logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

Nang gabing iyon ay maaga siyang nagbihis. Simpleng bestida lang na abot hanggang bukong-bukong ang haba. Alas otso ang usapan nila pero alas syete pa lang ay nakahanda na siya. Ayaw kasi niyang maghintay pa ang binata dahil tiyak na hindi ito makakaligtas sa mapanuring mga mata ni Mang Pedring. Sisindakin lang nito ang binata at ang rason ng ama ay kinikilatis lang nito ang mga manliligaw niya.
Tumanaw siya sa bintana para tignan kung parating na si Benjie. Maaga rin kasi ang binata sa takdang oras. Gusto niyang salubungin nalang ito kapag dumating para hindi na makita pa ng kanyang itay. Natigilan lang siya nang makita si Ben na pumapasok sa tarangkahan nila. Kaya nitong buksan iyon dahil naaabot naman ang lock nito mula sa labas. Ganoon din ito ka-at-home sa bahay nila. Bihis na bihis din ang binata. Bumagay rito ang suot na blue polo shirt at itim na pantalon. Nakaramdam siya ng hiya sa kaibigan ngunit tinatagan niya ang sarili upang mapakiharapan ito ng maayos. Ayaw niyang magmukhang tanga sa harapan nito. Maaaring alam nito ang damdamin niya pero hindi nito dapat malaman na patay na patay siya rito. Mas lalong wala siyang mukhang maihaharap sa lalaki kapag nangyari iyon. Ayaw na niyang mapahiya pa rito kaya taas noong nagkunwari siyang nagsusuklay nang pumasok ito sa loob. Hindi na kumatok ang kumag, palibhasa ay alam nitong always open ang bahay nila.
"Nakabihis ka, ah? Saan ang lakad natin?" malawak ang ngiting tanong nito na nagpakislot sa puso niya. Lihim naman niyang sinaway ang sarili at umaktong parang walang nangyari nang nakaraang gabi.
"May date ako kaya umuwi ka na," pagtataboy niya dito. Nakataas pa ang isang kilay at nagkunwaring balewala lang ito sa kanya. Nalukot naman ang mukha ng lalaki dahil sa sinabi niya.
"Sinong ka-date mo? Bakit hindi mo sinabing may boyfriend ka na?" sunod-sunod nitong tanong habang kunot na kunot ang noo. "Parang kagabi lang–"
"Prank nga lang kasi 'yong kagabi! Paniwalang-paniwala ka naman!" nakangising pagputol niya sa sinasabi nito. Kulang na lang ay palakpakan niya ang sarili sa galing niyang umarte sa harap nito. Sa totoo lang ay nanginginig na ang tuhod niya sa kaba habang kaharap ito pero nagagawa pa rin niyang magbiro. Pasimple siyang umupo sa upuang rattan nila para hindi halatang naaasiwa siya rito.
"Sino ba kasi 'yong lalaking 'yon?" giit nito na nakapamaywang na at salubong ang kilay.
"Bakit gusto mong malaman? Nagseselos ka ba?" biro niya rito habang piping nagdarasal na sana ay totoo nga iyon.
"Bakit naman ako magseselos? May ka-date rin naman ako. Dumaan lang ako para ibigay kila Tita at Tito 'tong pasalubong ko." Doon niya napansin ang plastic bag na hawak nito.
Hindi tuloy niya maiwasang magselos sa ka-date nito. Lalong bumigat ang pakiramdam niya nang maalala ang tagpong nakita niya kagabi. Pilit niyang iwinaksi iyon sa isip dahil baka maiyak siya sa harap ng kaibigan.
"Sino naman ang malas na babaeng 'yan?" nakasimangot niyang tanong. Hindi siya nagpahalata na kilala niya kung sino ito.
"Sino ba ang pinakamaganda sa lugar natin?" balik tanong nito. Gusto tuloy niyang dagukan ang lalaki. Ipinagdidiinan ang salitang maganda na parang hindi ito nagagandahan sa kanya.
"Ako malamang!" sambit niya habang malapad ang pagkakangiti.
"Bakit? Jowa ba kita?" nakangising panunukso rin nito. 'Aray naman!' lihim niyang sambit sa sarili. Tagos na tagos sa puso niya ang panonopla nito.
"Ang sabi mo kasi, pinakamaganda rito!" nakaingos niyang pambawi bago ito itinulak ng tumabi sa kinauupuan niyang rattan.
"Maganda ka nga ngayon." Natigilan siya sa sinabi nito at lihim na kinilig para lang muling masaktan sa sumunod nitong sinabi. "Pero hindi ikaw ang tinutukoy ko, si Hanah."
Maganda naman talaga si Hana, mestisahin at talagang pangmodelo ang katawan. Hindi tuloy niya maiwasang manliit sa sarili. Tunay namang maliit siya kumpara dito. Nagmumukha lang siyang unano sa tabi ni Ben sa height nitong anim na talampakan. Pero kahit ganoon ay maganda rin naman siya at may ipagmamalaki. Dalagang pilipina ang beauty niya at ang kutis niya.
"Pero alam mo naman 'yong tsismis tungkol sa kanila, hindi ba?" tanong niya sa lalaki.
Tumawa naman ito ng malakas bago sumagot. "Mariz naman! Mga bata pa tayo noon, hanggang ngayon ba naman, naniniwala ka pa ring aswang ang lahi nila Hana?" patawa-tawang tanong nito. Sa lakas ng tawa nito ay lumabas sa silid ang Itay niya.
"Hindi ka na naniniwala ngayon? Porke ba nagdalagang maganda si Hana?" pilit niyang itinatago ang nararamdamang sakit. Ayaw niyang magmukhang kawawa sa harap ng kaibigan kaya kahit masakit sa kanya ay idinadaan niya nalang sa kunwaring pagtataray.
"Ben! Mabuti at napadalaw ka?" bakas ang tuwa sa mukha ng matandang lalaki. Tanging si Ben lang ang lalaking nakakatuntong sa bahay nila. Lahat kasi ay sinisindak ng kanyang ama simula ng magdalaga siya.
"Mang Pedring! Na-miss ko kayo! Benedict nalang po, ambantot ng Ben, eh!" natatawang sambit nito bago tumayo at inakbayan ang ama.
"Aba, lalo kang pumopogi, ah!" sambit naman ng kanyang ina. Bakas ang tuwa sa mukha nila dahil parang anak na rin kung ituring ng mga ito ang kaibigan niya.
Muli naman siyang sumilip sa bintana at eksaktong natanawan niya si Benjie. Nasa harap na ito ng kanilang bakuran kaya naman nagmadali na siyang tumayo. Ipinagpapasalamat niya ang pagdating ng lalaki dahil magkakaroon na siya ng dahilan para umalis at malayo kay Ben.
"Andiyan na ang ka-date ko. Nay, Tay, aalis na po ako!" paalam niya bago nagmadaling tumungo sa pinto.
"Ah, si Benjie, 'yong uhuging bata noon. Hanggang ngayon mukha pa ring uhugin." Natatawang sambit ni Ben na nakatanaw na pala agad sa bintana. Napahinto siya sa paglabas at binalingan ng masamang tingin ang lalaki.
"Pogi naman si Benjie ah! Di hamak na mas matinong lalaki pa s'ya kesa sa 'yo!" bulyaw niya rito bago mabilis na umalis.
"Hoy! Bakit hindi mo muna patuluyin ang lalaking 'yan para mabilinan ko!" sigaw ng itay niya kaya napakamot na lang siya sa ulo.
"Hayaan mo na ang anak mo. Malaki na siya!" rinig pa niyang sambit ng ina kaya nagmadali na siyang lumayo.
Pilit niyang iwinawaksi ang sakit na nararamdaman. Kung bakit ba kasi sa dinamidami ng mga lalaki ay kay Benedict pa nahulog ang puso niya. Alam niya kung ilang babae na ang dumaan sa buhay ni Ben. Hindi naman nito iyon inilihim sa kanya dahil madalas tuwing magkausap sila noon ay ikinukuwento nito ang mga nakarelasyon nito. Halos lahat ay wala itong sineryoso. Kahit alam niyang palikero ay dito pa siya umibig, ang mahirap pa ay bestfriend pa niya ang lalaki. Pero mabuti ring nagkita sila, nawala na ang kaba at takot na nararamdaman niya sa tuwing iniisip kung paano pakihaharapan ang lalaki. Ngayon ay alam niyang walang nagbago sa pagitan nilang dalawa. Alaskador pa rin ito katulad ng dati.
"Ang ganda mo ngayon, Mariz!" halata ang paghanga sa mga mata ni Benjie kaya agad niya itong nginitian.
"Ngayong gabi lang ba?" nakataas ang kilay na kunwaring asik niya rito.
"Araw-araw kang maganda pero mas higit ngayon," sambit nito kaya nagkatawanan sila bago nagsimulang maglakad paalis.
Malapit lang naman ang bahay ng ikakasal. Sa katunayan ay dinig na dinig na nila ang tugtugin. Nagsisimula na ang pasayaw.

Book Comment (1041)

  • avatar
    John John

    tapos

    1h

      0
  • avatar
    LaurenceLeya

    nice story

    5h

      0
  • avatar
    Genelvie Sabado

    verry impresive

    23h

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters