logo
logo-text

Download this book within the app

003

Malakas ang mga tawanan at nila at patuloy pa rin nila akong pinagbababato ng papel na may pintura. Itim na pintura. Hindi ko kinokoberan ang sarili ko. Nakatayo lang ako sa tapat ng pinto at patuloy lang sila sa ginagawa nilang katangahan.
Wala akong panahon patulan ang kahit sino sa kanila. Wala akong oras para sa kanila. Naglakad na lang ako paalis sa tapat ng pinto at bumaba. Nakasunod naman ang tingin sa akin ng lahat, kahit ng ibang mga guro. Nagtatanong ang ilan sa kanila, pero ngiti lang isinasagot ko. Hindi naman sila nagtatanong dahil may paki sila, gusto lang nila makiisusyo sa nangyari. At gaya ng lagi, wala akong panahon para makipag-usap sa kahit sino sa kanila. Nagbubulungan at nagtatawanan ang ilang mga nakakita sa akin. Puno kasi ng pintura ang damit ko na kulay itim, pati bag, braso at mukha ko.
Pumasok na ako ng c.r at napangiti na lang ng makita ang sarili ko. Nakakatawa talaga sila. Sigurado akong walang kuwenta ang buhay nila dahil nagagawa nilang sayangin ang oras nila para gumawa ng ganitong bagay. Nakakaawa naman sila. Sa sobrang walang silbi ang buhay nila, ibang buhay na lang ang ginugulo nila.
Pinunasan ko ng panyo ang mukha ko. Buti at basa pa ang pintura, kaya naman mabilis lang din natanggal, pero may marka pa rin ng itim. Ganoon din sa braso ko. Sa damit, pants at tote bag ko, wala akong pamalit kaya kailangan kong magtiis.
Actually, hindi nga ako nakapasok sa una kong klase. Paano ba naman, kapapasok ko pa lang ng school, sinalubong na ako ng guidance office staff na pumunta doon. And guess what? Nagkaroon lang naman ako ng parusa sa bagay na hindi ko ginawa. Expelled na dapat ako, pero binigyan nila ako ng choice. As if hiningi ko. Tatlong Linggo akong maglilinis ng buong building 1 kung saan may apat na palapag. Hindi raw ito lilinisin ng mga school cleaning staff mula umaga hanggang ala-singko kung saan wala ng tao. Ako raw ang maglilinis dito. Alas tres ang normal kong uwi, pero dahil nangyari 'to, ala singko pa lang ako magsisimulang maglinis, siguro mga ala sais ako makakauwi, o bandang ala syete. Basta, bibilisan ko na lang sa paglinis para makauwi ako agad. Kung hindi ko lang kailangan magtiis dito? Aalis na ako sa school na 'to, na may bulok na sistema. Sikat at may mataas daw na degree, pero bobo naman at walang pagpapakatao ang mga nandirito. Aanhin nila ang utak nilang maraming alam kung wala nan silang mga puso. E teka? Ano pa bang inaasahan ko? Pareparehas lang naman pala sila, mga basura.
Habang nagpupunas ako ay pumasok si Hana Hunghang na nakapameywang pa at abot ang taas ng kilay sa tuktok ng ulo niya.
"Oh ano? anong masasabi mo sa mga surprises namin sa 'yo ng asawa ko?" Asal nito habang nakatayo sa gilid ko. Hindi ko siya pinansin na malamang lalong ikinais niya "Huh, tapang-tapangan ka kasi, pero ang totoo? Wala ka namang binatbat sa amin. Isa ka lang hipokritang, mamamatay tao"
Natigilan ako sa pagpunas ng labi ko dahil sa sinabi niya. Napakuyom ang kamao ko at hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng galit. Narinig kong tumawa siya.
"Oh ano? Natatakot ka na ba? Alam ko namang takot na takot ka sa nakaraan mo. 'Di ba? KILLER" Pagdidiin niya
Hindi. Hindi niya ako puwedeng matalo. At mas lalong hindi ako natatakot sa nakaraan ko. Malakas na ako ngayon, at 'yun lang ang alam ko.
"Tss" Sarkastiko akong tumawa at itinuloy ang pagpupunas sa sarili ko. Hindi ito ang panahon para makilala nila ako. Hindi ngayon, hindi hanggang hindi ko natatapos ang goal ko sa buhay na 'to.
"Stop acting like you aren't scared of anything Nicole. You can't escape from the fact na mamamatay tao ka!" Sigaw nito na siyang dahilan para tumawa lang ako "Why are you laughing?!" Bakit ko siya sasagutin? Kasalanan ko bang natawa ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Nakakatawa talaga ang mga tao. Kay bilis nilang malilo. Hinugasan ko ang kamay ko at saka na humarap sa kaniya. Nakataas lang ang kilay nito sa akin.
"Bitch!" Angil niya at sinampal ako ng malakas. Pinigilan naman siya ng mga kasama niya.
Bakit? Bago ata 'to. Tinapunan ko lang naman ng tingin ang leader nilang mga hunghang na si Hana, pero parang natutop ata ang mga labi nila at hindi makapagsalita, maski pa ang leader nila. Nanatili lang itong nakatitig sa akin na basang-basa sa mata ang pagkatakot. Nakakatawa, siya ang gustong manakot, pero siya ngayon ang natatakot. Should I be scared and prepare myself now? Anytime, si Hanz hunghang naman ang lilitaw sa harap ko para iganti ang asawa niyang bobo. May sugat pa ang labi ko dahil sa ginawa niya kahapon. Basta, hindi ako makakalimutin. Pero wala rin akong balak idampi sa kanila ang palad ko, para lang 'to sa espisipikong tao.
Dumiretso na ako sa klase ko. Gaya ng lagi, walang gana akong naupo at nakinig ng mga lectures. Nakakaumay makinig, ano bang mapapala ko rito? Wala naman akong paki kung grumaduate ako o hindi. Nakakatawa ngang pagmasdan ang iba, gahol na gahol sa mga requirements dahil ilang buwan na lang matatapos na ang klase. Habang ako, ito, tamang tingin lang sa kanila. Aanhin naman kasi nila 'yang mga requirements sa mundo kung mamamatay din naman sila? Kesyo para daw pagnawala naman sa mundo ay may naiambag dito. Naiambag? Ang ilibing ka pa lang sa lupa kapag namatay ka ay ambag na. Ambag mo sa inang kalikasan. Kung iisipin, kapag namatay ka, ano na bang sunod, 'di ba? Wala ngang may alam, walang sigurado. Kahit pa sabihin nilang langit o impyerno, deep in their thoughts, tatanungin din nila ang sarili nila, kung totoo ba ang dalawang lugar na 'yun. Nakakatawa talaga ang mga tao, niloloko lang nila ang sarili nila. Ang dami-daming mga sinasabi, pero ang totoo, tinatanong din naman nila ang sarili nila, kahit minsan, kung totoo ba ang mga sinasabi nila. People sucks, mga mapagpanggap.
Nang matapos ang tatlong oras na klase ay dumiretso na ako sa may bandang likod ng school, kung saan may benches. Kaunti lang kasi ang tao rito, lahat kasi sila nagkukumpulan sa gym at nanonood ng mga naglalaro. Sinasayang nila ang oras nila sa panonood ng mga walang kuwentang bagay. Panay pa ang tilian minsan kapag na-shoot ng Hanz Hunghang na 'yun ang bola. Ano kayang nakakakilig sa kaniya? O sa mga kalaro niyang mukhang amoy mabaho naman, gaya ng mga ugali nila. Naupo ako sa dulong bench, kung saan tanaw ko na ang parking lot, 'di kalayuan dito sa campus. Binuklat ko na lang ang libro ko tungkol sa kalawakan, to be specific, Neptune World. Mas masaya pang magbasa rito at isipin ang puwede kong gawin doon kapag nakapunta na ako.
Ano kayang magandang gawin sa Neptune? Hindi na bali, paguusapan na lang namin ng mga kalahi ko kapag nandoon na ako.
Habang tutok ako sa pagbabasa ay bigla na lang may dalawang basura na tumabi sa akin. Nasa kabilang upuan naman sila, pero katabi ko kasi. At ang ingay nila.
"Babe, I'm sorry okay? I didn't mean it. Ayokong saktan ka, but
I had to" Saad 'nung lalaki habang umiiyak 'yung babae
"Just leave me alone. I don't need you anymore. J-just go" Pagiinarte 'nung babae. Imbis naman na umalis 'yung lalaki ay niyakap pa nito ang babae
Bingi ba siya? Ang gulo talaga ng mga tao. Sabi umalis, pero yumakap pa.
"No babe, I want you to know that I had everything enough for you to never feel this pain. But please, understand me..." Sabi naman ng lalaki
Ang gulo ng mga tao. Pero sigurado akong may mabigat na rason itong si Kuya. I mean, kung wala, ano? Baliw lang? Normal naman pala 'yun sa kanila.
"You promised me that you would never ever hurt me like this! But you're winning now!" Sigaw ng babae saka pilit tinutulak ang lalaking nakayakap sa kaniya.
"Babe please... understand me" Pakiusap ng lalaki
"Understand you? all this time we were together, I had nothing for myself, because I gave it all to you. I loved you more than myself, and look, look who's suffering now?" Sabi ng babae habang pilit kumakawala sa yakap 'nung lalaki
"Babe I'm sorry... I'm really sorry..."
"What? you're sorry? For what? Because you're just deceiving from me all this time? Come on Bry, just go, leave me alone." Humina na ang boses ng babae. Dahan-dahan naman ng bumitaw ang lalaki. Pinunasan nito ang sariling luha habang nakayuko
"I'm sorry. I didn't mean to hurt you. I didn't mean it all. It happened for I don't know too. But you're right, I have to take my responsibility as a future father of her baby, our baby..."
"Stop your stupidness Bry. Whatever it is, nasarapan ka pa rin sa nangyari sa inyo, at here nagbunga. And now? you're telling me you're sorry? Sorry saan? Kasi nasarapan ka sa kaniya?... Fuck you! Fuck you both!" Sigaw ng babae saka galit na umalis
Sumunod ang katahimikan ngunit agad din iyon binasag ng lalaki
"Pffft!" Tawa ng lalaki saka inayos ang sarili niya. May dinutdot siya sa cellphone niya at agad tinawagan "Okay na, hiwalay na kami. Buti gumana ang eksena nating kunwari buntis ka at aksidenteng may nangyari sa atin. Ano bang magagawa ko 'di ba? Mas masarap ka sa kaniya... grabe iyak siya nang iyak, as if may pake pa ako?" Tumayo pa ito at mayabang na sinuksok ang kamay niya sa bulsa ng pants niya "Later?... alright, taste you later baby..." At naglakad na palayo.
"Gago..." Bulong ko sa kawalan.
Iyon ba ang sinasabi ng mga tao na masaya ang makipagrelasyon? Pwe. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kun'di ang lalong pagkasuya sa mga tao. Masasabi kong bobo talaga ang lalaking iyon. Kilala ko ang babaeng 'yon, kilala siya rito sa campus bilang matinong babae, may matataas na grado, may maayos na buhay, at may matinong pamilya. Pero minalas siya sa lalaking 'yon. Pero 'di na rin naman nakapagtataka, kahit naman gaano kaperpekto ang buhay mo, gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan para bigyan ka ng dahilan upang kamuhian ang mundo, o maski ang sarili mong buhay. Iyong bang, masaya ka naman kasama ang mga mahal mo sa buhay, pero sa isang iglap, bigla na lang magbabago ang lahat. Ang lahat-lahat. At wala kang ibang magagawa kun'di tanggapin na lang ang mga nangyari at nangyayari sa buhay mo. O 'di kaya gaya ko, nahanap ko ang purpose ko sa buhay ko.
Iiling-iling akong nakangisi habang nagbabasa ng libro. Ewan ko ba, bigla kong naalala ang makulit na basurang sunod nang sunod sa akin kagabi. Out of nowhere, bigla siyang pumasok sa isip ko. Siguro dahil tungkol sa Neptune itong binabasa ko, baka dahil din sa nakita ko kanina, naisip ko lang din kasi 'yung sinabi ng katrabaho ko kahapon, hindi iyong mag-boyfriend ako ng mayaman, kun'di ang tanong niyang. Bakit wala raw akong boyfriend. May dalawang rason lang naman kung bakit. Una ayoko ng basura sa buhay ko, gaya ng nakita ko kanina. Ayokong magtiwala tapos gagaguhin lang naman pala ako. At pangalawa, wala akong balak mandamay ng tao. Magulo na ang buhay ko, bakit mandadamay pa ako? Saka maganda ng mag-isa lang sa buhay, sigurado kang wala kang masasaktan kapag nawala ka na sa mundong 'to.
Nagsimula naman na ulit ang klase at tahimik lang akong nakatingin sa mga prof. Hindi kasi mawala sa isip ko 'yung nangyari kanina doon sa lalaki at babae. At sumisiksik pa sa isip ko iyon basura kagabi na nangungulit sa akin. I hate to admit, pero bakit iniisip ko ang mga bagay na ito? Naiinis lang tuloy ako lalo.
Natapos ang buong oras ng klase na iyon ang iniisip ko. Hindi ko rin alam kung bakit, pero alam kong mali ito. Walang tama sa tumatakbo sa isip ko ngayon. Naupo na muna ako ulit sa bench sa likod ng school para maghintay ng ala singko, alas kuwatro pa lang naman at may mga estudyante pa sa building 1. Nakakatawa talaga ang paaralan na ito. Kung hindi ko lang kailangan dito mag-aral? Hindi ako rito mag-aaral. Nakakainis, imbis na uuwi na ako para pakainin ang mga mahals ko, nandito ako para maghintay sa labasan ng ibang estudyante. This is out of my usual stuffs, pero wala akong magagawa. Ano nga ba kasi ang laban ko sa may kapit sa bulok na paaralan na 'to? Wala. They have the control, at kailangan ko lang sumabay. Kapag nagawa ko na rin ang goal ko sa buhay na 'to, puwede na akong mawala. 'Yun lang ang alam ko, kaya kahit saktan o ipahiya pa ako ng mga basura ng ilang beses, wala akong paki. Hindi naman kasama ang saktan sila sa plano ko. Again, ayokong magsayang ng oras para sa kanila, at ayokong sila ang unang makakatikim ng palad ko. Para 'to sa isang espesyal na tao.
"Hmmm" Sambit ko habang binabasa ang mga dahilan kung bakit kailangan kong linisin ang buong building 1 ng tatlong linggo.
Una, dahil nga ninakaw ko raw ang pera ng Hana hunghang. Pangalawa sinaktan ko raw si Hans pati siya. Kala ko ang lalaking hunghang lang, pati pala siya. Sige. Pangatlo, threatening. Tinakot ko raw siya at sinabing papatayin. Pangapat, nangopya raw ako kaya nakakuha ako ng mataas na grado. At pang-lima,ako raw ang nag-vandalized ng pader sa likod ng building I. Ah, kaya pala 'nung dumaan ako kanina ay may mga sulat na.
"Pfft" Pigil kong tawa.
Humahanga ako sa kagalingan nila Hanz, Hana at iba pang kasabwat nila sa pagpapaniwala sa school admin na ako ang gumawa ng lahat na ito. At syempre, nahahabag ako sa school officials. Akalain mo 'yun? Kilala ang school nila na may mataas na degree, pero ang bilis lang nila paniwalain ng mga may pera? Nakakadiri. Tumayo na ako nang tumapat na sa 5:30 ang orasan ko. Siguro naman wala ng tao ngayon doon?
Naglakad na ako pabalik ng building 1 at gaya ng inaasahan ko nadatnan ko sina Hans kasama ang mga kapwa niya basurang tao, na kinakalat sa paligid ang kapwa nila basura. Hindi niya ba alam na mas malaking kalat sila sa building kumpara sa mga kinakalat nilang katulad nila?Nang matapos naman sila ay tatawa-tatawang nagsialisan ang mga ito. Dumiretso na ako sa fourth floor para simulan ang paglilinis ko. Sarado na ang mga classroom at ako na lang ang nag-iisang tao sa buong building 1.
Sinimulan ko muna pulutin ang mga malalaking kalat, habang hatak-hatak ko naman ang basurahan. Pagkatapos ay winalisan ko ang sahig ng tambo. Pagtapos ay mi-nop ko ito. Ito na ba 'yung parusa? Wala na bang ikahihirap 'to? Nakakainis lang ng kaunti, sana kasi may music ako ngayon. Kung hindi lang nasira ang phone ko at earphone. Dinala ko kagabi sa pagawaan, at umabot sa limangdaan daan higit ang babayaraan ko. Ang dami kasing sira. Buti nga at luma na ang cellphone ko, kaya mura na lang din ang paayos. Maaayos pa naman daw, pero pagtapos pa ng isang linggo ko makukuha.
Tinuloy ko ang paglilinis ko bago bumaba ng third floor.
Napahinga na lang ako nang malalim ng makita ang kalat dito. Kahit kailan talaga basura ang mga 'yon. Buong hallway talaga ay kinalatan nila. Nakasabit pa ang ilan sa bintana. Talagang nageffort sila para lang subukan na inisin ako, o asarin? Well, they won't ever win. Simpleng bagay lang 'to para kainisan ko, sayang sa oras. Sinimulan ko munang pulutin isa-isa ang mga iyon. Ang ilan naman na maliit at dina-dustpan ko na lang. Basa pa ang ilan dahil sa tapon na mga inumin. Mukhang nag-effort talaga sila at galing pa sa cafeteria ata itong basura na itinapon nila rito. Mga basura nga naman.
"E-excuse me?"
Natigilan ako ng may marinig na basurang nagsalita, este taong basura.
"Excuse me? Ayos ka lang ba? Gusto mo ba ng tulong? I can help you!" Pag-uulit nito
Tulong? Mukha bang kailangan ko ng tulong? Hindi naman 'di ba. Hindi ko ito pinansin, lalo at pamilyar ang boses nito, pati ang kabaitang pagpapanggap nito. Oo, siya lang naman 'yung basura kagabi. At ano naman ang ginagawa niya rito? Sabagay, nakikibagay sa mga basurang nakakalat gaya niya.
"M-Miss Stormy?" Utal nito nang makalapit na sa akin. Pero gaya ng alam kong dapat, hindi ko pa rin siya pinapansin. Patuloy lang ako sa pagdampot ng mga basura "Woah! Ikaw nga! Buti nakita kita ulit! This kina unexpected! Teka, anong ginagawa mo rit- bakit ikaw ang naglilinis dito?" Tanong niya na akala mo naman sasagutin ko. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.
"Nah, as I expected, masungit ka pa rin. Parang panahon!" Sigaw nito saka tumawa
Anong nakakatawa doon? Paki-explain nga.
"You're working here?" Tanong niya ulit "Alright then, I'll help you" Sambit niya saka pumulot na ng basura Baliw ba siya? Tanga? Bobo? o manhid?
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko. Kung gusto niyang pulutin ang mga gaya niya, fine. Basta hindi ako humingi ng tulong mula sa kaniya, kaya wala akong magiging utang na loob.
"Alam mo miss Stormy, hindi ko inaasahan na makikita kita rito, ang unexpected 'no?" Daldal niya habang nagwawalis ako, habang siya nagma-mop ng mga nawalisan ko ng bahagi "Oo nga pala, sa 'yo marahil 'yung libro doon sa hagdan na tungkol sa Neptune. Paborito mo rin ang Neptune planet?" Tanong niya. Hindi ko pa rin siya sinagot kaya napakamot na lang siya sa ulo niya
"Uhm, ako kasi iyon ang planetang gusto ko. Lifeless daw doon, pero gusto ko pa rin. Kapag talaga naging kaluluwa na ako? susubukan kong makarating doon" Aniya na nagpatigil sa akin ng bahagya "A-ayos ka lang ba?" Pag-aalalang sambit niya dahil tumigil nga ako "Kung pagod ka na, magpahinga ka muna. Hindi maganda na sinosobrahan mo ang sarili mo. Tao ka lang din naman"
Sinamaan ko siya ng tingin pero nginitian lang niya ako Nakakabwisit siya. Ngumisi lang ako ng sarkastiko at itinuloy ang ginagawa ko. Sino ba siya para pag-aksayahan ko ng oras?
"Tungkol nga pala kagabi, kung ayos lang sana sa 'yo, ihatid na lang kita mamaya pauwi? Gabi na kasi oh, baka ano pa ang mangyari na naman sa'yo"
Fuck, the hell he cares? Ano bang pakialam niya kung mangyari ulit 'yung kagabi?
"Hindi kasi maganda na naglalakad kang mag-isa doon. Ang dilim na nga tapos may mga tao pang ganun. Buti na nga lang at dumating ako kagabi, kung hind-"
"Kung hindi ano?" Angil ko rito. Nakakabingi na kasi siya. Baka sakaling tumigil siya kung magsasalita na ako sa kaniya. O, laitin ko ulit ang buong pagkatao niya, o sipain siya sa pagkalalaki niya. "Ano?" Pag-uulit ko
"Kung hindi, baka kung ano na ang nangyari sa'y-"
"Excuse m-" Pinutol na naman niya ang sasabihin ko
"Alam kong malakas ka, kung iyon ang gusto mong marinig. Pero tatlo sila, ang lalaki pa ng tyan at ang tataba. Mga lasing na rin sila, at may mga patalim. Inilulugar mo dapat ang katapangan mo. Hindi sa bawat oras ilalabas mo 'yan. At hinayaan mo na dapat mamatay 'yung pusa, o kung hindi naman, tumawag ka ng tulong. Paano kung ikaw ang napahamak?" Ang ngiti sa labi niya ay napalitan ng seryosong awra. This can't be.
"And so? The hell I care? Pakialam mo ba? Kung gusto kong mamatay, magpapakamatay ako. At kung gusto kitang patayin, papatayin kita. E kaso, mukhang kawawa naman ang inang kalikasan kung basura lang ang ibabaon sa lupa niya" Saka ako ngumisi ng sarkastiko "E kung ihampas ko sa'yo 'tong walis tambo ngayon dahil kanina pa 'ko naiirita sa kaingayan mo?" Matapang kong sambit, pero ngiti lang ang binigay nito sa akin.
"You're such a fearless" At ipinatong sa ulo ko ang kamay niya saka itinulak ng bahagya ang noo ko. Fuck. "Hindi mo dapat inilalagay sa pahamak ang buhay mo. Hindi mo ba alam? You can only die once, but can live everyday." Saka ngumisi
Fuck. Walang anu-ano'y malakas ko siyang hinampas ng walis tambo sa braso. Hindi lang isa kun'di tatlo o apat na beses. Tumigil na lang ako dahil hindi man lang ito gumalaw o umalis sa puwesto niya. Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin habang ako ay may kung ano nang kakaibang nararamdaman.
"FUCK YOU!" I cursed sa sobrang pagkainis at halo-halong nararamdaman. I don't know either kung bakit halo-halo ang emosyon ko sa mga oras na ito. Tumalikod ako at nagdire-diretso ng baba sa second floor. Nang tuluyan na akong makaalis sa paningin niya ay napahinga na lang ako nang malalim at napangiti ng sarkastiko
"Atleast, I had the chance to hit him"
Itinuloy ko ang paglilinis ko habang siya ay nakasunod pa rin sa akin. Oo, pagkatapos ng nangyari kanina sa third floor ay nakasunod pa rin siya sa akin. Hindi ko alam kung anong klase basura siya na anyong tao, pero nakakainis siya. Hindi ko siya tinitingnan habang siya naman ay ramdam kong bawat galaw ko ay sinusundan niya ng tingin. Hindi ko rin alam pero nakakaramdam na ako ng kaunting ilang sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung anong problema niya, o kung anong kailangan niya sa akin. Pero wala akong paki sa kaniya.
Pagkatapos kong walisin ang dulo ng second floor ay kinuha ko na ang bag ko sa hagdan at hindi na siya hinintay. Hawak ko ang tambo at walis. Sa kaniya naman ang mop at basurahan. Gusto ko sanang agawin iyon, pero bukod sa naunahan niya ako, ayoko rin siyang kausapin maski tapunan ng tingin.
"Ganun mo siguro kamahal ang mga hayop? Na nagawa mo pang isakripisyo ang buhay mo para sa pusa."
Paulit-ulit na lang siya sa pagbalik ng nangyari kagabi. Wala ba siyang ibang alam sabihin o gawin? 'Di ba talaga 'to aalis sa landas ko?
"Sorry nga pala kung ni "lang" ko lang 'yung buhay ng pusang niligtas mo kagabi. I never intended na maliitin ang buhay ng kahit sinong nabubuhay. Sorry"
Naglalakad lang ako pababa. Ayoko siyang pakinggan, pero ayaw niyang tumigil.
"Alam mo ba, may alaga rin ako. His name is Hydro, short for Hydrogen, an askal breed. Actually, hindi naman ako mahilig sa mga hayop talaga. It happened lang na iniligtas ako ni Hydro dati. Kaya naman inampon ko na siya" Kuwento niya Ano bang paki ko sa mga sinasabi niya?
"Nagulat lang talaga ako kagabi. First time ko kasing nasaksihan mismo na may taong magsasakripisyo ng buhay niya para sa isang pusa. I mean, that's rare. Walang taong gagawa 'nun, liban sa'yo"
Pagkababa ko ng first floor ay sinimulan ko na agad magwalis.
Gusto ko ng matapos 'to para makauwi na ako. Lalo at quarter to 7 na. Ang bilis naman ng oras. Nakasunod pa rin naman siya sa akin at panay ang kuwento. Kulang na lang ay gawan na niya ng libro ang buhay niya.
"Siya nga pala, matagal ka na bang nagtatrabaho doon sa convenience store na pinapasukan mo? Anong oras ka pala pumapasok doon?" Tanong niya
"Uhmm, alam mo ba ang mga kuwento tungkol sa school na 'to?"
Dagdag niya
Ano bang paki ko sa mga kuwento ng lugar na 'to? Hindi ko nga inaaral ang history ng bansa, ito pa kayang campus na 'to, na may bulok na pamamalakad?
"Itinayo 'to noong panahon pa ng mga Amerikano. Sobrang luma na nito, pero hindi halata dahil naka-ilang beses ng nag-undergo ng renovation. Actually, hindi talaga apat ang building nito noon, dalawa lang daw, at hindi talaga ito paaralan. Isa itong hospital" Kuwento niya. Ewan ko, pero nagsimula naman na akong makinig sa kaniya
"May bumili ng lupa, kaya ito ginawang private university. Marami ng kuwentong kababalaghan dito, gaya ng kapag may naiwan pa raw dito ng alas dyis ng gabi. Imposibleng makakalabas daw iyon ng hindi man lang nakaranas ng kahit anong kababalaghan. Sabi nila, sa building 3, doon daw may gumagalang kaluluwa na walang ulo. Sa building 4 naman daw, may nanggagaya. Sa building 2 naman daw bigla na lang naglalaglagan ang mga gamit. At dito sa building I..."
Napalunok ako habang naghihintay ng sunod niyang sasabihin. Pero hindi ko iyon pinapahalata sa kaniya.
"May maririnig daw na mga umiiyak. Itong building I at 2 daw kasi ang dalawang eksaktong lugar kung saan nakatayo ang orihinal na dalawang building ng luma nitong hospital. Alam mo naman sa hospital, laging may nawawala, kaya ganito na lamang daw ang takot kahit ng ibang guard kapag dadaan sila dito sa building 1 at 2. Napaka-unsual daw kasi ng iyak, lalo at madalas daw nagpapakita pa ang mga ito. Ang iba bigla na lang lumilitaw sa harapan ng taong nandito, ang iba gumagapang daw mula sa hagdan pababa, ang iba na-"
"Naniniwala ka?" Ani ko. Hindi ko alam, pero curious na rin ako. Bukod 'dun, ito ang unang beses na nakinig ako sa kuwento ng iba at makikipag-usap.
"Hmmm, sa totoo lang hindi. Nakikinig lang ako, pero hindi ako naniniwala. Unless ako mismo ang makakit- naiisip mo ba ang naiisip ko Miss Stormy?" Nagagalak nitong tanong na parang bata sa harapan ko
"Hindi ko isip 'yan, kaya hindi. Bukod doon, hindi ako sigurado kung may isip ka" Pagtataray ko sa kaniya na ikinatawa lang niya "Bagay talaga sa'yo ang Stormy. Inclement Weather" Aniya habang nakangiti. Inirapan ko na lang siya pero tumawa lang siya. "Mas maganda na 'yung iniirapan mo ako, atlis alam kong napansin mo 'ko"
Nakakainis siya aaminin ko, pero bakit may "pero" na sa isip ko? I'm just having a delusions.
"Paano kaya kung mag-ghost hunting tayo? sakto at 7 na" Sambit niya na ikinatingin ko sa orasan ko
Shit. Sila Siri! Sigurado akong nagugutom na sila. Urgh! Sinisira ng basurang 'to ang daily do's ko!
Iniwan ko na siya at nauna na akong lumabas ng building I. Nakasunod lang siya sa akin at panay ang tawag sa akin ng binansag niya sa aking "Stormy". Nakakatawa, mas malala kasi ako sa bagyo. I am more than anything na puwedeng katakutan ng iba. Well, probably it's not obvious. Pero ika nga nila, Don't judge the book by its cover. Inilagay ko na sa storage room ng building 3 ang mga ginamit ko. Hingal pa akong nagbalik ng mga gamit dahil tinakbo ko talaga. Kailangan ko na kasing makauwi. Bigla ko namang naalala ang sinabi 'nung lalaking basura na 'yun kanina. Hindi ako naniniwala sa mga multo, unless maging ganun ako. As if naman na dito ako sa Earth mag-aala multo. Doon na lang sa Neptune, tutal puwede naman na akong pumili ng mundong gusto ko kapag multo na lang ako. Excited na tuloy akong maging multo. Napatitig naman ako sa gate ng building 3 dahil madilim na nga ang corridor. Hindi naman nakakatakot sa totoo lang. Lagi lang talaga binibigyan ng mga tao ang sarili nila ng dahilan para matak-
"PUTA!"
Sigaw ko at malakas na dumampi sa mukha niya ang palad ko. Sinundan na naman niya ako. 'Yung totoo? Long lost tail ko ba siya? Pigil itong tumawa sa harapan ko. Putangina.
"Hindi mo ba ako titigilan?!" Inis kong sigaw sa kaniya. Nagulat kasi ako. Take note, nagulat hindi natakot. "Kung wala kang magawa sa buhay mo tigilan mo ako puwede?! Dahil ako, hindi ako puwedeng magsayang ng oras para sa gaya mong b-"
"Basura" pagtuloy niya ng dapat sasabihin ko "Amoy basura ba talaga ako sa 'yo? Nagpabango pa naman ako kanina." Aniya saka kinagat ang ibabang labi niya.
Tss. Ang sakit nga sa ilong kanina p- fuck.
"So hindi ka lang pala pakunwaring hero at papansin? Bida-bida at panira ka rin ng araw!" Bulyaw ko sa kaniya at padabog na nilagpasan siya
"Bakit ba nagagalit ka sa akin? Wala naman akong ginawang masama sa 'yo?" Sambit niya habang sinusundan ako. Hinarap ko siya sa sobrang pikon
"Dapat ba kitang paniwalaan?" Ani ko at sinamaan siya ng tingin "Wala naman akong paki sa 'yo. At alam mo kung bakit nagagalit ako? Dahil ang kulit mo. Sunod ka nang sunod na akala mo close tayo. Where in fact, hindi mo naman ako kilala? You don't even know my name? So bakit ganiyan ka umasta sa akin? as if we met before?" I hissed out of my serenity. Nakakapikon na kasi!
Ngumiti lang siya at muling inilagay ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko "Shhhh Miss Stormy, ang init ng ulo m-" Sinipa ko ulit siya sa pagkalalaki niya
"Isa pang sunod mo, ipapapulis na kitang basura ka!" Sigaw ko at tuluyan na siyang iniwan, pero huminto rin ako ulit "Whatever you want from me, wala kang makukuha sa akin. Kung sinusubukan mo akong kilalanin, 'wag mo ng ituloy. Save yourself and just leave me alone." Saka ko itinuloy ang paglabas ko ng school
Hindi ko alam kung sino siya at kung ano ang pakay niya. Pero hindi ako natutuwa sa presensiya niya. Guguluhin lang niya ako pati ang mga plano ko. Isa siyang malaking basurang panggulo. 

Book Comment (3)

  • avatar
    ReyesEfralyn

    very nice

    11/10

      0
  • avatar
    Khent Joemar

    nice

    25/07/2023

      0
  • avatar
    Neneurot

    oh my gosh hanggang dito palang pala to sana ang kadugtong ay agad maidugtong na please nakakaexcite na ang next,... 😅😍😍 wag sana magtagal ang next....ah please................. saan na po ang next nito pls.update nyo na po. yon my next din at napakaganda na ng story,next pa 31plz.

    12/04/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters