logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 1.1

Kabanata 1
Coffee
Sa lahat ng nag-aapply na nakatanggap ng salitang 'you're hired', ako na yata ang pinakamalungkot. At kung dati rati'y sobrang saya ko kapag natatanggap ako, ngayon kabaliktaran ang nararamdaman ko. Pero dahil may kaakibat akong kamalasan, umaasa ako na iyon ang magtatanggal sa akin sa lintik na trabaho'ng ito.
Pero nagdaan ang isang buwan, narito pa rin ako at hindi pa din ako natatanggal. Mawawalan na sana ako ng pag-asa nang minsang sabihin ng kasamahan ko,
"Pinapatawag ka ni Sir Cohan, Giselle!"
Napaangat ako ng tingin sa nagsalita, si Madelaine. Tinaasan niya ako ng kilay at inirapan. Matapos no'n ay bumalik siya sa kanyang sariling cubicle.
Huminga ako ng malalim. Masaya ako nang pinatawag niya ako dahil siguradong ipa-fired na niya ako. Syempre, hindi ko talaga pinagbutihan iyong ibinigay sa aking trabaho kaya naman inaasahan ko na sa kanyang ipatawag ako.
At iyong lalaking iyon, tama nga ako. Dahil siya ang president namin. Mr. Cohan Rad Dela Meda, kapatid ni Miss Cherry. Una nga ay nagdududa ako kung talaga bang kapatid niya ang kanyang ate ngunit nang mapagtanto kong medyo magkahawig sila ay doon ko lang nasigurong magkapatid sila. Masama kasi ang ugali ng loko. Samantalang si Miss Cherry, ang bait-bait. Para siyang gwapong demonyo.
Napatikhim ako. Did I just say he's gwapo? Err.
Tinungo ko na ang elevator at pinindot ang pinakaitaas kung saan naroroon ang opisina ni sir Cohan. Nang tumunog ang elevator ay lumabas na ako at tinungo ang kanyang opisina. Sa labas ng pintuan ay nakita ko ang sekretarya nito na abala sa pagtanggap ng tawag at nang makita ako nito ay dali-dali niyang ibinaba ang tawag at hinarap ako.
"Mr. Dela Meda is waiting for you inside, please come in.." pinagbuksan niya pa ako ng pinto. I smiled at her and thanked her.
Nang sumarado ang pinto ay saka palang nawala ang ngiti sa labi ko at walang emosyong hinarap ang aking employer.
"Pinapatawag mo daw ako." aaminin kong bastos ang naging bungad ko pero wala na akong pakialam.
Nag-angat siya ng tingin sa akin mula sa papel na hawak niya. His jaw tightened as he stare at my skirt, my brow creased for that so unconsciously, hinatak ko ito pababa kahit alam kong babalik rin iyon. Nanatili pa rin ang tingin niya roon kaya naman nainis na ako.
I cleared my throat. "Sir." mariin kong dagdag at saka doon palang siya tumingin sa akin. Mukhang sinadya niya iyon dahil umangat pa ang gilid ng labi niya ngunit nagseryoso siya ulit.
"I need you." he said.
"Ha?"
"To buy me coffee," he continued.
Napaawang ang labi ko pero agad rin namang nakabawi.
"Uhm," tumikhim ako. "Bakit ako?" masungit kong dagdag. I even crossed my arms,
Tinignan niya ako na parang 'obvious ba?' at saka nagsalita. "At bakit naman hindi ikaw? You're my employee and you should obey me."
"Pero hindi ko iyan trabaho."
"Hindi porke't may isa ka ng tinatrabaho ay hindi mo na pwedeng sundin ang boss mo." diniinan niya talaga ang salitang iyon.
Nagsalubong ang kilay ko. "Ang daming iba d'yan, ba't ako pa? Iba nalang, busy ako." inirapan ko siya at tumalikod na ngunit natigil ako nang marinig ko ang suntok niya sa lamesa kaya agad ko rin siyang hinarap.
His eyes that were fuming mad are looking at me directly. At parang may tumarak sa akin dahil doon dahilan para matigalgal at manginig ako.
"You rude woman! Don't you dare talk back like that. I am your boss and you have nothing to do but obey me, understand? Wala kang karapatang ganyanin ako, Giselle! Learn how to respect." aniya na nakapagpatigil pang lalo sa akin.
Napapikit ako ng mariin at napayuko. "Y-Yes, Sir." sabi ko.
"Now, buy me my coffee."
Tatalikod na sana ako nang may maalala ako. "U-Uh, pera pala. Akin na," nanginginig man ay inilahad ko ang kamay.
His eyes darted at my shaking hands. 'Kita ko ang pagtiim ng kanyang bagang doon at tinitigan iyon na para bang isa iyong misteryo. He then looked at my eyes,
"Bakit ako ang hihinga'n mo? Para saan pa ang pinapasahod ko sa iyo? And oh, Ms. Guanio. I am not paying you just to report kinds of hotdog, nagkakalinawan ba tayo?" he said.
Para akong kawawang tumango. Tama siya. Tutuusin ay ako pa ang may utang dahil pinapasahod niya ako para maglaro lang. Sino ba naman ang matutuwa kung magpasa ka ng tender juicy, bingo, jumbo, etc. pictures hindi ba? Syempre wala.
Papadyak-padyak na lumabas ako ng kanyang opisina at bumili ng kape niya. Siguraduhin niya lang na huli na itong panggagambala niyang huwad siya!
Pagkarating ng coffee shop ay bumili na ako ng kape niya.
"What coffee, Ma'am? Because we have different coffees here,"
Napakamot ako sa ulo nang maalalang hindi ko nga pala naitanong sa kanya kung anong flavor.
"U-Uh, expresso please." I answered. Nakangiti naman itong sumunod at ini-punch ang order ko.
Nang matanggap at makapagbayad ay bumalik na ako sa opisinang lawit ang dila dahil sa hingal. Hindi na kasi ako nag-taxi dahil kaunting lakad lang naman pero hindi ko naman akalaing hihingalin ako. Pero mas ayos na rin iyon dahil nakatipid ako.
Nang makarating sa opisina niya ay naglakad ako patungo sa kanyang harapan na may mayabang na ngiti pero agad ring napasimangot nang mas mayabang ang ngiting isinalubong niya sa akin.
Padabog kong iniabot sa kanya ang kape at kinuha naman niya iyon. Bubuntong-hininga na sana ako nang ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko nang i-shoot niya iyon sa trash can! Hindi makapaniwalang sinundan ko iyon ng tingin bago ibinalik ang tingin sa kanya.
"Why the heck did you do that?!" I can't believe it!
"I don't like expresso, I like kapeng barako." he smirked.
Nagpantig ang tenga ko at malapit na sanang birahin siya nang maalalang boss ko nga pala siya. Pasalamat siya't may natitira pa akong pasensya!
"Arti mo," at saka tumalikod na upang bilhan ulit siya. Ngunit sadyang malupit ang amo ako.
"Nagbago na pala ang isip ko, iced-coffee nalang pala. For refreshment,"
Crush na naman niya ako oh, tsk.
"Refreshment daw. Ayaw mo pang sabihing masaya kang pinapahirapan ako!" bulong ko.
"You saying?"
"Ah! Wala po, ibibili ko na kayo." inirapan ko siya at iniwan sa opisina. Pagkalabas ay rinig ko pa ang halakhak niya. See? Pinapahirapan niya lang talaga ako!
Trip ba niya ako ha?
Napailing nalang ako sa iritasyon at tumakbo na papuntang coffee shop dahil malapit ng mag-gabi. Marahil ay nagtataka na nga ang nagbebenta sa akin dahil pabalik-balik ako. Sisihin niyo po ang huwad na boss ko! Pagkatanggap ng iced-coffee ay nag-fake ako ng smile at bumalik na sa opisina pero ang huwad ay talagang nasa mood para mang-asar.
"Oops! Natapon, isa pa. Pero kapeng barako nalang pala ulit." nakangisi ang huwad na Cohan.
Really? How immature of him!
Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan. Walang salitang nilisan ang opisina at labag man sa loob ay bumili pa rin ng kapeng barako. Balita ko nga matapang daw ang kapeng barako, sana lang kapag nainom na siya ng huwad ay sikmuraan niya.

Book Comment (18)

  • avatar
    De PedroJohn Leenard

    pretty

    09/04

      0
  • avatar
    MendozaKen

    nice story

    13/07/2023

      0
  • avatar
    Anj Rosete

    Big thumbs up for the writter👍 ang ganda ng story.

    06/07/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters