logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2 Zachary, The Best Friend.

Halos mawalan ako ng hininga dahil sa kapatid kong nakikinig pala sa tawag namin ni Jeremy kanina.
"I'm asking you Keona, who's Jeremy?" He ask again pero this time lumapit na ito sakin at sinara ang pinto upang hindi marinig ang aming magiging usapan.
"H-He is just-----"
"Don't lie to me sis." Matigas na saad ni Kiro kaya napayuko ako.
I know this is so soon, but it's Kiro naman. Maiintindihan naman niya ako. Right? I hope so.
"He's m-m-my bo-boyfrie-nd." Nauutal kong saad habang nakayuko.
Saglit na katahimikan ang namayani sa aking kwarto ng biglang nag salita si Kiro.
"For real?" Di makapaniwalang saad nya. "Wow!"
Nagulat naman ako sa inakto niya. I'm expecting na magagalit siya sa akin at sasabihing itigil ko dahil baka malaman nila daddy at mommy ang tungkol dito.
"Huh?" I'm confused.
"I'm so proud of you. Noong nasa edad mo ako ay takot na takot ako kila mommy. Habang ikaw, ito at may boyfriend na. Hahahaha" saad ni Kiro.
"Kiro naman eh." Kinakabahan kong saad.
"I'm serious Keona. I'm proud of you. Nakakagawa kana ng desisyon para sa sarili mo. Keep it up." Saad nya at ginulo ang buhok ko.
"Hindi mo ako isusumbong?" Tanong ko.
"Yes. But make sure na makakatapos ka ng pag aaral." Saad nya.
Kinuha niya ang upuan na nasa study table ko at umopo sya doon. Ako naman ay umopo sa gilid ng kama.
"Now tell me about this lucky damn guy." Saad niya habang prenteng nakaupo.
11:30pm na kami natapos mag usap ni Kiro about sa relasyon namin ni Jeremy. Halos malaglag ang panga niya ng malamang 8 years na kami ni Jeremy.
Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng masabi ko ang lahat kay Kiro. I really wanted them to know about Jeremy being my boyfriend, God knows how much I wanted to do it. Pero hindi ko kaya, hindi ko kaya ang mga consequence sa gagawin ko. Ayokong mawala ang lahat ng pinaghirapan namin ni Jeremy, ayokong mawala siya sa akin, ayokong mapahamak siya ng dahil lang sa akin.
I know dad and mom, kapag may binitawan silang salita ay paninindigan nila iyon. Kaya natatakot padin ako hangang ngayon, wala akong sapat na lakas para harapin ang galit nila sa akin.
KINABUKASAN medyo maaga akong na gising dahil sa naging pag uusap namin ni Kiro kagabe.
Pag labas ko ay wala ng tao sa bahay. Bagsak balikat naman akong bumaba ng hagdan. Naabutan ko doon ang mga katulong namin na nag hahanda sa aking makakain ngayong umaga.
"Ma'am, ready na po ang breakfast." Saad nito.
Umopo nalang ako at walang ganang kumain pagkatapos ay hinatid na ako sa school.
Nasa kotse palang ako ay kitang-kita kona si Jeremy sa gate ng school namin. Agad namang nanumbalik ang kaligayahan ko na kanina lang ay nawalay.
Lumabas na ako ng kotse at hinintay na umalis ito bago lumapit kay Jeremy na nag hihintay sa akin.
"Goodmorning love." Nakangiti nitong bati sakin sabay halik ako sa pisngi.
"Goodmorning too." Malambing kong saad. "Bakit ang aga mo? Mamayang hapon pa ang klase mo diba?" Tanong ko.
"Ayukong pumasok sa paaralan ang girlfriend ko ng hindi ako nakikita." Saad nito at ito na naman siya sa pagkindat niya dahilan para mag tawa kaming dalawa.
"Saan ka naman tatambay? Wala pa yung mga kaklase mo dito." Saad ko habang naglalakad papunta sa building ko.
"I'm with Zach, love. Don't worry." Saad niya.
Speaking of Zach, siya lang naman ang bestfriend ng boyfriend ko. Simula ng makilala ko siya ay mabibilang ko lang kung ilang beses kaming nag kausap. And after that ay back to stranger kami.
Tahimik itong tao at kung mag sasalita naman ay minsan lang. Nabalitaan kong wala itong girlfriend ngayon at tinataboy daw niya lahat ng babaeng lumalapit sa kanya.
"Love, may galit ba sakin si Zach?" Tanong ko kay Jeremy.
Natawa naman siya sa tanong ko.
"Wala love. Alam mo naman yung kaibigan ko, pinagkaitan ng kaligayahan ng mundo. Wag mo nalang siyang alalahanin basta hindi siya galit sayo." Saad niya, tumango naman ako. Baka kasi bakla si Zach tapos si Jeremy pala ang gusto niya kaya ganun siya umasta sakin. Nako sinasabi ko sa kanya, kaya kong bumitaw ng suntok kahit babae ako.
Nakarating na kami sa harap ng building namin at nag paalam na. Bawal kasi siyang pumasok dito dahil may mga kaibigan si mommy na mga teachers dito.
Mapayapa akong nag hihintay sa classroom namin dito sa isang subject ko. Di nag tagal ay pumasok ang professor namin at nag simula ng mag discuss.
Lunch time na ng mag kita kami ni Diana sa cafeteria.
"Kamusta ang lakad mo with Thomas?" Tanong ko.
Napangiti naman ng malapad ang gaga.
"Ayun, may progress na. Baka bukas kasal na ako. Hehehe" she giggled.
"Ganun ka kabaliw sa kanya?" Natatawang saad ko.
"Wow! Good for you dahil may stable ka nang lovelife." Sabay irap sa akin na mas ikinatawa ko paa.
Habang kumakain ay nag uusap lang kami. Ng biglang dumating si Jeremy kasama si Zach na straight face lang.
"Love!" Bungad niya sabay halik sa pisngi ko at tumabi sa akin. Agad akong napalingon sa paligid kong may nakakita ba sa ginawa niya, mabuti nalang ay walang nakapansin at buti nalang na nasa pinakasulok kami ng cafeteria umopo.
"Hito na naman tayo Lord!" React ni Diana na ikinatawa namin maliban kay Zach na nakaupo sa tabi ni Diana. "Sana si Thomas nalang ang sinama mo, hindi itong robot mong bestfriend."
"I was forced to go here. if it was just me, I'd rather sleep than sit next to you." Malamig na saad ni Zach.
Natawa naman ako sa reaction ni Diana dahil namula ito sa inis.
"Hoy taong robot. As if naman gusto kong makatabi ka. Ewww lang ha!" Iritang saad ni Diana sabay irap kay Zach na hindi naman siya pinansin.
"Ang cute niyong dalawa." Saad ko habang nakangiti at nakatingin sa kanilang dalawa.
"Tssss." Zach.
"Wow maka-Tsss ka. Ahas ghurl? Ahas?" At nag simula na naman silang mag bangayan.
Naaliw ako sa pag babangayan nilang dalawa at hindi ko namalayan na naka-order na pala si Jeremy ng pagkain. Lintik, naunahan pa ako ah!
"Love, kumain kapa." Saad ni Jeremy.
"Tataba ako niyan." Maktol ko na ikinatawa naman nito.
"Kahit ano kapa, mamahalin padin kita." Kinilig naman ako sa banat na sinabi niya. Hindi ko alam, corny siya pero pag si Jeremy ang nag sabi kahit ata ugat ko sa katawan ay kinikilig.
"Jusko!" React ni Diana na ikinatawa namin ni Jeremy.
Masaya kaming kumakain ng biglang nag ring ang cellphone ko, alarm pala ito sa susunod kong subject.
"Omg. Malalate na ako!" Saad ko sabay mabilis na niligpit ang mga gamit ko.
"Love, finish your food first." Pagpigil sa akin ni Jeremy.
"No love. Pag malate ako ay paniguradong malalaman ito nila mommy at pagagalitan ako. You know my family. I'm sorry love, hope you understand me. I love you, gotta go! See you later, okay?!" Saad ko sabay halik sa pisngi niya.
Agad kong tinakbo ang classroom ko buti nalang at wala na masyadong studyante kaya agad akong nakarating sa classroom.
Humihingal akong napaupo sa malapit na upuan dahil sa takbo na aking ginawa. Gosh! Kailangan ko ng mag exercise, madali na akong mapagud. Mabuti nalang at kapapasok palang din ng professor namin. Umayos na kami ng upo para mag simula at makinig sa discussion.
Sa kalagitnaan ng pagtuturo ng aming guro ay napatingin ako sa bintana ng aming room, itim ang langit senyales na uulan ng malakas mamaya at hindi ako nakapag dala ng payong. Naisip ko bigla si Jeremy, baka may dalang payong siyang payong.
Agad kong pinuslit ang aking cellphone. I secretly opened it and the first thing I saw on my phone when I open it, was Jeremy's message.
From: MyAgapi<3
Love, I'm sorry hindi ako makakasabay sayo. Gagawa kasi kami ng project ni Nico dahil kame ang mag partner. Hope you understand.
Ingat ka sa pag uwi, okay? I love you my Agapi.
---------
Sayang, gustong-gusto kopa naman siyang kasama kapag umuulan. Feeling ko kasi bumabalik kami sa dati naming pagkikita. Pero okay lang, maintindihin naman akong tao at hindi naman nauubos ang ulan kaya next time nalang. Nag reply lang ako after that ay tinuon konang muli ang atensyon sa klase.
Nakasimangot akong nakatulala sa labas ng building namin. Others are running and sheltering under the umbrella of their friends, and here I am Iooking like a fool standing while waiting for a miracle, that Jeremy might come to pick me.
Wake up Keona! Busy yung tao! Wag kang selfish!
Saad ko sa sarili ko at pasimple ko namang sinampal ang aking pisngi dahil kung ano-ano nalang ang pumapasok sa aking isipan.
"Alam ba ni Jeremy na baliw ang girlfriend niya?"
Napatalun ako sa gulat ng may mag salita sa likod ko.
"Z-Zach?" Gulat kong saad.
"The one and only." Bored niyang saad at tumabi sa akin.
"What are you doing here?"
"My pinautos lang si mommy sa kaibigan niyang professor sa building niyo. At umolan kaya hindi ako nakailis agad." Bored na saad niya habang nakatingin sa harapan at pinagmamasdan bawat pag patak ng ulan mula sa kalangitan. Ibinaling ko nalang din ang paningin sa ulan.
Pano kaya ako nito uuwi.
Napatingin ako kay Zach ng kumilos ito. May kinuha siya sa kanyang bag at agad niya itong binuklat.
Payong!!!
Kung may payong siya eh diba dapat ay nakaalis na siya kanina pa?
"Sumabay kana sakin." Aya nito sa akin.
Nawala naman sa isip ko ang tanong na nabuo dahil sa alok niya. Sino ba ako para humindi? Tumango ako at agad na lumapit sa kanya upang sumilong sa kanyang payong.
Minsan lang kami nitong mag kausap pero sa tuwing nag kakausap kami ay saktong umuulan at wala akong payong na dala at kapag hindi ako nasusundo ni Jeremy, bigla-bigla nalang itong susulpot sa kung saan at mag aalok ng tulong, kagaya nito.
"Closer. Mababasa ka niyan." Saad niya kaya umusog ako. "Tssss." Sabay akbay sa akin at mas pinalapit pa ako sa kanya.
Hindi ako nakapagreact dahil sa gulat. This is the first time na nagkalapit kami ng ganito kalapit, kaya naman nakakapanibago talaga.
"Better." Saad niya at nag simula ng mag lakad kaya sumabay na din ako sa pag lakad kahit gulat pa sa ginawa niyang pagakbay. Kahit mapalit na ako sa kanya ay hindi niya padin kinukuha ang kamay niyang nakaakbay sa akin.
"Don't misunderstand. I'm just doing this because you're Jeremy's girlfriend." Saad nito ng makarating kame sa waitingshed na nasa labas ng aming unibersidad.
Agad akong nakahinga ng maluwag. Feeling ko sa ilang minutong kasabay ko siya sa paglakad ay hindi ako humihinga.
"I know, thanks anyway." Pasasalamat ko at kagaya ng dati ay tango lang ang itinugon nito sa akin.
Huminto ang kulay asul na kotse sa aming harapan at alam ko kung kanino iyon.
"Nag hintay kaba sis?" Nakangiting saad ni Kiro ng makalabas ito sa kotse niya at may dalang payong. Siya kasi ang tinawagan ko para mag sundo sa akin, Nalaman ko kasing nasa bahay siya kanina kaya sa kanya nalang ako mag pasundo dahil kasama ni mommy ang driver sa bahay kaya walang mag susundo sakin.
Nag tinginan naman sa kanya ang mga studyante sa paligid na sumisilong sa waitingshed at nag bulong bulongan. Yung iba kinikilig pa. Sino bang hindi eh ang gwapo ng kapatid ko.
"Kararating kolang dito." Saad ko.
Napabaling naman siya sa lalaking katabi ko.
"Zachary?" Saad ni Kiro.
Nandito pa pala to, Akala ko umalis na.
"Yo." Saad ni Zach bilang bati kay Kiro.
"Hindi ko alam na malapit ka pala sa kapatid ko." Kiro.
"Not really, nag kataon lang." Malamig niyang saad.
Napailing si Kiro pero nakangiti ito.
"I see. Wala kanaman ding pag-asa sa kapatid ko. Taken na kasi to." At umakbay pa ito sakin.
Napatingin si Zach sa gawi ko. Alam niya kasi na bawal malaman ng pamilya ko ang relasyon namin ni Jeremy. Sinabi ito ni Jeremy sa kanya.
"You know?" Zach asked.
"Yep. Do you know her boyfriend?" Nakangiting saad ni Kiro.
"He is my best friend." Bored na saad ni Zach.
"What a small world." Nakangising saad ni Kiro. "Oh siya. Mauna na kame ha? At nilalamig na itong kapatid ko." paalam niya.
Tinanguan lang siya ni Zach at nag lakad sa kotse nitong kulay red na hindi kalayuan sa pwesto namin.
Ng makapasok kami sa kotse ni Kiro ay binigyan niya ako ng jacket, saktong nilalamig na ako.
"Kilala mo pala si Zach?" Pag basag ko sa katahimikan sabay start ng kanyang sasakyan.
"Yeah, because of Jeremy." Maikli kong tugon.
"Alam mo ba na sa edad niyang yan ay sobrang talino nito?" Makikita mo ang amusement sa mukha ni Kiro.
"I know that already." Saad ko.
Bukod sa gwapo ito ay matalino din si Zach. Siya nga lagi ang nangunguna sa ranking nila sa kanilang department eh. Civil Engineering din ang kurso nito pariho silang tatlo nila Diana at Jeremy pero kahit daw hindi Business Management ang kinuhang kurso ni Zachary ay sa kanya padin ipapamana ang kompanya ng pamilya nila.
"Nakilala ko siya sa hospital noong dumalaw ako kila mommy. At saktong nandoon ang pamilya niya kasama siya. At alam mo bang nakikisali siya sa usapan nila mommy, he talks like he is a professional businessman. Kaya nagtataka ako kung bakit Engineer ang kinuha niyang kurso eh magaling naman siya sa larangan ng business." Saad ni Kiro.
Pagkarating namin sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto at nag palit ng damit. Baka kasi ako magkasakit kong papatagalin ko pa, medyo nabasa kasi ako ng ulan kanina.
Pagkatapos ay lumabas ako upang kumain. As usual ay masaya silang kumakain at ako naman ay nanatiling tahimik, minsan tinatanong nila ako about sa grades ko and after that ay balik sa dawala kong kapatid ang topic.
Napahiga ako sa kama ng matapos akong kumain. Wala naman ako ginawa masyado sa paaralan pero pagud na pagud ako.
Napaisip ako kung kilan ko ipapakilala si Jeremy sa pamilya ko. Kilala na ako ng buong angkan niya. Minsan na kasing bumisita ang pamilya niya sa apartment nito at proud na proud niya akong pinakilala sa kanila.
I sighed.
Kailan ko kaya magagawa yun kay Jeremy. I hope makapaghintay siya hangang sa kaya kona siyang iharap sa magulang ko. Alam ko na darating din ang panahon na taas noo kong ipapakilala sa kanila si Jeremy bilang boyfriend ko. At sana kapag dumating ang araw na yun ay nasa tabi ko padin sya.
(ITUTULOY)

Book Comment (39)

  • avatar
    Jenny Guerrero

    nice

    31/05

      0
  • avatar
    JA AY

    Nakapaganda

    03/06/2023

      0
  • avatar
    De VeraRayden

    so cute

    20/03/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters