logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

All About Time

All About Time

Aizingxx


PROLOGUE

Third Person's POV
"Dad, lalabas na !!!" sigaw ng isang ginang habang hawak-hawak ang kamay ng kanyang asawa. Tumatakbo at maingat na titinutulak ang wheel chair ng kaniyang asawa patungo sa delivery room. Nakasunod ang apat nitong anak na lalaki.
"Humawak ka mahal,malapit na tayo" pagpapakalma ng kanyang asawa.
Agad nilang pinapasok ang ginang sa loob at naiwan naman ang asawa kasama ang kanyang mga anak. Pare-pareho silang kakikitaan mo ng saya at kaba para sa kanilang ina at pati narin sa magiging kapatid ng mga ito. Hindi rin mawawala ang excitement sa kanila dahil alam nilang babae ang magiging bunso nila.
"Dad, kamusta si mom? Ayos lang ba siya?" tanong ng kanyang panganay na anak na si Daniel.
"Mahirap para sa mommy, pero magiging ayos din siya. Ipapanganak na ni mommy ang prinsesa natin" puno ng saya at naluluhang sagot ng kanilang ama kaya hindi parin nito mapigilang ngumiti habang nakatingin sa pinto ng delivery room.
"Hijo,kamusta ang asawa mo?" agad na tanong ng kanyang ina pagkarating sa delivery room.
"Nasa loob siya ng delivery room ma. Magkakaroon na kami ng prinsesa, ma" nakangiting aniya habang nakayakap sa kanyang ina. Mahigpit rin siyang niyakap ng kanyang ina habang nakangiting nakatingin sa kanyang mga apo.
"Sir, isuot niyo po ito, kailangan kayo ng misis niyo sa loob" singit ng nurse pagkalabas niya mula sa delivery room dala ang hospital gown.
Dapat ay kanina pa nila ito pinapasok dahil talagang kailangan siya ng kanyang asawa. Agad na isinuot ng mister ang hospital gown bago siya nagpaalam sa kanyang ina at mga anak. Pumasok sila sa delivery room at dinatnan ang kanyang asawang pawis na pawis at mukhang nahihirapan sa panganganak sa kanilang bunso. Lumapit siya at agad na hinawakan ng mahigpit ang kamay ng kanyang asawa habang pinapahid ang tagitik na pawis sa noo ng kanyang misis.
"Magbibilang ako hanggang tatlo,saka ka umire" aniya ng doktora habang nasa bandang paanan ng kanyang asawa. At nagsimula na nga itong magbilang.
"Ire!" habang sinasabi ng doktora ito ay tinutulungan niyang makaraos ang pasyente sa pag-ere sa pamamagitan narin ng pagsabay niya sa pag-ere ng pasyente.
"Isa, dalawa, tatlo. Ire!" muling sambit nito.
"Kunti nalang mommy, push!" aniya at don na nila narinig ang iyak nito kasabay ng paglabas ng bata sa mundo.
"N-nagawa ko din " nanghihinang sambit ng kanyang asawa.
"Oo, ang galing at ang tapang mo mom" naluluhang aniya ng ama at hinalikan ang noo kahit basang-basa sa pawis.
Limang taon ang lumipas.....
"Dad, nasaan ang mga laruan ni kuya?" tanong ng kanilang bunso.
"Gusto ko pong makipaglaro ng basketball sa kanila, daddy" nakangiting sabi ng kanyang anak pero siya ring ikinainit ng ulo ng kanyang ama.
"Hindi dapat iyan ang nilalaro mo.Binilhan ka ng bagong dollhouse ng mommy mo. Yon ang laruin mo!" hindi inaasahan ng kanyang ama ang pagsigaw nito sa kanya kaya napaiyak ang bunsong anak nito.
Ito ang kauna-unahang nasigawan siya ng kanyang ama at hindi niya ito inaasahan dahil lang sa gusto niyang makalaro ang kanyang mga kapatid.
"Dad,anong ginawa mo? Halika dito anak" tawag ng kanyang ina at binuhat siya. Natigilan naman ang kanyang ama at lumapit ito sa kanya.
"Sorry baby girl, hindi ko sinasadyang sigawan ka" aniya ngunit tuloy parin sa pag-iyak ang kanyang anak.
"Lumapit ka na sa mga kuya mo at makipaglaro." malambing na sabi ng kanyang ina at ibinaba siya kaya naman tumigil ito sa pag-iyak.
"S-salamat po, mommy" sinisinok na aniya at masayang tumakbo papunta sa mga kuya niyang naglalaro ng basketball.
"Dad, bata pa naman siya kaya hayaan muna nating gawin niya lahat ng gusto niya" paliwanag ng kanyang asawa.
"Mom,dyan mo makikita sa pagkabata kung ano sila paglaki nila" sagot naman ng kanyang asawa.
Ayaw kasi ng asawa niya na nakikipaglaro sa lalaki ang kanilang anak na babae at mas lalo na sa paglalaro ng basketball. Lahat ng binibili nilang mag-asawang mga laruang pambabae ay nakaimbak lang sa toys' room ng kwarto ng kanilang anak.
"Pati ba naman dyan dad naniniwala ka, hahaha. Anyway, darating pala si dad mamaya" pag-iiba niya sa usapan dahil baka ito na naman ang pag-awayan nila at naupo ito sa kandungan ng kaniyang asawa.
"Paniguradong mapupuno na ang toys' room ni Alexis pagdating ni dad" walang ganang sabi ng asawa niya.
"Tingnan mo ang mga anak natin oh, ang sasaya nila. Sana ganyan parin sila ka-close hanggang pagtanda natin" nakangiting sambit ng kanyang asawa habang nakatingin sa mga anak nilang naglalaro.
"Dad! Mom! Tara dito, maglaro tayo!" tawag ng mga kanilang anak maliban sa bunso na abala sa pagso-shoot ng bola sa ring.
Saktong taas lang ng pambata ang ring at pambatang size lang rin ang gamit nitong bola. Natawa naman ang mag-asawa tsaka sila lumapit sa mga anak nila. Lumapit ang apat na anak nila sakanila maliban parin sa bunsong anak.
"Hey princess, halika dito" tawag ng kanyang kuya sa kanya kaya natigilan ito sa paglalaro at napabuntong hininga. Hindi man ito nagmamaktol ay mapapansin parin sa mukha nito ang pagkainis. Naupo ito sa tabi ng kanyang ina habang nakapangalumbaba.
"Darating ang lolo niyo at siguradong bibilhan kayo non ng pasalubong niyo bago siya umuwi rito. Anong pasalubong ang gusto niyo galing sa lolo ?" tanong ng kanilang ina sa kanila, nagtaas naman ng kamay ang apat maliban parin sa bunsong anak.
"Mauna ka,princess" nakangiting aniya ng kanilang ina habang nakatingin sa apat at ibinaling ang tingin sa bunsong babae.
"Gusto ko ng mga laruang baril mommy, balang araw magiging isa ako sa mga sikat na pulis" walang ganang sagot nito pero may paninindigan. Nagkatinginan naman ang mag-asawa.
"Hindi ka papayagan ni Daddy na laruin ang mga laruang baril na iyon" seryosong sagot naman ng kanyang ama.
"Dad, laruan lang naman" pangangatwiran naman ng kanyang anak.
"Pero hindi yon ang laruang bagay sa tulad mong babae" paliwanag ng kaniyang ama.
"Pero gusto ko~~" pinutol ng sarili niyang ama ang kanyang sasabihin.
"Hinding-hindi ako papayag na ipagsapalaran mo ang iyong buhay balang araw" pagtatapos ng ama nito tsaka sila iniwan kasama ang kanilang ina.
"Anong nangyare kay dad, mom?" tanong ng panganay niyang anak.
"Masakit lang siguro ulo ng dad niyo. Don't worry baby, nandito lang si mommy laging susuporta sayo, sainyo. Wag mo munang iisipin ang sinabi sayo ng dad mo" nakangiting paliwanag ng kanyang ina.
"Maligo na kayo dahil sobrang asim na ng mga baby ko" malambing na aniya ng kanilang ina habang inaamoy sila isa-isa.
Itutuloy.......

Book Comment (128)

  • avatar
    BalmedinaSarah

    Ang ganda kahit introduction pa lang ang ganda na😍

    06/05/2022

      0
  • avatar
    Nhielzen Mhyck Cabunas

    siiwkw

    20/07

      0
  • avatar
    Stefanie Isidro Maximo

    great

    24/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters