logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4: Flashback

*Flashback*
8:30 am | Sunday
Nakatayo lang ako at nakatitig sa napakaraming tao dito sa loob ng mall na napuntahan ko. Lakad doon lakad dito. May mga taong halos hindi na mahawakan ang paper bag kung saan nakalagay ang mga pinamili nila. May mga magjowang dito pa naglalampungan---este nagdedate. Meron din namang mga nagpapalamig lang at nagwawifi. May mga babaeng kanina ko pa napapansing palakad lakad habang patingin tingin sa mga items na pwedeng mabili dito sa mall halatang nagwiwindow shopping. Namamawis na ang leeg ko dahil sa banas na nararamdaman. Feeling ko nasu-suffocate na ako sa dami ng taong nakikita ko. Hindi ako sanay ng ganito. Nagdadalawang isip ako kung tutuloy pa ba ako. Nandito na rin naman ako at pagkatapos kung mabili ang dapat kung bilhin ay pwede na akong umalis dito. Huminga ako ng malalim saka nagsuot ng earphone para hindi ko marinig ang ingay ng mga tao sa paligid ko. Mabuti na lamang at busy lahat ng mga tao sa paligid ko kaya walang mata ang nakakapansin sa'kin. Nakarating ako ng matiwasay sa bilihan ng mga libro. Nagsimula akong maglakad lakad at maghanap ng librong magugustuhan ko para bilhin. Bata pa lang ako ay hilig ko na ang pagbabasa ng libro. Ewan ko. Siguro namana ko kay mommy dahil mahilig din sya sa pagbabasa kaya marami syang nalalaman. O siguro dahil nakakalimutan ko kahit sandali ang reality kapag nagbabasa ako. Bihira akong lumabas ng bahay at palagi lang along nag-sstay sa kwarto ko. Lalabas lang ako kapag isinasama ako nina mommy sa mga importanteng meeting nya tapos kailangan nila akong ipakilala sa mga business partners nila na bihira namang mangyare. May bumibili ng mga libro para sa'kin kaya hindi ko na kailangang lumabas pero ngayong wala na sila kailangang ako na ang gumalaw para sa sarili ko.
Nang makakuha na ako ng libro na gusto ko ay pumunta na ako sa counter para magbayad. Unfortunately, marami rin ang nakapila dahil kasama ng mga libro ang bilihan ng school supplies at iisa lang sila ng counter kaya maraming nakapila para magbayad. Naalala ko na unang araw nga pala ng pasukan sa school bukas pero tinatamad pa akong pumasok. Okay lang naman siguro 'yun kasi kaka-transfer ko pa lang naman sa bagong school na papasukan ko. After 20 minutes or more ng paghihintay sa pila ay nakarating din ako sa harap ng counter. Ngumiti ng malapad ang babaeng cashier kaya hindi ko na rin napigilan at napangiti na lang rin ako. Nakakahawa 'yung ngiti n'ya e.
"Ano pong pangalan mo, Miss?" Tanong n'ya sa'kin, still smiling.
Nagtaka ako kung bakit n'ya tinatanong ang pangalan ko e magbabayad lang naman ako ng mga pinamili ko. Magtatanong na sana ako kung bakit kaso naunahan n'ya ako.
"I just need to verify 'something'" sabi nya, nakatingin sya sa computer na nasa harap nya ngayon.
"What 'something'?" Nagtataka kung tanong.
Ngumiti na lang sya at hindi na ako sinagot. Sinabi ko naman ang pangalan ko sa kanya.
Kinuha nya ang hawak kung libro at inilagay sa isang plastic bag na may nakatatak ng pangalan nitong mall, "Thank you. Please come again. Next please!"
"Pero...hindi pa ako nagbabayad." Nagtataka kung tanong, hindj ako umalis sa pila.
Muling sumilay ang ngiti sa mukha ng babaeng cashier, "May nagbayad na para sa'yo," I tilted my head while thinking kung sino ang nagbayad ng mga librong binili ko. Wala pa akong kakilala o kaibigan man lang dito sa Pilipinas na pwedeng magbayad para sa'kin. Patingin tingin ako sa paligid habang naglalakad baka sakaling makakita ako ng kahina hinala ang kilos pero wala. Lahat ay may kanya kanyang business na iniintindi. Sino Kaya 'yun?
Pinagpapawisan pa rin ako kahit na may aircon naman dito sa loob kaya naisipan ko munang dumaan sa isang ice cream parlor para bumili ng ice cream at magpalamig na rin. Vanilla flavor ang binili ko. Lumabas na din ako agad dahil gusto ko ng umuwi. Magbabasa pa ako. Nasa ground floor na ako ng muntik na akong mabangga ng isang babae. Nagmamadali itong tumakbo pero hindi s'ya nag-iisa dahil lima sila. Umikot ang mata ko dahil sa biglaang inis na naramdaman ko. Dito pa talaga nila naisipan na maglaro ng habul habulan. Bwesit!
Habang naglalakad ay iniikot ikot ko sa daliri ang handle ng paper bag na hawak ko. Malapit na ako sa pinto palabas ng mall ng may narinig akong sigawan or more like tilian ng mga babae. At bago pa ako makahakbang ay may bumangga na sa'kin. Hindi ako natumba dahil agad kung nabalance ang katawan ko pero napaurong naman ako. What...the...fuck!?
Kunot noo at inis na humarap ako sa walang hiyang lalaki na bumangga sa'kin. Buti na lang ubos na 'yung ice cream na kinakain ko kundi...naku! Nasampal ko na ang lalaki na 'to dahil sigurado akong natapon na sana 'yun.
"Are you blind?" Pasigaw na tanong ko. Mainit na nga ang ulo ko dahil sa babaeng muntik ng makabangga sa'kin kanina tapos ngayon tinuluyan n'ya akong banggain.
"So-sorry miss, I didn't see you. I'm sorry."
Humihingal pa nitong sabi na parang kanina pa sya tumatakbo. Tinitigan ko s'yang mabuti.
"Paano mo nga ako makikita e may pa shade shade ka pang nalalaman? Antaas ng araw 'no? Sakit sa mata e." Sarcastic na sabi ko. Tumingin pa ako sa taas saka ko tinakpan noo ko para maharangan ang mata ko gamit ang palad ko na parang may araw talaga.
"Look! Miss, I'm sorry---" naputol ang sasabihin n'ya or pinutol n'ya talaga, sabay lingon n'ya sa kanyang likuran kaya tiningnan ko na rin kung anong tinitingnan n'ya. Napadako ang tingin ko sa limang babae na tumatakbo kanina. Palinga linga ang mga ito na parang may hinahanap.
"Nasan na sya, girls?" Tanong ng isang babae sa kasama nya.
"I don't know."
"Dito ko s'ya nakitang tumakbo e."
"Tara, hanapin natin. Hindi s'ya pwedeng mawala."
"Shit!" Mura naman nitong lalaki sa harap ko sabay balik ng tingin n'ya sa'kin.
"I need your help." Nagulat ako sa sinabi nito lalo na ng hawakan n'ya ako sa magkabilang balikat. Ano bang pinagsasasabi nya? Anong klaseng tulong ang kailangan nya? Teka...sya kaya ang hinahanap nitong mga babaeng to?
Kumurba ang ngisi sa labi ko. May naisip ako...at dahil inis pa rin ako sa ginawa nyang pagbangga sakin kanina...
"Girls..." Tawag ko na may kasama pang kaway sa limang babae Hindi kalayuan sa tinatayuan namin. Kita ko ang unti unting pamimilog ng mga mata ng kaharap ko. Mukha namang hindi ako narinig nung mga babae kaya nung akmang tatawagin ko na sila ulit ay agad tinakpan ng lalaki ang bibig ko. Pilit kung tinatanggal ang kamay nyang nakatakip sa bibig ko pero hindi pa rin sya bumibitaw. Pinanlakihan ko sya ng mata.
"Hmm...hmm" I saw his lips forming into a smile. Walang hiya. Nakuha nya pa talagang ngumiti. Di rin naman nagtagal ay binitawan nya na ako. Mas lalo ko s'yang tiningnan ng masama.
"Tulungan mo na kasi ako, please?" Biglang umamo ang mukha nya. Pinagdikit pa nya ang mga palad nya. He's desperate. Ano ba kasing ginawa nya at bakit s'ya hinahabol ng mga babaeng 'yun?
"Bakit ka nila hinahabol?" Tanong ko. Baka kasi mamaya may ginawa pala syang kalokohan kaya sya hinahabol ng mga babaeng yun tapos tutulungan ko sya. O kaya baka magkakaibigan sila tapos isa sa kanila ang nabuntis ng lalaking to tapos balak pa nyang takasan. No way!
"Gwapo kasi ako." Napataas ang sulok ng labi ko sa sagot nya. Pinanliitan ko sya ng mata na parang nagdududda sa sagot nya. Hindi halata sa itsura.
"Siguro nabuntis mo yung isang kaibigan nila ano kaya ka nila hinahabol?" Pang-aakusa ko sa kanya.
Tiningnan naman nya ako na parang hindi makapaniwala, "W-what!? Sa gwapo kung to makakabuntis lang ng kung sino sino? No wa--uy uy san ka pupunta?"
Aalis na sana ako ng mapigilan nya ako sa braso.
"Ano?" Naiinis na tanong ko sa kanya.
"Akala ko ba tutulungan mo ako?" Pagbabalik nya ng tanong sakin.
"Wala akong sinabi na tutulungan kita." Naiinis kung sagot. Sumulyap ako sa mga babaeng nasa likod namin. Papunta na sila dito sa direksyon namin.
"Ano bang tulong?" Naiirita ako na naaawa sa kanya.
"Hug me!" Utos nya. Teka...malapit na sila. Alam na ba nila na itong lalaking kausap ko ang hinahanap nila?
"Sandali...ano yong sinabi mo?" Baling ko sa kanya.
"Hug. Me" Sabi nya. Madiin ang bawat salitang binanggit nya. My jaw almost drop of what he said.
"Are you fucking kidding me?" Halos pasigaw Kung tanong.
"No. Just do it." Plain nyang sabi. Nqpanganga ako Ng kunti, Hindi Alam Kung matatawa ba ako o maiinis.
"Ha!" Is he crazy? Bakit ko sya yayakapin? Ano sya hilo? Ginagamit ba nya yung itsura nya para makapananching sa mga babae? I knew it. Pairap akong tumalikod sa kanya. Hindi nya ako mauuto. Nakakailang hakbang pa lang ako ng may humawak na naman sa braso ko. Hinila nya ako paharap sa kanya and in just a second ay nakulong na ako sa mga braso nya. Naramdaman ko ang pagbaon ng mukha nya sa balikat ko. Nagulat ako sa ginawa nya kaya hindi agad ako nakagalaw. Feeling ko mawawalan ako ng hangin sa katawan ng maramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya.
Shit! What the fuck is he doing!?
Para kung nahipnotismo. Hirap akong gumalaw.
"Girls, baka lumabas na sya." Rinig kung sabi ng Isa sa limang babae na naghahabol dito sa lalaking to.
"Let's go. Baka hindi pa sya nakakalayo."
Nilampasan na kami nung limang babae at dumeritso sa labas. Nang mawala na sila at tuluyan ng nakalabas dito sa mall ay itinaas ko ang kanang kamay ko.
"Ouch! Aray!" Reklamo nitong hapugak na to. Lumayo sya sakin. Kunot ang noo at may pagtataka kung bakit ko sya hinampas sa likod.
"Sinuswerte ka naman yatang masyado. Wala na sila oh!" Tinuro ko ang dating pwesto Kung saan nakatayo ang mga babae kanina.
Tumingin sya sa entrance saka humawak sa batok nya habang nakangiti, "Thanks for the hug but...I need to go. I promise na kapag nagkita tayo ulit babawi ako sayo." Hindi pa man ako nakakapagsalita ay tinakbuhan na ako ng gago. Walang hiya talaga! Grrr!
"Kahit wag ka ng bumawi basta wag na lang tayong magkita ulit!" Gigil na sigaw ko.
At katulad ng inaasahan ko, umuwi akong badtrip at wala sa mood. Nakauwi na ako at lahat ramdam ko pa Rin ang yakap ng pesteng lalaking yun.
*End of Flashback*
Bakit ngayon ko lang napansin ang lalaking 'to? Bakit ngayon ko lang sya nakilala? But no!---sana nga di ko na lang sya nakilala e. Punyeta naman! Bakit sa lahat ng lugar dito pa? Bakit sa lahat ng tao sya pa?
Sya lang naman ang walanghiyang lalaking yumakap sa'kin sa mall.
Fuck! Fuck! Fuck!
Wrong timing naman oh!
Nung iaangat na ng lalaking 'yun ang ulo nya ay agad akong umiwas ng tingin para hindi nya ako makita. Tinakluban ko ng buhok ang mukha ko para di nya ako makilala. Naiinis ako. Tanginang coincidence 'yan. Pinilit kung pakalmahin ang sarili ko dahil baka mahalata ako nina Lee at Nyx at kung ano na naman ang isipin nila.
"Bakit gigil na gigil ka naman yata?" Kunwari ay natatawa-tawa ko pang tanong.
"Kilala mo ba sya?"
"Secret walang clue." Sagot ni Lee. Tiningnan ko naman sya ng masama.
"Ano nga?" Pamimilit ko pa.
"Hindi ko 'yan kilala. Sino ba 'yan?" Pairap na sagot ni lee. Hindi nya kilala pero ang inis nya naman dun sa Coser na 'yun kulang na lang lumampas sa langit.
"Tinatanong kita ng maayos Lee. Sasagot ka o bubudyakan kita?" Nanggigigil kung tanong. Hindi sumagot ng maayos e.
"Kalma mo puso mo Slaine hahahaha. He's Lee's cousin at nakatira si Zico sa bahay nila," si Nyx na ang sumagot para kay Lee.
Unti-unting namilog ang mga mata ko, dahan dahan akong humarap kay Lee.l, "Are you fucking kidding me!? Is he your cousin? For real? Are you serious?"
Hindi makapaniwalang tanong ko. Nanlalaki pa ang mga mata ko habang pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Oo nga," Lee confirmed, "Tama si Nyx. Kapatid ni papa si tita na ang anak ay si Zico na pinsan ko."
Itinaas ko ang dalawa kung kamay para tumigil na sya, "Okay okay," Bakit ang malas ko namaaan!
"Interesado ka rin sa kanya?" Tanong ni Nyx. Iniangat nya sa ere ang palad nya at chineck ang kanyang mga kuko.
"What!? No!" Napataas ang boses ko. Napairap na lang ako. Never akong magiging interesado sa Coser na 'yun. Kay Lead pa pwede pero sa kanya I think never. May dumagdag na namang rason para mas lalong umayaw ako na maging kaibigan ang dalawang 'to. Masyadong malisyosa.
"Oh 'wag na nga nating pag-usapan 'yan." Sabi ni Lee na ipinagpasalamat ko naman sa isip ko.
After sabihin ni Lee at Nyx ang ilang information about doon sa apat (na hanggang ngayon ay nandoon pa rin sa pwesto nila) ay nagkwentuhan muna kami sandali tungkol sa ilang mga bagay-bagay.
Nang tumunog ang bell ay sabay sabay kaming pumunta sa building namin. Nakasabay pa naming maglakad 'yung tatlong lalaki sa paglalakad. Nasa unahan namin sila habang nasa hulihan naman kami. Medyo malayo ang agwat namin sa kanila. Napansin ko lang na wala si Coser kaya bigla akong napalingon sa pinanggalingan namin pero hindi ko sya nakita. San kaya nagpunta 'yun?
Dahan dahan lang akong naglalakad habang 'yung dalawa ay nasa tabi ko at busy sa pagtingin ng kung ano sa cell phone ni Nyx. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa likod nya---ni Lead.
Napatigil ako sa paglalakad ng bigla silang huminto. Para ko tuloy isang stalker dahil sa ginawa ko. Narinig kong nagpaalam sina Pain at Yuki kay Lead pagkatapos ay naglakad na palayo si Lead habang nasa bulsa ang mga kamay niya. Naglakad ito papunta sa direksyon kung nasaan ang building ng mga seniors.
Nagtuloy tuloy na din sa paglalakad 'yung dalawa kaya nagpatuloy na rin ako sa paglalakad. Bigla ko namang nakita sa isip ko ang mukha ni Lead. Bakit ganun? Bakit parang may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag? 'Yung mata nya...bakit...bakit parang familiar sila sa'kin. Bigla na namang pumasok sa isip ko ang alaala nung lalaking nagligtas sa'kin. Nung gabing 'yun nakasuot sya ng maskara na ang tanging natatakluban lamang ay ang kanyang bibig at ilong. Ang kanyang kilay naman at mata ay natatakluban ng kanyang mahabang buhok. Nung humarap sya sa'kin, nagawa kung makita ang mata nya. Kulay brown ang mata nya tapos meron syang taling sa ibaba ng mata nya. Ang pinagkaiba lang wala akong taling na nakita sa ibaba ng mata nya.
Pumikit ako ng mariin. Mahigpit kung hinawakan ang strap ng bag ko na nakasabit sa kanan kung balikat. Nakakainis! Aish! Nakita ko lang ang lalaking 'yun nagkaganito na ako. Hindi naman siguro sya 'yung lalaking nagligtas sa'kin. Baka nagkakamali lang ako ng iniisip sa kanya. Baka hindi talaga sya 'yun.
Sa kakaisip ko ng kung ano ano hindi ko namalayan na huminto na pala ako.
"Slaine," rinig kung pagtawag ni Lee sakin.
"H-huh?" Tumingin ako sa tumawag sa'kin.
"Ano pang ginagawa mo dyan?" Nagtatakang tanong nito. Tumingin ako kay Lee na nakadungaw sa pintuan ng room namin, hinihintay ako.
"A-ahh...w-wala. Para kasing may nakalimutan ako hindi ko lang maalala." Sabi ko na lang saka umiling.
"Ngek! Syempre nakalimutan mo nga edi hindi mo nga 'yun maaalala."
Nagkakamot sa ulo na sabi ni Lee.
"Lutang si Slaine hahahahaa." She laughed.
Napatawa na lang din ako at umiling saka pinagpatuloy na ang paglalakad papasok sa room. Naupo ako sa tabi ni Lee. Nasa hulihan pa rin ang pwesto namin. Buti na lang at hindi uso dito ang sitting arrangement. Ays lang kahit saan ka pumwesto.
Naboboring-an ako sa idinidiscuss ng teacher namin kaya humingi na lang ako ng papel kay Lee saka nagsimulang mag-drawing. Inalala ko ang itsura ng lalaking nagligtas sa'kin 10 years ago pa. Mula sa suot nyang mahabang damit at lahat iyon ay kulay itim, sa maskara nya, 'yung buhok nya hanggang sa hawak nyang espada. Patuloy lang ako sa pagdradrawing. Sa tingin ko matanda lang sya sa'kin ng kunti nung mga panahong 'yun pero napakagaling na nyang makipaglaban.
" Ferrer!" Sigaw ng teacher namin. Agad kong nabitawan ang lapis na hawak ko at humarap sa unahan. Napa-tuwid ako ng upo sabay takip ng palad sa drawing ko. Na naman!
"Nakikinig ka ba?" Tanong ni Ma'am Yen, teacher namin sa Filipino.
"O-opo, Ginang," sagot ko. As usual, sa'kin na naman nakatingin ang mga kaklase ko.
"Ano 'yang ginagawa mo? Ha?" Mahinahon ang pagsasalita nito. Nakangiti rin ito pero halatang pilit na pilit. Lumapit ito sa akin at tiningnan ang papel sa desk ko.
"Akin na 'yan," inilahat pa nito ang kamay niya.
"A-ang alin po?" Tanong ko. May idea na ako sa hinihingi nya pero nagtanong pa rin ako. Aba! Baka mamaya nanghihiram lang pala sya ng lapis.
"'Yang papel na hawak mo." Sabi nya saka muling naglahad ng palad. Lumakas ang tibok ng puso ko. Sabi ko nga, 'yung papel ang hinihingi nya.
"Nakikinig naman po ako ma'am--i mean ginang." Palusot ko pa.
"Kanina pa kita napapansin, Ferrer. Sino 'yang iginuguhit mo? Kasintahan mo?" Dahil sa sinabi ni ma'am ay umugong ang tawanan ng mga kaklase ko. Padabog kong ibinigay sa kanya ang papel na hawak ko. As if naman may mapapala sya dyan.
Hinila nya sa kamay ko ang papel at saka iyon pinunit, "Wala pa kayong isang linggo dito pero hindi na agad kayo marunong makinig. Kaya hindi kayo natututo e," Napangisi na lang ako. Bumalik naman sya agad sa pagtuturo nya na hindi naman nagtagal ay nagbell na. Sumandal ako sa upuan ko at tumingin sa labas. Maya maya pa dumating na ang kasunod na teacher. Mas lalo tuloy akong nawalan ng gana na makinig sa kanya. Tagal naman magbell.
"Anong oras na, Lee?" Bulong ko kay Lee na tinatamad na rin yatang makinig dahil nagsusulat na lang sya ng kung ano ano sa likod ng notebook nya.
"2:32 pa lang." Bulong nya.
Mas lalo akong napangiwi. Gusto ko ng umuwi.
"Mukhang ikaw ang unang napag-initan ng bitter nating teacher" biglang sabi ni Lee
"masungit kasi walang jowa hahaha." Singit ni Nyx na nasa kaliwa naman ni Lee. Napatawa na lang rin ako sa sinabi ni Nyx. Nagkwentuhan na lang kaming tatlo pero mahina lang ang boses namin dahil baka marinig ng teacher na nasa unahan.
"Class dismissed." Sigaw Ng aming teacher. Agad akong tumayo at inayos ang mga gamit ko ng sabihin ni ser ang two magic words. Pagkalabas ni ser ay agad kung inayos ang mga gamit ko at lumabas ng room. Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko ang pagtawag ni Lee sa'kin. Samahan ko daw muna s'ya sa cr dahil magreretouch daw s'ya. Nakaramdam naman ako ng pagkaihi kaya sumama na ako. After Kung i-flash ang bowl ay lumabas ako ng cubicle at naghugas ng kamay. Humikit ako ng bathroom tissue at nagpaalam kay Lee na sa labas ko na lang s'ya hihintayin. Hindi pa kasi s'ya tapos. Mabait naman ako at hindi agad agad nang-iiwan kaya hinintay ko s'ya.
Pagkalabas labas ni Lee ay agad akong nagpaalam na mauuna ng umuwi sa kanila. Nakakalimang hakbang palang ako ng may bigla akong maalala.
"Lee." Tawag ko kay Lee. Tumigil ako sa paglalakad saka lumingon sa kaniya.
"Yes?" Sagot nya. Nagliliwanag ang mga mata ni Lee ng tawagin ko ang pangalan nya.
"You're pretty as you are." Pagpapaalala ko sa kanya. Ngumiti ako ng tipid. Napansin ko ang mabilis na paglabas ng tubig sa mata nya na pinipigilan nyang tumulo.
"Slaine." Hindi ko sya sinagot. Alam ko na kung ano ang kasunod nyang sasabihin.
"Friends?"
Nakangiti pang sabi ni Lee. Agad akong napabuntong hininga. For the second time around she asked me if I want to be her friend and my answer is still...
"No."

Book Comment (11)

  • avatar
    Ashley Belle

    hi there are you?

    21/08/2022

      0
  • avatar
    Shaina Bunye

    this great

    27/02/2022

      1
  • avatar
    Joselou Bustamante

    wenselgwaponpero bayot

    17/02/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters