logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 4

Umuwi rin ako kaagad matapos kong makipag-usap sa Parc na iyon. I told him that I could go home alone pero nagpumilit pa rin siya na ihatid ako. I worried na baka makita kami ni Manang Apple na magkasama kaya bumaba na ako kaagad kahit medyo malayo pa ang bahay ko. It wasn't part of the plan na puwedeng malaman ni manang na magpapanggap ako bilang girlfriend ng anak niya.
Gusto lang tumakas ni Parc sa isang babae na habol nang habol sa kaniya kaya kinailangan niya raw ng magpapanggap bilang girlfriend niya. Unfortunately, I became the one who would pretend.
"Ma'am Merrida, si Sir Sai po nasa labas ng office." Just by hearing that, napangiti ako. Hindi man lang ako nainis kahit na nasa labas siya at hinihintay ako. Nakaraan kasi naiinis ako dahil alam kong iistorbohin niya ako. Parang okay na ako na malaman na nandiyan siya kahit na wala siyang paramdam noong birthday ko. Maybe it was because of Parc. Dahil sa kayabangan niya kaya mas na-appreciate ko si Sai.
"Let him in, Suzy. Thank you."
Ngumiti si Suzy bago siya umalis at ilang saglit lang ang lumipas ay nasa harap ko na si Sai, nakangiti siya. But there was something with his smile. Malungkot siya eh. May nakatagong lungkot sa likod ng ngiti niya. Pakiramdam ko tuloy ang lungkot ko na rin.
"Why aren't you speaking?" nakakunot ang noong tanong niya. I didn't know what to say kaya.
"Oh, what brought you here? Ba't ka malungkot?" deretsong tanong ko. Ang kaibigan ko kasing si Gara hindi nahihiyang magtanong kapag may gusto siyang malaman. I had to ask Sai para makatulog ako nang mahimbing sa gabi. Mahirap kasing ma-curious.
"Malungkot? Nakangiti nga ako kanina," sagot niya bago naupo sa upuan na nasa harap ng desk ko. He wasn't aware that I could see sadness on his eyes.
"Baka makatulong ako sa problema mo. Baka lang," lakas loob kong sabi. Baka lang naman.
"Don't worry about me. I'm okay." Muli siyang ngumiti. Minsan ang mga tao talaga sinasabi na okay sila kahit hindi naman. Pero ano nga bang magagawa ko? Ganoon din naman ako minsan.
"Ba't ka pala naparito?" It seemed na ayaw niya mag-open up sa akin. Nakakalungkot lang.
"Belated happy birthday," he said and smiled. Nakalimutan niya lang siguro na birthday ko. Puwede ring busy lang siya nakaraan.
"Thank you," sincere kong sabi. "I hope you're really okay."
"I am."
"Nakakainis ka," halos pabulong kong sabi.
"Why? Sorry if I don't have a gift for you." Sai would always be Sai. Mabait. Magalang. Mapagmahal. He knew how to apologize. Most of the time, I failed to appreciate him. Takot akong ma-attach sa isang lalaki na hindi ko kaanu-ano.
"Hindi naman kasi tungkol sa gift. May tinatago ka."
"Believe me. Wala akong tinatago," saad niya bago ngumiti. Wala na. Hindi talaga siya magsasabi.
"Okay."
"Dumaan lang talaga ako para batiin ka. I wished you a happy birthday during your special day. Always take care of yourself." Hindi ko talaga siya maintindihan. Sana totoong okay lang siya.
"Thanks. Take care too," saad ko bago tipid na ngumiti. Dapat ma-maintain ko ang pagiging cold ko sa kaniya. I must remember my goal. Business first before love life.
"Bye," pagpapaalam niya bago tuluyang umalis sa office ko.
Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko. Inisip ko na okay lang siya. Nang oras na para umuwi ay agad na rin akong lumabas mula sa office. As expected, walang Sai na naghihintay sa akin. Busy siguro siya. Sa kabilang banda, ang taong hindi ko inaasahang makita ang tumambad sa harapan ko.
Si Parc.
"What are doing here?" seryosong tanong ko sa kaniya habang pareho kaming nakatayo sa harap ng office. Napansin kong nasa parking lot ang kotse niya. Bakit kaya siya napadpad sa lugar ko?
"Sinusundo kita." Nakatingin lang siya sa akin na para bang ka-close ko siya.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Hindi naman ako nagpasundo sa kaniya ah. "W-wait... Ikaw na ba ang bagong driver ko? Hindi naman ako magpapalit ng driver ah."
"I volunteered na sunduin ka. Nanggaling ako sa bahay mo."
"Magta-taxi nalang ako," walang emosyon kong sabi bago tuluyang naglakad papunta sa tabi ng kalsada. I didn't want him to drive me home. Namumuro na siya.
"Hey, don't be like that." Sinundan niya ako at oo, nag-e-English na naman siya. Tinatamad akong mag-English kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Don't be like that your face. May pamasahe naman ako kaya magta-taxi nalang ako. At higit sa lahat, hindi mo ako kailangang sunduin dahil lang pumayag akong magpanggap bilang girlfriend mo."
May pumara na sanang taxi sa harap ko ngunit sinabi niya sa driver na hindi ako sasakay. Napailing nalang ang driver sa aming dalawa dahil nagtatalo kami sa harap niya. Ang sabi ko kasi sasakay ako at si Parc naman pinipigilan ako. Hanggang sa pinaandar nalang ng driver ang taxi niya palayo.
"Kita mo iyan, iniwan na ako!" inis na sabi ko sa kaniya. Sumubok ulit ako na magpara ng taxi ngunit wala ng humintong taxi sa harapan ko. May dala talaga siyang kamalasan sa buhay ko!
"Let's go. I'll bring you home. Huwag ka nang mag-inarte," mayabang niyang saad. Tumalikod na siya at naglakad na patungo sa kotse niya. I wanted to punch him but I couldn't. Baka ako lang ang masaktan kapag sinaktan ko siya. Matigas ang mukha niya kaya sasakit lang ang kamao ko.
"No, magta-taxi ako." Sinubukan kong magpara ng taxi ulit. Huminto naman siya sa paglalakad at nilingon ako. He even smirked at me. Pinanood niya akong magpara nang magpara. Unfortunately, I failed to get a taxi. Puro may sakay at punuan ang mga taxi na dumadaan. Mukhang minamalas talaga ako.
"See, you don't have a choice."
"It's because may balat ka sa puwet! Ngayon lang naman nangyari 'to eh. Usually naman nakakasakay ako kaagad kapag wala akong sundo. You're such a malas in my life." Pinigilan ko ang sarili ko na isumpa siya nang tuluyan.
"Sayang ang oras. Tsk. Bilisan mo na." Tuluyan na siyang tumalikod at naglakad papunta sa kotse niya. What's with pasundo-sundo? The fact that he even volunteered to fetch me was ruining my peace of mind. Baka naman gusto niya na akong masanay sumakay sa kotse niya dahil doon ako lagi sasakay kapag nagsimula na akong magpanggap. Actually, he didn't tell me the woman's name and I was still clueless about her identity. Sino kaya siya?
"Get in," he said. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya.
"You opened the wrong door," saad ko. Ayaw ko ngang tumabi sa kaniya. Napailing nalang siya.
Habang nasa byahe, both of us were just quiet. Akala ko gagamitin niya 'yung chance na kasama ako para magkuwento tungkol sa babaeng habol nang habol sa kaniya. For me, it's very important na magka-ideya man lang ako kung anong klase siyang babae. Puwede naman kasing mabait ang babaeng 'yun at sadyang iniiwasan lang siya ni Parc.
"Why did you choose me as your fake girlfriend? Marami namang iba ah."
Ni hindi niya ako nilingon matapos kong magtanong. Pero ako nakatitig ako sa kaniya since hindi naman siya lumilingon. "You're the best choice."
"Oh, really?" casual kong tanong. "Can you please elaborate your answer?" May naiisip ako kaya ako naging best choice pero gusto ko pa ring manggaling mismo sa kaniya ang iba pang reasons. Naisip ko lang naman na best choice ako dahil may alas siya laban sa akin at si Manang Apple 'yun. He took advantage of what was already given.
"Alam kong hindi ka papayag na iwan ka ng mama ko nang walang sapat na dahilan. Fortunately, napapayag kita because of her. I also know that I can trust you. Plus, kilala ka talaga ng mama ko. Alam kong hindi ka gagawa ng ikapapahamak ko. Unlike other woman na puwede akong i-blackmail. I guess that's all." Yeah, he's correct about the blackmailing thing. Puwede siyang mabuking kahit anong oras. Higit sa lahat kailangan niya pang magbayad sa babaeng magpapanggap bilang girlfriend niya. At iyan ang hindi niya nasabi. I was the best choice because he didn't need to pay me a fee. Yes, it's all free.
"Why do want to escape from that woman?" Ako ang magtatanong since ayaw niya namang magkuwento. Wala siyang karapatang tumanggi dahil sabi niya nga ako ang best choice.
"Because I'll only marry the woman I truly love. You actually know the woman who keeps on pursuing me. Oo, kilala mo siya kaya huwag ka nang ma-curious. By the time na ipakilala kita sa kaniya, I know you're ready. I believe you're always ready." Ganun siya ka-confident sa akin? Just wow. Sino ba kasi ang babaeng tinutukoy niya na kilala ko raw? Grabe lang sa part na alam niyang kilala ko.
Hindi kaya si Olga ang tinutukoy niya?
"But you can't trust me. Trust no one but yourself," I said. I couldn't assure him anything.
"Yeah, I know. How about you? Do you have special someone right now? I should be aware of your civil status, right?" Yes, he must be. Mabuti naitanong niya.
"Single," I answered.
"And that's also one of the reasons why you're the best choice. I know you're single," mayabang niyang sabi bago saglit na sumulyap sa akin. Duh, alam naman pala niya pero nagtanong-tanong pa siya. Oh, maybe just for confirmation.
"Tell me, ano pang alam mo tungkol sa akin?"
"Here you are, curious again." With what he answered, I knew that he wouldn't tell me kung ano pa ang alam niya tungkol sa akin.
"Okay, time for my next question. How old are you?" Just using the chance to ask him.
"I'm 26 years old. NGSB." Biglang kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano raw? NGSB? Anong NGSB? I wasn't familiar about the term. Maybe Gara was, but not me. At isa pa, edad lang naman ang tinanong ko ah. Bakit may sinabi pa siyang iba?
"What are you saying? NGSB? What does it mean?"
"Seriously? You don't know what's NGSB? HAHAHA!" Tawanan ba naman ako? Walang h*ya!
"Sorry ah. Wala kasi akong oras para alamin," inis kong sabi. "Ibaba mo na ako. Maglalakad nalang ako papunta sa bahay."
Inihinto niya ang sasakyan at hindi ko na rin hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto. Bahala siya sa buhay niya. Padabog kong isinara ang pinto ng kotse niya bago ako naglakad na papalayo. Malapit na rin ako sa bahay.
"Hey," tawag niya. Hindi ko siya pinansin.
"Sorry," muli niyang saad.
Ngunit buo na ang desisyon kong huwag siyang pansinin. Hindi rin nagtagal ay umalis na rin siya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. But before I could enter my house, my cellphone just vibrated. There was a new message.
From: 09×××××××××
NGSB means no girlfriend since birth.
Nasapo ko na lamang ang noo ko dahil sa inis matapos kong mabasa ang text. Pati ba naman cellphone number ko alam niya?!

Book Comment (111)

  • avatar
    AraquilOlong

    100

    9h

      0
  • avatar
    Carzeil Burgos

    complete reading thank u for storyy😍

    17d

      0
  • avatar
    Dela CruzRichard

    super nice

    20d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters