logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 24

Alexis' POV
The next morning nauna na akong pumasok at gamit ko narin ang sarili kong sasakyan. I'm wearing my office attire pero nagdala parin ako ng damit ko for me to change before I visit him in Police Station.
Bumungad na naman sakin ang maingay na loob ng building. Dumiretso ako sa office ko at saka muling lumabas para tingnan ang mga impleyado.
"Wala na bang mas ihihina yang mga takong niyo? Ni-require ba nilang magsuot kayo ng ganyan?" agaw pansin ko sa kanila at natahimik naman sila pati mga lalaking impleyado ay nakatingin rin sakin.
"And your makeups, be natural. Hindi niyo kailangang maglagay ng napakakapal na makeup sa loob ng building." sabi ko hababg tinitignan ang mga mukha ng mga babae.
"Ako ang nagsabing magsuot sila ng ganyan para mas presentable.” kuya Daniel.
Pumasok siya sa office niya kaya naman sinundan ko siya.
"Kuya hayaan mo akong gawin silang mas presentable, makikita at masasabi ko naman kung may pleasing personality sila sa mga susuotin nila kaya hayaan mo sana akong i-lead sila” sabi ko.
"Fine, siguraduhin mong ihandle sila ng maayos" aniya kaya tumango ako at muling bumalik sa mga impleyado.
"Excuse me, maaari ko bang tawagin ang pansin niyo?" tawag ko sa kanila at tumigil naman sila sa mga ginagawa nila at saka tumingin sakin. Lumapit ako sa babaeng impleyado saka siya pinatayo. Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo.
"Humarap ka sa kanila" pabulong ko sa kanya at ginawa naman niya ito.
"I want you all to be simple like her. Wag kayong magsuot ng maiksing skirt at magsuot lang kayo ng flat or black shoes at pati narin kunting light lipstick. Mas presentable kayong tingnan pag simple. Starting tomorrow gusto ko kayong makitang simple”
May mga naririnig akong nagbubulungan pero hindi ko nalang pinansin. Napapayag ko din naman sila since wala naman na silang magagawa.
"At sa mga lalaki naman iwasan niyong magsuot ng inappropriate clothes gaya ng sando. Kahit nasa loob kayo wag kayong magsasando, pano pag may biglaang investor ang pumasok?......By the way, alam kong nasabihan na kayo for the files, I want you to bring them to my office before lunch. Yon lang" pagtatapos ko at umalis.
Nanatili pa ako ng mga ilang oras sa office ko habang tinitingnan ang mga updated files ng company. Medyo bumaba ang profit ng company kaya ito pa ang i-aanalyze ko pag-uwi ko.
May inaasikaso din si kuya Daniel sa office niya at si Felix naman ay may pinuntahan rin kaya natambak din kay kuya yong iba.
Naisipan ko nang mananghalian kaya mas maaga akong umalis kesa kay kuya. Nagpalit muna ako ng suot ko bago dumiretso lang ako sa drive thru saka dumiretso sa presinto dalang ang pagkain.
"Excuse me, nandyan ba si Chief Fortalizia?" tanong ko sa pulis pagkapasok ko.
"Nandyan po ma'am pero may kausap pa siya"
"Matatagalan ba siya?" tanong ko at tumango-tango naman ito.
"Pwede bang pakisabi sa kanya na hinahanap ko siya pagkatapos niya? Mag-aantay nalang ako sa labas" sabi ko at tumango naman siya kaya bumalik ako sa sasakyan ko.
Nag-antay ako nang maraming minuto hanggang lumabas siya kaya nagmadali akong bumaba dala ang pagkain at lumapit sa kanya.
"Hey" tawag ko sa kanya at huminto naman ito.
"Bakit?" takang tanong nito na humarap sakin.
"Let's eat" yaya ko sa kanya na itinaas pa ang hawak ko.
"I'm sorry Miss, ayokong nasasayang ang oras ko” aniya at binuksan ang kotse niya at sumakay rito. Tulala akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Excuse me Miss, nakaharang ka sa dadaan ko” aniya sabay busina kaya umalis ako at sumilong habang tulala paring nakatingin sa kotse niyang paalis.
Bagsak ang mga balikat kong bumalik sa sasakyan ko dala ang pagkain at direstong umalis. Inis na inis ako habang nagdadrive pabalik sa company.
Kinuha ko ang mga gamit ko pati narin ang pagkain bago bumama at pumasok. Nakasalubong ko pa si kuya na may kausap sa phone niya kaya hindi ko narin siya pinansin.
Inilapag ko sa mesa ang pagkain at nagsimulang kumain. Binalingan ko ng masamang tingin ang fries na nasa plastic parin saka inirapan.
"Ahhhhh!!" sigaw ko at tinatadyak-tadyakan ang mesa.
Tumigil lang ako nang pumasok si kuya at kunot noong nakatingin sakin. Napabuntong hininga ako at itinuloy ang pagkain.
"Anong nangyayari sayo?" tanong niya pagkalapit sakin.
"P*tanginang Brent na yan, may amnesia ba siya o nagpapanggap lang na hindi ako kilala?" inis na tanong ko.
"Pinuntahan mo siya?" tanong nito.
"Yeah, malapit lang naman dito yong police station"
"Baka hindi talaga siya yon, baka pinsan niya lang"
"Siya yon kuya, kitang-kita ko siya ng malapitan" pagmamaktol ko.
"Sabihin na nating siya nga yon, anong meron?"
"Tanga ka ba kuya? Si Brent yon, bestfriend ko" sabi ko na tinuturo-turo pa ang pintuan.
"Oh"
"Anong 'Oh' kuya?! Dapat nagbobonding na kami ngayon at nag-uusap!" inis na inis na singhal ko sa kanya at natawa naman siya.
"Dapat ang sabihin mo ay humihingi ka na ng tawad sakanya, Louisa. Kung siya man yon, hindi ba dapat mahiya kang humarap sa kanya?" seryosong sabi ni kuya.
"For what? Bakit ako magsosorry sakanya?" naguguluhang tanong ko.
"Louisa, umalis kang hindi siya sinabihan and for how many years mo siyang hindi kinontact, tapos ngayon magpapakita ka sakanya at mangungulit?" natahimik ako sa sinabi niya.
Oo nga pala, bakit hindi ko naisip yon? The moment that I saw him, tanging sarili ko na naman ang iniisip ko. Pano kung gusto niya na talaga akong kalimutan?
Napahilamos ako sa sarili kong mukha. Huminga ako ng malalim bago tingnan ang mga pagkain.
"Give me three days at pag hindi ko parin siya nakausap hindi na ko mangungulit"
"Ano?" takang tanong ni kuya sakin ngunit di ako sumagot.
Kinuha ko ang mga pinagkainan at basura ko at ang itinira ko naman ay ang hindi pa nagagalaw at malinis na pagkain bago ako lumabas. Napansin kong tahimik sila lahat habang gumagalaw kaya tumatango-tango akong naglalakad.
Better.
Itinapon ko sa malaking trash can ang hawak ko at naisipan munang tumambay sa labas. Maganda kasi ang sikat ng araw ngayong tanghali, hindi masyadong mainit.
"Oh,ate!" lumingon ako sa pamilyar na boses na yon. Tumatakbo siyang palapit sakin suot ang backpack.
"Dito po pala kayo nagtatrabaho" nakangiting aniya pero tiningnan ko lang siya.
"Hindi ka naman na ba ginugulo ng mga yon?" tanong ko.
"Hindi naman na po ate,maraming-maraming salamat po" aniya.
"It's fine, mag-aral kang mabuti"
"Opo ate, alis na po ako ate baka malate pa po ako" aniya at kumaway saka tumakbo.
Nasa seventeen years old siguro ang binatilyong yon. Anyway, tiningnan ko last time ang school niya at sa isang pampublikong paaralan siya nag-aaral.
Bakit pa mangguguyo ng mahihirap kung ang yayaman naman nila, sabagay hanggang ngayon naman siguro most of them ay kapit sa school voucher or malalakas lang talaga kapit nila sa mga teachers.
Alam kong uso din yon dito since maraming nga estudyante na ang parents ay business owner din. I once experienced that sa iabng bansa na kung saan angat ang mapera at nasa baba o walang laban ang simpleng tao.
But I once realized na walang silbi ang pera pag wala kang utak at hindi ka marunong dumiskarte sa buhay. I graduated na walang rank sa school or mga sinalihang contest even in college pero I passed my board exam with my own determination kaya ako naging successful ngayon.
Sumapit ang gabi at umuwi akong pagod na pagod dahil sa mga nireview kong files ng company. Dahil sa mga yon ay hindi ko namalayan ang oras kaya gabi na ako nakauwi. Hindi narin ako nagpahintay pa para sa dinner kaya mag-isa ako ngayon dito sa kusina.
"Kauuwi mo lang?" halos mapaigtad ako nang biglang sumulpot si kuya Gabriel sa likuran ko.
"Ano ba?!" reklamo ko sa kanya at tatawa-tawanaman itong tumayo sa tabi ko.
"Ten o'clock na, nasobrahan ka ata sa sipag ngayong araw" aniya.
"Tinapos ko lang talaga lahat. Anong gagawin mo?" tanong ko.
"Kukuha lang ng tubig, walang tubig sa room ko. Akyat na 'ko" aniya pagkakuha ng bottled water saka lumabas.
Inubos ko naman na lahat ng pagkain ko saka ako naghugas at umakyat narin pagkatapos. Dumiretso ako sa banyo para makapaglinis narin ng katawan saka matutulog.
Hanggang ngayon ay wala parin akong nagagawang plano o paraan kung pano ko siya mapapapayag na harapin ako. Tatlong araw nalang talaga ang ibibigay ko para sa sarili ko pero pag wala parin ay no choice ako kundi iisipin nalang na hindi talaga siya yon.
Hindi naman kasi mahirap maghabol para pansinin, ang mahirap lang talaga ay pag hindi talaga siya yon o di kaya naman ay wala na talaga siyang balak na magkaayos kami.
Tingin ko mas mabuting puntahan ko ang bahay nila. Natatandaan kong siya lang naman ang pumunta sa probinsya, yon ang sabi ni kuya Daniel.
Pagkatapos kong magpalit ng pantulog dumiretso na 'kong humiga at pinatay ang ilaw. Nakatulala akong nakatingin sa kisame habang nag-iisip parin ng susunod na hakbang kung sakaling hindi tatalab ang magiging hakbang ko sa una.
Kung pupunta man ako sa bahay nila, pano kung lumipat narin ang family niya?
I have no other choice kundi sundan ang sasakyan niya. Yan lang ang tingin kong tanging paraan para masiguro ko kung siya ba talaga ang hinahanap ko. Kung hindi din siya yon, malaking kakahiyan rin para sakin ang panggugulo sa kanya.
***
The next day maaga akong umalis ng bahay at pinuntahan ang dating tinitirhan nila but it turns out na matagal narin daw silang lumipat ng bahay kaya napaaga rin ang pasok ko sa office.
Tanging ang mga guards palang ang nandon kaya naisipan ko munang iayos ang loob ng office ko. It is going to be a tiring morning for me pero ayos lang, mas mabilis lumipas ang oras kapag gumagalaw ka.
Lahat ng laman na nasa mesa ko like files, pens and so on ay inilagay ko muna sa glass table na nasa sofa. Naghanap ako ng tissue sa drawer at pinunasan ang mesa ko. I also wiped the windows, chairs and drawers at pagkatapos ay naghanap ako ng walis pero wala akong nahanap kaya nagpatulong ako sa guard.
"Excuse me, pwede mo ba akong hanapan ng walis-tambo? Wala kasi akong mahanap dito" sabi ko.
"Sige ma'am, pakihintay nalang po saglit" aniya at umalis para maghanap.
May mga taga linis talaga dito pero trip ko din maglinis ngayon habang wala pang masyadong impleyado.
"Ito po ma'am" aniya at inabot sakin kaya nagpasalamat na ako.
"Kailangan niyo po ba ng tulong ma'am?" tanong niya.
"Yeah, sure. Pakisamahan naman akong magbuhat ng basura" sabi ko at pinatuloy siya sa office ko.
Tudo linis lang ang ginawa ko hanggang sa Makita ko itong malinis. Lahat din ng basura ay naitapon na ng guard at tinutulungan niya na akong iayos ang mga files sa iisang tabi since I told him that I put it on one drawer.
Pagod at pawis na pawis akong natapos at marami naring nagsisidatingang impleyado. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si kuya Daniel but it took a few minutes pero hindi parin siya sumasagot kaya si Felix nalang ang tinawagan ko.
[Anong kailangan mo, lady?] tanong niya mula sa kabilang linya.
"Buy me some clothes, Senior"
[Ah?]
"Kailangan kong magpalit, dalhan mo 'ko pagpapasok ka na"
[Nandito na ko sa entrance but I have some extra here kung gusto mo haha]
"Nah, I hate your perfume. Sige na, mag-uutos nalang ako sa iba" sabi ko at saka pinatay.
Lumabas ako mula sa office ko at saktong nakasalubong ko siya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at paulit-ulit lang niya ginagawa yon na tila sinusuri ako.
"You're hot as f*ck" tumatango-tangong giit niya kaya tinadyakan ko siya pero nakaiwas.
"Ang pagsuot ng mga sexy’ing damit sa office ay ipinagbabawal, lady." aniya.
"Manahimik ka" inis na tinalikuran ko siya at nilapitan ang kadadating na empleyado.
Gulat at namamangha itong nakatingin sakin pagkalapit ko sa kanya. I am wearing a mustard velvet V-shape sando and fitted pants at talagang halatang basa ng pawis ang pantaas ko. I have my blazer kanina pero inalis ko kasi nga naglinis ako.
"Pwede bang humingi ng favor,please? Buy me a T-shirt" sabi ko at naglabas ng pera saka iniabot sa kanya.
Kinuha naman na niya ito at nagpaalam na. Hindi na ako nagdala ng pisting damit na yan, gusto kong pumunta don kung ano na talaga ako.
After an hour ayos naman na ang lahat, nakapagpalit na ako at maayos narin ang gamit ko. Pumasok ako sa office ni Felix para ihatid ang files na natapos ko.
"There are some things na kulang, I think ikaw ang gagawa non dahil ikaw ang may hawak niyan. Pagkatapos mo, ilagay mo nalang ulit sa office ko, aasikasuhin ko rin ang ZL Company" paliwanag ko.
"Sure. By the way, kailan ka bibisita ron? Okay naman na daw ang lahat, opening nalang ang inaantay"
"This afternoon, inatasan ko narin yong fiancee ni kuya for the event. By next week siguro ang event based on his fiancee... Aalis muna ako saglit, babalik din agad ako" paalam ko saka lumabas.
Dumiretso ako sa parking area at hindi ko inaasahang may gulo rito at sa mismong harapan pa ng kotse ko. Marami din ang mga taong nakatingin doon kaya lumapit din ako at tiningnan.
"Hindi man lang kasi awatin nong isa, pinapanood pa" sabi ng isang babae nong natabihan ko siya.
Nagsusuntukan ang dalawang lalaki at totoo ngang wala man lang umawat sa kanila kaya hinayaan ko nalang at sumakay sa sasakyan ko. Bumusina muna ako kaya bago ko paandarin ang makina kaya sila napatigil.
"Wag kayong humarang sa daanan" nakataas ang kilay kong sinabi sa dalawang nagsusuntukan habang ang isa ay nakahiga na sa semento.
Tumayo silang pareho at nagpagilid kaya naman muli akong bumusina at tuluyang umalis. Pagkatingin ko sa side mirror ay unti-unti naman nang nagsisi-alisan ang mga nakikiusosyo.
Pagdating ko sa harap ng presinto ay nakita ko agad siyang papalabas kaya pinatay ko ang makina at mabilis na naglakad palapit sa kanya.
"Hey, pwede mo ba akong bigyan kahit kunting oras lang?" tanong ko.
"Ikaw na naman? Ma'am, wala akong oras sa mga pangungulit" mataray na aniya.
"Pano ko importante?" giit ko at tiningnan naman niya ako sa mata.
"Miss hindi lang ako ang pulis sa loob ng presinto at saka isa pa marami akong ginagawa so you better tell this inside. Sinasayang mo lang ang oras ko, Miss"
"It is confidential...No. Hindi mo ba talaga ako nakikilala? Ako to si Alexis...your bestfriend" sabi ko at nagbaba ng tingin.
"I do remember na may kaibigan ako na nagngangalang Alexis years and years ago.... pero matagal ko na siyang kinalimutan”
Bigla kong naramdaman na tila tumigil sa pagtibok ang puso ko. Sinubukan kong tumingin sakanya, pero parang may kung anong kumo-kontrol sakin para hindi siya tingnan. Hindi ko namalayang lumuha na pala ako kaya agad ko itong pinahid at inayos ang itsura bago tumingin ng diretso sa kanya.
"I see.....pasensya na sa mga araw na naistorbo kita, and mag-iingat ka lagi” pilit ang ngiting iginawad ko sa kanya bago ako bumalik sa sasakyan ko at umalis.
Tingin ko ito na ang umpisa ng araw para hindi ko na siya gambalain pa. Mag-iingat ka lagi and keep on protecting people. Goodbye.
Itutuloy.....

Book Comment (128)

  • avatar
    BalmedinaSarah

    Ang ganda kahit introduction pa lang ang ganda na😍

    06/05/2022

      0
  • avatar
    Nhielzen Mhyck Cabunas

    siiwkw

    20/07

      0
  • avatar
    Stefanie Isidro Maximo

    great

    24/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters