logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3 Impediments

Nakasabit pa sa ulap ang buwan at ang dilim pa rin ang nananaig pero handa na ako sa pag-alis.
"Senichi, sigurado ba kayo na kaya n'yo na kayong dalawa lang?" Nag-aalalang tanong ni inay sa akin habang nag-iimpake ako ng mga gamit.
Inilagay ko nang maayos sa isang tela ang mga halamang gamot kasama ang ilang gamit ko.
Isinukbit ko sa leeg ko ang isang bote ng gamot na nakatali sa isang kwerdas.
"Magiging maayos lang kami inay, pangako. Kailangan ko lang gamutin ang kapatid niya, kapalit niyun ang kasiguraduhan na dadalhin ka niya sa nayon," sabi ko sa kaniya at niyakap siya sa huling pagkakataon.
"Mag-iingat kayong dalawa," bilin niya atsaka ngumiti.
"Opo inay, mag-intay ka lang diyan," sagot ko sa kaniya at dahan-dahan kong isinara ang pintuan ng bahay namin.
"(Coughing) Mahal na mahal mo ang nanay mo," napalingon ako kay Fumiko na nag-iintay sa akin sa labas.
"Bago ko magawa 'yun, siya muna ang nagmahal sa akin," sagot ko sa kaniya.
Aalis na sana kami ng biglang marinig ko ang peal call ni Hisa.
Napatingala kami ni Fumiko at nakita na lumilipad si Hisa sa ere paikot kung nasaan kami.
"Hisa! Anong ginagawa mo dito? Kailangan mo magpahinga sa ligtas na lugar! Malapit na ang hibernation," Tawag ko sa kaniya na bigla namang dumapo sa may sanga ng puno malapit sa amin.
"Parang nakita ko na siya dati (Coughing) hindi ba siya ang spirit animal mo?" Tanong ni Fumiko sa akin.
Sa pagkakatanda ko ay tinanong niya rin ako kagabi tungkol dito.
"Hindi. Malaya si Hisa. Hindi ko gustong bumuo ng spirit pact sa pagitan namin at tingin ko ganun din ang nais niya. Sa tutoo lang, para sa akin katulad ng mga tao, anak din ni Inang kalikasan ang mga hayop kaya wala tayong karapatang magdikta kung sino ang dapat tumungtong sa itaas," paliwanag ko sa kaniya habang hinihimas ang pakpak ni Hisa na ngayon ay magaling na.
"Ah, naisip ko lang na mukhang magkasundo kayo kaya (coughing) baka spirit animal mo siya. Alam mo ba na bibihira ang isang lalaking agila? Sa pagkakatanda ko nga may naghahanap sa guild ng isang male eagle (Coughing) Atsaka magiging madali din para sa iyo na bumaba at umakyat sa bundok na ito (coughing) baka nga hindi mo na ako kailanganin. " sagot niya
Napaisip naman ako noong sabihin niya iyun.
"Pasensya ka na pala Fumiko, dahil hindi ako makalakad ng tuwid baka abutin tayo ng ilang araw bago makababa," malungkot na sabi ko sa kaniya.
Ngumisi naman siya sa akin na ipinagtataka ko.
"Isang araw, iyun lang ang kailangan ko."

"Waaaah! Hindi ko...Hindi ko alam na makakakuha ka ng ganitong klase ng kapangyarihan mula sa isang spirit animal," sigaw ko habang sinasalubong ng hangin ang aking balat.
Nakapasan ako sa likuran ni Fumiko habang mabilis siyang sumisibat sa pagtakbo pababa sa bundok.
"Hindi mo rin alam iyun? (Couging) Ito mismo ang dahilan kung bakit baliw na baliw ang mga tao na makakuha ng spirit animal," paliwanag niya habang patuloy sa pagtakbo.
"(Coughing) Handang magbayad ng malaking halaga ang mga mayayamang pamilya sa mga guilds at kumuha ng hunters para makahuli ng gusto nilang gawing spirit animal," dagdag niya.
Marami pa talaga akong hindi alam tungkol sa mundo sa labas. Kaya nagpapasalamat ako na kasama ko si Fumiko.
"Gamit ang lakas mo, magagawa ko na talagang dalhin ang inay sa nayon. Matutupad na ang pangarap namin," bulong ko, pero narinig parin niya ako dahil magkalapit lang ang mga mukha namin.
"Natural lang iyun (coughing) tutulungan mo ang kapatid ko at kapalit niyun ang pangako ko na dadalhin ko kayo ng inay mo sa nayon (coughing)," sagot niya sa akin.
"Pero, kahit na, gusto ko pa rin magpa- Fumiko! May nakausling bato!" Sigaw ko sa kaniya.
Napapikit ako ng mariin at nag-iintay sa pagsalpok namin dito pero noong idilat ko ang mga mata ko ay nakita ko na nasa ere kami.
"Lumilipad ba ako?" sambit ko sa sarili ko bago kami bumagsak sa lupa at magpatuloy sa pag-usad.
"(Coughing) Thoroughbred horse ang spirit animal ko at hindi ibon," natatawang sabi ni sa akin.
Namula naman ang pisngi ko dahil sa hiya.
"Hoy! Wala akong sinabi na ibon ang spirit animal mo. Nagulat lang ako dahil halos magka-edad lang tayo, pero gan'yan ka kalakas," pag-amin ko sa kaniya.
"Tingin ko malakas ka din Senichi, siguro ay mas malakas pa kaysa sa akin. Hindi ko maisip ang lahat ng sakit na tiniis mo para lang sa pangarap ninyo," sambit niya sa isang malumanay na boses.
«Flashback
"Saan ako nagmula?" Nagtatakang tanong niya sa akin
"Tinatanong mo ako kung bakit kita iniligtas tama ba ako?" Paglilinaw ko kay Fumiko.
Papalubog na ang araw at pinintahan nito ng pula ang langit.
"(Coughing) tama. Hindi ako naniniwala na niligtas mo ko dahil lang sa usig ng konsensya mo. (Coughing) ano ang pakay mo sa akin?" Tanong niya pabalik.
Huminga ako ng malalim at napapikit.
Ito na lang ang pagkakataon para magkausap kami. Kailangan ko na kunin ang pagkakataon na ito.
"Iyun ay dahil may suspetiya ako na galing ka sa nayon. Bukod pa doon, nakarating ka sa tuktok ng bundok Tori na walang ibang kasama. Ibig sabihin noon nalabanan mo mag-isa ang mga mababangis na hayop sa gubat na ito. Ibig sabihin noon ay malakas ka, hindi ba?" Paliwanag ko sa kaniya.
"Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit pumunta ka dito? Isinugal mo ang buhay mo para saan? May hinahanap ka ba sa bundok na ito? Kahit na ano pa iyun, sabihin mo sa akin at kukunin ko, pero kapalit niyun ipangako mo na tutulungan mo ako," dagdag ko.
Tila natulala siya sa mga sinabi ko atsaka ngumiti ng mapait at yumuko.
Ngayon ko lang nakitang nagbago ang ekspresyon niya.
"Pumunta ako dito para sa (coughing) nakababata kong kapatid na lalaki," bulong niya at hinawakan ang braso niya na tila nilalamig.
"Anong nangyare sa kaniya?" Tanong ko. Malamang ay malala, dahil hindi naman siya magbubuwis ng buhay kung hindi.
"(Coughing) nakakaranas siya ng hallucinations. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero dati na siyang nagkasakit ng malubha (coughing) gumaling naman siya pero pagbalik niya galing sa ospital hindi siya nagsasalita o gumagalaw. (Coughing)Nakatitig lang siya sa kawalan na parang walang nakikita o naririnig. Sinubukan kong kausapin siya pero hindi siya sumasagot. Akala ko wala na talagang pag-asa, (Coughing) hanggang sa nabanggit sa akin ng isang hunter sa guild ang tungkol sa halamang gamot na maaaring maging gamot laban sa hallucinations niya (coughing) Pero tumutubo lang daw ito sa bundok ng Tori kaya nandito ako. Sawa na akong tignan ng masama o pagtawanan ng mga tao sa nayon. (Coughing) iniisip nila na wala ng pag-asa para sa amin pero gagawin ko ang lahat para mapagaling ang kapatid ko (coughing)," nanginginig ang mga boses niya kaya alam kong umiiyak na siya.
Napabuntong hininga ako atsaka napakuyom ang kamao.
Bakit ba gustong gusto ng mga tao na yurakan ang pag-asa ng iba? Bakit tila nasisiyahan silang sirain ang pangarap ng kapwa nila?
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo," bulong ko sa kaniya.
Napatigil siya sa paghikbi at tumingala para tignan ako ng matalim.
"Naiintindihan mo ako? (Coughing) Talaga lang? Ano bang alam ng isang tulad mo na nabuhay sa bundok na ito? Hindi mo alam ang hirap na dinanas ko sa mundo sa labas! Hindi mo ako naiintindihan!" Tila nadala na siya ng emosyon niya kaya itinulak niya ang balikat ko dahilan para mapaupo ako sa lupa.
Nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib ko.
"Nakita mo ba ang kalagayan ng inay ko?" Bulong ko sa kaniya habang nakayuko at nangingilid ang luha.
"Anong..." Nagtatakang bigkas niya.
"Nakita mo ba kung anong sitwasyon niya? Nagpunta na rin ako sa impyerno, Fumiko," sagot ko sa kaniya at tinignan siya ng matalim.
Napa-atras siya at tila nagulat sa ekspresyon ko.
"Alam ko na wala siyang isang paa, (coughing) dahil sa pinanganak siyang ganun hindi ba? Sabi niya sa akin na nasa lahi niyo daw ang ganung kapansanan," sagot niya sa malumanay na tono na tila nawala ang pagkatapang kanina.
"Iyun ba ang sinabi niya sa iyo? At naniwala ka naman?" Tanong ko sa kaniya na ngayon ay mukhang wala ng ideya.
"Tama nga si inay, siguro ay sa ama ko ako nagmana. Sasabihin ko ang tutoo sayo, Fumiko. Ang mga tao sa labas ang nagtulak sa amin dito," sambit ko atsaka tumayo para harapin siya.
"Mag-iisang taon na rin ang nakakalipas simula noong bumaba kami dito. Simula pa noong bata ako mahilig na ako maglibot sa gubat ng Tori. Nalaman ko kung saan ang mga lugar na ligtas at kung kailan nag-gagala ang mga mababangis na hayop. Puting-puti ang nyebe noon, karaniwan ng mga hayop ay nagtatago at natutulog. Malamig ang simoy ng hangin pero mainit ang pakiramdam ko. Sabi ni inay pagdating sa baba ay sasalubungin kami ng mga tao. Tutulungan daw nila kami para makahanap ako ng doktor para sa sakit ko sa puso," pagsisimula ko.
"Ilang araw lang ay nakarating na nga kami sa nayon. Sinalubong nga kami ng mga tao doon, pero hindi tulad ng inaasahan namin. Dinakip nila kami at pinilit na maglabas ng pera. Noong malaman nila na galing kami sa bundok ng Tori ay nagsimula silang matakot at maghinala sa amin. Inakala nila na mga halimaw kami ayon sa mga kwento at tsaka kami pinahirapan at binugbog. Hindi daw nila kami pakakawalan hanggat hindi kami nagbibigay ng bayad. Wala kaming maibibigay sa kanila na kahit ano kaya naman..." Umihip ang malakas na hangin.
Taglamig na nga. Wala na ang mga tuyong dahin at madalas na ang pag-ulan. Ganitong lamig din ang naramdaman ko noon.
"Pinilit nila akong panoorin ang lahat habang...habang tinataga nila ang mga binti ni inay... At...at..." Tila umiikot ang paningin ko at naririnig ko sa loob ng utak ko ang mga iyak niya.
"...sa-sabi nila para daw hindi na kami makababa sa bundok... Mula sa impyerno na 'yun. Iginapang ko si inay paakyat dito...puting puti ang nyebe...pero noong araw na iyun...nabahiran ito ng pula - " napatigil ako ng maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Fumiko.
"Senichi..." Naramdaman ko ang mainit na patak ng luha niya sa balikat ko.
"Ayoko na bumalik doon, Fumiko. Pero, kung hindi ko gagawin iyun tuluyang mamamatay si inay dahil sa panghihina at impeksyon. Hindi sasapat ang gamot na nakukuha sa gubat. Kailangan siyang magpatingin sa espesyalista," bulong ko sa kaniya.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang luha niya.
"Huwag kang mag-alala, (coughing) Senichi. Dadalhin ko kayo ng inay mo sa ibaba oras na mapagaling mo ang kapatid ko. Ipagtatanggol ko kayo."
End of Flashback»
"(Coughing) Kailangan natin magpahinga saglit," sabi niya sa akin at huminto kami sa tabi ng isang ilog.
Bumaba ako mula sa likod niya at umupo sa isang bato.
Inilibot ko ang paningin ko at nakita na wala na gaanong hayop.
"Maswerte ka at naka-akyat ka bago magsimula ang taglamig. Buti na lang at hindi pa tuluyang nalagas ang mga dahon ng halamang gamot na kailangan mo," sabi ko sa kaniya na ngayon ay umiinom ng tubig sa ilog.
"Ligtas nga pumunta tuwing taglamig dahil sa hibernation, pero (coughing) mawawala na rin ang kailangan ko - bird of paradise," sabi niya habang hawak hawak ang isang bulaklak nito.
"(Coughing) Sinuwerte din ako dahil nandoon ka. Bukod sa niligtas mo ang buhay ko ay marunong ka din sa mga halamang gamot," sagot niya at ngumiti sa akin.
Ngumiti din ako pabalik.
"Sinuwerte din ako dahil malakas ka," balik ko sa kaniya.
"Pero paano ka nga ba nakakuha ng spririt animal?" Tanong ko sa kaniya.
Napatigil naman siya at tila nag-aalangan.
"Tulad ng sabi mo sa kwento mo, (coughing) hindi ka mabubuhay sa mundo sa ibaba kung wala kang pera. Hindi sila tumatanggap ng salamat, (coughing) hindi nila alam ang pagkakawang gawa. Kailangan ko buhayin ang kapatid ko. Kailangan kong magpakatatag, kaya pumasok ako sa pagiging mercenary," paliwang niya.
"Mercenary?" Nagtatakang tanong ko.
"(Coughing) Iyun ang tawag sa mga taong tumatanggap ng mga marurumi at mapanganib na trabaho na walang ibang gustong tumanggap. (Coughing) Karaniwan kami ang sumusugod sa mga dungeon, gubat, ruins, at kabundukan. (Coughing) wala silang pakielam kung mamatay kami, ang mahalaga ay nabayaran nila kami at magawa namin ang trabaho namin," dagdag niya.
"Maraming paghihirap din ang tiniis mo para sa kapatid mo," bulong ko.
"Tama ka, (coughing) pero ayoko naman na lumaki si Mamoru na palaging nasa panganib ang ate niya, (coughing) kaya pumirma ako ng kontrata sa isang guild. Binigyan nila ako ng spirit animal, ng bahay sa nayon, sila din ang nag-asikaso ng paghahanap ng doktor ni Mamoru noon at kapalit noon (coughing) kailangan ko magtrabaho para sa kanila," sabi niya at ngumiti ng mapait.
"Huwag ka mag-alala kapag nasa baba na kami ni inay tutulungan namin kayong magkapatid," pangako ko sa kanya at inalalayan siya sa pagtayo mula sa tabi ng ilog.
"Tara na. Iligtas na natin ang kapatid mo."

"Nakikita ko na ang nayon!" Sabi ko sa kaniya matapos matanaw ang kapatagan.
"Ah. Tama ka, malapit na tayo," sagot niya sa akin at mas bumilis pa ang pagtakbo.
Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin.
Tama siya. Ganitong oras din noong umalis kami sa bahay.
Nilingon ko ang bundok kung saan kami nanggaling. Tila ang liit ng tuktok nito kumpara sa mundong nakalatag sa harapan ko.
"Nandito na (coughing) tayo," hinihingal na sabi niya.
Bumaba ako sa pagkakapasan niya sa akin at inalalayan siya.
"Ayos ka lang ba? Nag-aalala ako na baka hindi ka pa talaga magaling dahil sa pag-ubo mo," tanong ko sa kaniya.
Hinawakan niya ang balikat ko habang naghahabol siya ng hininga.
"Ayos lang ako (coughing) matagal na akong may sakit na ganito. Hindi na mahalaga pa iyun. (Coughing) ang mahalaga mabigyan natin ng lunas si Mamoru," sagot niya at hinawakan ang kamay ko para akayin ako papunta sa bahay nila.
Ang lugar na iyun ay walang pinagbago. Parang anong oras lang ay may hahablot sa akin at pahihirapan ako.
Naramdaman siguro ni Fumiko ang panginginig ng mga kamay ko kaya naman napahinto siya at tinignan ako.
"Senichi, (coughing) kasama mo ako, walang mananakit sa iyo," paniniguro niya sa akin atsaka ako niyakap.
Tama siya. Hindi ito ang panahon para matakot ako. Kailangan ko iligtas ang kapatid niya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at huminto sa isang maliit at lumang bahay.
"Dito kami nakatira. Ito ang lugar na inuupahan namin na nirekomenda ng guild ko. Nasa loob ang kapatid ko," paliwang niya.
Hinawakan ko ng mahigpit ang bote ng gamot na naka-kwintas sa leeg ko.
Gamot ang bird of paradise laban sa hallucinations. Nasubukan ko na ito dahil minsan na akong nabiktima ng cane toad. Kung katulad lang ito noon, hindi imposibleng magamot ang kapatid niya.
Hinawakan ni Fumiko ang bisagra ng pintuan pero bago pihitin iyun ay tumingin siya sa akin.
"Senichi, kapag (coughing) magaling na ang kapatid ko...pwede bang ipagluto mo siya?" Nakangiting tanong niya sa akin.
Ngumiti ako pabalik at tumango. Pagkatapos ay binuksan na niya ang pintuan.
"Mamoru, (coughing) nandito na si ate. Pasensya ka na kung natagalan ako, medyo nagkaproblema lang papunta doon (coughing)," bati niya sa kapatid niya.
Hatinggabi na noon at walang ilaw kung hindi ang liwanag ng buwan sa labas. Natatakpan ng kurtina ang bintana kaya malamlam ang ilaw.
"Pero may maganda akong balita, (coughing) Mamoru. Kasama ko si kuya Senichi, siya ang gagamot sa iyo. Magiging maayos ka na!" Masayang sambit ni Fumiko.
Nakangiti akong lumapit sa pigurang nakaupo sa isang silya malapit sa bintana.
Lumuhod ako sa harapan nito at hinawakan ang kamay niya.
"Kamusta ka na Mamoru? Naikwento ka na sa akin ng ate mo-" nawala ang ngiti sa mga labi ko at nanlaki ang mga mata ko.
Sa pag-ihip ng malamig na hangin ay ang paglipad ng kurtinang tumatabing sa liwanag ng buwan. Pinatayo nito ang mga balahibo ko at tila naubos ang dugo sa mukha ko ng lubos na makita si Mamoru.
"Senichi, (coughing) ibigay mo na sa kaniya ang gamot para makausap na natin siya," nasasabik na sabi ni Fumiko.
Binitawan ko ang kamay ng bata at tumayo para harapin si Fumiko.
Tumingin ako ng diretsyo sa mga mata niya.
"Hindi natin ibibigay ang gamot sa kaniya," iyan ang nasambit ko, dahilan para mawala ang ngiti sa labi ni Fumiko at mapalitan ng pagtataka.
"B-bakit? (Coughing) Anong meron? Hindi ba may gawa ka ng gamot? Ipapainom mo na lang (coughing) sa kaniya hindi ba?" Nalilitong tanong niya.
Nanginginig ang mga kamay ko at parang naninigas ang mga paa ko.
"Si...sinong gumawa sa inyo nito?" Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.
"(Coughing) ng alin? Nagsimula siyang mag-hallucinate simula noong magkasakit siya ng malubha. (Coughing) nagpapasalamat ako na gumaling siya pero sabi nila may mga kumplikasyon pa na naiwan tulad nga niyan (coughing)," paliwanag niya.
Mas lalong tumindi ang galit na naramdaman ko at napakuyom ang kamao ko.
"Fumiko...sino ang nagsabi sa iyo noon?" Tanong ko.
"(Coughing) ang guild master. Tinulungan niya ako sa pagpapagamot (coughing) kay Mamoru. Gumaling siya sa sakit niya pero noong lumipat kami dito sa nayon ay ganiyan na siya," sagot niya.
May mainit na luhang gumuhit sa pisngi ko.
"Kailan... Kailan ka nagsimulang umubo ng hindi normal? Kailan mo naranasan iyan?" Sunod na tanong ko.
Napakunot ang noo niya at napa-atras.
"(Coughing) ano bang sinasabi mo? Hindi na mahalaga pa iyun (coughing) ang mahalaga ibigay mo na iyan kay Mamoru!" Sigaw niya sa akin na gulong-gulo na.
"Fumiko, sumagot ka!" Sigaw ko pabalik.
Tila nabigla naman siya sa emosyon ko at napa-atras pa ulit.
"Siguro ay ilang buwan na rin ang nakakaraan (coughing), walong buwan sa tingin ko," mahinang sagot niya.
Huminga ako ng malalim at napapikit.
"Kailan ibinalik sa iyo ng guild ang kapatid mo? Kailan nila sinabi na magaling na siya? Kailan nagsimula ang hallucinations niya?" Sunod sunod na tanong ko.
"(Coughing) b-bakit ka ba nagkakaganyan? Tinraydor mo ba ako?!" Galit na bwelta niya.
"Fumiko, sabihin mo sa akin ngayon din," mariin na sabi ko.
Napahawak siya sa dibdib niya at yumuko.
"W-walong buwan na ang nakalilipas..." Sagot niya at napahinto.
"Naiintindihan mo na ba, Fumiko?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi...hindi kita maintindihan! Ano bang (coughing) gusto mong palabasin!" Galit na sigaw niya.
"Ibigay mo na ang gamot kay Mamoru para matapos na ang lahat! (Coughing) Gusto ko na siyang gumaling! Bakit mo ba ako pinipigilan?!" Nanggagalaiting sigaw niya.
Tuluyan akong napahagulgol at tinignan siya ng may lungkot.
"Hindi na siya gagaling, Fumiko. Imposible na iyun, dahil ang kapatid mo...si Mamoru ay matagal ng patay. Ang batang nandito ay bangkay na lang."

Book Comment (30)

  • avatar
    Chariz Pantinople

    I like it 😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😊😊😊😊😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄

    18/06

      0
  • avatar
    PintangAeron juls

    eieueuevfvjhygtrrttsfmtitttyufdugdfitjreuehrhrhhrjrjriri4i4ieirirjrrjrjrheu2iro2shsb29 736bzuu3t8wyeieteieeieroeyiedhisoeyerrreruwiwrwieyieteiwyeueyeuehfjrrfeiirurueyro3hrteururieurririrruei3ieieueueieu3eeeeee3kehgriegrieheoehiehrieueuejejuejejeueeeuhehegeoegejeheh gdiftrdyxyfyfbb j4vrj3hrurhru4u3638ef38 yzvei3ye83y2ihr 7272yieuruevr92y38e48ehriri3u39eyeugeieryieye84ye0eyeueuuehe8ueueurheiegeuehrururururhrururfrurhrheiehrheugeheiegehieuehegeigeieyeueieueyioougiugufuguuyufututugyfutytyii33rrrerer

    05/06

      0
  • avatar
    sosoOussama

    good 🏅🥇

    05/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters