logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 2

Kabanata 2
Boss
Nanghihinang bumagsak ang katawan ko sa aking kama sa pinaghalong pagod at gutom. Maghapon akong hindi nakakain dahil naubos ang pera ko sa kabibili ng kape ng boss ko at sobrang pagod ako dahil pabalik-balik ako sa kanyang pagpapahirap.
Kung hindi nga lang niya ininom ang huling kapeng binili ko ay nilagyan ko na ng clorox ang susunod niyang ipapabili, buti nalang ay tinantanan na niya ako matapos no'n!
Akala niya siguro mapapasuko niya ako sa ginagawa niyang iyon, pero ang hindi niya alam.. matibay 'to 'no! Akala niya ba sa pabili-bili ng kape niya lang ako mapapasuko?! Hell to the damn no! Hindi marunong sumuko ang isang Guanio.
Papikit na sana ang ang aking mga mata nang mag-ring ang aking telepono. Pupungas-pungas ko naman itong sinagot nang hindi tinitignan ang caller id.
"Hmm..?" sabi ko.
"Oh ba't nanghihina ka? Ano, may naka-isa ba?!" at sunod niyon ay nagpakawala siya ng luka-lukang tawa.
"Gaga! Hindi naman ako 'tulad mong pala-buka!" naiinis kong sagot kay Kirsten.
Tumawa siya ng tumawa. "Sorry naman, 'kala ko lodi mo ako e." biro pa niya.
I sighed as I looked at the ceiling. "Ba't tumawag ka?" barumbado kong tanong.
"Ba't gagalit ka?! Hindi mo ba ako na-miss ha?!"
"Tanga, walang nakaka-miss sa 'yo."
"'Ayan, d'yan ka magaling!"
Natawa ako ng mahina. "Oy, Kirsten.. nagugutom ako," wala sa sariling nasabi ko sa kabilang linya.
Natahimik naman ang telepono kaya't tinignan ko pa kung in-call pa ba pero hindi pa naman ibinababa ang linya kaya naman nagtaka ako. Ngunit agad rin iyong nawala nang marinig ko ang walang kwenta niyang reaksyon.
"Oh e ano namang pakialam ko?!"
"Kirsten!"
"Joke! Charr! Charot! Echos!" sabi niya. "Pero totoo.. ano bang paki ko?" saka siya tumawa ng napakalakas. "Hindi, kasi.. nagugutom din naman ako pero sinabi ko ba sa 'yo?" baliw niyang saad.
Ngumuso ako. "E kasi, wala na 'kong pera kaya hindi na ako makakain." sumbong ko sa kanya na animo'y siya ang nanay ko.
Napasinghap siya. "Ikaw? Walang pera? Pumuti na ba batok ni Rowvey?" aniya. Hindi ko naman napigilang matawa dahil ginamit niya pa ang batok ni Rowvey.
At kinuwento ko na nga sa kanya ang umpisa ng kalbaryo ko sa kompanya ng boss ko. At ang dahilan kung bakit ako naubusan ng pera! Kahit ako ay sobra akong naiinis at the same time nanlulumo sa pagpapahirap sa akin ni sir Cohan. Pero ang gaga, sa halip na magalit.. natuwa pa!
"Grabe! Truelalu ba?! Nakakaloka!"
Ngumuso ako, umupo ako mula sa pagkakahiga upang makapagsalita ng ayos. "Oo! Kung wala lang talaga akong kasalanan, baka pinutulan ko na siya ng lahi!" nanggigigil kong sabi.
"Ay, nako! Iyan ang huwag na huwag mong gagawin! Baka pinagpala 'yon edi nanghinayang ang buong sambayanan!" pagkontra niya.
I rolled my eyes.
"Pero, beng... gwapo?"
I was taken aback by her question but I still manage to not stutter. "Well, y-yeah.. pero ang sama pa rin ng ugali niya!" sabi ko.
Hindi niya pinansin ang panlalait ko. "Matangkad ba?"
Kumunot ang noo ko. "O-Oo.."
"Macho?!"
"Parang.. oo.. ewan! Siguro!" nauutal kong sabi. As if namang pinagtutuunan ko iyon ng pansin 'no! He's not the type of mine.
"Confirmed!" bulalas niya.
Nagtaka naman ako. "Huh?" naguguluhan kong tanong. Para siyang nagsu-survey,
"'Te, confirmed! Pinagpala."
I literally facepalmed on what she said. I thought she's asking for the physical appearance,
"Kirsten, pwede ba?! Enough with that! You know what?"
"Watawat!" but I chose to ignore her because I'm hungry as hell.
"It's still early pa naman." pinalambing ko ang boses. "Kirsten, baka naman.." dagdag kong sabi.
Rinig ko siyang umismid. "Punyeta ka! Ini-imagine ko pa ang boss mo e. Pero sige na nga! Minsan lang ako manlibre kaya magpasalamat ka't maganda ako!" sabi niya.
Napangiti naman ako. And she's right, minsan lang siya manlibre so I really MUST thank her. But not the fact that she's 'maganda'. Actually, at first.. I was averse by her doings. But because she's my true friend, I think I'll just let her do whatever she wants BUT with limits!
Kirsten has been a good friend to me since the day I met her in a college trip and yes.. she was my blockmate. Kaka-graduate lang namin this year at siya ay naka-settle na sa isang kompanyang hindi ko alam kung anong pangalan pero ako heto't nagpapakahirap sa lintik na trabahong ito. Nakasundo ko na rin ang mga kabarkada niyang sina Rowvey, Mileth, and Nadja so that's when our friendships started.
Nagpaalam na siya sa akin dahil gagayak na siya, she also texted me the location and she's asking me if she could bring the three with us. I said yes, dahil siya naman ang manlilibre at hindi ako!
Masaya rin ako na ililibre na niya ako finally! Because knowing Kirsten, she's veryyyyy kuripot as fvcking hell. Iyong tipong naghihingalo ka na, hindi ka pa niya isi-cpr at mamamatay ka na sa uhaw, lalagukin pa niya yung huling patak ng tubig. Ganoon siya karamot!
But I guess world has really changed.
Iwinaksi ko na sa isipan ko iyon at lumabas na ng bahay upang pumunta sa kainan.
Finally, I will feel heaven!
~°~°~
Napangiwi nalang ako sa ingay at tinis ng boses ni Kirsten. Mabuti na lamang ay may karaoke kaming kaharap dahil kundi, nakakahiya ang mga pinagsasabi niya! Ang bastos!
And I think hindi pa din siya nagbabago. Maybe naawa lang siya sa akin dahil hindi pa ako kumakain because here she is arguing with Rowvey, our gay friend slash enemy of Kirsten.
Nauwi pa sa pag-aasaran ang ginagawa namin. Nakainom rin ako but I made sure, hindi ako magkaka-hang over dahil may trabaho pa ako bukas. And besides, I'm full naman na and thanks to Kirsten anyway.
Bago kami umuwi, nag-aya muna si Kirsten na mag-picture kaming lahat.
"Dali na kasi! Ipo-post ko lang sa fb!" she said.
Sa huli ay wala kaming nagawa kung hindi ang mag-picture. Eto namang mga kasama ko, kunwari pang ayaw.. nangunguna naman sa pose.
"Sakit tyan pose!" and we did it. I was even forcefully did it because I was shy!
"Paano matulog si Mileth pose!"
At agad naman silang nagkanya-kanyang tirik ng mata at nakanganga pa. Of course, I didn't do that! The camera just flashes caught me laughing at them.
After taking some shots, I decided to bring them home one by one 'coz gosh! They are totally wasted!
Medyo magkakasunod lang naman ang bahay nung tatlo kaya madali ko silang naihatid. Matapos din no'n ay inihatid ko na si Kirsten sa subdiv nila, but while I was driving.. she was very makulit, telling me that she's gonna post the pics now.
"Kirsten, ipagpabukas mo nalang 'yan!" nagtitimpi kong sabi, not taking my eyes off the road.
"Heh! Wala ng thrill, 'te! At saka mas maganda hangga't online sina Rowvey oh! You see, online silang lahat!"
Napahilot nalang ako sa sentido. Malamang ay wala din sa huwisyo ang mga iyon. Hindi ko nalang napigilan si Kirsten sa gusto niya dahil baka bunutan ko lang siya ng gilagid.
"Oh 'diba! Naka-post na, mamaya lang my magre-react na dyan!"
Hindi ko nalang siya pinansin hanggang sa makarating kami sa kanila. After that, dumiretso na akong umuwi sa bahay dahil napagod rin akong asikasuhin sila. Thank God, I'm not drunk!
Matapos kong linisin ang sarili ay humiga na 'ko. Unconsciously, I checked Kirsten's post and to my surprise.. the three really are online!
[PICTURE ATTACHED]
With a caption.. "ampanghi mo, aling nena."
Napa-facepalm nalang ako. I decided to check the comment section.
Mia Leticia Antonio
P*tangina, ano yan?!
Rowvey Galang
Kiki'ng lukot 😖
Kirsten Monde
T*t* yan HAHAHA
Nadja Vander
Oh my god, what's t*t*? Is it the tagalog of Uncle?🤔
Rowvey Galang
Shuta ka talaga nadja. Nabobobo ako sayo😠
Kirsten Monde
'Wag kayong magmura tangina
Mia Leticia Antonio
Yung utak ni Nadja parang sagot ko sa exam, bokya hohoho
Nadja Vander
Whut, girls? Im just asking huhuhu😢
Rowvey Galang
Wag ka ng magtanong kung ganon 😏👊
Kirsten Monde
Hoy g*go wag nyong babuyin post ko hindi 'to babuyan island bwahahaha😆😂
Ako mismo ang nahihiya sa kanila. Kaya naman nag-comment na rin ako,
Giselle Guanio
Kirsten, delete this post now. And sleep y'all.
Kirsten Monde
Yes maam kj mo po btw
I heaved a sigh and closed my eyes as sleepiness is hugging me. Napangiti rin ako nang wala sa sarili.
Aminin ko man o sa hindi, kahit na gano'n magsalita ang mga kaibigan ko.. I still love them all. Kasi kahit ganyan sila, atleast they're true and they are not hiding those naughty side of them. At saka hindi sila plastik,
Kaya naman as their friend, even if ganoon sila.. I'll still accept what kind of people they are dahil sila nalang ang mayroon ako and I really do love them. I treat them as my family kaya.
Magiging maganda na sana ang panaginip ko nang mag-vibrate ang cellphone ko. I checked it. And to my surprise, my wonderful boss pm-ed me. May facebook account pala 'tong lintang 'to!
Cohan Rad:
Rest and be ready for tomorrow my dear employee
Agad na nag-init ang ulo ko at salubong ang kilay na ni-reply-an ko siya.
Me:
F*ck you!
Cohan Rad:
Tomorrow
Cohan Rad:
Lol
Sa inis ay nag-out nalang ako at pinilit na matulog. Kahit kailan talaga! He's always brings my mood bad, and I really hate him for that!

Book Comment (18)

  • avatar
    De PedroJohn Leenard

    pretty

    09/04

      0
  • avatar
    MendozaKen

    nice story

    13/07/2023

      0
  • avatar
    Anj Rosete

    Big thumbs up for the writter👍 ang ganda ng story.

    06/07/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters