sa kanya ay wala nang dinadalang kabutihan" giit ni Gabriel and I sneer at him.
"Sa tingin mo mabuti at nakakatulong ang ugaling kabastusan? Saan ka nakakita ng ganong klaseng tao?" I smirked.
"Sakanya, sakanya ko nakita ang ganong klase at ugali ng tao. Oo bastos siya, pero itanong mo sa kaibigan niyang si Brent. Kahapon, nagpunta ako sa University at hulaan niyo kung anong nangyare?" giit niya.
"Linigtas niya ang buhay ng isang lalaki, kaklase niya" tuloy niya kaya natigilan ako.
"Wag mong kunsintihin ang kapatid natin, at hindi rin dahil sa nakatulong siya ay pwede mo ng gawing excuse yan. Lahat ng tao gagawin ang ganyang bagay kung kailangan nila ng tulong" sabi ko.
"Pero kuya, sa tingin mo kung ibang tao yon makakayang labanan ang isang GRUPO?" giit ni Clyde kaya napalingon ako sakanya.
"Ano?!" di makapaniwalang tanong ni dad at napahilamos sa mukha.
"May gagawin pa ako, dad mauuna na ho ako" paalam ni Dominic kaya tumango naman si dad.
Nagpaalam narin ang dalawa kaya kaming dalawa nalang ni daddy ang naiwan.
"Siguro masyado ko na siyang napaghihigpitan mas mabuti siguro kung bigyan ko rin siya ng kalayaan" sambit ni dad.
"No, you did this for her sake. Dad, wag kayong mag-alala kakausapin ko siya" giit ko at nagpaalam na.
Brent's POV
Kring!Kring!
"Mom"
[Nasan ka? Gabing-gabi na bat di ka pa umuuwi?]
"Nandito ako kina Alex, dito na ako magpapalipas ng gabi"
[Hindi ka ba talaga nakikinig sakin?]
"Ano bang mali mom?"
[Ikaw ang mali! Kayo!]
"Good night mom"
Bumuntong-hininga nalang ako at pumasok sa isang kwarto. Alas dyes na ng gabi.
Pinahiraman ako ng pantulog ng kapatid niya and about sa susuotin ko bukas ay may ibinigay rin sakin si kuya Daniel at sakto naman sakin. Buti nalang at Friday bukas kaya pwedeng magcivilian.
Brrt!Brrt!
Tiningnan ko ang phone ko at nagpop-up ang name ni daddy at ibig sabihin lang non ay nagtext siya kaya agad kong binasa.
"Siguraduhin mong tapos mo na ang homework mo pagkatapos mong kumain. Wag kang mag-alala sa mommy mo dito. Tomorrow pupuntahan nalang kita sa campus para ibigay ang baon mo. Good night, anak"
Napangiti nalang ako habang binabasa ang message ni dad. Siya talaga ang laging sumusuporta sakin, samin ni Alex sa pagiging magkaibigan namin. Alam ni daddy na nagbabago ang isang tao at may tiwala rin siya sa kaibigan ko.
Si daddy lang ang nakakaintindi sakin samantalang ke mommy kahit anong paliwanag ko mas lalo na pag tungkol ke Alex ay hindi niya ako naiintindihan. Bakit ba kasi galit na galit siya sa kaibigan ko eh wala namang ginagawa yong tao sakanya.
Napabangon ako nang may marinig na sunod-sunod na kalabog mula sa labas. Lumapit ako sa pintuan para silipin ang labas pero napalabas din ako nang makita ang magkakapatid sa harap ng kwarto ni Alex.
Tumayo ang mga balahibo ko nang marinig ang sigaw at daing ni Alex mula sa kwarto niya.
"Sh*t! Ayaw magbukas" giit ni kuya Daniel habang pilit na binubuksan ang pinto ni Alex.
Anong nangyayari?
"Mas mabuting sirain nalang natin" aniya.
"Clyde, gisingin mo si dad" nagmamadaling anya ni kuya Gab.
Agad akong napalapit sakanila at tumulong sa pagbukas sa pintuan.
"Louisa" sambit ni kuya Daniel at agad niyang nilapitan ng kapatid na habol-habol ang hininga habang nakabaluktot.
Ngayon ko lang nakita ang totoong ekspresyon ng mukha niya. Ang lagi kong nakikitang mayabang na kaibigan ko sa campus ay may itinatagong ganitong karamdaman. Ang taong akala kong walang kahinaan at walang nararamdaman pero nagkamali ako, may mali sa kalusugan niya at natitiyak ko yon ngayon.
"Matulog kana bro, maaga pa kayo bukas kami na ang bahala sakanya" nakangiting giit ni kuya Gab habang tinatapik-tapik ang balikat ko pero nanatili lang akong nakatayo sa likuran nila.
"U-ugh! L-lumabas na k-kayo. K-kaya ko ang s-sarili ko" pagpupumiglas niya.
"Tara na" giit ni kuya Daniel at bumuntong hininga sa pagtayo at dumiretso sa labas maski sila maliban sakin. Naglakad ako palapit sakanya at pinagmasdan ang mukha niya.
"Alex" wala sa sariling sambit ko pero umiwas siya ng tingin at tinalikuran ako.
"Sa panahong kailangan mo ng makakasama, wag mo silang itaboy. Walang ibang makakatulong sayo kundi ang pamilya mo sa ganitong sitwasyon"
"H-hindi ko kailangan ng t-tulong nila, hindi ko kailangan ang tulong ng iba. Kaya ko ang sarili ko, kaya kong mabuhay ng mag-isa" pinipilit magsalita ng maayos sa harap ko.
"Anong tingin mo sa sarili mo? Superhero? Alex, wag mong taasan ang pride mo. Pano kung may nangyaring hindi maganda sayo, hihingi at hihingi ka rin ng tulong"
"Kaya ko ang s-sarili ko. Hindi ko kailangang humingi ng tulong sa tao kung bakit ako nagkaganito"
"Matulog kana, wag kang papasok bukas. Ginawa ko narin yong assignment mo kaya wag ka nang mag-alala. Magpahinga ka muna" giit ko at tumayo.
"Zyrus, just please stay for a while" sambit niya at hinawakan ako sa kamay.
"Sige,matulog kana, dito lang ako sa tabi mo" giit ko at naupo muli sa kama niya.
"Thank you"
Itutuloy.....

Book Comment (128)

  • avatar
    BalmedinaSarah

    Ang ganda kahit introduction pa lang ang ganda na😍

    06/05/2022

      0
  • avatar
    Nhielzen Mhyck Cabunas

    siiwkw

    20/07

      0
  • avatar
    Stefanie Isidro Maximo

    great

    24/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters