logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter Five

“ANONG plano mo ngayon? Wala kang kalaban-laban sa mga Falcon at Fontabelli, girl! Baka kung saan ka pa dalhin niyang hustisyang pinaglalaban mo.”
Pagod na ipinikit ni Ahrin ang mga mata. Morisse has a point. Pero hindi siya makakapayag na mabulok na lamang ang ama niya sa loob ng kulungan.
“Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, Risse. Kilala ko si Itay. Hindi niya magagawa ang bagay na iyon. Posible pero mahirap paniwalaan. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para makalaya siya sa kulungan... Kahit kalayaan ko mismo ang kapalit.” Seryosong sagot niya sa kaibigan.
Lumapit ito sa kanya saka siya niyakap.
“Huwag kang mawalan ng pag-asa, girl... Makakalaya din si Uncle Adonis.”
Tipid lamang siyang ngumiti kay Morisse. Pinagpatuloy niya ang pagpupunas ng lamesa.
Pagkatapos ng trabaho ay sabay silang umuwi ni Morisse. Nagpasama pa siya sa kaibigan sa Divisoria upang ibili ng prutas si Aivan.
Kagabi pa kasi ito nilalagnat kaya nag-aalala siya. Kahit gaano niya kagustong alagaan ang kapatid ay hindi pwede kasi kailangan niyang pumasok sa trabaho. Nag-iipon din siya ng pera.
“Rin, sigurado ka ba talagang ayaw mong doon muna kayo ni Aivan sa apartment ko?” Tanong ulit ni Morisse sa kanya.
Hindi niya alam kung ilang beses na itong itinanong sa kanya ni Morisse. Pero talagang ayaw niya. Magiging pabigat lamang sila ni Aivan at iyon ang pinaka-ayaw niya.
“Ayos lang talaga kami ni Aivan, Risse. Ginagawa ko nalang ang lahat ng makakaya ko para kay Aivan at Itay. Isa pa, ang trabaho ko na lamang sa Yhumz ang inaasahan ko...” At binuntutan niya ito ng isang malalim na buntong-hininga.
Naghiwalay lamang sila ni Morisse ng makasakay na siya pauwi. Buti nalang at hindi na gaanong marami ang tao kanina kaya hindi niya kailangang mag- overtime.
Dinaanan niya pa kina Pektra si Aivan. Ito kasi ang binilinan niya para sa kapatid. Wala naman kasi silang ibang kamag-anak na pwedeng pagbilinan kay Aivan habang nasa trabaho siya.
“Pektra?” Kumatok siya ng dalawang beses sa bahay nito. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Pektra.
“Ate Rin! Ikaw po pala. Kukunin mo na po ba si Aivan?” Nakangiting tanong nito sa kanya. Tumango siya sa dalaga saka ngumiti dito.
“Oo, Pektra. Nasa loob ba siya?” Tanong niya ulit.
Tumango naman ito. “Opo. Kaso tulog na po,” Binuksan nito ang pinto. “Tuloy po kayo, Ate Rin. Nasa sala po si Aivan natutulog. Katabi ni Peter.”
Pumasok siya sa loob. Nakita niya naman kaagad si Aivan na mahimbing na natutulog sa sofa.
Dahan-dahan ang ginawa niyang pagbuhat kay Aivan para di ito magising. Nang tuluyan na niyang mabuhat ang kapatid ay nagpasalamat siya at agad ding nagpaalam kay Pektra.
Pagpasok niya sa loob ng bahay ay agad niyang tinungo ang silid ni Aivan at doon ito inilapag. Pagkatapos ay lumabas siya para saraduhan ang pinto.
Nag- half bath muna siya bago pumasok sa kwarto niya.
Hindi niya maiwasang isipin ang ama nilang si Mang Adonis. Okay lang kaya ito? Nakakakain ba ito ng maayos? Iniinom ba nito ang gamot niya?
Isang butil ng luha ang kumawala sa mata niya. Kung pwede lamang niyang ibalik ang lahat sa umpisa ay ginawa na niya.
Pero hindi eh. Sa ngayon, wala na siyang ibang aasahan kundi ang milagrong maaaring mangyari sa buhay nila.
Naniniwala siyang may milagro. Balang-araw ay magkakaroon din ng hustisya para sa kanyang ama.
“HER vitals is okay. Pati din ang batang nasa tiyan niya. Hintayin niyo na lamang siyang magising.” Tumango lang siya sa doktor.
Paglabas nito ay saka lang siya tumayo at lumipat ng upo sa gilid ni Aemy.
It's been two days since she was confined pero hindi pa din ito nagigising. Umangat ang kamay niya saka ipinatong iyon sa tiyan ni Aemy.
Baby... Magkakaanak na sila ni Aemy. Tama lamang na pakasalan na niya ito. After a months, magiging daddy na siya.
Biglang sumagi sa isipan niya ang mukha nang anak ni Adonis Santanino. He doesn't know her name yet. Basta ang alam lang niya, pamilyar sa kanya ang babae.
Saan niya ba ito nakita?
Napailing siya at lihim na pinagalitan ang sarili. Seriously, Rhum? Iniisip mo ang ibang babae samantala nasa harapan mo lamang ang girlfriend mo?
He sighed. Akmang tatayo na sana siya ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok mula doon ang mommy ni Aemy tapos ang mommy niya. Base sa mukha ng Tita Arian niya ay galit na galit ito.
Napatingin naman siya sa mommy niya. Bakas ang pagkainis sa mukha nito. Hindi niya alam kung bakit.
“Mom...Tita Arian...” Tawag niya sa mga ito. Hindi siya pinansin ng mommy niya. Tumalikod lamang ito at muling lumabas ng pinto.
Nagtaka naman siya. What's going on? Bakit ganun umasta ang mommy niya?
“Excuse me po, Tita...”
Hindi na niya hinintay ang sagot nito at lumabas na ng silid ni Aemy para sundan ang mommy niya. Naabutan niya naman itong papalabas na nang hospital.
Tinawag niya ito. “Mom, wait!”
Lakad-takbo ang ginawa ni Rhum hanggang sa maabutan niya ito. Huminto naman ito at seryosong tumingin sa kanya.
“Mom, wha---”
“I'm very disappointed, son.” Putol nito sa sasabihin niya. Nagsalubong bigla ang kilay niya. Disappointed? For what?
“Disappointed saan?” He asked her. She just rolled her eyes at muling nagpatuloy sa paglalakad.
“Mom! Can you please explain to me what's going on? Bakit galit na galit si Tita Arian? Ano po bang nangyari?” Tanong niya ulit.
“I'll explain it to you later. Alis na ako. Bye!” Hindi na niya napigilan ang mommy niya hanggang sa makasakay ito sa kotse.
Napakamot naman siya sa ulo. Hay...
PANAY ang punas ni Ahrin sa mga luhang kumakawala sa mga mata niya. Kanina pa siya iyak ng iyak. Sino ba naman ang hindi maiiyak? Niyurakan lang naman ni Mrs. Falcon ang buong pagkatao niya. Isiniwalat pa nito sa lahat ng customers nila kung gaano 'raw' kasama ang kanyang ama.
Hindi niya naman kasi inaasahan na magtatagpo ang landas nila ng ginang. Hindi niya alam na ganun pala itong pagkatao. Mapangmata sa kapwa.
Pero ang hindi niya lubos na matanggap ay ang pagtawag nitong kriminal sa kanyang ama.
Ganun din ang tawag ng isang Rhumroz Fontabelli sa ama niya. Pagak siyang napatawa. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa mga ito? Makapangyarihan ang mga taong iyon at mayaman. Wala silang pakialam kung lantaran man silang makasakit ng tao o hindi.
Agad siyang naghilamos ng mukha. Napatingin pa siya sa repleksiyon niya sa salamin.
“Bakit ba ang malas ng buhay ko? Wala na bang pwedeng mangyaring maganda sa buhay namin?” Puno ng hinanakit niyang tanong sa sarili.
Napaluha na naman siya. Hay... Siguro ganito na talaga ang kapalaran nila. Ang maghirap ng maghirap.
Maya-maya ay narinig niyang may kumatok sa pinto. Agad niyang inayos ang sarili.
“Sandali lang!” Sinara niya ang gripo at pinunasan ang kamay niya. Inayos niya din ang medyo nagusot niyang uniporme dahil sa nangyari kanina.
“Rin?” Tawag ni Morisse sa kanya mula sa labas ng cr. Pinihit niya pabukas ang pinto saka siya lumabas.
Kitang-kita niya ang awa sa mga mata ni Morisse. Tahimik siyang napabuntong-hininga. Hindi niya kailangan ang awa sa oras na yun. Hustisya. Hustisya para sa kanyang ama ang kailangan niya.
“Pasensiya na kung natagalan ako. Napuwing kasi ako kanina,” Agarang sagot niya dito. “Teka, marami pa bang customers sa labas? Kailangan na ba ako? Halika na. Punta na tayo doon.”
Balak niya sana itong lampasan pero nahawakan nito ang braso niya.
Napaiwas ng tingin si Ahrin. Alam niyang kanina pa siya minamanmanan ni Morisse. Pilit nitong hinuhuli ang mata niya.
“Risse...” Mahinang suway niya sa kaibigan. Ngumiti pa siya.
Umiling-iling ito. “Rin. Hindi mo naman kailangan magpanggap na okay ka lang eh! Hindi mo kailangang ipakita sa ibang tao na masaya ka kahit alam mo sa sarili mong mayroon...” Ani nito sa kanya.
Unti-unting nawala ang ngiti niya. Sunod niyon ay ang pagtulo na naman ng mga luha niya. “Risse...”
Hindi na siya nakaimik pa dahil agad siya nitong niyakap. Sa totoo lang hindi na niya alam kung anong gagawin niya. Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang unahin.
Kagabi isinugod si Aivan sa Helium hospital dahil sobrang taas ng lagnat nito. Ang findings ng doctor, may dengue daw ito.
Tapos, dalawang araw na siyang hindi nakakadalaw sa ama niya. Hindi niya alam kung okay lang ba ito o ano. Sobra siyang nag-aalala para dito.
Hindi sapat ang makukuha niyang sweldo bukas ng hapon. Kaya naman nababahala siya sa bayarin sa hospital.
“Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, Risse... Hindi ko na alam...” Napahagulhol siyang muli. Humigpit naman ang yakap nito sa kanya. Naramdaman niya din ang paghaplos nito sa likod niya.
“Sshh...Tama na...”
Mas lalo pa siyang napahagulhol. “Nag-aalala na ako kay Aivan. Hindi ko alam kung kailan siya makakalabas sa hospital. Hindi ko din alam kung saan ako kukuha ng ipapambayad. Nababaliw na ako sa kakaisip!”
Hinagod nito ang likod niya. “Shh... Tama na, girl. Huwag ka nang umiyak. Tutulungan kita. Ako na ang bahala sa ipapambayad sa hospital...” Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. “Ang kailangan mong intindihin ay si Aivan at si Uncle Adonis. Yung ipapambayad sa hospital, madaling mahanapan yan ng paraan.” Pagpapalakas nito sa loob niya.
Napangiti siya kay Morisse. “Maraming salamat, huh? Kasi hindi ka nagsasawang tulungan kami. Palagi kang nandiyan sa tabi ko... Maraming salamat talaga.”
Hinawakan nito ang kamay niya. “Ano ka ba? Eh ano pang saysay ng pagkakaibigan natin kung hindi rin tayo magtutulungan di ba? At isa pa, naaawa ako kay Aivan. Napakabata pa niya para makaranas ng ganitong klaseng paghihirap...” Paliwanag nito sa kanya.
Napayuko si Ahrin. Yun din ang iniisip niya. Kaya gagawin niya ang lahat para sa kapatid niya at para makalaya ang ama nila.
“Umaasa ako na iaatras ng mga Falcon ang kaso laban kay Itay. Wala silang ebidensiya na ang tatay ko talaga ang sumaksak sa anak nila.” Ani niya sa kaibigan. Nakaramdam siya ng inis ng maalala ang mukha nung lalaking sumapak sa ama niya. “Isa pa yang Fontabelli 'yan! Hindi niya ako masisindak. Kung noon naisip kong magmakaawa para lamang palayain nila si Itay, ngayon, hindi ko gagawin yun...”
Napaigtad siya ng sikuhin siya ni Morisse sa tagiliran. “Tapang mo ah! Parang hindi ka ngawa ng ngawa kanina diyan...”
Napanguso naman siya. “Ehh... Panira ka ng moment. Basta. Hindi ako magpapatalo sa Fontabelli na yan! Kahit magsama pa sila nung Mrs. Falcon na iyon. Pareho lang sila...”
Natawa naman si Morisse sa sinabi niya.
Lumabas na sila at bumalik na sa main place ng Yhumz. Kailangan niyang pagbutihin ang trabaho niya. Para kay Aivan at sa tatay nila.
Ramdam na ramdam ni Ahrin ang mga titig ng katrabaho niya sa kanya. Sigurado siyang na-brainwash na ni Mrs. Falcon ang  utak ng mga ito. Ganun naman kasi ang ibang tao. Hindi porket nakarinig sila ng balita, magpapaniwala na agad sila.
Hindi muna nila inaalam kung ano ang totoo. They can easily judge someone else without knowing what's really happened. Madali silang mamanipula ng ibang tao.
Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas!
Napatigil siya ng makitang lumapit sa kanila ang manager nila. Kinabahan siya bigla. Pero hindi niya ipinahalata dito.
Bagkus ay sinalubong niya pa ito ng isang matamis na ngiti. “Good afternoon po, Madam...”
Tumango naman ito bago magsalita. “Can I talk to you, Ahrin?”
Mas lalo siyang kinabahan. Pakiramdam niya ay may kinalaman ang pag-uusapan nila sa nangyaring eskandalo kanina. Hindi niya naman inaasahan iyon. Hindi niya din alam na gagawin iyon ni Mrs. Falcon sa kanya.
Ang ipahiya at ipamukha sa ibang tao na anak siya ng isang kriminal.
“Y-Yes po, M-Madam...”
Nang tumalikod ito ay tahimik siyang sumunod dito. Clues less siya kung tungkol saan ang pag-uusapan nila pero pakiramdam niya ay isang masamang balita ang malalaman niya.
Pumasok sila sa opisina nito. Sumunod naman siya. Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa makaupo ito sa upuan nito. Siya naman ay nanatiling nakatayo sa gitna ng opisina nito.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Ms. Santanino... Alam kong isa kang mabuting trabahante pero...”
Nag-angat siya ng tingin sa manager nila. Hinintay niya ang sunod na sasabihin nito. Todo ang panalangin niya na sana, maganda ang sasabihin nito sa kanya.
“I'm sorry, Ahrin... Pero tinatanggal na kita sa trabaho...”
Tila bombang sumabog sa isipan niya ang sinabi nito. Siya? Tanggal na sa trabaho? Bakit? May nagawa ba siyang masama? Naging mabuti naman siya sa trabaho niya ah?
“I'm sorry. Makakaalis ka na...” Dagdag pa nito.

Book Comment (26)

  • avatar
    R-j Macanang Pascual

    impressive

    09/07/2024

      0
  • avatar
    SarraJunkense

    hello

    09/07/2024

      0
  • avatar
    UdascoRazel

    i dont know

    13/06/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters