logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

Ian George Tan
Habang pauwi ng bahay ay nadaanan ng sinasakyan kong jeep ang arko ng China Town, bigla tuloy may nag-flash back sa isip ko.
-
-
-
One insect landed on my shoulder, and when I tried to pull it off, there is a hand that stopped me. I looked at the peaceful face of the monk. Siya ang may-ari ng kamay na pumigil sa akin. "Kasama sa cycle ng buhay ang mga insekto. Marapat lamang na ibalik sila kung saan sila nararapat," he said. He took the insect from my shoulder and placed it on a plant. After making sure the insect was safe, he looked at me again. "Matagal ka nang naghahanap, hiyo. Hindi ka pa rin ba hihinto?"
He's right, and honestly, I'm about to give up. Kayalang parang naawa yata sa akin ang destiny at bigla akong kinonekta sa isang tao. 
"Nakita ko na po ang lugar,"  sabi ko sa kanya.
He smile at me. "Mabuti. Hindi man ako sang-ayon sa iyong nais, ngunit kung ito ang makakapanatag sa loob mo ay sige... Humayo ka. Ngunit pakatandaan mo, ang nakaraan ay parte lamang ng ating paglago, pagkatuto, at paghahanda. Hindi lang katawan, at pag-iisip ang kinakailangan ng kagalingan. Maging ang kaluluwa ay dapat ding pagalingin, lalo na sa mga kaluluwang napakarami nang napagdaanan sa mga nakaraan nilang buhay.” Tinapik niya ang balikat ko. "Pagkatapos mong makamit ang nais mo, kung ano man ang madiskubri mo, kailangan mong tanggapin at pagalingin ang iyong kaluluwa. Naunawaan mo ba, hiyo?"
Tumango ako sa kanya. His name is Monk Shi Yan, the monk I always talk whenever I visit the temple in Binondo. Siya ang nagpaliwanag sa amin nang isa sa sekreto ng mundo.
Ang reincarnation. 
At first, I did not believe in this kind of phenomenon. Nakumbinsi ako na totoo ang reincarnation sa tulong ng pagre-research, at  ng mga expert sa reincarnation, pati na rin sa nararanasan ko.
-
-
-
Nang makarating ng bahay ay agad akong sumigaw, "I'm home!"
"Kuya!" Ito agad ang bungad ng bunso kong kapatid. Agad ko siyang binuhat. "Look kuya, I have a new toy. Yehey!"
"Awesome. Do you know who this super hero is?" I asked my little brother Josh.
"Of course kuya... Iron Man," masigla niyang sabi.
"Josh, kuya is tired." Lumabas si mommy from the kitchen and I think she's preparing our dinner dahil nakakaamoy na ako ng lutong ulam.
"No work, mom?" 
"I went out early today... Ate Linda pabantay na lang muna ng niluluto ko!" tawag nito sa kasambahay namin. "Be ready na, nag-text na daddy mo. Pauwi na raw siya." Kinuha ni mommy si Josh sa akin. "Come, Josh." Hindi naman umangal ang bunso namin, at nagpakarga na rin siya kay mommy.
Nang tuluyan kong maipasa si Josh kay mommy ay agad akong nagtungo sa hagdan para umakyat muna sa kwarto ko. I'm taking a few steps on stairs but mommy stopped me. "By the way honey, Doktora called me and she said----" Alam ko na kung anong sasabihin niya kaya hindi ko na siya pinatapos.
"Mom." I turned my body and saw again my mommy and Josh. Bumaba ako ng hagdan at nilapitan sila. "Please give me more time," pakiusap ko.
"Until when, honey? We've been waiting you for a years because we believe na mahahanap mo nga 'yang kung ano o sinong gusto mong hanapin. You even sacrificed your studies for your past life." Karga man ni mommy si Josh ay nagawa pa rin niyang mahawakan ang kamay ko. My innocent little brother is busy sa pag-check ng bago niyang toy at mukhang hindi naman namin siya naaabala. "We support you---you know that..." Continue ni mommy, "Pero Ian, dapat mo ring matutunan kung kailan dapat sumuko at mag-focus sa present and future. Huminto ka na. Huminto na tayo. Ayaw mo bang maging peaceful ang life mo, especially when you are sleeping?" She looks upset again. 
Honestly?
I feel guilty every time my mommy becomes like this. I know they are worried about my case, that's why they choose what's best for me. But I'm the one who experiencing the nightmare every night, at sa tuwing nagigising ako, nararamdaman ko na may kailangan akong makita.
Kailangan ko 'siyang' makita.
I want to solve whatever mystery in my life. Although it's clear na hindi 'yun ganu'n kadali, but hey, ilang taon na rin akong naggugol eh. Ngayon pa ba ako hihinto kung kailan hawak ko na ang isa sa evidence? Hawak ko na kung saan ako dapat mag-umpisa sa paghahanap...
Sa kanya.
"Mom, I appreciate your concern so much, and I'm sorry if I always upset you. I didn't mean it, promised..." I raised my right hand to show that I'm really sincere about what I've said to her. "Kayalang po kasi, nandito na ako. At nakita ko na po 'yung lugar na ilang taon kong hinanap."
Napakunot ang noo ni mommy. "Are you sure?" Hindi siya kumbinsido, pero tumango ako sa kanya. "Honey... Ian..." hindi maituloy ni mommy ang sasabihin niya. May feeling ako na despite ng mga sinabi ko, pagdidiinan pa rin ni mommy ang gusto niyang mangyari. Well, I hope na mali ang pakiramdam ko. Tinitigan ako ni Mommy kaya I lower my eyes and look at the floor, I'm hoping na ma-grant ang pakiusap ko. 
"Mommy, please put me down." Josh broke mommy's gazed to me. Maybe, I need to thank Josh? Ayoko kasi talagang salubungin ang titig ni mommy eh. Baka magkaro'n ng hindi magandang impact sa kanya kung sasalubungin ko pa ang tingin niya.
When mommy put down Josh, he immediately walks to the kitchen where Ate Linda was. 
"Fine..." sabi ni mommy.
Napatingin ako sa kanya. "You mean?" I just want to make sure na positive 'yung 'fine' ni Mommy.
"Ano pang magagawa ko? You're stubborn, if we said no, you always have your own way to opposed our decision since you're a big kid now."
Lumapad ang ngiti ko at parang gusto kong sumuntok sa hangin dahil sa kasiyahan. I hug mommy para naman mawala 'yung inis niya sa akin. "Thank you, you're the best, mom... Swear." Paglalambing ko pa sa kanya.
"I'm not done..." Napahiwalay ako sa pagkakayakap kay Mommy at hinintay 'yung susunod niyang sasabihin. "You have at least this semester."
"What?" 'Yung saya ko parang unti-unting nawala. "Mom, parang ang ikli naman yata no'n."
"No more hirit, Honey," Magsasalita pa sana ako pero narinig na namin ang sasakyan ni Daddy. "Umakyat ka na kung may gagawin ka pa sa kwarto mo. Bilisan mo lang at kakain na tayo."
Wala na akong nagawa kundi ang pagbigyan ang gusto ni Mommy. Medyo mabigat ang mga hakbang ko habang umaakyat papunta sa room ko. "This semester? Too short, pero okay na rin siguro 'yon." Nakaka-pressure tuloy, pero baka makagawa pa ako ng paraan para ma-extend if ever failed pa rin ako. Alam ko namang hindi ako matitiis ni mommy eh.
Nang makapasok ako sa kuwarto ko, agad akong nagtungo sa study table ko at kinuha ang isang post card na nabili ko sa isang vintage souvenir shop sa Intramuros. At habang hawak ko 'to, may nag-flash back na naman sa aking isipan.

-
-
-
I was taking photos of Casa Manila on my DSLR Cam. I noticed the antique shop in front of me. "I thought Museum, Cafe and Restaurant lang meron sa Casa Manila?" bulong ko habang nakatingin sa pinto ng shop.
Because of curiosity, I went inside and check the old things that they are selling. That's when I realized na hindi ito 'yung typical na Antique Shop na mga old furniture's ang binibenta and not all are hundred or decades na ang tagal. Ang ilang items na binibenta ay for souvenirs na mala-vintage style lang.
Well, that makes sense since the shop is located in a tourist spot na mula pang Spanish Colonial Era.
Mahilig ako sa vintage art and music, including structures since nagkaisip ako, and according to Monk Shi Yan, normal lang iyon sa old soul na kagaya ko.
After I scan the entire shop, napatingin ako sa mga post cards.
Inisa-isa ko ang mga post cards dahil interesting and creepy somehow 'yung pictures na nilagay nila per post card. The first post card na nakita ko ay kung paano nila bitayin sa pamamagitan ng garote ang mga Pilipino noon, sunod na post card ay 'yung kultura naman ng mga Pilipino sa panahon ng kastila, and the third post card na talagang nagpalaki sa mata ko ay ang old mansion na familiar sa akin. 
My heart beat so fast. Tinitigan ko pa muna ito ng matagal to make sure lang na ito nga talaga 'yung hinahanap ko.
"Pare," tawag ko sa lalaking nagbabantay ng shop. Lumapit ito sa akin. "Alam mo ba kung saang lugar 'to?"
Agad naman siyang napaisip habang tinititigan ang post card na nasa kamay ko. "Ang alam ko galing 'yan sa Cebu. Ang nagbenta niyan sa akin ay nagma-masteral dito sa Maynila."
"Wala ba siyang ibang information tungkol sa bahay?"
"Ang nasabi lang niya sa'kin, pagmamay-ari 'yung bahay ng Pamilya-Lorenzo. Kung bibilhin mo 'yan sasabihin ko ang ibang information tungkol sa post card."
Nice strategy huh. Sa isip-isip ko, but in the end, kumagat din ako sa pain ng seller, I bought the post card.

Book Comment (7)

  • avatar
    Dela CruzElyon

    Hi! I'm the author of Soul-Mirror. I hope na mabasa niyo ang story na ito. Thank you so much!

    09/02/2024

      1
  • avatar
    Rechelyn Quimco Salazar

    nakaka goosebumps! btw after reading listen to James Arthur Car's outside. Bakit? I can't explain the feeling. skl. Good Job author pero sana ng ka aminam cla na ako c Alejandro/Rosario sa nakaraan.

    24/10/2023

      1
  • avatar
    VelardeIrene

    nicee po nagustuhan ko ung storyyy!🤗

    01/12/2022

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters