“WHAT?! You just travel there in Paris without telling me?” Hindi makapaniwalang tanong ni Rhum kay Aemy. Kaya pala hindi nito sinasagot ang tawag niya kanina dahil nasa flight ito papuntang Paris. Honestly, naiinis siya. Pakiramdam niya kasi wala na itong pakialam kung mag-alala man siya o mabaliw sa kakahanap dito. Idagdag pa ang nalaman niyang kasama nito ang isa ring modelo na si Gab Houston, katrabaho din nito. “I'm really sorry, Rhum. On the spot ang nangyari kaya hindi ko na nagawang magpaalam sayo kanina. And I know that you're so busy kaya hindi nalang kita inistorbo...” Paliwanag nito. Hindi siya umimik. He sighed. Hindi niya alam kung maiinis o matutuwa siya sa paliwanag nito. “Bye, Babe. See you next week...” With that, she hang up the call. Mas lalo siyang nainis. Noon pa man ay nawawalan na ito ng oras sa kanya pagdating sa career nito. Pero pilit niya itong iniintindi. Sometimes he thought that maybe she loves her career more than she loves him. Kapag kasi ang modelling career nito ang pag-uusapan, minsan ay nag-aaway pa sila. As always, si Aemy ang laging magtatampo at magpapasuyo. Naiinis niyang inilapag ang cellphone sa table niya saka pinaikot ang swivel chair na inuupuan niya. Akmang ipipikit niya ang kanyang mga mata ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya ito, si Brandon ang caller. Ano kayang kailangan nito sa kanya? He pressed the answers button. “What's up, Brad?” He asked him. “Hey, bro! Nabili ko na pala ang pinapabili mo...” Sagot nito. Tila nabuhayan siya ng loob sa narinig. “Really?! How much did you buy it?” Tanong niya ulit. “It cost 30 thousands, bro. It's very expensive!” Pagmamalaki pa nito. Napangisi siya sa narinig. He hopes Aemy will like it. “By the way, thank you, Brad! I already send the money to your bank account earlier. Thanks again.” Pagkatapos nilang mag-usap ni Brandon ay muli niyang isinandal ang likod sa swivel chair niya. Pakiramdam ni Rhum ay medyo nabawasan ang inis niya ng kahit konti because of the good news from his friend, Brandon. Noon pa man ay gusto niya na talagang pakasalan si Aemy. He loves her so much. Kaya naman magpo- propose na siya next week dito. Four years of waiting. And it's already enough. Worth it to wait kasi mahal naman siya ni Aemy. Napangiti si Rhum at tiningnan ang picture frame na nasa ibabaw ng kanyang table. Iyon ang una nilang picture ni Aemy bilang magkasintahan noon. Hinaplos niya ang picture gamit ang hintuturo niya. “I can't wait to marry you, babe... I love you.” NAPABANGON si Ahrin nang marinig ang sunod-sunod na ubo ng kanyang amang si Mang Adonis. Agad siyang lumabas ng silid niya upang daluhan ang ama. Nakita niya itong nakaupo sa higaan habang iniihit ng ubo. Hinaplos niya ang likod nito. “Tay...” Nagpatuloy siya sa paghaplos ng likod nito. Nang tumigil ito sa pag-ubo ay umayos siya ng upo saka ito tinabihan. “Ayos na ako, anak. Pasensiya na kung naistorbo ko ang tulog mo...” Hinging-paumanhin nito sa kanya. Isang pilit na ngiti ang itinugon niya. “Ano ka ba, Tay? Ayos lang noh! Magmamadaling- araw na nga eh...” Napayuko ito. Binalot sila ng katahimikan. Pero panandalian lamang dahil muli na naman itong inihit ng ubo. Tumayo si Ahrin upang ikuha ang ama ng tubig sa kusina. Pagbalik niya ay muli niya itong tinabihan. “Naisip ko pong ipasyal si Aivan sa isang malapit na pasyalan doon sa liwasan, Tay. Day-off naman po namin ngayon kaya okay lang. Gusto mo po bang sumama?” Kumbinsi niya sa ama. “Matagal-tagal na din po kasi mula noong mamasyal tayong magkakasama...noong nabubuhay pa si Inay.” Tila may kung anong bumara sa lalamunan niya ng banggitin ang kanyang ina. Napatingin siya kay Mang Adonis ng tumawa ito. Tawa na may halong kalungkutan. “Oo nga noh? Naalala ko noon na lagi tayong pumupunta sa SM. Tapos ibibili ka niya ng dalawang pares ng damit na bago. Palagi ka kasing naiinggit sa mga anak ni Mrs. Lopez noon. Gusto mo may damit ka ding naipagmamalaki sa mga kalaro mo.” Natawa bigla si Ahrin. Oo. Naalala niya nga ang mga kaganapang iyon. Ang masasayang alaala na kasama ang kanilang ina. Kaya nga sa tuwing nakikita niya si Aivan, napupuno ng kalungkutan ang puso niya. Naaawa siya sa kapatid. Hindi man lamang nito naranasan ang pagmamahal ng isang ina. Mula kasi ng ipanganak ito ay siya na ang tumayong ina ni Aivan. Kaya ginagawa niya ang lahat para dito. Kung pwede niya lang gawin ang lahat ay gagawin niya. Mahirap lang sila pero hangad niya ang kabutihan ni Aivan at ng kanyang ama. Naniniwala siya na balang-araw, may milagro ding magaganap sa buhay nila. Mabilis na lumipas ang oras. Naligo na siya at nagbihis ng simpleng damit. Isang black t-shirt na pinarisan niya ng isang kupas na maong short. Inilugay niya lang ang mahaba niyang buhok. Pagkatapos ay si Aivan naman ang pinaliguan niya. Tuwang-tuwa ito ng malaman na mamasyal silang dalawa doon sa liwasan. Pinagsuot niya ito ng isang pares ng damit na binili niya pa noong nakaraang buwan. Hindi sasama si Mang Adonis dahil medyo masama pa ang pakiramdam nito. Naisip niya na bilihan na lamang ang ama ng gamot nito sa isang pharmacy. “Tapos na po akong mag- toothbrush, ate. Tara na po! Yey!” Masiglang sabi ni Aivan habang tumatalon-talon pa. Napapailing na napatawa na lamang si Ahrin dahil sa inaakto nito. Excited masyado. Bago sila umalis ay binilinan muna ni Ahrin ang ama ng pagkaing makakain nito. Baka kasi hapon na sila makauwi. Lalo na at gusto niyang sulitin ang pamamasyal nila ng kapatid na si Aivan. “Alis na po kami, Tay... Ingat po kayo dito huh? Uminom ka din po ng gamot pagkatapos kumain.” Pahabol na bilin niya sa ama bago sila lumabas ng bahay. Naglakad lamang sila patungong liwasan. Mamaya na lamang sila sasakay ng tricycle pag-uwi nila. “Ate, bili mo po ako ng cotton candy mamaya huh? Hindi pa po kasi ako nakakain nun eh. Yung classmate ko kasi palaging nabili nun.” Ani nito sa kanya. Biglang nanubig ang mata niya sa narinig. Hindi niya alam na gusto pala nitong makakain ng simpleng cotton candy. “Yes, beh. Pagdating natin mamaya sa liwasan, ibibili ka ni Ate ng maraming cotton candy. Iba-iba ang kulay! Gusto mo ba yun?” Kumbinsi niya sa kapatid. Umaliwalas naman ang mukha nito. “Opo! Opo! Yey!” Napangiti si Ahrin. Hinila niya si Aivan papalapit sa kanya at niyakap ito. She will do everything just to make her brother happy. Kuntento na siya kung anong mayroon siya ngayon. Wala na din siyang mahihiling pa. “GOOD MORNING, Lolo Grandpa.” Bati niya sa Lolo niya. Ngumiti ito ng malapad ng makita siya. “How are you?” “I'm glad to see you, apo. Your Lolo Grandpa missed you so much!” Niyakap siya nito ng mahigpit. “I miss you din po, Lolo Grandpa.” Gumanti din siya ng yakap dito. Siya na ang nagtulak sa wheelchair ng lolo niya. Nagtungo sila sa dining room. Kailangan na kasing mag-almusal ng lolo niya. Umupo na din si Rhum kaharap nito. Masaya nilang pinagsaluhan ang almusal na inihain ni Manang Caridad, ang mayordoma ng pamilyang Fontabelli. Natigil sa pagkain si Rhum ng marinig na nagsalita ang lolo niya. “So, how's your relationship with Emilio Falcon's daughter? Kailan kayo nagpaplanong magpakasal?” Usisa nito sa kanya. Hindi na siya nagulat sa tanong ng lolo niya. Just like her mother, excited din itong magkaroon ng apo sa tuhod. Pinunasan niya ang bibig niya bago sagutin ang matanda. “Well, maayos naman po ang relasyon namin ni Aemy. Minsan hindi naman maiwasang magkatampuhan. But still, okay naman. We can handle it.” He said. “At yung tungkol naman sa pagpapakasal, I'm planning to propose to her next week when she comes back here. Nasa Paris pa kasi siya ngayon.” Napakunot naman ang noo ng lolo niya. “She's still accepting contract from some modelling industry? Akala ko ba last na yung sa France?” Nagtatakang tanong nito. Nagkibit-balikat lamang siya. “I can't control her personal life, Lolo Grandpa. I want her to do what she want to do in her life. I give her a chance to experience the freedom she wants for herself...” Seryosong sagot niya sa lolo niya. Nagpatuloy sila sa pagkain. Nagsalin siya ng tubig sa baso at akmang iinumin na sana niya ito ng magsalita ang lolo niya. “You let her do what she really wants in her life? Paano kung gusto niya palang makipagkalas sayo? Hahayaan mo ba siya?” Tila nanghahamong tanong nito. Napaisip siya. Will he set her free? “Of course... Hindi ko siya pipigilan kung yun talaga ang gusto niya. Kasi mahirap panatilihin sa tabi natin ang isang tao kung talagang ayaw na talaga nila sa atin. All we need to do is to accept it.” Paliwanag niya. Nakita niyang napangiti ang lolo niya. Tipid lamang siyang ngumiti at uminom na ng tubig. Pero sa loob-loob niya, nanatili ang katanungang iyon. Kung sakaling dumating ang araw na iyon, papakawalan niya ba si Aemy? Lihim siyang napabuntong-hininga. Hindi niya rin alam. “WOW...” Hindi makapaniwalang sambit ni Aivan habang nakatingin sa tatlong malalaking Christmas tree. Dumidilim na kaya unti-unti ng nagkakaroon ng iba't-ibang kulay ang buong park. Malapit na kasing mag-pasko. Kaya naman maraming Christmas decorations ang park na makikita sa liwasan ng Maaliwalas Street. Hinigit niya ang kapatid at sabay nilang tiningnan ang pagkislapan ng iba't-ibang ilaw sa buong paligid. Napakaganda. Sayang at hindi man lamang nila naisama ang ama. Masaya sana kung sabay-sabay nilang masasaksihan ang napakagandang lugar na iyon. “Maggagabi na, beh. Uwi na tayo?” Tiningala siya ni Aivan. Nang tumango ito ay agad silang pumara ng tricycle. Dumaan na din sila sa pharmacy para maibili ng gamot ang kanilang ama. Hindi alam ni Ahrin pero bigla siyang kinabahan. Ang ama niya ang unang pumasok sa isip niya. Taimtim siyang nanalangin sa Panginoon. Huwag naman sana. Pagbaba nila ng tricycle ay patakbo niyang tinungo ang munting bahay nila. Nangunot ang noo niya ng makitang wala doon ang tricycle nila. Saan napunta yun? Nauna siyang pumasok sa loob at hinanap ang ama nila. Mas dumoble ang kaba niya ng makitang wala roon si Mang Adonis! Napuno ng samu't-saring katanungan ang kanyang isipan. Saan ito nagpunta? Bakit ito umalis? Kaya ba wala sa labas ang tricycle nito? Hindi niya alam. Nag-alala siya sa ama. May sakit pa ito at hindi pwedeng magpagod. Nanghihinang napaupo si Ahrin sa sahig ng bahay nila. Nilapitan naman siya ni Aivan. Bakas sa mukha nito ang kainosentihan. Halatang walang alam kung anong nangyayari. “Hala, ate! Bakit ka naiyak diyan?” Niyakap siya nito at pumantay sa kanya. Nang maisip ang posibleng dahilan kung bakit umalis ang kanilang ama ay napahagulhol na siya. Sigurado siyang umalis ang ama upang mamasahero. Kilala niya ang ama nila. Hindi ito pumapayag na manatili lamang sa bahay at maghintay ng milgarong mangyayari sa kanila. Ang katuwiran nito ay siya ang ama kaya siya dapat ang maghanap buhay para sa kanilang magkapatid. “Ate...” Pagpapatahan pa ni Aivan sa kanya. Tiningala niya ito saka mahigpit na niyakap. “Beh...” Patuloy siya sa paghagulhol. Malapit nang mag-gabi kaya mas lalo siyang nabahala sa ama. Lord, gabayan mo po ang tatay namin... Huwag mo po siyang papabayaan. “Tahan na, ate... Baka marinig ka ni Itay. Iyak ka ng iyak... Sige ka.” Pananakot pa nito sa kanya. Tipid lang siyang ngumiti sa kapatid saka ito muling niyakap. “I love you, beh... Mahal na mahal ko kayo ni Itay...” Hinalikan niya ang ulo nito. Sana maayos lang ang ama nila. Sana makauwi ito ng ligtas. Gabayaan niyo po siya... Pakiusap... Malapit nang maghating-gabi pero hindi pa din siya dinadalaw ng antok. Tiningnan niya si Aivan. Mahimbing na itong natutulog sa tabi niya. Kanina pa siya pabalik-balik sa labas ng bahay. Nagbabaka-sakaling dumating ang ama. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa din ito dumadating. Nasaan na ba ang ama nila? Ayos lang ba talaga ito? “Tay, naman eh... Nasaan na ba kayo?”
impressive
09/07/2024
0hello
09/07/2024
0i dont know
13/06/2024
0View All