logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3

Raya De Castro
Nakaupo kaming apat sa isang bakanteng room.
Ako, si Rico, Cass, at isang lalaking hindi namin kaklase sa kahit na anong unit.
Sa totoo lang?
Parang pamilyar siya sa akin pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.
Nakakapagtaka rin na naamoy ko ang pabango niya kahit may kalayuan siya ng kaunti sa akin. Nasa kasagsagan ako ng pagkilatis sa kanya nang napatingin siya sa akin at dahil do'n bumilis ang tibok ng puso ko.
Ki-kinakabahan ba ako?
"Ano bang naisip ni Prof. Domingo at grinupo siya sa atin?" tanong ni Cass. Kibit-balikat lang si Rico sa kanya. Ako naman, nanahimik lang ako. Pa'no namin malalaman eh, hindi naman kami si Prof. Domingo. Basta na lang nagsabi si Prof. Domingo na igu-grupo raw siya sa amin. Dahil walang nakuhang sagot si Cass sa amin ni Rico kaya tiningnan na lang nito 'yung lalaki. "So, Mr... What's your name again?"
"Ian George Tan," tipid nitong sabi.
"Woh, may lahi kang Chinese?" reaction ni Rico.
"May blood," walang kalatoy-latoy nitong sabi.
"At least meron kahit latak lang, 'di ba?" Tumingin siya kay Cass pero sinamaan siya ng tingin nito. Mukhang epektibo ang tingin ni Cass kaya tumahimik na rin siya.
"Okay, you're from Graphics Design, Irregular student, right? I'm Cassandra Hernandez, these 'pa-pogi' kong classmate ay si Rico Albano, at itong isang palaging lutang ay si Raya De Castro."
"Gra─" napahinto ako sa aking sasabihin dahil nakaramdam ako ng hapdi sa ulo. Agad kong hinawakan ang ulo ko dahil kakaiba ang sakit nito.
"Ray..." Napatingin ako kay Cass. Rumihistro sa mukha niya ang pag-aalala.
"Are you okay?" tanong naman ni Ian sa akin pero hindi ko na siya tiningnan dahil kakaiba ang dating niya simula pa lang kanina.
Umiling ako. "Ayos lang ako." Kahit ang totoo'y parang may tumutusok na sa likod ng ulo ko. Binaba ko na lang 'yung kamay ko. Medyo kaya ko pa naman sigurong indahin 'yung sakit. "Ma-mabilis lang naman ang meeting natin 'di ba? Continue lang Cass."
Kahit nag-alangan ay agad namang napatango ito at nagpatuloy sa pagpapaliwanag about sa Finals namin. "So Rico-pa-pogi..."
"Hep... Hep..." napahinto si Cass sa pagsasalita. "Kailangan ba talaga 'pa-pogi' ang term? Hindi ba puwedeng Rico na pogi?" Kinindatan ni Rico si Cass.
Jusko, heto na naman siya.
Agad dumilim ang aura ng kaibigan ko at padabog nitong binagsak ang notebook na hawak niya kaya lahat kami ay biglang nagulat sa kanya. "Gusto mong maagang mamatay?" banta nito kay Rico.
"Ta-tama na 'yan." Agad kong awat sa kanila kahit na feeling ko naduduwal na ako, ganito ako kapag sumasakit ang ulo ko.
May pagkakataong sumasakit na rin ang ulo ko before, pero dati naman kasi tolerable 'yung sakit. Basta parang dahan-dahan lang ang paglala ng sakit ng ulo ko kapag hindi agad ako nakakainom ng gamot. Itong nararamdaman ko ngayon medyo pabigla ang sakit.
"Ito kasi eh. Kung ano-anong walang sense ang pinagsasabi," sabi ni Cass, sabay turo kay Rico.
"Kala mo siya meron..."
"Anong sabi mo?"
"Ang sabi ko po, proceed na tayo." Inilahad ni Rico ang kamay niya upang muling magsalita si Cass. Samantala, tila wala namang imik ang bago naming ka-grupo at busy ito sa kanyang phone. Mabuti naman hindi siya naaabala sa bangayan ng dalawa pero hindi rin naman maganda na hindi siya nakikinig dahil in the first place nakisingit lang siya sa grupo namin. Hindi yata uso sa kanya ang salitang 'pakikisama'.
"Ikaw na ang magsalita tutal kaibigan mo naman ang may-ari ng bahay," sabi ni Cass kay Rico.
"Hindi pa sa kanya 'yung mansion pero malapit na dahil mukhang matetegi na 'yung lolo niya," pambungad ni Rico. Sinamaan namin siya ng tingin at parang nakaramdam naman 'yung kumag. "Joke lang mga classmates."
"Next time, matuto kang malaman kung anong nakakatawang joke sa hindi," sabi ko sa kanya sabay senyas na mag-proceed siya sa pagsasalita.
"Yes, ma'am..." Sumaludo pa ang kumag sa akin saka muling nagpatuloy. "Nasa hospital ngayon ang lolo niya at nagpapagaling kaya sa ngayon walang ibang tao sa mansion kundi 'yung kasambahay nila."
"'Yung kaibigan mo hindi nakatira do'n?" tanong ko.
Umiling ito. "Nandito siya sa Manila for masteral pero uuwi siya para bisitahin ang lolo niya. Nasa U.S kasi ang parents niya kaya walang ibang dadalaw sa lolo niya kundi siya lang."
"So anong special naman sa mansion nila at bakit 'yung mansion nila ang nirekomenda mo?" tanong ni Cass.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Rico kaya nagkatinginan kami ni Cass. Napahinto naman si Ian sa pag-check ng phone at tiningnan din si Rico. "Wala... Aray!" Literal na lumipad sa mukha ni Rico ang notebook na hawak ni Cass. Ang bilis din talaga ni Cass kumilos ah. "Ang sadista mong babae ka! Ang sabi niyo lang kasi maghanap ako ng ancestral house. Malay ko ba na kailangan 'special' pala 'yung bahay."
Okay, may point siya du'n.
"Kapag hindi ka nagseryoso mas malala pa riyan matitikman mo!" banta nito sa kanya.
"Feeling ko dumudugo na ilong ko." Parang batang pumilas sa notebook ng blangkong papel si Rico, nirolyo niya ito at ipinasok sa magkabilang ilong niya.
Napa-face palm na lang ako sa pagkabigo.
Jusko! Bakit sila ang nakasama ko! Parang lalong sumakit ang ulo ko sa kanila.
Napailing na lang si Ian at muling ibinalik ang pag-check sa phone niya.
"Teka..." Muli naming tiningnan si Rico na biglang pinitik ang daliri niya. "Naalala ko na. Sabi niya may nakakatakot daw na history ang Pamilya-Lorenzo."
"Lorenzo?" tanong ko.
"Family name, Surname, or Last name nila. Pili na lang kayo sa tatlo kong nabanggit," I just rolled my eyes, at hinayaan na lang siyang magpatuloy sa pagsasalita para hindi na humaba pa 'tong meeting namin, "May namatay raw na alipin sa bahay na 'yon. Ang sabi niya, may isang kuwarto raw do'n na hindi na binubuksan."
"Bakit?" tanong ni Cass.
"Sabi niya may mumo raw kasi. 'Yung mga dating bisita raw ang nakakita na may nakalambiting babae. Kaya simula no'n ay hindi na ginamit ang kwarto."
"Teka lang. Documentary ang dahilan if ever approve 'yang bahay ah. To be specific may kinalaman sa art or sa subject natin na 'The Secret of Art'. Hindi ghost hunting," sabi ni Cass.
Napatango naman ako sa sinabi niya. Although hindi ako takot sa multo pero baka kasi maiba ang pakay namin kung sakali. Baka masayang lang ang effort at gagastusin namin. Mahirap lang ako eh. Bawat sentimo importante sa akin.
"Gusto kong malaman kung bakit nagpakamatay ang alipin at kung anong ikinamatay niya." Lahat kami ay napatingin kay Ian. Hindi namin inasahan na magsasalita siya.
"Hindi ko alam. Hindi naman masyadong nagsasalita 'yung kaibigan ko about sa mga ancestors niya. Hindi naman ako ganu'n ka tsismoso para alamin ko pa 'yun."
"Hindi raw..." sabi ni Cass na masama ang tingin kay Rico.
Napaisip ako bigla. "Hindi ako sure kung worth it ba 'tong mansion pagdating sa requirements natin," sabi ko sa kanila.
"Let say 'yung buong mansion ay kahit pa'no may touch of art dahil siyempre every mansion ay iba-iba ang disenyo, dipende sa kung anong gusto ng dating may-ari. At kung may mga antique pa du'n mismo sa loob baka mas mataas ang porsyentong worth it 'yung mansion," paliwanag ni Cass.
"Well, I think marami silang canvas paintings, and old things na until now, nandu'n pa rin since ma-sentimental value 'yung lolo ng friend ko. Pero 'yung sinasabi niyong special... Maybe, special 'yung buong mansion dahil sa ghost na slave?"
Aambahin na naman sana ng suntok ni Cass si Rico dahil sa huling sinabi nito pero hindi na niya naituloy dahil nagsalita si Ian.
"Maybe tama si Rico, and tama ka rin Miss Cassandra. What if the story of the ghost slave made the mansion special since you said na ang mansion mismo ay may touch of art. And what if some of the things inside of the mansion are connected to her story?"
"At naghihintay lang na madiskubre," pagpapatuloy ko sa sinabi ni Ian. Sinabi ko 'yun nang hindi na tumitingin sa kanila dahil hindi ko na talaga kaya.
"Ray..." tawag sa akin ni Cass pero hindi ko na magawang iangat ang ulo ko. Halos nanlalabo na rin kasi ang paningin ko.
"Ka-kailangan k-ko nang umuwi..." Saktong pagtayo ko, biglang nanghina ang tuhod ko. Naramdaman ko na lang na nasa bisig na ako ng hindi ko malaman kung kanino.
"Miss Raya..." Pinilit ko pang dumilat kasi parang naging pamilyar sa akin ang boses. Sakto naman sa pagdilat ko ang mukha ni Ian ang nasilayan ko.
(Rosaria...)
Muli akong nakaramdam ng matinding sakit ng ulo. Hindi ko na kinaya at naduwal na rin ako.
"Ray!"
"Miss Raya!"
"De Castro!"
Halos hindi ko na marinig ang boses nila at unti-unti na silang nawala sa paningin ko.
-
-
-
-
"Anak!"
Napatingin ako sa ginang na patakbong tinatawag ang batang lalaki na biglang tumawid sa kalsada. Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang katawan ko at sa isang iglab ay nasa kalsada na rin ako. Nakarinig ako ng mga busina kaya sa taranta ko ay naitulak ko na lang ang bata sa gilid. Huli na ng makita ko ang private car na papunta sa akin.
-
-
-
-
Pagulat akong napamulat at puting kisame ang bumungad sa aking mga mata. "Anak." Napatingin ako sa gilid ng kama at nakita ko si mama at papa na sobra ang pag-aalala sa akin. Agad umalis si papa habang si mama naman ay hinawakan ang aking bunbunan. "Anak. Anong masakit? Saan?" ito ang sunod-sunod na tanong niya.
Sa totoo lang?
Gusto kong umiyak at yakapin si mama. May masakit nga sa akin pero hindi sa ulo ko kundi sa puso ko, nakakaramdam ako nang kulang, nang lungkot, at nang pangungulila. Pakiramdam ko...
Hindi ako buo.
"Ma-mama." Gusto kong yakapin ang mama ko dahil baka maibsan itong pangungulilang nararamdaman ko.
"Ano 'yun anak?"
Hindi na nagawang mayakap ako ni mama dahil may pumasok sa pinto na lalaking naka-hospital gown kasunod si papa sa likod. "Mrs. De Castro," tawag nito sa mama ko kaya agad itong lumayo sa akin upang makalapit ang doctor. Matapos niya akong masuri ay kinausap nito ang mama at papa ko.

Book Comment (7)

  • avatar
    Dela CruzElyon

    Hi! I'm the author of Soul-Mirror. I hope na mabasa niyo ang story na ito. Thank you so much!

    09/02/2024

      1
  • avatar
    Rechelyn Quimco Salazar

    nakaka goosebumps! btw after reading listen to James Arthur Car's outside. Bakit? I can't explain the feeling. skl. Good Job author pero sana ng ka aminam cla na ako c Alejandro/Rosario sa nakaraan.

    24/10/2023

      1
  • avatar
    VelardeIrene

    nicee po nagustuhan ko ung storyyy!🤗

    01/12/2022

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters