logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter Six

"ANO?!" Histerikal na sigaw ni Morisse ng ikwento niya dito ang tungkol sa pagkatanggal niya sa trabaho.
Agad kasi siyang sinundan nito hanggang sa makalabas siya sa opisina ng manager nila. Himalang walang tumulong luha sa mga mata niya.
Ano pa bang iluluha niya? Eh halos araw-araw na siyang umiiyak kakaisip sa ama niya at kalagayan ni Aivan. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit wala na siyang nailuluha ngayon.
"Okay lang. Siguro nakatakda na talaga itong mangyari. Maghahanap nalang ako ng bagong mapagtatrabahuan..." Ngumiti pa siya ng pilit kay Morisse.
Kinuha niya ang mga gamit sa loob ng locker niya. Siyempre hindi niya isinali yung mga gamit galing sa Yhumz. Yung pampersonal niya lang na kagamitan. Isinilid niya iyon sa isang bag saka isinara na.
"Girl..." Tawag pa sa kanya ni Morisse.
Napangiti si Ahrin. Nilapitan niya ito at hinawakan sa magkabilang kamay. "Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sayo, Risse. Huwag mo akong gayahin huh? Pagbutihan mo ang trabaho mo dito..." Paalala niya pa.
Niyakap siya ng kaibigan. "Heh! Kung makapagsalita ka, parang hindi na tayo magkikita ulit. So, paano ka na? Saan ka maghahanap ng trabaho?" Tanong pa nito.
Napabuntong-hininga siya. "Hindi ko din alam eh. Siguro hindi muna ako agad maghahanap ng trabaho. Babantayan ko muna si Aivan hanggang sa makalabas siya ng hospital. Sapat pa naman yata yung kaunting naipon ko..." Paliwanag niya.
Kinuha niya na ang bag niya at isinukbit iyon. Niyakap niya itong muli.
"Alis na ako. Dadaanan ko pa kasi si Itay sa presinto. Bye!" Kumaway pa siya kay Morisse bago tuluyang lumabas ng Yhumz. Sa likod siya ng building lumabas. Nakakahiya naman kung rarampa pa siya sa entrance ng Yhumz.
Pumara siya ng taxi papuntang presinto. Bago siya tuluyang makasakay sa taxi ay sinulyapan niya pang muli ang Yhumz restaurant. Inaamin niyang mamimiss niya ito. Halos magli-limang taon na siyang nagta-trabaho dito tapos ngayon lang siya natanggal.
Alamin man niya o hindi pero alam niyang may kinalaman ang mga Falcon o Fontabelli sa pagkakatanggal niya sa trabaho.
Ano bang laban niya? Wala. Wala siyang laban kasi mahirap lang siya samantala mayayaman ang mga ito.
Sa ngayon, dalawang bagay na lamang ang pinanghahawakan niya...
Milagro at hustisya.
RHUM is smiling genuinely. Finally, his girlfriend, Aemy, just woke up already after 3 days! And it makes him very happy and thankful.
But he doesn't know how to tell her about the baby in her womb. He doesn't know what will be her reaction upon hearing the news.
"Babe..." Naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya. He hold it tightly. "I miss you."
"I miss you too... Okay na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" Sunod-sunod niyang tanong sa kasintahan.
She smiled widely at him. "I'm okay, babe... Don't worry."
He smiled back. "Good to know that. By the way, I have something to tell you..."
Kinabahan siya bigla. Sasabihin niya ba? He sighed. Ang daming 'what if' na naglalaro sa isipan niya. He doesn't know what will be her first reaction. Matutuwa ba ito? Magagalit? He don't know.
'Paano mo malalaman kung hindi mo sasabihin?' kontra bigla ng kabilang utak niya.
Naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya. "What is it? Is it about my modelling career?"
Tiningnan niya ito. Bakas sa mukha nito ang takot. Takot na mawala ang career nito. She really love her career that much.
"No. It's about---"
Naputol ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok mula doon ang lalaking labis niyang kinaiinisan.
Gab Houston.
Natigilan ito bigla ng makita siya. Nagtaka bigla si Rhum. Is she expecting him? Kunot-noong tiningnan niya si Aemy. Halata ang kaba at gulat sa mukha nito. Pero agad niyang inilipat ang tingin sa lalaking nakatayo pa din sa may pintuan.
"Why are you here?" Tanong niya sa lalaki. Tumingin muna ito sa girlfriend niya bago tumingin ulit sa kanya.
"Ahmm... visiting?" He said.
Lihim niyang ikinuyom ang kamay niya saka ngumiti ng peke dito. "Visiting my girlfriend? Great!" Namulsa pa siya bago binalingan si Aemy. "Labas muna ako. Bili lang ako ng makakain niyo..."
Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Agad siyang lumabas ng room ni Aemy.
Hindi pa siya nakakalayo nang biglang may mabunggo siyang tao. Muntikan na itong sumubsob sa sahig ng hospital. Buti nalang nasalo niya ito.
"Are you ok-----"
Hindi niya naituloy ang sasabihin nang makilala bigla kung sino ito. It's the Santanino lady.
"Bitawan mo ako!"
Agad itong dumistansiya sa kanya na para bang may sakit siyang nakakahawa. Akmang aalis na sana ito pero agad niya itong pinigilan.
"Wait!"
Lumingon ito sa kanya. Halata ang iritasyon at disgusto sa mata nito. "Ano na naman, huh?! Pwede ba? Huwag mo akong kausapin. Maghanap ka ng kausap mo. Letse!"
Walang nagawa si Rhum nang magmartsa ito palayo sa kanya. Napakamot siya sa ulo niya. She really hated him. Well, he can't blame her. Isa siya sa mga nagpakulong sa ama nito. Sino ang matutuwa? Definitely not her.
Pero nagtaka naman siya. Anong ginagawa ng babaeng iyon dito? May sakit ba ito? Hindi yata. Ang taray nga eh!
He sighed. Naaawa siya sa babae. Aminado siyang nagsisisi siya sa pagsang-ayon sa ama ni Aemy na ipakulong si Adonis Santanino. Pero kahit sino naman yata ay magagalit kapag sinaktan ang mahal natin sa buhay.
Naisipan niyang bumalik nalang sa room ng girlfriend niya pero agad din siyang napatigil ng maalalang bisita pala nito ang Gab Houston na iyon!
Damn! Bakit ang tagal naman yata nung mokong na iyon? He felt jealous. Pero ayaw niyang magalit sa kanya si Aemy once na sapakin niya ang lalaking iyon.
"ATE... Saan ka po galing?" Bungad na tanong sa kanya ni Aivan.
Inilapag niya ang bag na dala sa lamesang malapit lang sa hinihigaan nito. Hinila niya ang isang upuan saka umupo sa tabi ng kapatid.
She held his tiny hand. "Binisita ko si Itay... Na-miss mo ba ako?"
Tumango ito. Pero bakas sa mata nito ang lungkot.
"Miss ko na din po si Itay. Gusto ko po siyang makita, ate... Miss ko na siya."
Nakita niyang nangilid ang luha sa magkabilang mata nito. Agad siyang napayakap sa kapatid. "Ate..."
Napaluha siya sa sinabi nito. Naaawa siya kay Aivan. Naaawa siya sa kapatid niya. Ayaw niyang makitang umiiyak ito.
Naramdaman niya ang pagyakap din nito sa kanya. "Sshh...tahan na. Huwag ka ng umiyak. Di bale, once na makalabas ka dito, pupuntahan natin si Itay. Isasama ka ni ate. Okay ba yun?"
Dahan-dahan itong tumingala sa kanya. Tumulo pa ang mumunting luha sa magkabilang pisngi nito.
"Ate..."
"Hmm?"
"Kailan ako makakalabas dito? Ayoko na dito, ate. Ilabas mo na ako dito... Uwi na tayo, please?" Pagmamakaawa pa nito.
Hinaplos niya ang buhok nito. "Malapit na beh... Naghahanap pa si Ate ng ipapambayad sa bell natin dito. Kaunting tiis nalang, huh? Uuwi din tayo." Pinunasan niya ang magkabilang pisngi nito. "Oh! Huwag ka nang umiyak. Ang gwapo mo pa naman... Sige ka, papangit ka kakaiyak." Pananakot niya pa.
Mahina naman itong napahagikhik. "Gwapo ako. Kahit itanong mo pa kay Ate Morisse. Gwapo daw ako ..." Pagtatanggol pa nito sa sarili.
Natawa naman siya. "Talaga? Sinabi yun sayo ni Ate Morisse mo?"
Tumango ulit ito. "Opo! Sabi nga niya, crush niya daw ako. Ano pala yung crush ate?"
Hindi niya mapigilang matawa. Makukurot niya talaga sa singit ang kaibigan niya. Kung ano-anong sinasabi sa kapatid niya.
"Ibig sabihin ng crush, humahanga siya sayo. Di ba sabi sayo ni Ate Morisse mo na gwapo ka? Ibig sabihin nagagwapuhan siya sayo."
Tumango-tango naman ito pero nakakunot-noo. "Ganun ba yun, ate?"
"Ganun nga. Kaya dapat magpagaling ka para mas lalo kang maging crush ni Ate Morisse mo, okay?"
Napangiti naman ito. "Opo!"
Natawa nalang siya sa sagot nito. Muli niyang niyakap si Aivan. Sana ganito nalang sila palagi.
Hindi namalayan ni Ahrin na nakatulog pala siya habang yakap-yakap si Aivan. Nang makitang mahimbing din itong natutulog ay dahan-dahan ang ginawa niyang pagtayo para hindi niya ito magising. Inayos niya ang buhok niya saka naglakad palapit sa may pintuan.
Bubuksan na sana niya ang pinto nang marinig niyang nagsalita ang kapatid. Napahinto siya bigla.
"Tay... Tay..."
Agad nangilid ang luha ni Ahrin. Sa halip na lumabas, nilapitan niya si Aivan sabay haplos ng noo nito.
"Pangako, beh... Pupunta tayo kay Itay kapag nakalabas kana dito. Pangako yan..."
"I-I'M P-PREGNANT...?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Aemy sa kanya ng sabihin niya sa kasintahan ang tungkol sa pagbubuntis nito. Nabasa niya agad sa mga mata nito ang takot.
Napailing si Rhum sa nakikita. She really hate it! Pero anong magagawa niya? Nandito na. They are both responsible for the baby.
"Babe, I hope yo-----"
She cut him off. "Stop! Tell me you're just joking. You're just kidding me, right? Tell me! Tell me, Rhum!" Nanginginig nitong sigaw sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita. Ganun ba talaga kasama ang pagkakaroon nila ng anak? Aminado siyang nasaktan siya sa naging reaksiyon nito. It seems like she doesn't want to have a baby with him.
"Are you really hate him?" Marahan niyang tanong dito. Hindi niya inasahan ang sagot nito.
"Yes. Hindi ako pwedeng mabuntis! Masisira nito ang career ko!" Sigaw nito pabalik.
He looked at her coldly. "Okay. Alis muna ako..."
Walang imik siyang lumabas ng silid nito. Hindi niya alam kung bakit sobrang ayaw nitong magkaroon sila ng anak. Career lamang ang iniisip nito.
Wala sa sariling naglakad siya palabas ng Helium hospital. Liliko na sana siya pero agad siyang napatigil nang mamataan ang dalawang pamilyar na tao. Seryoso itong nag-uusap sa labas ng hospital, malapit sa mga nakaparadang sasakyan.
Hindi alam ni Rhum pero nakita nalang niya ang sarili na nagtatago sa likod ng isang sasakyan malapit lamang sa dalawa.
Napuno ng katanungan ang isipan niya. Anong pinag-uusapan ng mga ito? Bakit ito kinakausap ng kaibigan niya?
Yes. He saw Kiam talking to Ms. Santanino. At base sa mga mukha nito, seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa. Kung ano man iyon, hindi niya alam.
Sumilip siya mula sa likod ng isang sasakyan upang marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Bukas? Anong oras?" Rinig niyang tanong ni Ms. Santanino sa kaibigan niya. Nagsalubong bigla ang dalawang kilay niya. Bukas? Saan pupunta ang mga ito bukas? Anong gagawin ng mga ito?
Hindi niya alam pero gusto niyang malaman. Anong binabalak ng kaibigan niya? May gusto ba ito kay Ms. Santanino?
"Let's meet at Yhumz restaurant. 10 am sharp. Is that okay?" Sagot naman ni Kiam. Sinilip niya ang mga ito. Nang makitang tumango ang dalaga ay mahina siyang napamura.
What the heck?! Bumaba na ba ang standard ni Kiam pagdating sa babae? Napailing-iling siya sa naisip.
Lumabas lang siya mula sa pagkakatago sa likod ng sasakyan nang makitang umalis na ang dalawa. He sighed. Well, he can't blame his friend. Maganda naman talaga si Ms. Santanino.
Kinuha niya ang cellphone niya upang tawagan si Brandon. He wants to drink some liquors. He need to relax his self.
Pagkuwan ay naalala niya si Aemy. Mapait siyang napangiti. Hindi niya alam kung anong iisipin. She really wants to get rid of the baby. Ayaw talaga nito na magkaanak sa kanya. Maybe he's right. She loves her career than him. Dahil kung mahal siya nito, mas pipiliin nito ang baby kaysa sa career nito.
When his phone rang, he immediately answer the call. "Hello, bro!"
"Hello, dude! What's up? Do you need something?" Tanong nito sa kanya.
He chuckled. "Nasa Legals Bar ka ba ngayon? Let's hangout! I'm free today." He answered.
Napangisi siya ng marinig ang ingay mula sa kabilang linya. He's right. Nasa Legals nga ito.
"Yes. Kasama ko si Pier. Wala si Kiam kasi may importante daw na pupuntahan." Paliwanag ni Brandon sa kanya.
Napangiwi naman siya. Yeah right. Importanteng pupuntahan? Importante na ba ang Ms. Santanino na iyon? Tsk! Lame excuses, Kiam...
"Okay. I'll be there in just 15 minutes. Hintayin niyo nalang ako." After that, he hang up the call.
Agad siyang nagtungo sa parking lot at sumakay sa Lambo niya. It's time to have fun! Makakapag- bonding na naman sila ni Pier.

Book Comment (26)

  • avatar
    R-j Macanang Pascual

    impressive

    09/07/2024

      0
  • avatar
    SarraJunkense

    hello

    09/07/2024

      0
  • avatar
    UdascoRazel

    i dont know

    13/06/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters