logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Panibagong Unos

Isang mainit na yakap ng malaki at mamuscle na braso ang marahan gumapang saking tyan, pagkatapos nun ay hinapit ako ng mahigpit ng kung sino nasa tabi ko sa kama.
Kaya lumapat saking katawan ang  katawan din ng isang lalaking gaya ko, naramdaman ko ang init ng kanyang katawan. Sumunod nun ay ang padikit ng kanyang labi at ilong saking batok. Tumayo ang balahibo ko dahil ang init ng pagbuga ng kanyang hininga. Napakasarap sa pakiramdam ng gingawa niya sakin pero nagtataka ako kung bakit hinahayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya.
Akala ko'y hanggang dun lang ang magaganap niyang pag cuddle sakin. Nagulat ako ng mabilis niya akong kinabig paharap sa kanya, Ang lakas niya parang stufftoy lang akong napaharap sa kanya. Sa iglap nun ay di ko man lang nakita ang mukha niya dahil sumubsob agad ang mukha ko sa matipunong dibdib niya. Pinilit kong itinulak ang malaking katawan niya.
"Hmmm dito ka lang." malalim ang kanyang tinig.
Parang kumiliti sa pagkatao ko ang malambing at lalaking lalaki niyang boses.
Bakit ganoon kalalaki niyang tao, macho, napakalaking tao at heto  nilalambing niya ako na isa din lalaki.
"Sino ka ba? bakit mo ko niyayakap at bakit katabi kita sa kama ko?" Tanong ko sa lalaking hindi ko maanigan ang mukha.
"Hindi mo ba ko naalala, Ako to ang Brusko ng buhay mo."
Biglang dinukwang ako ng di ko nakikilalang lalaki at hinalikan ako ng napakatamis.
"Brent!!!"
Napabalikwas ako ng bangon, natauhan ako ng pagmasdan ko ang napakalaking kuwarto. Minasdan ko ang kama ko ngunit wala naman akong katabi sa kama. Napapikit ako sabay lamukos ng mga mata ko.
"Nanaginip lang pala ako, sino yun lalaking morenong iyon na nasa panginip ko?"
"Brent???"
"Brusko ng buhay ko?"
"Ang weird ng panaginip ko!"
Tumayo na ko para ayusin ang aking higaan ng biglang pumasok si Bryce.
"Magandang Umaga." bati ko.
Ngunit di man lang ito bumati din sakin sa halip hinawakan niya ang kamay ko at mabilis akong hinatak palabas ng kuwarto. Halos magkadarapa ako sa kakahakbang dahil napakabilis lumakad ni Bryce.
"Bakit tayo nagmamadali?"
"Kailangan nating bilisan." matipid niyang sagot.
"Saan ba tayo pupunta?"
Pagkahinto namin ay sumenyas sakin ito ng ng huwag maingay. Nasa tapat kami ng isang kuwarto at bukas ang pinto. Hinawakan niya ko sa balikat upang sumilip kami sa siwang ng nakabukas na pinto.
Maya-maya pa ay isang kanong security guard ang mukhang nag aayos ng sarili. Napaka guwapo nito at sa katawa't tindig ay pagnanasaan ito ng mga kakababaihan. Kitang kita namin ni Bryce na niyakap ni Kurt ang security guard.
Bigla kaming umalis at nagtago sa makapal na kurtina ng napakalaking bintana dahil papalabas na sila ng kuwarto. Nasindak ako ng huminto sa tapat ng pinagtataguan namin ni Bryce si Kurt na nakaboxer short lang. Tinakpan ni Bryce ang bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay. Nagtitigan lamang kami ni Bryce na tila naguusap na kunti na lang at aalis na sa kinatatayuan si Bryce. Sa wakas umalis na si Kurt, nakahinga na kami ng maluwag nang marinig namin ang pagsara ng pinto ng kuwarto ni Kurt.
"Mag gayak ka na nagbilin sakin kagabi si Kurt na mangagabayo kayong umaga." Utos sakin ni Bryce.
"Marami ka pang malalaman, magiingat ka kay Kurt sinasabi ko sayo." Babala niya sakin.
Iniwanan ako bigla ng pagkasabi niyang iyon.
"Teka!"
Sumenyas lang ito sakin ng huwag maingay.
Bumalik ako sa kuwarto nagulat ako nang makita kong galing sa cr ng kuwarto ko si Kurt.
"Good Morning Angelo, Saan nanggaling ang mahal ko?" nakangiti ito at tilang masayang masaya ngayon umaga.
"Ah ahh,"
Wala akong maisagot dahil sa pagkabigla ko gayundin sa nasaksihan ko kanina yun ang tumatakbo sa isip ko kaya natagalan ako sa pagsagot.
"Ah ku-kuwan nagpahangin kasi ako sa balcony, sumagap ako ng sariwang na hangin." Nauutal kong sagot.
Lumapit sakin si Kurt upang ako'y halikan ngunit umiwas ako dahil sariwa pa sakin ang nakita ko.
"Pasensya na Kurt hindi pa ko nagtotoothbrush." Sagot ko.
"Ang mahal ko nagawa ng lumabas kahit hindi pa nagtotothbrush, Anyway kiss na lang kita sa noo."
Hinalikan nga ako sa noo ni Kurt ng paulit ulit.
"Okay yan na muna sa for now later babawi ka sakin ha, papapuntahin ko ang mga maids dito para ayusan ka maghohorseback riding tayo." Wika niya.
"Maghahanda lang ako iiwan ko na lang bukas yun pinto para makapasok ang mga maids." Sabi ni Kurt.
"Good thing kasi ayaw ko maghintay ng matagal ah excited na kasi ako."
Sabi ni Kurt habang papalabas siya ng kuwarto.
Kurt Pov
Tuwang tuwa ako kay Aizen, No he's not Aizen anymore. He is Angelo now. Akin na siya  Ako na ang buhay niya ngayon at wala na siyang babalikan nakaraan sa buhay niya.
Napakagaling niya sumakay ng kabayo totoo nga ang kuwento sakin kagabi ni John na dating athlete si Aizen champion sa horseback riding.
Hindi ko siya kayang abutan, sa bilis ni Lightning at parang magkasundo na magkasundo sila, gamay nila ang isa't isa na parang matagal na silang mag amo.
Huminto siya sa bandang lilim ng puno at nakatanaw sa malayo. Nang malapitan ko siya ay kaagad akong nagtanong.
"Mahal what's the matter?" Tanong sakin ni Kurt.
"Wala naman Mahal may naalala lang ako?" Sagot ko.
"Anong naalala mo? Gusto mo bang magpahinga na tayo para makapagbreakfast."
Tumango lang sakin ito at saka iginiya si Lightning papunta sa gazebo. Pagkababa namin sa mga kabayo kaagad kaming naupo sa table kung saan nakaready na ang masarap na breakfast namin.
"Oops before mag eat take ka na muna ng vitamins baby." Malambing kong sabi.
Kinuha ko ang bottle na lalagyan ng gamot na Amitriptyline isa itong Anti-depressant drug para sa mga may anxiety dissorder o may depression. Sa tulong ng gamot nakakalimutan ng pasyente ang mga bagay o alaala nagpapalala ng sakit. Ngunit kay Aizen makakalimutan na niya ang nakaraan niya.
"Salamat Mahal!" aniya sabay inom ng gamot na inabot ko.
"Let's Mahal nagutom ako, sa pagsakay natin sa kabayo." Aya ko.
"Ako nga din nagutom ako, di ko akalain makakasakay ako ng kabayo. Kurt dati na ba kong sumasakay ng kabayo? I mean matagal ko na bang alagang kabayo si Lightning?" Tanong ni Aizeb sakin.
Napatikhim ako sa tanong ni Angelo.
"Ah Oo matagal tagal na bakit?"
"Kaya pala wala kong kaba magpatakbo ng kabayo." Napagtanto ni Aizen.
"Kumain ka na mahal mamaya mag zipline naman tayo."
"Masaya din yun, gusto ko na masubukan mag zipline."
Naexcite siya nang sabihin kong mag zipline ako.
"Basta ubusin mo muna lahat ng pagkain natin Angelo alright." Wika ko.
"Sure, Ano paunahan ulit Kurt?"
Napansin kong sumisigla na siya this past few days at mabuti yun para tuluyan na niyang malimutan ang nakaraan niya. Wala ka ng nakaraan Aizen, ikaw na ngayon si Angelo habang buhay.
"Naku Mahal sigurado akong mananalo na ko sayo ngayon hindi katulad kanina nilampaso mo ko sa karera."
Natigilan si Aizen nang mapansin niyang dumaan ang mga bodyguards ko papunta sa katabing bahay ng mansyon upang mag breakfast din.
"Angelo?"
"Angelo, Mahal may problema ba?" kinalabit ko na ito dahil napakatagal na ng kanyang pagkatulala.
"May naalala lang ako Mahal." Sagot niya.
"Anong naalala mo?" Usisa ko.
"Ang weird kasi may lalaki akong napapaginipan pero di ko naman makita ang mukha at saka may naaalala ngayon.... pero di ko naman matandaan kung sino?" Aizen said.
"Kagaya ng mga naka suit na yun, may naaalala akong nakasuot palagi ng suit." Muli pa niyang sabi.
"Baka ako yun mahal, sinasama kasi kita madalas sa trabaho ko noon di ka pa naaaksidente." Mabilis kong tugon.
"Baka nga, ang sarap naman nitong sandwiches."
Nakahinga ko ng maluwanag nang hindi na niya sinikap na alalahanin yun naalala niya. Hindi puwedeng magbalik ang ala-ala niya.
"Gusto mo pa ba Mahal ng sandwiches, papakuha pa ko sa mga maid." Tanong ko.
"Mamaya na lang siguro para sa meryenda natin baka tumaba na ko sa kakain." Sagot niya.
"Kahit tumaba ka mahal okay lang basta sabihin mo lang ang gusto mo ibibigay ko, I love you Angelo." Malambing na sabi ko sabay hawak ko sa kaliwang kamay niya.
"Nakakakilig naman ang sweet ng boyfriend ko, I love you too mahal." Masayang sabi ni Aizen.
               *************
Samantala.....
"Happy Birthday kambal!" Sabay-sabay na bati ng mga bisita.
"Oh sino na iihip ng mga cake?" Tanong ni lime na tito ng mga kambal.
"Oo nga sino magblo-blow?" tanong ni Spocky.
"Sir ilapit niyo na lang po yun mga baby sa mga cake kunwari sila po magblow ng candles para mavideohan at makunan ng pic. tapos kayo na magblow." Instruction ng videographer.
"Sige sige magandang ideya yan. Kunwari ang mga baby ko nag ihip ng mga candles." kako.
Kinuha ko si Baby Brando kay Mama Mira.
"Si Kuya Brando muna."
hawak ng kapatid kong si Spocky ang cake saka ko inilapit si Baby Brando.
"Happy birthday Baby Brando." Masayang awit namin at saka ko hinipan yun cake.
"Yehey!!" sigaw ng mga ninong ninang at napakaraming bisita kanya kanya naman kuha ng litrato kay Brando
Nagulat ako nang bigla silang nagreact kay Baby Brando. Dinakma pala niya ang icing sa gilid ng cake.
Kaagad na pinunasan ni Mama Mira ang kamay ni Brando ng wipes. Pagkatapos ay kinuha ko naman si Baby Aiken kay Mama Ives.
"Oh si Bunso naman Baby Aiken hipan mo yun cake." Masayang sabi nila Mama at Papa.
Hawak naman ni Lime ang cake habang nakaabang ang photographer at videographer na kinuha namin para sa birthday ng kambal.
Kumakawag kawag pa si Baby Aiken nun inilapit ko sa cake.
"Happy birthday Baby Aiken!!!"kanta namin.
Pagkaihip ko ng sa candle ay napaiyak si Baby Aiken sa gulat ng mga pagbati ng mga bisita.
"Hala pinaiyak niyo si Baby Aiken." wika ni Spocky.
"Natakot ba ang Baby ko, huwag ka na umiyak love na love ka ni Daddy. Love na love ka namin."
Unti-unti tumigil sa pagiyak si Baby Aiken habang patuloy kong inaalo.
Nang matigil na sa pag iyak si Bunso ay siya naman ang kinuha ng mga bisita para magpapicture.
"Mama pakainin na natin yun mga bisita,tapos ipamigay na sa mga bata yun mga give aways."
"Anak Brent, bahala na yun mga caterers at coordinators sa mga bisita natin,Magrelax ka lang kasama ng mga bisita mo." wika ni Mommy Ives na lumapit samin nila Mama.
Tulak tulak niya ang wheel chair ni Chairman Mao.
"Maraming salamat po Chairman Mao at Mommy Ives dahil pumayag po kayo dito sa malawak na lupain ninyo ginanap ang birthday ng kambal."
Nakaharap ako saking biyenan at kay lolo ng mga bata.
Pinipilit ni Chairman Mao magsalita ngunit hirap ito dahil sa stroke paralisado ang kanang bahagi ng kanyang katawan. Hinawakan ni Mama Ives ang kamay ni Chairman Mao.
"Naku kita mo pati si Papa gusto magsalita, Ano ka ba naman Brent anak niyo ni Aizen ang kambal kaya nabibilang din sila sa mga Shau-chen, kaya dapat lang na tulungan ka namin sa pagpapalaki sa mga kambal, hindi ba Papa?" wika ni Mama Ives.
Itinaas ni Chairman Mao ang kaliwang kamay niya sabay ungol na tila may gustong sabihin sakin ngunit ni isang salita ay wala itong mabigkas na mabuti, Ang pangalan lang ni Aizen ang malinaw sa kanyang sinasabi.
Hinawakan ko ng mga kamay ko ang kamay ni Chairman Mao pilit niya pa rin binabanggit si Aizen.
"Ai-zhen, Aizhen."
"Huwag na po kayo magsalita Chairman Mao baka makasama pa po sa inyo." Wika ko sa Lolo ni Aizen.
"Hindi pa kasi nagtetherapy si Papa pero kapag nagumpisa na sila ng PT niya magiging maayos si Papa." Wika naman ni Mommy Ives.
"Marahil naalala lang po ni Chairman Mao si Aizen." Tugon ko naman.
"Ganoon na nga siguro, Brent dito na kayo magpalipas ng gabi pinaayos ko na kahapon ang mga guest room dito na kayo matulog para kung sakali abutin ng hapon ang okasyon ng mga bata at least makakapag papahinga na agad kayo , baka mapagod din ang kambal kung bibiyahe pa kayo." Sabi ni Mama Ives.
"Okay lang po ba sa inyo?" Tanong ko.
"Naku Brent ah, magtatampo na kami nila Lime sayo. Huwag mo na kaming ituring na iba isang malaking pamilya na tayo, pagtulungan natin palakihin ang mga kambal. Mag ipon tayo ng masasayang alala sa panibagong yugto ng ating mga buhay wala lang nga si Aizen. Nagpapasalamat ako na minahal mo si Aizen kahit sa napakaraming bagay may hindi nangyaring maganda pero isipin muna naman sarili mo Brent, hindi kami magtatampo kung makahanap ka ng ibang mamahalin." Masayang sabi ni Mama Ives.
"Mama Ives sapat na po saking ang mga kambal." Giit ko.
"Basta kung may kailangan ka, para sa mga bata bukas ang mansyon na ito para sa inyo.Magpapahinga na si Papa maiwan na muna kita Brent mag enjoy lang kayo ha." Muling sabi ni Mama Ives.
"Sige po Mama Ives maraming maraming salamat po."
Bago makatalikod si Mama Ives nakatingin pa rin sakin si Chairman Mao pabalik ng Mansyon.
Kung kanina ay parang balewala sakin ang sinasambit ni Chairman Mao pero ngayon ay nahihiwagaan ako sa ikinikilos niya.
Nang wala na kong mapiga sa utak ko ang pagiisip ko sa gustong sabihin ni Chairman. Inikot ko na ang mga bisita habang inientertain ko ang mga bisita nakita kong kalong ni Mama Mira si Baby Brando at si Lime naman kalong ang pamangkin niyang si Baby Aiken. nakita kong nag iinuman ang ang mga ninong at ninang kasama ang GoVoyz sila Reyster, Kiel, Zeke , Cloyd at may kasama pa silang bago na nagngangalang Justin. Sa pag uusyuso ko sa bago nilang tropa nakita kong magka holding hands si Cloyd at Justin na nakailalim sa lamesa ang kanilang mga kamay.
Naalala ko tuloy si Aizen noon , sa tuwing magkaholding hands kami sa maraming tao ay nahihiya pa ng bahagya si Aizen kaya lalo ko siyang kukulitin at pinakikilig sa mga sweet gesture ko. Napangiti na lang ako ng maalala ko yun. Napansin kong wala si Spocky nasaan na naman kaya iyon? Kaya nang makita ko si Papa ay tinanong ko kung nasaan si Spocky.
Kasalukuyang busy'ng busy si Papa sa pagtitipon ng mga kahong kahon mga regalo ng kambal katulong si Cedrick para hakutin at dadalhin sa loob ng Mansyon.
Sa wakas nakita ko si Spocky sa garden kausap si Kiskey. May namamagitan na ata sa dalawang iyon na ikinalungkot ko ng kunti. Kahit pala mahal na mahal mo ang isang tao kapag wala na ay makakalimutan mo na din. Ako kaya kailan ko kaya malilimutan si Aizen, parang isipin ko pa lang ayaw kong gawin iyon.
Sumapit ang gabi at nakauwi na ang mga bisita kami na lang nila Papa , Spocky Cedrick at ilang maids ang naiwan dito sa pinadausang ng birthday ng kambal iniligpit namin ang mga upuan at nilinis ang kalat maliban na laman sa itinayong magarbong at malaking tolda na akala moy pang debut ang okasyon.
Nakapasok na ang lahat sa kani- kanilang guest room. Magkasama sila Mama Papa at mga kambal, Si Cedrick at Spocky naman ang magkasama sa isang kuwarto.
Oo napagod ako pero pagpasok kong muli sa Mansyon at matagal tagal na yun huli ng ipinatawag ako ni Chief para hanapin si Aizen ng kasalukuyan nawawala ang mahal ko.
Bawat palibot ng mansyon ay naalala ko si Aizen mula sa malaking hagdanan papunta sa itaas, naalala kong bumababa si Aizen dito. Sinalat ko ang hawakan ng hagdanan bago umakyat. Para akong nagbabalik sa nakaraan.
Sa pasilyo naman kung saan dito ang daanan papunta sa kuwarto niya, parang naiimagine ko pa si Aizen na naglalakad habang nakasunod kami ni Cedrick. Huminto pa ito at ngumiti sa amin si Aizen, at biglang tatakbo para takasan kami. Hindi ko alam bakit bigla ako napatakbo nadala ako ng pag iimagine pag aalaala ko kay Aizen.
Napahinto ako sa kuwarto niya At sa tapat ng kuwarto niya ang malaking painting ng larawan ni Aizen. Naisipan kong pumasok sa kuwarto niya mabuti na lamang at hindi ito naka lock.
Hindi ako matakutin at naniniwala sa mga multo pero kung totoong may multo ay sana magparamdam sakin si Aizen. Sana yakapin niya ko para muling kong maramdaman ang pagmamahal niya sakin. Sana ay nakahingi ako ng tawad sa pananakit ko sa kanya bago mangyari ang pinakamapait na yugto ng buhay ko.
Nakita ko ang picture frame ni Aizen kaagad ko iting kinuha sa lamesa at hinalikan ng ilang beses, napatulo ang mga luha ko dahil sa pangungulila ko sa kanya. Wala pa rin pinagbago ang kuwarto na ito ng ilibot ko ang aking paningin.
Napansin ko may kahon na yari sa kahoy na nakalagay sa malaking cabinet. Binuksan ko ito nakita kong may mga tuyong rosas na nakalagay sa loob , isa ,dalawa , tatlo, apat , lima anim pito.
Ito yun mga rosas na nilalagay ko sa flower vase niya tuwing natutulog siya sa gabi. Dahan dahan akong pumapasok dito sa kuwarto na ito na para lagyan ng rosas ang vase , para akong highschool pa noon feeling teenager na kilig na kilig na nagiiwan ng bulaklak kay Aizen. At minsan kapag tulog n tulog si Aizen ay pinagmamasadan ko siya at minsan ninanakawan ng halik.
Dito na umagos ang mga luha ko ng isa-isang magsipagbalikan sa alaala ko ng mga nakakakilig , nakaka tuwang mga sandali kapag kasama ko siya. Sana pala noon araw araw ko siyang hinahalikan niyayakap nilalampong para walang araw na hindi ko pinadama sa kaniya na mahal na mahal ko siya.
Natawa pa ako habang umiiyak sa naisip kong paglalampong ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit malibog akong tao pero pagdating kay Aizen ay nirerespeto ko siya ng sobra ng parang gaya sa mga babae at sa tuwing nagniniig kami hindi ko kahit kailan ginawa ang makapagparaos lang kay Aizen talagang pinaramdam ko sa kanya ang pagmamahal ko at pangagailangan ko ng pagmamahal niya.
Kung alam ko lang na may katapusan pala ang masayang pagsasama namin ni Aizen sana lalo ko pa sana hinigpitan ang mga yakap sa kanya.
Ugh, Ugh ugh fuck agh aghh aghh
"I love you Aizennnnnn,"
Sunod sunod ang pagbulwak ng katas ko sa kalooban ni Aizen."
Idiniin ko pa ng husto ang huling buga ng pagkalalaki ko kay Aizen. Hingal na hingal ako nang makatapos ako sa kanya. Nakapatong pa rin ako sa kanya dahil sa pagod.
"Tama ba narinig ko tinawag mo kong Aizen? Pagtataka ni Aizen
"I did not called you in that name Angelo ."
Inis ko sabi sabay alis ko sa ibabaw niya.
"Kurt may iba ka ba bukod sakin." basag ang boses ni Angelo
Muli kong tiningnan si Aizen with his teary eyes.
"Mahal alam mo naman mahal na mahal kita at bakit ko naman gagawin iyon you know how I am deeply mad in love with you."
"Akala ko kasi.."
"Mahal are you still taking your medicines kala ko bumubuti ka na." I said.
Fuck that shit kung bakit sarap na sarap kasi ako kay Aizen kaya tuloy nabanggit ko totoo niyang pangalan.
"Oo Mahal." Sagot niya.
"We will visit Dr. John in New York baka kailangan na ng bagong reseta ng medicine mo.
Mapusok kong hinalikan ang mga labi ni Angelo halos hindi siya makahingga sa ginawa ko biglang nagring ang phone ko kaya itinigil ko ang paghalik sa kanya. Wala akong saplot na naglakad papuntang lamesa.
"Hello kamusta na pinapagawa ko?"
"Nakakuha na po kami ng magpapanggap na parents ni Sir Angelo."
"How about Brent?" sabay lingon ko mabuti na lamang at nasa banyo si Aizen.
"Sir napabagsak na namin ang negosyo ni Brent Montecillo, ayon sa mga tauhan ko bankrupt na siya." Sagot ng tauhan ko sa kabilang linya.
"Sa wakas, malapit ka na lumuhod hahalik ka sa mga paa ko, Brent."
"Magiging akin ka rin Brent Montecillo!!!"

Book Comment (69)

  • avatar
    Jum Jay A. Rudinas

    I hope there's a book 3 😊😊😊

    03/08/2023

      1
  • avatar
    chalseu

    author angganda, waiting ako sa next part🤭❣️

    21/12/2022

      0
  • avatar
    Periwinkle

    nice

    19/07/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters