logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter Four

“WHERE'S AEMY?!”
Umalingaw-ngaw ang malakas na boses ni Rhum sa lobby ng Helium hospital. Wala sa sariling napasugod siya sa hospital ng maka-received ng tawag mula sa mga pulis.
Nalaman niya mula sa mga ito ang nangyari sa girlfriend niyang si Aemy. Natagpuan itong duguan at walang malay sa tabi ng kalsada. Subalit hindi ito nag-iisa. May kasama itong matandang lalaki na may hawak na kutsilyo sa kanang kamay nito.
Ayon sa mga pulis, ito marahil ang suspek sa pagkasaksak ng girlfriend niyang si Aemy.
Napuno ng galit ang puso niya. Hindi niya mapapatawad ang taong gumawa nito sa kasintahan.
Tinanong niya sa receptionist ang number ng room ni Aemy. Agad niya itong tinungo. Saktong pagdating niya ay lumabas naman mula sa room na iyon ang doctor na sumuri sa girlfriend niya. Nakita niya din ang Tita Arian niya at Tito Emilio niya, ang mga magulang ni Aemy.
Iyak ng iyak ang Tita Arian niya at inaalo naman ito ng Tito niya.
Nilapitan ni Rhum ang doctor. “How's my girlfriend, Doc? Ligtas na ba siya?” Kinakabahan niyang tanong sa doctor na nasa harapan niya.
Hinubad nito ang mask na suot at humarap sa kanilang lahat.
“Ligtas na ang pasyente. Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kinailangan namin siyang salinan ng dugo. Good to know na common ang type ng dugo niya kaya madali naming nahanap agad. But, she's still unconscious.”
Doon lamang ni Rhum pinakawalan ang hanging inipon niya sa dibdib niya. Thanks God!
“And I want you all to know that...the patient is four weeks pregnant. Congratulations!”
Hindi siya agad nakagalaw sa kinatatayuan. Naramdaman niya pa ang pagbaling sa kanya ng mga magulang ni Aemy. He can't believe it. Aminado siyang may nangyari na sa kanila ni Aemy pero hindi siya makapaniwala na mabubuntis ito.
How? He always used protection. Alam din ni Rhum kung gaano kaayaw ni Aemy na mabuntis lalo na at may career itong pinangangalagaan.
“S-She's p-pregnant...?” Halos pabulong na tanong niya sa doctor. Sasagot na sana ito nang biglang umigkas ang kamao ng ama ni Aemy sa kanyang mukha.
Nanlaki bigla ang mata niya. What the heck?!
“How dare you to asked him like that na para bang hindi ka sigurado na ikaw ang nakabuntis sa anak ko?! How dare you, Rhumroz Fontabelli?!” Galit nitong singhal sa kanya.
Napahawak siya sa gilid ng labi niya ng malasahan ang dugo mula roon. Pagak siyang napatawa.
“Wala po akong alam sa sinasabi mo, Tito Emilio. There's a big possibility that I am the father of her unborn child. Wala po akong itinatanggi. I'll take the responsibility for her and the baby... You don't have to punch me.” Seryoso niyang sabi sa ama ni Aemy.
Hindi ito nakaimik. Nang walang marinig na sagot mula sa mga ito ay pumasok na siya sa loob. Maraming katanungan ang naglalaro sa isipan niya. Pero isinantabi niya muna ang lahat ng iyon. Si Aemy muna ang dapat niyang isipin sa ngayon.
Lumamlam ang mata niya ng makita ang kalagayan ng kasintahan. She looks pale. May pasa din ito sa kaliwang pisngi.
Dahan-dahang naupo si Rhum sa upuang nasa gilid ng higaan nito. Kinuha niya ang kamay nito at hinalikan.
“I'm sorry, babe... Please wake up na... Although hindi ko alam kung matutuwa ka ba o magagalit once na malaman mong may isang buhay na nabubuo sa loob ng tiyan mo. I know how much you love your modelling career. But you can't get rid of the baby, right? You will choose him over your career, right?”
Umangat ang kamay niya patungong pisngi nito. Hinaplos niya iyon. “I hope you'll be happy to know about him...”
“ATE RIN! ATE RIN!”
Sigaw ng humahangos na si Pektra papasok ng bahay nila. Pilit niyang nilalabanan ang antok dahil magdamag na naghintay siya hanggang makauwi ang ama nilang si Mang Adonis.
“Bakit?” Takang tanong niya kay Pektra. Nangunot ang noo niya ng makitang namumutla ito. “Anong nangyari?”
Hindi agad ito nagsalita. Nakita niyang nanginginig ang dalawang kamay nito at nangangatal ang bibig. “Pektra?”
“Eh, kasi ate...ano kasi...” Utal nitong sabi sa kanya. Mas lalong nangunot ang noo niya.
“Ano? May nangyari bang masama? Si Aivan? Nasaan si Aivan?” Pagkuwan ay tanong niya dito.
“Hindi po si Aivan, ate...”
Nagataka naman siya. “Eh, sino?”
Nangilid ang luha sa mga mata ni Pektra na labis niyang ipinagtaka. “Ate Rin... Si Mang Adonis kasi----”
“Nasaan si Itay? Nakita mo ba siya? Nasaan siya?” Sunod-sunod niyang tanong kay Pektra. Napayuko ito saka suminghot-singhot.
“Ate Rin... Nasa tv po si Mang Adonis. Nasa balita po siya nga------”
Hindi niya na pinatapos ang sasabihin nito. Agad siyang nagtungo sa bahay nila Pektra upang panuorin ang balita. At totoo nga. Nakita niya sa tv ang ama na napapalibutan ng apat na pulis.
Nakayuko lamang ito na parang walang kalaban-laban. Marami ding reporter at camera man ang sumusunod sa mga ito.
Nagtaka siya sa nakita. Anong nangyari? Bakit nasa presinto ang ama nila?
Nahigit ni Ahrin ang hininga ng makitang nakaposas ang magkabilang kamay ng kanilang ama.
“Tay...” Wala sa sariling tawag niya sa ama.
Natuon ang atensiyon niya sa headline na nakasulat sa screen ng tv.
' ADONIS SANTANINO GOT ARRESTED EARLIER FOR PLANNING TO KILL THE ONLY HEIRESS OF FALCON'S FAMILY - AEMY FALCON, THE FAMOUS INTERNATIONAL MODEL. '
Natutop niya ang bibig. Hindi! Mabuting tao ang ama niya. Hindi nito magagawang pumatay. Hindi! Hindi! Nagkakamali lamang ang mga ito. Hindi yun magagawa ng kanilang ama...
Nanghihinang napaupo si Ahrin. Buti nalang at agad siyang naalalayan ni Pektra.
Bumuhos ang mga luha niya. Anong gagawin niya ngayon? Makapangyarihan ang mga Falcon. Mayaman ang mga ito at wala silang laban dito.
Alam niyang hindi 'yun magagawa ng ama nila. Mabuting tao ito. Mahirap lamang sila pero kilala niya ang ama niya. Hindi nito gawain ang manakit ng kapwa.
“Ate---- Hala! Ba't ka na naman naiyak, ate?” Inosenteng tanong ni Aivan sa kanya. Nakita niyang natuon ang atensiyon ng kapatid sa tv. Nangunot ang noo nito. Nagsalubong ang mga kilay.
“Hala, ate! Bakit nasa tv si Itay? Artista na ba siya? Wow!” Masayang sigaw nito. Tumalon-talon pa.
Mas lalong napaiyak si Ahrin. Napakainosente ng kapatid at walang kaalam-alam sa totoong nangyayari.
Pinunasan niya ang luha at tumayo na. Ramdam niya ang panginginig ng tuhod niya pero hindi niya yun pinansin.
Kailangan niyang puntahan ang ama nila sa presinto. Kung kailangan niyang magmakaawa kapalit lamang ng kalayaan ng ama ay gagawin niya.
Kahit kapalit pa nito ay ang sarili niyang kalayaan.
Naiiyak na naman siya. Hindi pwedeng magtagal sa lugar na iyon ang kanilang ama. May sakit ito! At kailangan nitong uminom ng gamot.
Lumapit siya sa nakangiting si Aivan. Naaawa siya sa kapatid. Buong paniniwala nito ay sikat na ama nila kaya ito nasa tv.
“Beh...”
Napalingon ito sa kanya. “Po?”
“Dito ka lang muna kay Ate Pektra mo, huh? May pupuntahan lang akong importante. Madali lang ako doon. Okay ba?” Paliwanag niya kay Aivan.
Nang tumango ito ay mabilis niyang nilisan ang bahay nila Pektra. Bumalik lang siya sa bahay nila para i-lock ang pinto at patakbong nilakad ang daan patungong liwasan. Pagdating sa liwasan ay agad din siyang pumara ng jeep papuntang presinto.
Kailangan niyang makita ang ama. Naniniwala siyang hindi magagawa ng ama ang manakit ng ibang tao. Alam niya iyon. Kasi buong buhay nila ay hindi sila nito nagawang pagbuhatan ng kamay.
“ADONIS SANTANINO?”
Pag-uulit ni Rhum sa pangalan ng kinikilalang suspek sa nangyari sa girlfriend niyang si Aemy.
Nasa presinto siya ngayon kasama si Kiam. Nang mabalitaan niyang naaresto na ang taong sumaksak kay Aemy ay agad siyang nagtungo ng presinto.
“Mr. Fontabelli...” Tawag sa kanya ng isang pulis nang makita sila nito. Seryoso siyang tumango dito at hinanap ang taong sumaksak sa girlfriend niya.
“Wala po akong kasalanan, Sir! Napagbintangan lamang ako. Pakiusap po! Pauwiin niyo na ako sa amin... Wala po akong kasalanan!”
Mula sa likuran nila ay nakita niya ang isang matandang lalaki. Nagmamakaawa itong pauwiin na habang hila-hila sa braso ng dalawang pulis.
“Mr. Fontabelli. Siya po ang tinutukoy naming suspek sa pagkasaksak ni Ms. Falcon.” Ani ng isang pulis sa kanya.
Hindi niya na napigilan ang sarili. Sinuntok niya ito sa mukha at sinikmurahan. Nasa ganung akto sila ng biglang may sumigaw mula sa kanilang likuran.
“Tay!” Napatigil siya sa gagawing pagsuntok sa matanda at marahas na lumingon sa kanilang likuran.
Doon niya nakita ang isang magandang babae. Mahaba ang buhok nito, maputi, makinis ang balat at halatang mahirap lamang. Parang pamilyar sa kanya ang babae pero hindi niya matandaan kung saan niya ba ito nakita.
Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa daluhan nito ang matandang binugbog niya kani-kanina lang.
“Tay! Ayos lang po ba kayo? May masakit ba sa inyo? Nagugutom po ba kayo? Ano po? Tay...” Niyakap nito ang matanda.
Hindi siya tanga para hindi maintindihan na mag-ama ang dalawa. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit nakaramdam siya ng pagsisisi sa kanyang ginawang pagsuntok dito kanina.
“Ayos lang a-ako, anak... B-bakit ka ba n-na-nandito? Si A-aivan?”
Hindi ito sumagot bagkus ay tumayo at humarap sa kanya.
As her both ash gray eyes looks directly into his eyes, hindi siya agad nakapagsalita.
“Look, mister... Hindi mo kailangang saktan ang tatay ko dahil lamang sa nakagawa siya ng kasalanang hindi niya naman ginawa.” May diin na sabi nito sa kanya.
Pagak siyang napatawa. “Seriously? Kasalanang hindi niya ginawa? Is that even possible? It's clear that he hurts my girlfriend through stabbing her. Tapos ngayon sasabihin mong hindi kriminal ang ama mo?” Mapanghamon niyang sagot sa dalaga.
Hindi niya namalayan ang mabilis na pag-igkas ng palad nito sa pisngi niya. Narinig niya pa ang pagsipol ni Kiam sa tabi niya.
“For your information, hindi kriminal ang ama ko! Huwag na huwag mo siyang tatawaging kriminal dahil hindi mo siya kilala...” Madiin nitong sigaw sa kanya.
Nakita niya ang pagtulo ng luha sa mga mata nito.
“Tapos na ang 30 minutes. Kailangan na naming ipasok si Mr. Santanino sa loob ng rehas.”
Hindi si Rhum gumalaw sa kinatatayuan. Pinagmasdan niya lamang ang mag-ama habang nagyayakapan. Nakaramdam siya ng pagkaawa pero napapalitan iyon ng galit sa tuwing naaalala ang girlfriend niyang si Aemy.
“Anak...”
“Tay! Ano po bang nangyari? Bakit ka makukulong? Tay...” Bakas ang pagmamakaawa sa tinig nito.
Naramdaman niya ang pagtapik ni Kiam sa balikat niya. “Are you sure you really have to put the old man behind the bar? Hindi ka ba naaawa s---”
“Will you please shut up, Kiam? You're not helping.” Suway niya sa kaibigan. Manahimik naman ito.
“I'm sorry, Miss Santanino. Pero kailangan na namin siyang ipasok sa selda.” Ani ng pulis sa babae.
Wala itong nagawa kundi ang titigan ang mga ito hanggang sa makaliko sa isang pasilyo.
Napabuntong-hininga ng malalim si Rhum. He's doing this because of Aemy. Hindi niya naman kasi pwedeng pabayaan lang ang nangyari sa girlfriend niya.
“Masaya na ba kayo?”
Kumunot ang noo niya. Ano raw?
“What are you talking about?” He asked her, clues less.
Dahan-dahan itong lumingon sa kanila. Wala ng bakas ng luha sa mga mata nito. Pero halatang umiyak ito dahil sa pamamaga ng dalawang mata. Sinalubong niya ang mga mata nito. At wala siyang ibang nabasa mula doon kundi galit at pagkalungkot.
“Ano? Masaya ka na ba?! Nasa loob na ng kulungan ang ama ko. Sapat na ba yun sayo?” Ani nito.
Napangisi siya. He doesn't know why he likes it when she's mad. It makes her more beautiful. Pagkuwan ay napatigil siya at lihim na kinastigo ang sarili.
What? Did he really say that? What the f**k?!
Humakbang ito papalapit sa kanya at huminto sa kanyang harapan.
“Wala akong pakialam kung mayaman kang tao. Ito ang tatandaan mo, sa oras na mapatunayan kong walang ginawang masama ang ama ko, hindi kita tatantanan!” Singhal nito sa kanya.
He smirked. “Paano mo mapapatuyan? Look at yourself! Mukhang mas mahirap pa kayo sa daga. At tungkol naman sa pagpapakulong ko sa iyong ama, dapat lang yun sa kanya. Kasi muntik na niyang mapatay ang taong mahal ko...” Sagot niya sa dalaga.
Pagak itong natawa. “Hindi sapat ang ebidensiyang ipinakita ng mga pulis sa inyo. Kaya huwag kang magmayabang.”
Pagkasabi nun ay nilampasan sila nito. Nagsalita naman si Kiam.
“Let's go?”
Tumango lang siya.

Book Comment (26)

  • avatar
    R-j Macanang Pascual

    impressive

    09/07/2024

      0
  • avatar
    SarraJunkense

    hello

    09/07/2024

      0
  • avatar
    UdascoRazel

    i dont know

    13/06/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters