logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Ian George Tan
Never pa 'tong naging laman ng panaginip ko before. I only seen this house when I undergo past life regression. I have nightmare since childhood, and until now hindi pa rin ito nawala. Or should I say, hindi ko pinahintulutang mawala 'to sa akin. My family was worried about my condition, so that was why they research and found out na maybe because of my past life.
Noong una, hindi sila naniniwala about past life, because they believe na 'resurrection' lang ang meron sa Catholic Bible, not reincarnation.
At ako?
I don't know? Kaunti lang ang alam ko sa old and new testament. But never ko rin nabasang may reincarnation. Ang nabasa ko lang ay 'yung about sa resurrection ni Jesus Christ. 
When I was 15 years old, naghanap si Mommy and Daddy ng mga makakatulong sa amin. And since reincarnation ang lumabas sa research nila, kaya we visited other religions, at napadpad kami sa Buddhist temple in Binondo na naniniwala sa reincarnation. At doon ko, first time na nakilala si Monk Shi Yi.
Sa tagal ko nang nabibisita siya, halos naging kaibigan na rin ang turing niya sa akin at ganu'n din naman ako sa kanya.
Noong una, gusto niyang manatili ako ro'n for healing pero tumanggi ako. I'm not saying na I hate peaceful place. I mean, sino bang ayaw ng peaceful place?
But,
At that moment na malaman ko ang tungkol sa past life. Ayoko munang matapos sa ganu'n lang. May feeling ako na may dapat muna akong gawin, bago ko tuluyang pagalingin ang sarili ko.
He explained about reincarnation. Ang sabi nila may apat na cycle ang reincarnation. Una ay ang God, ikalawa ay human, ikatlo ay ang mga insekto, hayop, at halaman, ang panghuli ay ang mga nasa hell. Siguro masasabi kong kasama ang mga anghel sa unang cycle habang devils and demons naman ang tinutukoy sa hell.
"Bakit nararanasan ng anak namin 'to?" Mommy asked Monk Shi Yan.
"Kapag namatay ang mga nabubuhay ay nabubura ang alaala nito kapag muli silang ipinanganak. Subalit hindi lahat ay ganoon ang nagiging senaryo at hindi ko mabibigyan ng eksaktong kasagutan dahil iba't iba ang naitatala ng kanilang nakaraang buhay. Subalit ang pinakamarami sa mga naitalang ito ay hindi tanggap ang kamatayan nila, at mayroon pa silang hindi nagawa bago sila mamatay, kaya nadala nila ito sa sunod nilang buhay," paliwanag niya.
Hindi ko pinili ang temple and even my mom, ayaw niyang malayo sa akin ng matagal. Napakamot pa nga ako sa batok nu'ng malaman ko 'yung reason niya. Baka raw kapag nagustuhan ko sa loob ng temple ay piliin ko na ring maging monk.
Hindi lang sila ang pinuntahan namin, pumunta rin kami sa clinic na nag-a-undergo ng past life regression therapy. Mas mabilis ito compared sa pananatili sa temple. After ng ilang session kahit pa'no nagkaroon ng kaunting linaw kung bakit ako binabangungot ng specific na pangyayari, which is my death in previous life.
May pangako ako, may naghihintay sa akin, may naghihintay sa pagbabalik ko.
Habang nakatitig ako sa post card, naalala ko sa past life ko na rito nagsimula ang lahat.
May last session sana ako pero for healing na rin iyon, hindi rin ako pumayag. Kung sa temple nga hindi ako pumayag, pa'no pa kaya ngayon na nabigyan pa ako ng iba pang detalye ng past life ko?
Gusto kong hanapin ang mansion.
Ang problema nga lang that time. Hindi ako pinayagan ni mommy and daddy nu'ng High School ako sa desisyon kong mag-travel at hanapin ang place. Kaya hinintay ko munang mag-college ako. Naging irregular student ako, hindi ko kasi p'wedeng iasa sa parents ko ang budget sa pag-travel sa Cebu kaya nag-part time job ako para suportahan ang budget ko sa pagta-travel.
Sad to say, hindi ko pa rin nahanap 'yung place. 
Kinuha ko sa drawer ang sketchbook ko. Binuklat ko 'yun at tumambad ang drawing ko sa mansion. Para mas mapadali ang paghahanap ko, I draw the mansion base sa kung ano na lang ang natatandaan ko. 
Gusto ko sanang i-drawing din ang mga mukha ng mga tao naging bahagi nang past life ko, pero napakalabo na ng image nila sa akin ngayon. Unlike nu'ng nasa regression ako.
Pasuko na sana ako eh, pero dahil sa post card na hawak ko at sa isang tao, muli akong nagkaro'n ng pag-asa. I'm planning to look Mr. David Lorenzo on social media nang makabalik ako sa university, but accidentally, narinig kong may kausap sa phone ang noong hindi ko namang kilala na si Rico sa cafeteria ng university.
-
-
-
"Hello bro, 'di ba may mansion kayo sa Cebu, 'yung Lorenzo mansion?" Napahinto ako sa isang lalaki na may kausap sa phone niya. "Oo. Naghahanap kasi kami ng ka-grupo ko ng ancestral house for our Finals. Willing ka ba ipa-documentary 'yung mansion niyo?"
-
-
-
Mabuti na lang at may last requirements pa akong dapat ibigay kay Prof. Domingo, which is vintage art work. Balak ko sana 'yung Casa Manila ang ibibigay ko kay Prof. Domingo pero nagbago ang isip ko, kaya kahit iba ang unit ng grupo ni Rico na pupuntang Cebu, nagawa kong mapapayag si Prof. Domingo. 
*******
Raya De Castro
"Ang tagal naman nila!" Inip na inip na si Cass sa mga kasama namin na hindi pa dumarating. Usapan kasi namin na rito na sa Airport ang kitaan.
"Five minutes pa lang silang late, Cass," sabi ko.
Paano kasi isa sa pinaka-hate talaga nitong kaibigan ko ang mga late na tao kahit pa ilang minuto lang 'yan. Para sa kanya mahalaga ang bawat segundo. Napatingin ako sa kasama naming si Ian, may nakalagay na earphones sa magkabilang tenga nito at tila walang pakialam sa paligid niya.
Ayokong mag-feeling close kaya hindi ko siya kinakausap simula pa lang kanina.
"Ayan na 'yung feeling pogi nating classmate," bulong ni Cass na medyo banas na yata sa presensya nang paparating.
Ahmmm, wala namang bago. Palagi naman yata siyang banas du'n sa tao.
"Hi classmates!" masiglang bati sa amin ni Rico nang tuluyan na siyang nakalapit. Walang pumansin sa kanya.
"Hindi ko tino-tolerate na ma-late kayo sa usapan."
Meron palang pumansin. Si Cass lang. Ang aga-aga badtrip na agad itsura niya. Kasalanan kasi 'to ni Rico eh.
Napatingin ako sa kasama ni Rico.
(Rosaria!)
Nagulat ako dahil sa boses na narinig ko, para kasing ang lapit lang nito sa tenga ko kaya napalingon ako sa paligid. Busy naman ang lahat sa kani-kanilang agenda kaya napakaimposible.
Ano ba 'yun?
Saka Raya ang pangalan ko, hindi---Ano nga ulit 'yung pangalan na nabanggit ng boses kanina? Tanong ko sa sarili.
"Hoy!" Naramdaman ko na lang na may sumiko sa akin kaya tiningnan ko si Cass. "Sigurado ka bang p'wede ka na talagang bumiyahe?" Kahit na maikli lang ang pasensya ni Cass, at may pagka-amasona rin siya. Nata-touch naman ako kapag concern siya sa akin, specially sa health ko.
"Pang-ilang beses mo nang tanong 'yan, Cass?" Paano kasi, simula pa lang sa bahay ganyan na siya. Ayaw rin sana ni mama na sumama ako dahil noong isang araw lang ako na-ospital. Importante rin kasi sa akin ang finals, kaunti na lang kasi ga-graduate na ako. "Dala ko naman 'yung gamot ko kaya huwag kang mag-alala."
"Sigurado ka?" tanong nito sa akin.
Agad kong kinuha ang gamot sa bag at pinakita sa kanya. "Ayan, para matahimik ka."
Kinuha ni Cass sa akin ang gamot at siniyasat. "Ngayon ko lang napansin ang gamot mo."
Ang alam ko nabanggit ko na sa kanya na for maintenance ang gamot ko at kung para saan iyon, pero minsan talaga masyado siyang curious sa kung ano-anong bagay. "Ano na naman nakikita mo sa gamot ko?"
"Wala kasing ibang label kundi E0126."
Agad kong inagaw kay Cass ang bote ng gamot at pinagmasdan din ito. "Actually, natanong ko na 'to kay mama. Ang sabi lang niya sa'kin, huwag ko raw intindihin ang gamot ko. Masyado lang daw 'tong special, at sa mga piling doctor lang ito mabibili."
"Pati gamot pinagdidiskitahan." Naagaw ng pansin namin ang nakasimangot nang si Rico at nagkakamot naman sa batok 'yung kasama niya. Parang pamilyar sa akin ang mukha niya pero hindi ko matandaan kung saan.
"Pake mo ba?" banas na sagot ni Cass. Agad nitong tiningnan ang kasama ni Rico. "Siya 'yung tinutukoy mong kaibigan mong may-ari ng bahay?" hindi na niya pinagsalita si Rico at agad itong nagtanong sa lalaki. "What's your name, kuya?"
"David Lorenzo." Nakipagkamay ito kay Cass.
"I'm Cassandra Hernandez, and that guy na naka-upo at walang pakialam sa atin ay si Ian George Tan." Tumingin sa akin si Cass at sinenyasan akong magpakilala.
"I-I'm R-Raya De Castro." Hindi ako sigurado kung bakit parang nautal akong magpakilala sa kanya?
"Great!" sabi nito. Lumapit siya sa akin ng bahagya kaya parang nailang ako. Lalo na nu'ng ngumiti siya at inabot ang kamay niya para makipagkamay rin sa akin.
Aabutin ko na sana ang kamay niya pero may biglang katawan na humarang sa pagitan naming dalawa ni David. At dahil matangkad siya, napatingin pa ako sa mukha niya. Problema niya?
"Let's go," sabi niya sa akin at agad nang naglakad si Ian palayo sa amin.
Dumikit sa akin si Cass habang nakatanaw sa papalayong si Ian. Naka-cross arms pa siya. "Medyo bastos siya du'n..." komento ni Cass na parang nagtataka.
"Anong problema ng mga tao ngayon? Ikaw high blood..." Turo ni Rico kay Cass. "Tapos 'yung isa biglang naging masungit? Parang mas gusto kong wala na lang siyang pakialam kesa sa masungit siya. Hindi cool tingnan."
"Gusto mong masuntok? 'Yung akin may dahilan kung bakit ako high blood. 'Yung isa, hindi naman babae, pero parang may menstruation na rin," sabi ni Cass.
"Guys, pupunta tayo ng Cebu, first time kong aakyat ng Airplane, first time kong bibiyahe sa malayo, kaya baka puwede, walang mambabasag ng good mood?" Pakiusap ko sa kanila.
Ang hirap kapag opposite personalities ang makakasama mo eh. Feeling ko magiging taga saway ako sa kanila. Nagkasalubungan kami ng tingin ng kasama ni Rico, ngumiti lang ito sa akin kaya ganu'n naman ako sa kanya. Mukha naman siyang mabait.
"Tara na..." yaya ko sa kanila. Kaya sumunod na rin sila sa akin.

Book Comment (7)

  • avatar
    Dela CruzElyon

    Hi! I'm the author of Soul-Mirror. I hope na mabasa niyo ang story na ito. Thank you so much!

    09/02/2024

      1
  • avatar
    Rechelyn Quimco Salazar

    nakaka goosebumps! btw after reading listen to James Arthur Car's outside. Bakit? I can't explain the feeling. skl. Good Job author pero sana ng ka aminam cla na ako c Alejandro/Rosario sa nakaraan.

    24/10/2023

      1
  • avatar
    VelardeIrene

    nicee po nagustuhan ko ung storyyy!🤗

    01/12/2022

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters