logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

Raya De Castro
"Ang ganda ng palawit na iyan, Alejandro."
Nakatayo ako sa isang burol. May dalawang tao na nasa harap ko at kung hindi ako nagkakamali ay hindi naman nagkakalayo ang aming mga edad. Pagkamangha ang nakikita ko sa babae habang pinagmamasdan nito ang kuwintas na may palawit na ipinakita sa kanya ng lalaki.
"Pinamana sa akin ito nang aking lola noong nabubuhay pa lamang siya." Isang ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki habang pinagmamasdang mabuti ang palawit na nasa kamay niya.
"Ganoon ba? Mukhang napakaimportante sa iyo ng kuwintas na iyan."
"Oo, Rosaria." Binuksan ng lalaki ang palawit para siguro ipakita sa babae kung ano ang nasa loob. Nang tuluyan niya itong mabuksan, para pala itong locket watch na puwedeng lagyan ng picture sa kabilang side. Kung hindi ako nagkakamali, iginuhit lang ang imaheng iyon, at wala itong kulay. "Sabi ng aking lola ilagay ko rito ang imahe ng pinakamamahal ko."
Sinilip ng dalaga ang locket watch at parang biglang lumungkot ang mukha nito.
"Ang Mahal na Birhen pala ang nakalagay, ngunit bakit hindi ang iyong ina?"
Tumingin ang lalaki sa babaeng may mapungay na mata at bahagyang ngumiti sa kanya. "Hindi ako bihasa sa pagguhit na kakasya rito."
-
-
-
"Miss Raya gising na."
Dahan-dahan kong dinilat ang pares kong mata, hindi pa mag-process sa utak ko kung nasaan ako at kung anong ginagawa ko sa lugar na 'to. Napatingin ako sa katabi kong lalaki. "Alejandro," tawag ko sa kanya.
"I'm sorry?" tanong nito sa akin.
"Hoy babae, sino na namang lalaki ang tinatawag mo huh?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Cass sa taas ng ulo ko. Tumayo pala siya sa upuan niya sa likod namin. Nakipagpalit siya ng upuan kay David dahil mas gusto niya katabi ng bintana. Hindi kami sabay-sabay nagpa-book ng ticket kaya 'yung ibang kasama namin ay mas malayo pa sa amin. Itong si David lang ang nasa likod namin... sana. Kung hindi nakipagpalit si Cass kay David.
Nawala na 'yung lutang moment ko dahil dito kay Cass.
"Ang ingay mo, Cass," reklamo ko sa kanya habang inaayos ang sarili ko. Agad naman akong tumingin sa katabi kong lalaki. "Pasensya ka na."
Isang ngiti lang ang ginawad sa akin ni David. "Kailangan na nating bumaba," sabi nito kaya agad naman kaming tumayo.
*****
Bitbit ang mga gamit, may sumalubong sa aming lalaki na parang nasa 40's na ang edad. "Senyorito!" Agad niyang nilapitan si David bitbit ang magandang ngiti, para siyang nasabik ng makita si David.
"Kumusta po, Kuya Marlon?" tanong niya sa lalaki.
"Ito, single pa rin... hikhik."
Nagkatinginan kaming apat at parang pare-parehas kami ng iniisip, sunod na nangyari ay nagpigil kami pare-parehas ng tawa, maging ang kaninang masungit na si Ian ay namumula na rin dahil sa pagpipigil niyang mapangiti. Ang jolly kasi nitong si manong.
Dahil sa impit naming tawa ay agad tuloy niya kaming napansin. "Sila po ba ang tinutukoy mong tutuloy muna pansamantala sa mansion?"
"Yes, kuya. Ito nga pala ang kaibigan ko, si Rico, at sila naman ang mga kaklase niya." Turo sa amin ni David.
"Hi Kuya Marlon!" magiliw na bati ni Rico. Sa totoo lang, parang hindi yata nauubusan ng energy 'tong si Rico. Minsan ako na nakakaramdam ng pagod kada makikita ko siyang hyper.
Sumunod naman na nagsalita si Cass dahil tumingin si Kuya Marlon sa kanya, "Ako po si Cassandra."
"Raya po."
"Ian."
Sunod-sunod na naming pagpapakilala.
"Ke guwapo at maganda naman pala ng mga kasama mo, Senyorito." Puri nito sa amin, kaya tuloy napangiti kaming lahat.
"Naku, hindi po kayo nagkakamali, guwapo po talaga ako," proud na sabi pa ni Rico. Lumapit siya kay Kuya Marlon at nakipag-apir pa rito. "Isang high-five naman diyan, kuya."
"Oo ba," sabi ni Kuya Marlon.
Napa-face palm na lang ako kay Rico.
"Ang hangin..." bulong naman ni Cass. Mabuti na lang ako lang nakarinig, kung hindi baka pagsimulan na naman ng gulo.
"Halina na kayo at medyo malayo pa rin ang biyahe natin." Yaya ni Kuya Marlon. Nauna nang naglakad si David kasabay ni Kuya Marlon habang nag-uusap silang dalawa. "Ang tagal mo ring hindi nakabalik, Senyorito. Kumusta ang Maynila?"
"Busy po sobra, focus po talaga ako ngayon sa masteral ko," sabi ni David.
Nakasunod lang kami sa kanila. Biglang pumantay si Rico ng paglalakad kay Cass. "Narinig mo 'yung sinabi ni Kuya Marlon? Guwapo ko raw at totoo ang sinabi niya. Hihi..." pagmamayabang nito. Hindi pa rin siya maka-move on sa 'guwapo' word na 'yan.
Nakakaumay!
"Naniwala ka naman! Sinasabi niya lang 'yun para ma-entertain tayo," sabi ni Cass.
"Oo naman noh. Kung hindi, eh 'di pangit ka? Kasi 'di ba sabi niya maganda at guwapo... Aray!" Nakatikim ng batok si Rico kay Cass. Matapos niya 'tong mabatukan ay mabilis nang naglakad si Cass para makalayo kay Rico. "Hoy! Ito naman eh. Joke lang 'yun!" Hinabol ni Rico si Cass at nang mahabol niya 'to ay panay na ang pangungulit niya rito.
Teka nga, may improvement na sa dalawang 'to ah. Kahit para silang mga bata---I mean, aso't-pusa pala.
Muling nagsalita si Kuya Marlon. "Nakakatuwa naman po sila, Senyorito. Lalo na 'yung kaibigan mong si Rico." Ngumiti lang si David. "Wala ka pa rin bang nagiging nobyo sa Maynila?"
Napakamot ng batok si David at sinagot ang tanong ni Kuya Marlon, "Wala po, kuya."
"Bakit naman po? Kung ganyan ako kaguwapo sa inyo baka naghanap na ako ng magandang babae sa Maynila. Balita ko pa naman, iba raw ang kababaihan sa Maynila eh. Mabilis lang masuyo, hindi ka na pahihirapan," sabi ni Kuya Marlon.
"Fake news po 'yun, Kuya Marlon." Biglang singit ni Cass. Halos pantay na kami sa paglalakad kila Kuya Marlon at David.
"Totoo po 'yung sinabi ni Cassandra, pero marami po talagang easy-to-get sa Manila. Kagaya na lang nu'ng mga tropa kong babae." Nilaglag talaga ni Rico 'yung mga maaarte naming kaklase. "Pero siyempre bigatin naman 'yung pinipili nila."
"Oo, 'yung pinipili nila ay katawan lang ang habol sa kanila." Agad kong siniko si Cass. Ayoko kasing naririnig 'yung mga ganu'ng words sa kanya. Kahit pa totoo 'yun, babae pa rin ang mga kaklase namin. For me, wala na dapat karapatan si Cass du'n. Lalo pa hindi niya dapat sinasabi 'yun sa mga lalaki. "Bakit?" tanong pa niya sa akin.
"I know na prangka ka pero medyo sumusobra 'yung pagkaprangka mo," bulong ko sa kanya. Huminto naman na 'to. Siguro na-realize niya na parang may mali sa sinabi niya.
"Ikaw Cassandra huh. Huwag kang judgmental kung hindi mo naman palaging kasama 'yung tao," sabi ni Rico.
"Wait lang... Ikaw nag-umpisa eh. Kung ayaw mo pa lang jina-judge sila dapat hindi mo na sinali sa usapan!"
"Guys, please," awat ko na sa kanila. Napatingin sila pareho sa akin. Tapos nagtinginan din ulit silang dalawa sa isa't isa saka nagkaisnaban. Mas gusto ko pa minsan na ganya sila, kesa sa nagpapansinan sila pero mauuwi naman agad sa pagtatalo. Biglang tumakbo naman 'tong si Cass pero hinabol na naman siya ni Rico.
Napatingin naman ako sa halos kapantay at kasabayan kong naglalakad.
Si Ian.
Sakto ring tumingin siya sa akin kaya nagulat ako at nag-iwas ng tingin. Siyete bakit ang awkward sa pakiramdam?
Para matanggal 'yung ganu'ng pakiramdam, sinubukan kong magsalita.
 "Ahmm... ku─"
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil siya na ang unang nangamusta.
Muli ko siyang tiningnan at parang biglang may mukhang rumihistro sa isip ko. Sobrang bilis lang ng imahe no'n at halos static pa.
Agad akong napailing at tiningnan si David. "A-ang weird," bulong ko.
Medyo malayo na rin pala silang lahat sa amin ni Ian. Ganu'n na ba kami kabagal maglakad?
"Are you alright?"
"Huh?" wala akong idea sa sinasabi ni Ian.
"Tinatanong kita kanina pero parang ang layo ng iniisip mo," sabi niya. Kahit pa'no malumanay naman si Ian magsalita.
"Ah... Oo. Ano. O-Okay naman na ako." Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Hindi naman na siya nakipag-usap pa ulit sa akin.
Ang weird ng pakiramdam ko sa kanya at kay David. "Hindi ba sila magkamag-anak?" bulong ko pa. Pakiramdam ko kasi magkahawig silang dalawa eh.
"Huh?" Napahinto siya sa paglalakad at tiningnan niya ako kaya nagsalubong ang aming mga mata. "May sinasabi ka ba?" malumanay ang tono ng pananalita nito na para bang pamilyar sa akin, at ang mga mata niya. Parang nakita ko na iyon matagal na. Hindi ko alam pero hindi ko magawang makapagsalita kaya isang tipid na iling na lang ang ginawa ko.
Hindi ko namalayan na lumapit pala siya sa akin at hinawakan niya ang braso ko. "Ah!" Parehas kaming napaatras at napalayo sa isa't isa ng bahagya dahil nakaramdaman kami ng bultahe ng kuryente. Nakita rin namin na parang may blue light na mabilis lang nag-spark nu'ng magdikit ang balat namin. Nagtataka ang aming mukha nang magtama ang aming mga mata.
Ano 'yun?
"Guys!" Parehas kaming napatingin ni Ian kay Rico na kumakaway na sa amin. "Huwag muna kayong magligawan! Kailangan na nating umalis... Argh." Siniko siya ni Cass kaya napayuko siya.
"Ray! Bilis!" sigaw nito.
Nagtataka man ay agad naman kaming kumilos ni Ian at hindi na lang pinansin ang weird na nangyari sa amin.

Book Comment (7)

  • avatar
    Dela CruzElyon

    Hi! I'm the author of Soul-Mirror. I hope na mabasa niyo ang story na ito. Thank you so much!

    09/02/2024

      1
  • avatar
    Rechelyn Quimco Salazar

    nakaka goosebumps! btw after reading listen to James Arthur Car's outside. Bakit? I can't explain the feeling. skl. Good Job author pero sana ng ka aminam cla na ako c Alejandro/Rosario sa nakaraan.

    24/10/2023

      1
  • avatar
    VelardeIrene

    nicee po nagustuhan ko ung storyyy!🤗

    01/12/2022

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters