logo
logo-text

Download this book within the app

MMDSI 6

This was embarrassing. Gusto niyang sisihin ang alak at ang kalungkutan niya pero hindi iyon excuse. She tried to seduce Vermont. Mabuti na lang at hindi napariwara ang buhay niya. But it was close. So close. At possible pa ring masira ang buhay niya. Lahat ay nakasalalay sa bibig ni Vermont.
Gusto niyang maiyak pero pinigilan niya ang sarili. Kailangan niyang maging matatag sa pagharap sa mga pagsubok. Kailangan niyang magin matapang na harapin si Vermont kung hindi ay lalamunin siya nito ng buo. The man could be so cruel and taunting. Hindi siya dapat na magpahalata na nasasaktan siya. It was her only means to survive. Hindi ito ang oras para hilingin niyang lamunin siya ng lupa sa sobrang kahihiyan.
Naghilamos siya at nagpalipas ng ilang sandali bago lumabas ng banyo. Inipon muna niya ang lahat ng tapang niya dahil ang totoo ay maiiyak na siya. Sa dinami-dami pa ng tao, bakit kay Vermont pa siya bumagsak nang malasing siya?
“Baby, kumain ka muna,” yaya nito paglabas niya ng banyo.
Dinampot niya ang cellphone niya na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. “Tandaan mo, hindi ako galing dito. Hindi mo ako kasama kagabi. Hindi pa tayo nagkikita. Maliwanag?”
“Aalis ka agad? Akala ko pa mandin sabay tayong magbe-breakfast in bed,” anito at nang-aakit na ngumiti sa kanya.
Wala na siyang gana kahit na mukhang katakam-takam ang breakfast in bed na ihinanda nito. Bed. Kakaibang sensasyon ang gumapang sa kanya nang ma-imagine siya habang katabi si Vermont buong magdamag sa kamang iyon. Di na yata niya gugustuhin pang mag-breakfast sa kama dahil sa masamang alaalang dulot nito.
“Tandaan mo, wala kang sasabihin sa iba ang tungkol sa nangyari sa atin.” Inambaan niya ito ng suntok. “Babangasan ko ang kaguwapuhan mo kapag nangyari iyon,” aniya at dali-daling lumabas ng villa nito.
“I love you, too, baby!” pahabol pa nito sa kanya na parang nanunuya.
Parang gusto niyang takpan ang tainga niya dahil parang umaalingawngaw sa tainga niya ang sinabi nito. She suddenly hated that word. Vermont didn’t mean it. He said it to annoy her. Para gawing katatawanan ang pagkakamali niyang makasama ito ng isang gabi.
She hated herself more for it. Isa itong leksiyon na hindi niya makakalimutan.
Paakyat na siya sa suite nang makasalubong sina Melai at Nani na masayang-masaya at magka-abrisyete pa. “O, Janis! Anong nangyari sa iyo?” tanong ni Melai. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito.
“Kumain ka na ba?” tanong naman ni Nani.
“H-Hindi pa nga,” sagot niya. “M-Magsa-shower muna ako tapos mag-a-agahan na rin ako.” Gusto niyang tanggalin ang lahat ng bakas ni Vermont sa katawan niya. Kung pwede nga lang ay pati alaala nito ay tangayin na rin ng tubig.
“Mamaya ka na maligo. Hanggang alas nuwebe lang ang breakfast buffet nila. Sabay nating i-enjoy ang food,” sabi nito at kinindatan siya.
Napilitan siyang sumunod dito. She couldn’t say no to Melai. Baka kung ano pa ang isipin nito sa kanya kapag hindi siya sumunod lalo na’t kontrobersiyal ang naging usapan nila sa cellphone kanina. Isa pa iyong nakakahiyang pangyayari. JM siya ng JM dito. Nagmukha tuloy siyang baliw.
Hindi siya tuloy gaanong makakain kahit na alam niyang masarap ang pagkain doon. “Saan ka nanggaling? Kanina ka pa naming hinahanap,” sabi ni Melai.
“Nakatulog ako sa cabana. Nakaka-relax kasi ang hangin dito sa labas.”
“Ano? Maganda ang panaginip mo, no?” tukso ni Melai.
“Anong panaginip niya?” tanong ni Nani.
“Na magkasama daw sila ni JM.” Humalakhak si Melai at parang di man lang alintana na nasasaktan ang puso niya. Kinindatan siya nito. “That’s a nice sizzling dream.”
“Lasing lang siguro ako. Kumakain tayo. Ayokong pag-usapan,” aniya sa malamyang tono at pinagdiskitahang kainin ang wheat bread na may palamang ham at sunny side up egg. Sana nga ay panaginip na lang niya ang lahat. Dahil sa panaginip niya, si JM ay si Vermont. Sa ngayon ay nabubuhay siya sa bangungot.
“Oo nga pala, di ba sasabay ng breakfast si Vermont?” tanong ni Melai dahilan para lalo niyang binilisan ang pagkain para may rason siyang manahimik habang nakikinig dito.
“Magbe-breakfast in bed na lang daw siya. Malamang may kasama iyong babae kaya di tayo sinabayan,” tatawa-tawang sabi ni Nani.
May pumasok ang pagkain niya sa daanan ng hangin at napaubo siya. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya. May alam ba si Nani tungkol sa nangyari sa kanila ni Vermont? Oh, gosh! Baka may alam si Nani. Mapapatay talaga niya si Vermont! Maliban na lang kung mas mauna siyang mamatay dito sa pagkasamid at sa sobrang kahihiyan.

Book Comment (55)

  • avatar
    Nam'z Cubin

    it is a nice story.. nakakatouch naiiyak ako

    17/01/2022

      0
  • avatar
    Mary Ann Bancolo Tenepre

    Ganda nito

    28d

      0
  • avatar
    Señoreeyoz Joferden

    totoong writer ba talaga ito ng phr?

    09/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters