logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

2nd Chapter

People go through so much pain trying to avoid pain, this is the quotes by Neil Strauss.
And I'm one of those people who suffered so much pain in the past and I don't want to feel that pain anymore. Gusto ko yung sakit na maranasan ko ngayon  ay 'yung madali lang maghilom ayaw ko sa sakit na ang tagal mawala kahit na maraming araw, buwan at taon pa ang lumipas.
"Gino Nicholo Galder and Lauren Zinnia Allarde kayong dalawa ang partner sa reporting ," my prof announced
Magkaklase kami ni Sapphi pero we're not partner in this reporting  kasi 'yung prof ang pipili kung sino ang partner mo at tsaka boys and girls daw dapat para fair lahat.
Sinasabi ni Gino sakin na sa library kami gagawa ng report dahil hihiram pa kami ng mga books na kakailanganin.
Pagkapasok palang namin sa library sobrang tahimik lang marami-rami ang tao ngayon because of reporting. We sat on the table near the window para hindi masyadong mainit dahil nakakapasok ang hangin.
"Ahm Lauren, okay lang ba kung ikaw ang maghahanap ng mga libro na kakailangan natin sa reporting? Kasi ako ang magsusulat ng mga important details para sa report natin," si Gino sa marahang tinig tumango naman ako bilang pag-sang ayon
"Oo naman no problem," tumayo ako mula sa pagkakaupo inayos ko muna ang dalawang hairclip ko sa buhok dahil parang matatanggal na, ang haba na pala ng buhok nasa baywang ko na ito plano ko sanang mag pagupit eh kaso sayang daw kasi bagsak na bagsak daw ang buhok ko kaya I decided na hindi nalang siya putulin.
Isa nga pala si Gino sa pinaka matalino at responsable sa klase namin ang swerte ko dahil siya ang partner ko.
Habang abala ako sa pagtitingin sa mga libro dahil hinanap ko pa yung tamang libro para sa reporting. I felt someone is staring at me. I didn't mind it though and focus on searching the book I needed.
"Gotcha!," sa wakas nakita ko narin babalik na sana ako sa table namin nang I bumped into someone, mabuti nalang at di nahulog ang libro may kabigatan pa naman.
Nag angat ako ng tingin sa taong nakabunggo sakin dahil feeling ko malaking tao ito dahil he has a masculined body.
I was stunned for a moment after seeing who the man I bumped in. I bowed my head in shyness. Bakit ba ako nahihiya? Bakit ako kinakaban? Damn di ko alam. Dahil sa sobrang taranta ay umiwas ako at dali-dali na sanang babalik papunta sa table namin, But a strong hand stoped me.
"Miss I'm sorry," napapikit ako sa sobrang kaba at galit, bakit parati siyang nakakasakit pinalagpas ko 'yong nangyari isang linggo ang nakalipas dahil alam kong aksidente lang 'yon pero bakit pati na naman ngayon? Kinakaban ako ngayon dahil sa presenya niya. Why does I feel that he will just hurt me. I'm exaggerating things to much argh! Kainis
I faced him and removed his hand from my elbow.
"Ahm okay lang po, it's just an accident lang naman." na naman ulit kahit alam kong parang sinasadya mo na.
His jaw clenched after hearing what I said and after seeing what I did to his hand. He sighed.
"I'm sorry alright, for all my fault." he murmured huskily tumaas bigla ang balahibo ko sa batok
Bakit ba ang husky ng boses niya? Kainis
"And please stop saying Po, I'm not that old." he said with irration in his voice nabigla naman ako dahil bakit siya pa ang galit? Just wow sanaol.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita parang tataas dugo ko neto ah.
"Ah gumagamit po ako ng Po, dahil you're way older than me and that's sign of respecting you as my senior or as my older brother naiintindan mo?" sabi ko sa kanya sa medyo naiiritang tinig
He scoffed in disbelief and chucked.
"I'm just 23 years old, not that old miss and for your fucking information I'm not your older brother and will never be," he spat and stared at me with his dark eyes.
Bakit ba siya nagagalit? Tangek nagmura pa siya? Sanaol nalang sa kanya tss ang sungit eh siya naman ang may kasalan. Makaalis na nga, nasasayang oras ko sa walang kwentang bagay.
"Ah okay, wala ka na bang sasabihin? Aalis na ako ha, Bye" tumalikod ako at winagayway ang kanang kamay pero hindi paman ako nakakalayo bigla na naman niya akong hinila palapit sa kanya
"Can you come with me?" he said huskily without looking at me, he avoided my gaze.
Eh? Bakit niya ako inaayang sumama sa kanya? Is he knots? May report pa akong gagawin. Rule number 1 namin ni Terah Aral muna bago landi. Kaya Zinnia wag kang lumandi okay. Mabait ka diba? Gusto mong makapagtapos diba? Para tulungan ang mga kapatid mo at para matupad lahat ng mga pangarap niyo.
"Hala di pwede may gagawin pa akong report eh,"
"Just this time I just want to treat you  lunch for peace offering," he said hopefully and stared at me with that soft expression
Bakit naging mabait siya bigla? Okay lang naman sakin na mag sorry kapag may nagawa kang kasalan pero sana huwag nang uulitin pa. Why did his eyes has that soft expression? Ngayon ko lang nakita 'yan ah parati kasi walang emosyon ang mata niya.
Why did he come here? Eh malayo ang building ng Engineering ah.. tsaka may library din sila. For peace offering?
Hindi ko na namalayan na nandito na pala ako sa loob ng kotse niya, kinabit ko na 'yung seatbelt ko para safe tumingin naman siya sakin kung nag seatbelt na ba ako nang nakita niya na ayos na ako ay umandar na siya. I don't know why I'm here kainis. Bakit parang napapasunod niya ako?
Sobrang tahimik ng sasakyan dahil walang nagsasalita sa amin. Ngayon lang talaga ako sumama sa isang taong hindi ko masyadong kilala. Hindi ko alam kung bakit wala akong maramdamang takot dahil baka malinis talaga ang intensyon niya sakin. I always tell myself that it is important not to trust people too much. Kilalanin mo muna sila nang maigi bago ka magtiwala.
But I don't know why I trust him easily. That I found myself beside him and going somewhere I don't know.
His car stop and I see the fancy restaurant outside. Wow! Dito kami mag lu-lunch? Nakita ko namang dali-dali siyang lumabas para pagbuksan ako. Hmm.. Gentleman eyy..
Pagkabukas niya ng pinto lumabas naman ako at ngumiti ng tipid he didn't smile though. Sobrang mahal ata ng ngiti niya.
"Let's go," he said and I only nodded
Sinundan ko lang siya at nang nasa pinto na kami pinagbuksan niya pa ako, tss may kamay din naman ako ngumuso nalang ako, nakita kong lumingon siya sa gawi ko at nahuli ang nakanguso kong labi he stared at it but he immediately looked away.
May bigla namang lumapit sa amin na babae "Hi Sir Carter, goodafternoon," anas ng babae sa masayang tinig
"Nakahanda na po ang reservation niyo," tumango lang siya at hinawakan ang braso ko bigla naman akong napatalon dahil parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko.
Pinaghila niya ako ng upuan nang sa wakas ay nakarating na kami sa mesa.  Umupo naman ako at ngumiti ng tipid sa kanya. Hinid manlang siya ngumingiti pabalik. Such a snob. He sat infront of me. Nakita ko sa may gilid ang babae kanina she smiled at me I smiled back and say Hi.
"Hello Ma'am ang pretty niyo po," humalakhak siya ng konti feeling ko namula ako dahil sa papuring 'yun
"Di ah mas maganda ka nga sakin," siya naman ngayon ang namula nakakatuwa siya parang si Terah lang
"Hala Ma'am hindi po," nahihiya pa siyang nagyuko ng ulo "Ay! enjoy your day po pala Ma'am and Sir," tapos dali-dali siyang umalis hinabol ko pa siya ng tingin hanggang sa nawala na siya sa paningin ko I sighed.
I roamed my eyes around this fancy restaurant grabe ang ganda dito, siguro kapag dinala ko si Macky at Terah dito matutuwa ang mga 'yun pero hindi pa sa ngayon dahil wala pa kaming pera. Siguro kapag naka graduate na ako madadala ko na sila sa mga lugar na ganito at sa mga gusto nilang puntahan. Tapos makikita ko yung mga ngiti nila na walang katumbas. I smiled at that thought. May tumikhim kaya napatangin ako sa harapan at napag tanto na may kasama pala ako kahiya naman.
"You must eat now, I think your starving," sabi niya habang matamang nakakatitig sakin naiilang naman ako sa mga titig niya dahil ang lalim
Dahil hindi ko matagalan ang titig niya tumingin nalang ako sa mga pagkain at napulunok  dahil ang sasarap lahat bigla akong nagutom ah. Dinampot ko naman ang kutsara at tinidor at kumain na. Unang subo ko palang natikman ko na ang sarap ng mga pagkain nila grabe sana nandito sila Macky at Terah naguiguilty tuloy ako.
May bigla na namang tumikhim kaya napa angat ang tingin ko sa taong nasa harapan ko "Are you that hungry?" he asked me "Ang lakas mong kumain people are watching you," bigla naman akong nahiya at tinignan ang paligid at nang makitang may iba nga na nakatingin sakin at yung iba naman  ay walang pake, perks of being rich huh.
Nginuya ko ng tuluyan ang pagkain ko at uminom ng juice tsaka pilit na ngumingiti sa kanya I mouthed sorry baka napahiya siya dahil sakin. Wala man lang reaksiyon at tumitig lang sa kabuuan ng mukha ko naiilang naman ako kaya muli akong yumuko.
Nakita kong hindi man lang nagagalaw ang pagkain niya, is he not hungry? or baka ako lang talaga ang pinapakain niya dahil sa peace offering niya tss.
Nang tapos na akong kumain I wiped my lips with a tissue ang thank God because I'm full. Nag-angat naman ako ng tingin sa taong nasa harap ko, seriously nakatingin lang siya sakin simula kanina hanggang sa natapos akong kumain? I raised my brow. Nakita niya naman 'yun. He smirked and licked his wet red lips. Sinundan ko yun ng tingin.
He chuckled a bit.
"What's your full name?" he asked me in a husky voice
H-huh? Natameme ako sandali, nag iisip ba siya ano ang ang full name ko at hindi siya kumain?
"Gutom ka ba?" bigla ko namang tanong sa kanya
He scratched his right brow and chuckled a bit "No I'm not, busog pa ako when I invited you to come with me so I can treat you lunch," ah ganon akala ko gutom siya eh
"So what's you're full name?" he asked again raising his right brow
Ay hala curious ka teh? Natawa naman ako
"Bakit ka curious sa full name ko?" takang tanong ko "Hindi mo ba alam first name ko?" ay gagi ka Zinnia malamang hindi ka naman famous
"Nope, that's why I'm asking you." parang nawawalan na siya ng gana dahil hindi ko masabi sabi sa kanya full name ko baka mamaya gusto pala ako neto tapos eh add ako sa facebook and then geez you're not his type Zinnia stop assuming
"A-ahm my name is Lauren Zinnia Allarde." I said while looking straighly  at his eyes bigla namang dumilim ang mga mata niya hala anyare?
Bigla naman siyang natauhan at bumalik sa walang emosyon ang mga mata niya.
He smiled flatly.
"Hai un nome bellissimo," he said in a husky voice and smirked "ma non mi piace il tuo cognome." h-huh? Ano daw
He used another language so that I can't understand him? What's the meaning of that?

Book Comment (66)

  • avatar
    LabLab Prieto Sombadon Maynawang

    500

    22d

      0
  • avatar
    Naz Santelices

    its good

    24d

      0
  • avatar
    Valera May

    good story like it

    17/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters